KABANATA 20:
Shayna Fabillar
PINASADAHAN ko saglit ng tingin si Leighton na ngayon ay kasalukuyan na nagmamaneho. Nakasakay na rin ako dito sa Lamborghini Aventador niya at papunta na rin kaming dalawa sa Western Mental Institution para bisitahin si Mom. He can drive even if he uses only one hand to control the steering wheel. Yung isa niya kasing kamay ay hawak-hawak ang kamay ko at ayaw niya itong bitawan.
Paminsan-minsan ay kinakantilan pa niya ng halik ang likod ng palad ko kaya naman hindi ko tuloy magawang maalis-alis ang pagkakatingin ko sa kanya. Parang magaling na yata siya dahil hindi na siya yung Leighton na parang bata kung umakto at tila takot na takot na humarap sa ibang tao. 'O baka naman sa akin lang siya ganito?
"Sigurado ka ba na hindi mo alam kung magaling ka na ba? Paano kung okay ka na pala?" hindi ko na napigilang itanong iyon sa kanya dahilan para saglit siyang mapatingin sa aking gawi.
He smiled, "I don't know, Shayna. Sayo lang ako ganito kakumportable. Nakakaramdam pa rin naman ako ng takot at pagkailang kapag humaharap ako sa ibang tao. I'm still afraid to face my Dad and I don't have the guts to talk to my Mom." pag-amin niya sa akin.
Well, tama nga ang hula ko. Sa akin nga lang siya nakikipag-socialize ng ganito. Marahil ay nagiging okay na siya pero dulot ng matindi niyang trauma ay nakakaramdam pa rin siya ng takot at pagkailang na makipag-usap o humarap sa ibang tao. Maybe he is not ready to socialize with other people. He is really comfortable with me. Sa akin lang.
"Anong nararamdaman mo ngayon?" curious kong tanong sa kanya.
"Contentment.." walang pagda-dalawang isip niyang sagot kaya saglit akong hindi nakaimik. Contentment? Iyon ang nararamdaman niya ngayon? Nangunot tuloy ang noo ko dahil sa kaguluhan. Anong ibig niyang sabihin? Mukhang napansin niya na hindi ko siya na-gets kaya napangiti siya ng matamis sa akin.
"Do you know that you have helped me a lot? You are the reason why I want to live. Ikaw talaga ang nagbigay sa akin ng dahilan para magpatuloy na mabuhay, Shayna. I also don't understand what I felt when I saw you that time when we were on the rooftop," aniya na tila naguguluhan pa.
Kahit ako rin naman ay naguguluhan sa inakto niya that time nung nasa rooftop kaming dalawa at iyon din ang araw na nag-krus ang landas namin ni Leighton. Kahit ako ay napapaisip kung bakit bigla na lang niya akong niyakap at ayaw na niyang umalis ako sa tabi niya. Palagi na lang siyang nakalingkis sa akin na parang tuko kahit na unang beses palang naming nagkita nung araw na yun.
"Bakit? Naguguluhan rin ako, Leighton. B-Bakit ako pa? Bakit mas komportable ka sa akin kaysa sa ibang tao? Bakit bigla mo na lang akong niyakap that time at.. tila ayaw mo ng umalis sa tabi ko?" puno ng kaguluhan kong katanungan sa kanya.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga, "I-I don't know.. kahit ako rin ay naguguluhan sa sarili ko. Basta may kakaiba akong naramdaman nung araw na nakita kita sa rooftop at nakita kitang umiiyak. May parte rin sa akin na para bang nabigyan ako ng pag-asa, na tila may bumubulong rin sa akin na lapitan ka at gusto kitang makilala. Magaan rin ang loob ko sayo at parang.. ikaw yung tipo ng babae na hindi ako magagawang saktan." mahaba niyang pagpapaliwanag.
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang sumilay sa namumula niyang labi ang matamis na ngiti bago niya ako saglit na tignan. Nakikita ko rin sa mga mata niya ang kasiyahan at hindi ko alam kung bakit ang saya-saya niya. Dahil ba sa akin? Ewan, ang assumera ko naman kung iisipin kong dahil sa akin kaya tila ang saya niya ngayon.
"You gave me hope, Shayna. I am comfortable and I feel safe when you are here by my side. Nakakalimutan ko ang mga masalimuot at mapait kong nakaraan dahil sayo. You are the reason why I want to forget my dark past and start over. You are the reason why I want to live again and forget everything. You are the reason why I don't want to make a mistake again. I don't want to be a weak, worthless and hopeless person, Shayna. Because of you, the pain I've been feeling for a long time has disappeared like a bubble.." mahaba niya pang dagdag habang kitang-kita ko kung paano mangislap ang dalawa niyang mga mata.
BINABASA MO ANG
HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔
General FictionHELLION 6: LEIGHTON HELLION Shayna often visits her mother who has been in a mental hospital for three years, but one day when she visits her mother again, a tall, handsome and hot guy hugs her from behind and doesn't want to let her go. A man with...