KABANATA 38

13.7K 544 130
                                    

KABANATA 38:

Shayna Fabillar

          HINDI ko magawang igalaw ang aking buong katawan. Nahihilo ako, dumudoble rin ang aking paningin at nanghihina. Halo-halo na ang mga nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Para rin akong nabingi dahil sa lakas ng impact na pagkakabangga ng truck sa aming sasakyan.

Nang tinangka kong idilat muli ang dalawa kong mata ay doon ko nakita ang nangyari sa amin. Nabangga kami, naaksidente. Tumulo na lamang ang mainit at masagana kong luha nang makita ko ang umuusok at nayuping hood ng sasakyan ni Kuya Noah. Basag rin ang windshield maski ang mga bintana. Ang mga bubog ay halatang tumalsik pa sa aming katawan.

Bakit ganito? Bakit nangyari sa amin ito? Paano kami napunta sa ganitong sitwasyon? Sumagi naman sa alaala ko ang mga nangyari. Nahuli at nalaman ni Kuya Noah na may kinakalantarang ibang babae si Dad. Napag-alamanan naming lahat na may kabit ang aking ama at iyon ay si Tita Jodie, ang matalik na kaibigan ni Mommy.

Kaya naman pinilit kami ni Kuya na sumama kami sa kanya at iwan na si Dad. Hindi naman nag-atubiling pumayag si Mommy kaya kahit malalim na ang gabi at malakas ang buhos ng ulan ay umalis pa rin kami ng bahay.

Tandang-tandan ko rin na nagmamakaawa si Dad na huwag namin siyang iwan ngunit nagmatigas sila Kuya Noah. Nasaktan at nagalit kami sa ginawa ni Dad. Matinding kasalanan ang nagawa niya sa amin! He's a cheater and a liar!

Subalit habang nasa gitna kami ng kalsada ay pinakiusapan ko si Kuya Noah na itigil ang sasakyan dahil natatakot ako. My brother tried to stop the car but the brake did not work. I can clearly see how he repeatedly steps on the brake pedal but the car is unable to stop especially when he is driving at a high speed but the brake still does not work! The heck!

Kilala ko itong Kuya Noah ko. Nakasanayan na nga niyang i-check ang kanyang sasakyan bago siya umaalis. At ito rin ang unang beses na mawalan ng preno ang kanyang kotse. Kahit anong gawin niya ay hindi talaga gumagana ang brake. Ayaw huminto ang kotse niya kaya naman napilitan na lang si Kuya na gamitin ang handbrake.

Hanggang sa napansin na lang namin ang hindi namin inaasahn na paparating at pasalubong na truck na mabilis rin ang takbo. I remember how we were dazzled by the headlights of the truck before the accident happened. Kuya Noah tried to avoid the truck but it was too late.

Nabangga pa rin kami at nagpaikot-ikot ang aming sasakyan sa lakas ng bangaan. Napaiyak na lamang ako nang maalala ko lahat iyon. Kung paano kami mabangga ng truck at magkahilo-hilo dahil sa lakas ng impact nung pagkakabangga sa amin.

Napaigik rin ako sa matinding sakit nang kumirot ang ulo ko. Doon ko lang rin napagtantong duguan ako at maraming natamong sugat sa katawan dahil sa mga bubog. Sinubukan ko ring iginalaw ang aking leeg para lingunin ang mga kasama ko dito sa kotse.

Nagtagumpay naman ako at nagawa kong tignan si Kuya Noah na nakayakap sa akin. Niyakap niya ako bago pa man kami mabangga ng truck. Ginawa niyang pang-harang ang kanyang katawan sa akin para hindi ako mas masaktan at mapuruhan. He chose to save me rather than save himself. Napaiyak na lamang ako dahil sa nangyari sa amin.

Sinakluban pa ako ng matinding takot nang makita ko ang kanyang kalagayan. He was hurt and had many wounds on his body! Halos parang naliligo na rin siya sa sarili niyang dugo. Napansin ko rin na naipit ang paa niya dahil sa nayuping hood at may malaking nabasag na windshield ang nakatarak sa kanyang tiyan na naging dahilan para mas maging duguan siya.

No, no! He needs to be taken to the hospital immediately! Kailangan niyang maagapan na magamot! His situation is dangerous and deadly! He has so many injuries kaya dapat niyang madala agad sa hospital!

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon