KABANATA 34

13.7K 521 126
                                    

KABANATA 34:

Shayna Fabillar

          HAPON na nang sa wakas ay nakarating na rin kaming lahat sa Apollo Camping Site. Nahirapan pa akong kunin yung bag ko na nasa overhead luggage rack dahil medyo may kataasan iyon at hindi ko pa magawang maabot yung bag ko.

Nagsisimula na ring magsibabaan sa bus yung mga kaklase ko. Ngunit natigilan ako nang may kumuha sa bag ko at pagtingin ko sa aking gilid ay si Brett lang pala. Hindi ko man lang napansin na nakatayo na pala siya sa gilid ko.

Walang imik ko namang kinuha sa kanya yung malaki kong bag at hindi na rin ako nagpasalamat sa kanya. Bitbit ko ang aking bag nang makababa na rin ako sa bus at nalanghap ko ang sariwang hangin dahil sa nagtataasang mga puno dito sa Apollo. Bukod pa dun ay maganda at magaan ang ambiance dito.

Malinis pa at may iilan rin akong nakitang ibang mga campers na nagsisiga ng apoy at meron namang nagsisibak ng mga kahoy. Ang ilan sa kanila ay magkaka-pamilya, ang iba naman ay mga magba-barkada.

Walang matataas na talahib na damo kaya mukhang safe naman dito at walang mga delikadong mga hayop tulad na lamang ng ahas. Natanaw ko pa nga mula sa di-kalayuan ang ilog na merong mga campers na namimingwit ng mga isda.

Wow, sobrang ganda naman dito at malawak pa. Hindi tuloy mapigilan ng mga kaklase ko na isa-isang tignan ang mga nasa paligid namin. Hindi lang rin iyon ang nakita ko. May rentahan rin ng mga gamit dito tulad ng mga tent.

Pero ang higit na nakapukaw sa atensyon ko ay ang mga iba't-ibang kulay na camping car na mukhang pinapa-renta rin dito sa Apollo Camping Site. Sa pagkakaalam ko, tinatawag rin itong recreational vehicle or RV for short.

Para rin itong tent ngunit ang pinagkaibahan nga lang dito, isa itong sasakyan na ang loob ay may maliit na kusina, banyo at bunk bed. Wow! As in wow! First time kong makakita ng ganitong klaseng camping car. Ang ganda at nakakamanghang tignan.

Napalinga-linga pa ako para sana hanapin sila Leighton at ang dalawa niyang pinsan pero hindi ko naman sila mahanap. Nasaan na kaya sila? Nakasunod kaya sila sa bus namin kanina?

"Okay, students! Listen!" malakas na sigaw sa amin ng aming Prof para kunin ang atensyon naming lahat.

Lahat naman kami ay napatingin sa kanya dahil na rin sa may hawak siyang pulang hand-holding megaphone para mas marinig namin siya lalo na't marami-rami rin kami ngayon. Ang iba pa naman ay nasa dulo na at medyo malayo-layo na sa gawi niya.

Sinabi lang niya ang mga dapat at kailangan na sabihin lalo na yung mahaba-haba niyang paalala sa amin na dapat naming lahat na sundin. Nag-set rin ang mga kasama naming mga Prof na curfew. Isang curfew kung saan anong oras kami dapat gigising at kung anong oras naman kami dapat nasa loob na ng aming mga camping car or tent.

Inutusan na rin kami ng aming Prof na maghanap ng makaka-partner namin kaya naman agad nang nagkanya-kanya ang mga kaklase ko kung sino ang gusto nilang makasama sa ilang araw naming camping dito pati na rin sa makakasama namin sa aming tent.

Habang ako ay heto, nakatingin lang sa mga kaklase ko. Prente lang rin ako na nakatayo dito at hindi ko alam kung kanino ba ako sasama dahil yung iba ay nagkanya-kanya na at meron na agad na mga partners.

Wala rin kaming kasiguraduhan kung sino-sino sa amin ang maswerteng gagamit ng camping car o kung sino naman ang sa tent dahil imposible naman na maraming nirentahan na camping car ang school namin kaysa sa tent na mukhang makakamura kami sa pagrenta.

At mabuti na lamang ay may natira pang isang babae na kaklase ko na sa pagkakaalam ko ay scholar sa school namin kaya parehas kaming walang ibang choice kundi kami na lang dalawa ang magkasama.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon