KABANATA 53:
Shayna Fabillar
TATLONG araw na ang nakakalipas mula nang makulong ang baliw na si Margot. Kahit na nakakulong na siya ay hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa niyang magpa-retoke at gayahin ang mukha ni Amara para lang makapasok sa buhay ng mga Hellion.
Para sa gayun ay yumaman siya.
Doon ko lang rin napag-alamanan na matagal na pala niyang pangarap na maging parte sa pamilyang Hellion. Matagal na rin siyang may gusto sa Hellion Quadruplets lalo na kay Lucien subalit nawalan ng saysay ang mga plano niya nang dahil kay Mary.
Nalaman ko rin na may iba pa siyang dahilan kung bakit nagpa-plastic surgery siya ng mukha at ginaya ang mukha ni Amara, iyon ay dahil para hindi siya makulong at mahanap ng mga pulisya.
Noon palang pala ay pinaghahanap na siya ng mga pulis dahil sa kademonyohan na ginagawa niya noon palang nung nagtatrabaho siya bilang Doktor sa mental hospital ni Tita Valencia. Meron na pala siyang warrant arrest dahil sa mga ginawa niya sa mga walang kamuang-muang na mga pasyente lalo na yung ginawa niya kay Lucien na ano nga ulit iyon?
Blow-- what?
Ay ewan, basta ang mahalaga ay nakakulong na siya ngayon at wala na siyang maloloko sa amin. Ang importante ay parehas na silang magkapatid ngayon na nasa loob ng bilangguan at sisiguraduhin naman nila Leighton na mabubulok silang dalawa sa kulungan. Hinding-hindi nila hahayaan na makalaya pa sila.
Sa loob nga ng tatlong araw ay agad na umusad ang kaso, nagkaroon agad ng trial sa loob ng korte para magkaroon ng legal process at mahatulan silang magkapatid kung guilty ba sila o hindi. Malas lang nila dahil may mga hawak kaming matibay na ibidensya laban sa kanila.
Marami kaming mabigat na ibidensya na ipanglalaban sa kanila kaya naman sa loob lang ng tatlong araw ay na-confirm na guilty sila at nahatulan sila agad na life sentence, which means they spend the rest of their life in prison.
Nalaman ko rin na ginamitan ni Dad si Tita Jodie ng mga matatamis na kasinungalingan at si Dad rin pala ang nag-udyok kay Tita Jodie para aminin niya sa korte lahat ng mga krimen na ginawa niya noon. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero masyadong tanga si Tita Jodie dahil sa pag-amin niya sa mga nagawa niyang krimen.
Inamin niya lahat kaya kamuntikan pa silang mag-away magkapatid sa loob ng korte, mabuti na lang ay may mga security agad na umawat. Marahil ay masyadong lulong sa pagmamahal si Tita Jodie kay Dad. Masyado siyang hulog na hulog sa ama ko kaya nagawa na lamang niyang aminin lahat ng mga ginawa niyang krimen.
Galit na galit rin kami ni Mommy nang aminin niya na siya ang may kagagawan kung bakit nahulog si Mommy Maeve sa hagdanan habang pinagbubuntis palang niya ako that time. Sa selos at galit daw niya kaya niya itinulak si Mommy Maeve na naging sanhi para mahulog at magpagulong-gulong ang tunay kong ina na nauwi sa kanyang pagkamatay.
Inamin rin niyang siya rin ang naging dahilan kung bakit namatay ang ina ni Mommy Maeve which is ang lola ko. Nag-away silang dalawa dahil sa pera, humihingi siya ng pera subalit hindi daw siya pinagbibigyan ng lola ko kaya naman nagkaroon ng hatakan.
Naroon rin daw nung mga oras na yun si Margot at pinapanood ang ginagawa ng Ate niya at wala man lang siyang ginawa para umawat! Hanggang sa hindi daw niya sinasadyang matulak ang lola ko dahilan para mabagok ito.
Sa takot niya ay gumawa silang magkapatid ng paraan para hindi sila makulong at sisihin sa nangyari. Nagtulungan sila na dalhin ang katawan ng kaawa-awa kong lola sa loob ng banyo at pinalabas nilang nadulas si lola at nabagok.
Hindi lang iyon ang ginawa nung hayop na Jodie na yun! Siya rin ang dahilan kung bakit nawalan ng preno yung sasakyan ni Kuya Noah! Siya ang nagtanggal ng preno sa kotse ni Kuya at alam iyon ni Margot subalit hindi man lang niya nagawang isumbong ang kanyang kapatid! Ang sasama nila! Mga wala silang puso!
BINABASA MO ANG
HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔
General FictionHELLION 6: LEIGHTON HELLION Shayna often visits her mother who has been in a mental hospital for three years, but one day when she visits her mother again, a tall, handsome and hot guy hugs her from behind and doesn't want to let her go. A man with...