KABANATA 32

14.8K 563 202
                                    

KABANATA 32:

Shayna Fabillar

          PAUWI na kami ngayon ni Leighton at kagagaling lang rin naming dalawa sa pagdalaw kay Mommy. Medyo napatagal-tagal rin kami sa Western Mental Institution dahil napahaba-haba rin ang kwentuhan namin nila Mom at Tita Valencia. Naging laman rin kami ng tukso ni Leighton dahil kay Tita Valencia.

Paano ba naman kasi, nagpaalam si Leighton mismo kay Mom na liligawan ako kaya naman ang magaling kong tiyahin ay hindi kami tinigilan sa panunukso. Nalaman ko rin kanina na dumalaw rin sila Tita Greta at Tito Soren kaya nakilala na rin ni Mommy ang magulang ni Leighton.

At hindi rin ako lubos makapaniwalang gusto na nila Tito Soren na ipagkasundo akong ipakasal sa anak nila! Nagkukwento kasi sa akin si Tita Valencia at siya ang nakasaksi nung sinabi nila Tito Soren iyon kay Mommy.

Jusko po! Hindi naman sa choosy ako at hindi rin sa ayaw ko pero hindi ba pwedeng mag-boyfriend girlfriend muna kami ni Leighton bago pag-usapan ang kasal na yan?

Pero ito namang si Mommy, pumayag! Gusto daw niyang maging manugang si Leighton kaya pumayag siyang ligawan ako ni Leighton at higit sa lahat pumayag rin siya kila Tito Soren na ipagkasundo akong ipakasal sa anak nila.

Kaya naman si Tita Valencia, hindi ako tinigilan sa panunukso sa akin hangga't hindi ako nagiging kasing-kulay kamatis ang pagmumukha ko.

Kanina ko nga lang rin napag-alamanan na nagpupunta pala si Leighton sa Western Mental Institution para dalawin ang Mommy ko habang nasa school ako. Bumalik rin siya kanina sa hospital matapos niya akong maihatid kanina sa school para daw may kakwentuhan si Mommy dahil si Tita Valencia ay busy rin kaninang umaga.

Kaya naman dahil doon ay nadaragdagan ang paghanga ko kay Leighton. Oo, hindi ko maiwasang hangaan si Leighton at mas lalong nagwawala ang puso ko dahil sa kanya. Hindi ko rin akalaing magagawa ni Leighton iyon, ang dalaw-dalawin si Mom habang nasa school ako.

Nagpaalam na rin ako kila Mom na ilang araw muna akong hindi ulit makakadalaw sa kanya sa kadahilan na may camping trip kami ng ilang araw at naintindihan naman niya ako.

Nangako rin naman si Mom sa akin na susundin niya lahat ng mga pinapagawa sa kanya ng Doktor at hindi rin niya kakalimutan na uminom ng gamot para mapabilis ang kanyang paggaling. So far, okay naman siya.

Malaki ang pinagbago ni Mommy ngayon at sobrang saya ko dahil bumalik na siya sa dati. Napag-usapan na rin namin nila Ms. Eva ang tungkol sa plano namin na iuwi na si Mom sa susunod na araw at ituloy na lang sa bahay ang pagpapagamot niya.

Pumayag naman si Ms. Eva pati ang Doktor na mismong humahawak kay Mom kaya baka pag-uwi ko galing camping namin ay makakalabas na rin ng hospital si Mommy at maiuuwi na namin siya sa bahay. Nagpupumilit rin kasi si Mom na lumabas na dahil gusto rin niyang dalawin ang puntod ni Kuya Noah.

At nangako naman ako sa kanya na sabay kaming dalawa na dadalaw kay Kuya Noah kapag nakalabas na siya ng mental hospital. Sa ngayon, kailangan niya pa munang manatili kahit ilang araw pa.

"I really love and admire your smile," bilang salita ni Leighton habang nagmamaneho kaya napatingin ako sa kanya. Doon ko lang narealize na nakangiti pala ako at hindi rin mabura-bura ang ngiti sa aking labi.

Of course! Masaya ako at ang nagpapasaya lang naman sa akin ay sila. Siya, si Mommy, at si Tita Valencia na hanggang ngayon ay wala pa ring boyfriend. Ewan ko ba sa tiyahin kong yun, para bang may balak siyang maging matandang dalaga.

"My smile?" nakataas-kilay kong tanong na ikinatango-tango ni Leighton bago siya matamis na ngumiti.

"Mas maganda ka talagang tingnan kapag nakangiti," aniya na nagpainit naman sa aking buong mukha.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon