KABANATA 23

15.1K 666 184
                                    

KABANATA 23:

Shayna Fabillar

          PAGKAPASOK ko palang sa loob ng bahay ay naabutan ko na agad na nag-iimpake na sila Tita Jodie ng mga dadalhin nilang gamit. Kitang-kita ko iyon dahil sa mga bag at ilang mga maliliit na box na nasa sahig ng sala. Mukhang no choice na sila kundi sundin na lang ang sinabi ko sa kanila kanina na umalis sa pamamahay na 'to.

Tumingin pa sa akin si Tita Jodie ngunit hindi ko na lamang siya pinansin. Hindi ko naman nakita si Dad dito. Marahil ay nasa trabaho pa siya kaya dumiretso na ako sa kwarto ko para kumuha ng dadalhin kong damit at mga ilang gamit na kailangan kong dalhin para sa pag-stay ko ngayong gabi sa bahay nila Leighton, especially ang aking feminine wash at ilang personal hygiene kit.

Agad rin naman kaming umalis ni Leighton sa bahay nang makuha ko na ang mga dadalhin ko. Nagpaalam lang ako kay Manang Laurasia na mag-isleep over lang ako ngayong gabi sa kaibigan ko para hindi siya mag-alala kung bakit wala ako sa kwarto ko. Pagkarating naming dalawa ni Leighton sa mala-mansyon nilang bahay ay agad na bumungad sa amin ang kanyang magulang na nasa sala at mukhang naghihintay sa pagdating ng kanilang anak.

"Oh, thanks God at nakauwi ka na rin!" ani Mrs. Greta na tila yata nabunutan ng tinik sa dibdib nang makita niya kami ni Leighton.

"We're glad na umuwi ka rin, Leighton. Akala namin ng Mommy mo kung saan ka na nagpunta. Nag-aalala kami sayo," salita naman ni Mr. Soren at nakahinga pa siya ng maluwag.

Wala namang kahit na anong imik itong katabi ko. Ni hindi nga rin niya magawang tapunan ng tingin yung magulang niya. Well, I can't blame him. Siguro ay hindi pa nga talaga siya sanay sa ipinapakita sa kanya ng kanyang magulang. Marahil ay hindi pa talaga siya sanay na makitang ganito kabait at nag-aalala sa kanya ang parents niya, hindi tulad noong bata pa siya.

"Hindi po ba siya nagpaalam sa inyo na aalis?" tanong ko sa dalawang matanda.

Umiling-iling naman si Mrs. Greta sa akin, "Parehas na lang kaming dalawa ni Soren na nagulat nung marinig naming may maingay sa garahe. Yun pala ay kinuha niya ang sasakyan niya at bigla na lang siyang umalis na walang paalam sa amin." mahinahon na sambit niya.

Bumuntong-hininga ako at tinignan ko itong si Leighton na ngayon ay napakagat-labi pa at umiwas ng tingin sa akin. Talagang nagsinungaling siya sa akin. Sinabi niya kaninang umaga na alam ng magulang niya na pupuntahan niya ako dito ngunit wala palang kaalam-alam ang kanyang magulang.

"Hindi naman kami nag-abala na tawagan ka dahil paniguradong sayo lang pupunta itong anak namin. At tama nga ang hula namin, tumawag si Doc Valencia sa amin at sinabing magkasama kayong dalawa ni Leighton. Ibinalita rin niya sa amin ang tungkol sa Mommy mo, iha." ani Mr. Soren kaya napangiti ako.

"Ah opo, nakaalala na po kasi si Mommy. Alam na po niya kung sino siya at kung sino rin ako. Nanumbalik na po ang lahat ng alaala niya at ayon po kay Ms. Eva, malaki ang chance ni Mom na mapabilis ang paggaling niya. Pero under observation pa rin siya para makasiguro po ang mga Doktor kung may magbabago po ba sa behavior ni Mom. Kapag nagpatuloy po ang maganda niyang kondisyon, may chance rin po na makalabas na siya ng hospital at sa bahay na lang po niya ipagpapatuloy ang gamutan niya." mahaba kong pagkukwento na ikinangiti nilang dalawa.

"I'm happy for you, iha. Sa wakas ay naaalala ka na ng Mommy mo. Huwag kang mag-alala, dadalawin namin siya ni Soren para kamustahin at para makilala na rin niya kami." masayang turan ni Mrs. Greta na ipinagpasalamat ko naman sa kanya.

"Oh s'ya, kumain na ba kayong dalawa?" pagtatanong ni Mr. Soren. Halos sabay naman kaming umiling-iling ng ulo ni Leighton kasabay rin ang biglaang pagkalam ng malakas nung tiyan niya kaya bahagyang natawa ang magulang niya.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon