KABANATA 9:
Shayna Fabillar
BAGO pa man ako mawala sa sarili kong katinuan ay agad na akong nabalik sa reyalidad. Napakurap-kurap pa ako nang marealize kong ilang minuto na pala akong tulala dito dulot ng ginawang paghalik ni Leighton sa luha ko na ngayon ay nakayapos na naman sa aking beywang ang maskulado niyang braso.
"A-ahm, k-kumain na m-muna t-tayo." utal-utal kong sabi bago ko tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin.
Mabuti na lamang ay sumunod siya at kinalas na rin niya ang pagkakayakap niya sa beywang ko. Sinimulan ko na rin siyang subuan ng pagkain dahil mukhang wala siyang balak galawin yung pagkain niya. Nakatitig lang kasi siya sa akin kaya sinubuan ko na lang.
Marahil ay nakalimutan na rin niya pati kung paano kumain. Sabagay, isa sa mga nakita kong video footage niya sa loob ng ward niya kagabi ay yung sinusubuan siya ng pagkain nung nurse na nakatoka sa pagbabantay at pag-aalaga sa kanya. Ganito rin kasi ang ginagawa ko kay Mom sa tuwing kalmado siya at hindi nagwawala.
May times kasi na nagiging agresibo si Mommy at minsan ay mahinahon lang siya at nakikinig kaya minsan ako ang nagpapakain sa kanya kapag bumibisita ako sa kanya.
Buti na nga lang ay may nakita akong mga pagkain sa lamesa kanina kaya hindi na ako nag-abalang magluto. Siguro ay nag-iwan si Manang Laurasia ng makakain ko dahil kilala niya ako, hindi na ako sumasabay kumain kila Dad at nag-iiwan na lang siya ng pagkain ko sa lamesa. Nasa akin na lang yun kung gagalawin ko ba yun o hindi.
"Ang cute mo," nakangiti kong sambit habang pinapanood ko si Leighton na nginunguya ang kanyang pagkain.
Para talaga siyang bata, jusko po! Punong-puno pa ng pagkain yung bibig niya at habang ngumunguya siya ay nakatingin lang siya sa akin ng diretso. Why doesn't he want to take his eyes off me? Hindi naman ako mawawala na parang bula sa harapan niya eh. Maamo at ang inosente rin talaga ng mukha niya.
Hindi ko tuloy maiwasang tumitig sa gwapo niyang mukha. Walang halong biro, ang gwapo niya talagang nilalang. Maganda at maputi ang kutis ng balat niya. Kulay ocean blue naman ang dalawa niyang mata na kung tumitig sa akin ay para na akong matutunaw at nanlalambot. Matangos ang ilong, perpektong jawline, makapal na kilay at namumulang labi.
Napalunok ako habang hindi ko magawang maalis ang pagkakatitig sa labi niyang namumula. My ghad! Bakit parang ang sarap yatang halikan iyon? Ano kayang pakiramdam na mahalikan ng ganitong kagandang labi? That's obviously soft. He has red kissable lips and I feel like I want to taste his lips. Taste that over and over again until I can't get enough of it.
Shit! Mabilis ko namang binura ang kalandian at kahibangan na naglalaro sa utak ko. Napailing-iling ako at napasampal-sampal sa sarili kong pisngi. Anak ng! Baliw na ba ako?! Ano ba itong katarantaduhan na pinag-iisip ko?!
"Nababaliw ka na talaga, Shayna!" inis kong bulong sa aking sarili.
Pinagnanasahan ko ba si Leighton? What the fuck? Hindi ko dapat iniisip ito! Hindi ako dapat ganito at nagpapadala sa tukso! Baka makulong ako nito nang wala sa oras! Agad kong binura ang mga nasa isip ko at inalis ko na rin ang pagkakatingin ko dito kay Leighton na ngayon ay nilalantakang kainin yung mga prutas.
Malakas naman ang aircon dito sa kwarto ko pero hindi ko naman mapigilang mapapaypay sa sarili ko gamit ang aking kamay. Anak ng tokwa! Bakit umiinit yata yung buong mukha ko? Bakit pinagpapawisan rin ako?! Pakshit talaga na malagkit! Nahinto lang ako sa pagpaypay sa sarili ko nang marinig kong may kumakatok sa pintuan.
"Shayna, anak? Gising ka na ba?" rinig kong salita ni Manang Laurasia sa labas ng kwarto ko na ikinalaki naman ng dalawa kong mata. Shit, shit!
"Shayna? Pwede bang mag-usap muna tayo kahit saglit lang? Alam kong nandiyan ka sa loob dahil wala kang pasok ngayon sa school mo," muling salita ni Manang Laurasia bago siya ulit kumatok sa pinto.
BINABASA MO ANG
HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔
General FictionHELLION 6: LEIGHTON HELLION Shayna often visits her mother who has been in a mental hospital for three years, but one day when she visits her mother again, a tall, handsome and hot guy hugs her from behind and doesn't want to let her go. A man with...