KABANATA 6:
Shayna Fabillar
AFTER akong makausap ng magulang ni Leighton ay agad naman akong inihatid ni Tita Valencia pauwi sa bahay. Habang minamaneho niya ang kanyang sasakyan ay hindi naman nawala-wala sa isipan ko yung mga ibinulgar nila Mrs. Greta at ni Mr. Soren tungkol sa buhay nila at pati na rin ang tungkol sa ginawa nilang kapabayaan sa anak nilang si Leighton.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nadamay ang isang inosente at walang kamuang-muang na bata dahil sa kademonyohan at pagiging sakim ng kanyang magulang. I can't believe that Leighton was abused by his father since he was a child! Tapos pinabayaan pa siya ng kanyang ina na walang ibang inisip kundi ang sarili nito at ang binibigay na pera?
Tsk! They are crazy!
Sila itong nasa tamang pag-iisip pero sila naman itong hindi marunong mag-isip! Maaari rin silang makulong dahil sa ginawa nila sa kanilang anak! Hindi ko tuloy maiwasang magngitngit sa sobrang inis at galit sa kanila. Kung ako ang kanilang anak at sa akin nila iyon ginawa, hindi ako magda-dalawang-isip na itaboy sila at itakwil na magulang. I will not give them a second chance!
Pero nakikita ko naman na hindi na sila umaasa na mabibigyan sila ni Leighton ng second chance kahit magmakaawa pa sila sa paghingi ng pangalawang pagkakataon sa kanilang anak. Hindi na rin maibabalik ang dati kahit humingi pa sila ng tawad at paulit-ulit na magsisi sa kanilang ginawang pagkakamali. At ang tanging kagustuhan na lang nila ay gumaling ang kanilang anak. Iyon rin ang hinihiling nila sa akin, ang tulungan si Leighton na gumaling.
Iyon ang hindi ko rin alam kung papaano gawin! I mean, hindi naman ako professional na Doktor para pagaling si Leighton. Hindi rin naman ako doktor at mas lalong wala rin akong sapat na kaalaman kung papaano ba gagaling ang isang taong may sakit sa pag-iisip! Si Mommy nga ay hindi ko magawang makontrol kapag nagpag-panic attack siya at nagwawala, paano pa kaya si Leighton?
All I know is that he calms down when I'm by his side. Iyon rin ang sabi nila Tita Valencia sa akin. Bigla rin daw nagbago ang inaakto ni Leighton na never nilang hindi nakita sa loob ng halos isang taon na pamamalagi niya sa Psychiatric Care Center. He doesn't listen to anyone. At ngayon lang rin nila nakita si Leighton na nakinig at iyon ay sa akin lang.
"I still wonder what kind of magic you did on him," biglang basag ni Tita Valencia sa katahimikan kaya napalingon ako sa kanya.
She smiled as she carefully drove her car. Tinaasan ko naman siya ng isa kong kilay dahil hindi ko naman siya agad na-gets. May pagka-slow pa naman ako lalo na kapag masyadong malalim ang iniisip ko. Lalo na ngayon, masyadong ginugulo ni Leighton ang utak ko. Nagtatalo rin ang isipan ko kung pagbibigyan ko ba ang kahilingan nila Mrs. Greta sa akin, ang tulungan sila na pagalingin ang kanilang anak gamit ang pananatili ko sa tabi ni Leighton at alagaan siya.
"What do you mean, Tita?" nakataas-kilay kong tanong sa kanya.
"Leighton's behavior changed immediately. Tila isang magic na naging maamong tupa siya. He wasn't like that before. Kahit na naka-recover na siya sa schizophrenia niya ay patuloy pa rin naman ang pagiging agresibo niya at bayolente lalo na kapag gusto niyang magpatiwakal." aniya.
"So, ang ibig niyo po bang sabihin ay nagiging agresibo noon si Leighton dahil sa sakit niya? Pero ngayon, nagiging agresibo siya dahil gusto niyang magpatiwakal na?" pagtatanong ko na ikinatango naman niya.
"Nung dumating si Leighton sa Psychiatric Care Center, malala ang schizophrenia niya. Ang ganung klaseng sakit sa pag-iisip ay madalas nakukuha kapag masyado siyang nakakuha ng trauma nung bata palang siya, sa mga masalimuot niyang nakaraan at minsan ay dahil na rin sa family history which means, namamana ang ganung klaseng sakit." paliwanag niya dahilan para mangunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔
General FictionHELLION 6: LEIGHTON HELLION Shayna often visits her mother who has been in a mental hospital for three years, but one day when she visits her mother again, a tall, handsome and hot guy hugs her from behind and doesn't want to let her go. A man with...