KABANATA 45:
Shayna Fabillar
HINDI ko tuloy magawang kalimutan yung nakita ko kanina. Hindi rin ako pwedeng magkamali, talagang si Amara ang nakita ko! Malinaw ko siyang nakita at hindi rin ako nagha-hallucination lang!
I still remember her face.
Minsan ko na ring nakita ang kanyang mga litrato sa kwarto ni Leighton bago sunugin ni Leighton ang lahat ng mga pictures niya kaya hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko kanina.
Hindi naman siguro ako nananaginip ng gising, diba? Patay na siya. At sa pagkakaalam ko ay halos five years na siyang patay. Pero bakit nakita ko siya kanina? Bakit buhay na buhay siya? Bakit nakita ko siya kanina sa tabing gilid ng kalsada malapit sa Western Mental Institution at naghihintay na masasakyan bago siya sumakay sa taxi?
Ang dami ko na ngang iniisip, dumagdag pa yung nakita ko kanina! My ghad, para na akong masisiraan na nang ulo nito! I can't believe she's alive! Ang first love ni Leighton, ang babaeng unang minahal at naging nobya niya.
Nakaramdam tuloy ako ng matinding kaba. Paano kaya kung si Leighton ang nakakita sa kanya kanina? Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang buhay pala si Amara? Ewan, naguguluhan na ako.
Palaisipan tuloy sa akin ngayon kung paano nangyari yun samantalang ang alam ng lahat na patay na siya. Ang dami kong katanungan. How and why is she alive when everyone knows that she has been dead for almost five years?!
"Shayna, anak? Okay ka lang ba, iha?"
Mabilis akong napatingin sa nagsalita.
Si Mommy lang pala. Nakakunot ang kanyang noo habang nagtataka siyang nakatingin sa akin. Doon ko naman napagtanto na narito nga pala ako sa ward room niya at kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng kanyang hospital bed kung saan siya nakaupo habang nakasandal lang ang kanyang likod sa headrest. Naghahanda na rin kami ngayon para sa pag-uwi niya.
Oo, pumayag na ang mga Doktor na humahawak kay Mommy na makauwi na siya sa bahay ngayong araw dahil sa okay naman na siya at tapos na rin siyang obserbahan. Nakita naman na hindi na talaga siya harmful at nakakaya na rin ni Mommy na kontrolin ang kanyang emosyon.
Hindi na talaga siya tulad ng dati na nagwawala, nananakit at tila wala sa sarili. Doc Eva has also confirmed that my Mom is getting better and she is not the same as before. She is recovering from her mental illness, at itutuloy-tuloy na lang ni Mommy ang gamutan niya sa bahay. Kaya heto, naghahanda na kami sa pag-uwi niya.
"Shayna, I'm asking you. Ayos ka lang ba, anak? May nangyari ba? Bakit kanina ka pa tahimik at tulala diyan?" nag-aalalang katanungan ulit ni Mommy sa akin kaya huminga ako ng malalim at tipid siyang nginitian.
"I'm fine, Mom. Marami lang po akong iniisip ngayon," pag-amin ko sa kanya.
"Iniisip? Ano bang problema? You can tell me, Shayna. I am your mother, kaya pu-pwede kang mag-open up sa akin." Aniya at hinawakan ang aking kamay na nakapatong lang sa aking hita bago niya ito marahang pinisil.
"Nag-away ba kayo ni Leighton?" tanong niya na agad ko namang ikinailing-iling ng ulo.
"No, Mom. Hindi po kami nag-away." mabilis kong sagot at saglit pa akong natawa.
Huminga ako ng malalim at saka ko tinignan si Leighton na nasa labas lang ng ward room ni Mommy. He is talking to someone on his cell phone now. Mukha rin na malalim ang pinag-uusapan nila nung taong nasa kabilang linya sa kadahilanan na seryoso ang gwapong mukha ni Leighton.
Kanina lang ay kausap lang niya ang pinsan niyang si Lucius at hindi ko naman alam kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa. I wonder kung sino naman kaya ang kausap ni Leighton ngayon dahil bigla na lang itong tumawag sa cellphone niya habang paakyat kami dito sa ward room ni Mommy.
BINABASA MO ANG
HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔
General FictionHELLION 6: LEIGHTON HELLION Shayna often visits her mother who has been in a mental hospital for three years, but one day when she visits her mother again, a tall, handsome and hot guy hugs her from behind and doesn't want to let her go. A man with...