KABANATA 14

15.9K 615 143
                                    

KABANATA 14:

Shayna Fabillar

          NAGISING na lang ako kinabukasan na may mabigat na nakahilig sa aking tiyan. Hindi rin ako masyadong makagalaw dahil bukod sa dito ako sa sofa nakahiga ay mayroon pang mabigat na binti ang nakadantay sa aking dalawang hita. Kunot-noo kong tinignan kung sino itong tila tuko na nakayapos sa akin, nakahinga lang ako ng maluwag nang makilala ko kung sino siya.

     Si Leighton.

Jusko! Akala ko kung sino na. Pero bakit naman nakahiga siya dito sa tabi ko? Anak ng tokwa! Ang laki-laki pa naman niyang tao tapos nakipagsiksikan pa siya sa akin dito sa sofa. Nakadagan pa sa aking katawan yung bigat niya kaya halos hindi tuloy ako makagalaw dito. Nakapulupot pa yung dalawa niyang braso sa beywang ko.

Imbes na mainis ako ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong matamis na nakangiti habang nakatitig sa maamong mukha ni Leighton. He is like a kid sleeping soundly and peacefully. Idagdag pa na ang inosente ng pagmumukha niya. Marahan ko lang rin na hinaplos ang kanyang buhok na may kalambutan. Humahaba na rin ito, mukhang kailangan na rin niyang magupitan.

Habang pinagkakatitigan ko siya ay saka ko lang namalayan na gising na pala siya. Ngayon ay nakatingin na siya sa akin kaya lumawak ang pagkakangiti ko sa kanya habang hindi ko naman magawang maalis-alis ang pagkakatingin ko sa kanyang mga mata. My ghad! He really has beautiful ocean blue eyes! Tapos mas mahaba pa ang pilikmata niya kaysa sa akin.

"Hey, baby big guy. Good morning," nakangiti kong bati sa kanya. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa utak ko para tawagin siyang ganun. Mukha kasi siyang baby dahil sa inaakto niya pero malaki siyang tao kaya siguro iyon ang biglang lumabas sa bibig ko.

Buong akala ko rin ay hindi niya papansinin ang pagbati ko sa kanya ngunit napatulala ako bigla nang sumilay sa kanyang namumulang labi ang tipid na ngiti. Isang tipid na ngiti, my ghad! Napakusot-kusot pa ako sa mata ko dahil baka namamalikmata lang ako sa aking nakita pero shit lang! Nakangiti nga siya sa akin!

"Hindi naman siguro ako nananaginip, diba?" wala sa sarili kong naitanong dahil baka namamalikmata lang ako sa nakita ko o baka naman nananaginip ako ng gising.

Parang bata namang tumango-tango si Leighton sa akin bago niya sinubsob ang kanyang mukha sa leeg ko. Hindi naman siya nagsalita subalit napatulala naman ako dahil sa pagngiti niya sa akin kahit na tipid lang yun! At takte, ang gwapo niya! Mas gwapo siya kapag nakangiti! First time ko rin siyang nakitang ngumiti!

"Wow, ang gwapo mo pala kapag nakangiti.." hindi ko napigilang maibulalas iyon dahil sa pagkamangha ko dito kay Leighton.

Hindi naman kasi talaga ako nagbibiro o nagsisinungaling. Ang gwapo niya kapag nakangiti! At ilang beses na rin niya ako napapatulala sa kanya! He is now able to smile even if it's just sparingly. Magandang good news rin ito sa parents niya dahil mukhang may improvement na siya. He can smile now! My goodness.

Bago pa tumatagal ang pagtulala ko dito dahil sa pagngiti nitong gwapong nilalang na 'to sa akin ay tumingin na ako agad sa suot kong relong pangbisig para i-check kung anong oras na ba. Alas-siyete na pala nang umaga.

Hindi pa sapat ang tulog ko at medyo nakakadama pa ako ng antok dahil na rin sa madaling araw na ako nakatulog pero at least may ilang oras pa rin akong naitulog at nagawa ko ring makapagpahinga.

Malamig rin dito sa ward ni Leighton dahil sa aircon na hindi naman kalakasan. Kahit papaano ay nakatulog pa rin ako agad kahit na kanina bago ako tuluyang lamunin ng antok ay naririnig ko ang babaeng pasyente nila Tita Valencia na nagwawala at nagsisigaw. Nahirapan na naman siguro ang mga nurse at ibang Doktor na pakalmahin ang pasyente nilang iyon.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon