KABANATA 29:
Shayna Fabillar
SAGLIT ko lang na tinignan si Leighton na tahimik lang na nagmamaneho. Seryoso lang rin ang kanyang mukha na nakatingin sa kalsada at wala siyang kahit na anong imik. Ano kayang nangyari sa kanya? Para kasing ang lalim ng iniisip niya ngayon at animo'y tila may bumabagabag sa kanya.
"May problema ba? Ba't ang tahimik mo ngayon?" hindi na ako nakatiis na itanong iyon sa kanya.
Puno rin ng pag-aalala ang mata kong nakatingin sa kanya. Baka kasi mamaya ay bumabalik ang sakit niya kaya siya tahimik ng ganyan at hindi lang niya sinasabi sa akin. Baka hindi ko namamalayan na umaatake na naman ang trauma niya.
Nakuha ko naman ang kanyang atensyon at tumingin siya sandali sa akin. Ngumiti siya at hinawakan ang aking kamay na nakapatong lang sa hita ko. Hindi pa siya nakuntento at hinalikan pa niya ang likod ng palad ko.
"Yeah, I'm fine. Don't worry, my Shayna." nakangiti niyang sagot sa akin kaya ngumiti na lang rin ako at hindi na muling nagtanong pa. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon pero sigurado ako na may malalim siyang iniisip.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa malaking bahay nila Brett. Sa labas palang ng malaking gate nila ay kitang-kita na naming dalawa ni Leighton ang mga nakaparadang mga sasakyan. Marahil ay maraming bisita ngayon si Brett. Ang iba nga sa kanila ay nasa labas lang, nag-uusap at mga naninigarilyo.
Masasabi ko rin kasi na mayaman itong pamilya nila Brett, bukod pa dun ay sikat pa siya sa pinapasukan naming school kaya nakakatiyak ako na puro mayayaman niyang mga kaibigan ang naririto ngayon sa birthday party niya. Sigurado rin ako na dumalo rin sa birthday party niya ang ibang mga rich kids na nag-aaral sa school namin.
"Susunod na lang ako sa loob, may pupuntahan lang ako saglit." ani Leighton nang matanggal ko na ang suot kong seatbelt matapos niyang igilid sa tabi yung kotse niya. Agad naman akong napatingin sa kanya nang sabihin niya iyon.
"Saan ka naman pupunta?" kunot-noo kong katanungan sa kanya.
"May kukunin lang akong importanteng gamit dun sa kaibigan ko. Huwag kang mag-alala, saglit lang naman ako. Babalik rin ako agad, okay?" aniya kaya wala na akong nagawa pa kundi pumayag na lang at tumango.
"Be careful, my Shayna. Kapag nagka-problema ka at may umaway sayo sa loob, tumawag ka agad sa akin okay?" paalala niya kaya mahina tuloy akong natawa.
"Paano ako tatawag sayo, eh wala akong cellphone number mo?" nakataas-kilay kong turan.
"Anong wala? Na-save ko na yung number ko sa cellphone mo at meron na rin akong number mo," sagot niya na ipinagtaka ko naman.
Paano nangyari yun? Sa pagkakaalam ko ay hindi ko naman ibinigay sa kanya yung number ko ah? Sa curious ko ay kinuha ko agad ang cellphone ko sa aking sling bag. Tinignan ko roon kung naka-save nga ba ang number niya at tama siya, nandito na nga sa cellphone ko yung number niya. Doon ko rin naalala na mahilig nga palang mangialam ng gamit ko itong si Leighton. Yung class schedule ko nga ay nagawa niyang malaman, yung cellphone number ko pa kaya?
Napangiti pa ako dahil sa nakalagay na pangalan doon sa contact, My Baby Big Guy. For sure ay si Leighton ang naglagay nito dito. Napailing-iling tuloy ako ng ulo bago ko ibinalik ang phone ko sa aking bag.
"Sige, papasok na ako sa loob. Bumalik ka agad. Wala pa naman akong mga kaibigan dito," paalam ko na ikinatango niya.
Totoo naman kasi talaga, wala akong kahit na isang kaibigan na dadalo sa birthday party ni Brett. Si Jamila? Ewan, hindi ko alam kung kaibigan pa rin ba ang maituturing ko sa kanya dahil hindi naman na kami tulad ng dati na sobrang close.
BINABASA MO ANG
HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔
General FictionHELLION 6: LEIGHTON HELLION Shayna often visits her mother who has been in a mental hospital for three years, but one day when she visits her mother again, a tall, handsome and hot guy hugs her from behind and doesn't want to let her go. A man with...