KABANATA 55

14.4K 536 142
                                    

KABANATA 55:

Shayna Fabillar

          "PLEASE, don't hurt her. Nakikiusap ako sayo," mahinahong pakiusap ni Leighton sa babaeng ito. Sinunod rin niya ang sinabi ni Margot, hindi siya nagtangkang lumapit sa amin para hindi ako masaktan nitong baliw na babaeng ito.

Napangiwi pa ako sa sakit nang maramdaman ko na rin kung gaano katalas ang hawak niyang scalpel na nakatutok sa gilid ng leeg ko. Maling galaw ko lang talaga ay tiyak na magigilitan na ako nito ng leeg.

Sigurado ako na nagkaroon rin ng maliit na hiwa ang leeg ko dahil ramdam ko na parang may tumulo sa aking leeg pababa sa aking collarbone at nakakatiyak ako na dugo ko iyon. Jusko po! Sana ay hindi ito bumaon sa leeg ko. Ayoko pang mamatay.

"Huwag kang lalapit!" sigaw ni Margot sa kanya, "Ibabaon ko itong hawak kong scalpel sa leeg niya kapag sinubukan mong lumapit dito!" galit niya pang pagbabanta.

"O-Okay, fine. Hindi ako lalapit. Just don't hurt her, please. I'm begging you, don't hurt her." nakikiusap na sagot ni Leighton sa kanya sa mahinahong boses.

Nakikita ko ang takot sa mga mata niya, takot na baka masaktan ako at may masamang mangyari sa akin. Kahit ako ay takot na takot na rin, nangangatog na rin ang buo kong katawan. Pati dalawang tuhod ko ay nanghihina dahil nasa peligro ang buhay ko. Hawak ako ni Margot at nakatutok pa sa aking leeg ang patalim na bagay na hawak niya. Maling galaw ko lang talaga ay tiyak na may kalalagyan ako.

"Sige na, lumabas ka!" utos nitong Margot na ito sa kanya.

Leighton had no choice but to follow her.

Bahagya pang nakataas ang dalawa niyang kamay sa ere habang paatras siyang lumabas sa kwarto ko. There is also caution in every move he makes. Para sa gayun ay hindi ma-provoke si Margot na saktan ako.

"Sige, lumakad ka!" this time ay ako naman ang inutusan niya kaya sumunod na lamang ako.

Ayoko rin namang magilitan ng leeg at maagang mamatay kaya kahit nanginginig ang dalawa kong tuhod sa takot ay hinakbang ko pa rin ang dalawa kong paa para maglakad palabas ng kwarto ko. She was still holding me and the scalpel was still pointed at my neck.

Nararamdaman ko na nga rin ang pagtulo ng sarili kong dugo pababa sa aking dibdib dahil matalas yung hawak niyang scalpel, hinihiling ko na sana huwag itong bumaon dahil tiyak na mas malalagay sa peligro ang buhay ko. Sobrang higpit rin ng pagkakahawak niya sa akin.

Kung wala lang sana siyang hawak na patalim na bagay ay nanlaban na siguro ako para makawala sa kanya. But I fear for my life. I don't want to die yet. Kapag tinangka ko pang manlaban ay baka lalo lang akong gawan ng hindi maganda ni Margot.

Lalo na't mukhang wala na siya sa tamang pag-iisip, nagawa nga niyang makatakas para lang balikan ako. Nakakatiyak rin ako na hindi siya magda-dalawang isip na saktan ako. Baka nga wala lang sa kanya kung mapatay pa niya ako. Maybe she won't regret it if she kills me. Siya na rin mismo ang nagsabi sa akin at galing na rin sa bibig niya na hindi niya ako hahayaan na maging masaya.

"Bilisan mong lumakad!" pagalit niyang singhal sa akin kaya para ba akong mabibingi sa lakas ng matinis niyang boses. Ang lapit-lapit na nga niya sa tenga ko, sumisigaw pa! Anak ng tokwa! Kung hindi lang ako takot na takot sa kanya at kung hindi lang niya ako hawak, baka nginudngod ko na siya sa lupa!

Sinunod ko lang ang sinabi niya hanggang sa makababa kami sa hagdanan. Naabutan naman namin sila Mommy na naroon sa sala at pare-parehas silang mga nagulantang sa kanilang nakita. Halos magkakasabay pa nga silang lahat na napatayo nang makita nilang hawak ako ni Margot at may nakatutok pa sa akin na patalim.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon