KABANATA 12

15.6K 622 153
                                    

KABANATA 12:

Shayna Fabillar

          SAGLIT ko lang na sinulyapan si Leighton na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kama ko habang hawak-hawak niya ng mahigpit ang mga litrato naming dalawa. Yakap-yakap rin niya pati ang aking camera. He didn't want to let it go, kaya naman hinayaan ko na lamang siya.

Chineck ko naman ang orasan, gabi na at kahit narito ako sa kwarto ko ay naririnig ko naman sa labas ang malalakas na tawanan ng mga bisita ni Dad. Mukhang nagkakasiyahan na sila sa ibaba at alam ko rin na nasa sala silang lahat.

Nasilip ko kasi sila kanina kaya alam kong naroon sa living room ang mga bisita ni Dad. Iilan lang naman sila subalit sapat na yun para umingay ang buong kabahayan dahil sa kanila. Kumawala ang malalim kong buntong-hininga bago ako tumayo.

Inayos ko rin muna ang kumot sa katawan ni Leighton bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto ko. Siniguro ko rin na naka-lock ang pinto para walang ibang makakapasok lalo na yung mga katulong pero siniguro ko rin naman na dala-dala ko ang susi ng kwarto ko.

Pababa palang ako sa hagdanan ay rinig na rinig ko na rin ang boses ni Dad na tila ipinagmamalaki at pinagyayabang niya sa mga bisita niya ang paglago ng Fabillar Enterprise simula nang siya daw ang humawak nito.

Tsk, as if naman na malaki ang naitulong niya sa kompanyang iyon samantalang bago niya hawakan ang negosyo ng pamilya namin ay talagang malago na iyon.

And besides, si Kuya Noah talaga ang dapat bigyan ng credit dahil siya talaga ang mas nagpalago ng family business namin. Hindi na lamang ako nagsalita. Walang emosyon ko lang na tinignan ang mga bisita ni Dad na ngayon ay natuon ang atensyon sa akin bago ako dire-diretsong nagtungo sa kusina.

Naabutan ko naman roon sila Manang Laurasia at si Tita Jodie na abala na inaayos sa mahaba naming lamesa ang mga niluto nilang pagkain. Buhat-buhat naman ng isa naming katulong si Theodore, ang aking half brother na ngayon ay naglalaro ng hawak nitong laruan na squishy banana.

Parang gusto ko tuloy kurutin ang sarili kong singit dahil bigla kong naalala si Leighton. Naalala kong siya lang ang umubos ng mga saging kanina at nakita ko pa ang kanyang malaking banana. Jusko po! Kailan ko ba makakalimutan yun?! Kailan ba mabubura sa utak ko na nakita ko ang kanyang.. pulgada!

"Buti naman at bumaba ka na. Halina't kakain na tayo ng hapunan. Gusto ka ring makita ng mga bisita ng Daddy mo," nakangiting turan ni Tita Jodie sa akin subalit hindi ko siya pinansin. Dumiretso lang ako sa refrigerator at kumuha ng maiinom na tubig.

"I'm glad na lumabas ka na sa lungga mo," rinig kong salita ni Dad sa likod ko at hindi ko rin inaasahang susunod pala siya sa akin dito sa kusina. Hindi ako sumagot at uminom na lang ako ng tubig. Nang matapos ay tumalikod na ako at akmang lalabas na sa kusina nang mabilis akong hinawakan ni Dad sa braso ko para pigilan ako.

"Stay here, sasabay kang kakain ng hapunan sa amin. And please, don't embarrass me in front of my guests, Shayna." mahinahong pakiusap ni Dad sa akin.

I took a heavy sigh before I looked into his eyes. I can see in his eyes that he wants me to stay here and join them for dinner. Napaiwas naman ako ng tingin nang masuyong hinalikan ni Dad ang noo ko bago niya ako niyakap.

"Sorry for what happened last night. Sorry for yelling at you. Sorry for slapping you. Masyado lang akong nagpadala sa init ng ulo ko. And I was scared last night, Shayna. Akala ko ay hindi ka na uuwi sa amin. Akala ko napaano ka na sa daan kaya gabi ka na nakauwi," mahinahon ngunit sinserong paghingi ng sorry ni Dad sa akin.

Nararamdaman kong sinsero siya sa paghingi ng tawad sa akin. At kilala ko rin ang Dad ko, kapag may nagawa siyang mali o kasalanan ay agad siyang humihingi ng sorry. Parang gusto ko ring maiyak dahil ngayon ko lang ulit naramdaman ang yakap ni Dad. It's warm and makes me feel better somehow. Hindi na lang ako sumagot sa kanya, bagkus ay tumango na lamang ako.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon