KABANATA 46:
Shayna Fabillar
TULALA kong pinagkatitigan ang isang litrato na ibinigay ni Dad sa akin. Litrato ng tunay naming ina ni Kuya Noah, si Maeve. She's beautiful. Nakangiti siya ng matamis sa picture na 'to at masasabi ko na kamukhang-kamukha ko siya kahit saang anggulo.
Kahit hindi kapani-paniwala itong mga nalaman ko ay hindi ko naman mapigilan na makaramdam ng kakaibang saya sa aking dibdib dahil kamukha ko ang aking totoong ina.
Para kaming pinagbiyak na bunga.
I don't want to believe this revelation but I can see and feel that they are telling me the truth. Ramdam kong hindi sila nagsisinungaling sa akin at hindi rin nila ako jino-joke. Sa litrato palang na ito ay isa na ring patunay na hindi nga namin totoong ina si Mommy Ruth.
Ang kinilala at kinagisnan naming ina ni Kuya Noah pero hindi naman pala namin biological mother. Hindi ko maisip na mangyayari ito sa amin. Hindi ko akalain na itatago nila sa amin ang buong katotohanan. Akala ko ay sa mga teleserye lang ito nangyayari, hindi ko lubos akalain na pati rin pala sa totoong buhay.
"I want to know about our real mother," mahinahon ngunit lumuluha kong sambit.
Kumalma na rin ako sa tulong ni Leighton at kasalukuyan kaming dalawa na nakaupo ngayon sa mahabang sofa dahil nanghihina ang buo kong katawan dahil sa nangyaring rebelasyon na 'to. Pero hindi ko pa rin magawang pigilan na mapaluha. I'm glad na nandito si Leighton at siya ang nagsisilbi kong lakas ngayon. Nakahawak lang siya sa aking nanlalamig na kamay at hindi rin siya nagtangkang umalis sa tabi ko.
"Si Jodie at Margot ay totoong magkapatid. Murang edad palang silang dalawa nang mamatay sa sakit ang ina nila. Siguro ay nasa four years old si Jodie that time habang two years old naman si Margot. Sa pagkakaalam ko, limang taong gulang si Jodie nang mag-asawa ulit ang papa nila dahil may nakilala itong babae sa pinagtatrabahuhan nito hanggang sa nagbunga ang pagmamahalan nila at dumating sa buhay nilang mag-asawa si Maeve. Half sister nila Jodie at Margot." panimulang pagkukwento ni Mommy na ngayon ay kumalma na rin kahit papaano pero nababakasan ko pa rin ng lungkot ang mga mata niya.
Hindi naman ako galit kay Mommy. Siguro ay nagtatampo lang ako sa kanya at kay Daddy dahil hindi nila agad sinabi sa akin yung buong katotohanan tungkol sa totoo naming ina ni Kuya Noah. Edi sana nalaman na rin ni Kuya ang tungkol kay Mommy Maeve bago pa man siya mawala sa mundong ito. Nakakapanghinayang lang rin dahil hindi niya nalaman kung sino ang tunay naming ina. Namatay siya na hindi man lang niya nakikilala kung sino si Mommy Maeve.
"Eight years old ako nung makilala ko silang magkakapatid dahil bagong lipat lang sila sa bahay malapit lang sa tinitirahan namin noon. Hanggang sa naging childhood best friend ko sila Jodie at Maeve. I'm not even close to Margot, dahil na rin siguro sa hindi kami magkatulad ng ugali at hindi rin kami madalas nagkakasundo nung babaeng yun." pagkukwento muli ni Mom.
"Sakto lang ang buhay na meron sila, hindi sila mayaman at hindi rin sila mahirap. Ang papa lang nila Jodie ang nagtatrabaho habang ang ina naman ni Maeve ang nagbabantay at nag-aalaga sa kanilang magkakapatid. Unlike me na maswerteng may maganda at maayos na estado sa buhay kahit na nag-iisa lang akong anak ng magulang ko. Not that I'm bragging but I admit that I was born with a silver spoon," mahaba niya pang dagdag.
Tahimik lang kaming nakikinig sa mga kwento niya dahil na rin sa siya ang higit na mas nakakilala kay Tita Jodie dahil sa pagkakaalam ko ay halos kasabay na ni Mommy na lumaki si Tita Jodie. Childhood best friend pa nga sila eh at tinuring pa na parang tunay na kapatid ni Mom ang babaeng yun. Pero wala akong ideya na may isa pa palang best friend si Mommy Ruth, iyon ay ang tunay kong ina na si Mommy Maeve.
BINABASA MO ANG
HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔
General FictionHELLION 6: LEIGHTON HELLION Shayna often visits her mother who has been in a mental hospital for three years, but one day when she visits her mother again, a tall, handsome and hot guy hugs her from behind and doesn't want to let her go. A man with...