KABANATA 27

17.3K 628 149
                                    

KABANATA 27:

Shayna Fabillar

          MALAKI ang pagkakangiti ni Leighton habang pababa kaming dalawa sa hagdan. Aba'y syempre, ngiting tagumpay ang nilalang na 'to dahil sa ginawa naming milagro sa banyo. Matapos kasi naming gawin ang masarap na kiskisan ay agad na kaming nagbanlaw ng aming katawan kahit na nanginginig ang dalawa kong tuhod dulot nung ginawa namin.

Nanghihina ako, buti na lang ay nakayanan ko pang tumayo kahit na parang anytime ay gusto ng bumigay ang aking tuhod! Pasalamat na lang ako ay hanggang kiskis lang ang ginawa namin at nasa akin pa ang pinakamamahal kong Bataan. Mabuti na lang ay hindi naisip ni Leighton na salakayin at putukin ang aking cherry.

"Stop smiling! Baka kung ano pa isipin ng parents mo sayo!" mahina kong asik sa kanya pero ang loko ay tinawanan lang ako. Parang ahas namang pumulupot sa beywang ko ang malaki niyang braso at masuyong hinalikan ang aking ulo bago kaming dalawa na tuluyang pumasok sa loob ng kusina.

"Nandiyan na pala kayo, halina't kakain na." nakangiting turan ni Mrs. Greta sa amin nang makita niya kaming dalawa ni Leighton.

Naroon na rin si Mr. Soren na nakaupo na sa kanyang upuan at nagka-kape. Nakasuot pa siya ng office attire, marahil ay may pasok siya ngayon sa trabaho niya. Ngayon ko nga lang rin napansin na naririto na rin pala yung mga kinuha nilang mga kasambahay. Ang iba ay nagsisimula na sa mga gawaing bahay. Mas mabuti na rin yung may mga katulong sila, at least hindi mahihirapan si Mrs. Greta.

"Nakatulog ka naman ba ng maayos sa kwarto ni Leighton, iha?" pagtatanong ni Mr. Soren sa akin. Oo nga pala, alam nilang dito ako nag-sleep over at pumayag naman sila kagabi na dito ako matulog. Gusto pa nga sana nila na ipagamit sa akin yung guest room pero itong si Leighton ay gustong doon ako sa kwarto niya matulog kaya hinayaan na lang namin kung ano ang kagustuhan niya.

"Okay lang po, sir. Masarap naman po yung tulog ko at hindi rin po ako na-home sick." nakangiti kong sagot sa kanya.

Ang sarap talaga ng tulog ko sa kwarto ni Leighton dahil na rin sa malamig at may kalambutan yung malaking kama niya. Hindi ko nga alam kung anong oras nga ba ako nakatulog kagabi. Hindi ko namalayan na mabilis akong nakatulog sa kakahintay ko kay Leighton na matapos siyang maghilamos sa banyo.

"Ano ka ba, iha. Just call me, Tito Soren. Masyado namang formal kung tatawagin mo pa akong sir. And I'm glad na hindi ka na-home sick," aniya na matamis pang nakangiti kaya napangiti rin ako.

"At Tita Greta na lang ang itawag mo sa akin, Shayna. Sabagay, gustong-gusto naman kitang maging daughter-in-law para sa aking anak," wika naman ng Mommy ni Leighton habang may nakapaskil na ngiti sa kanyang labi na animo'y kinikilig pa.

Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya. Ako? Gustong-gusto niyang maging daughter in-law para sa kanyang anak? Gosh! Parang gusto yatang magpalakpakan ang dalawa kong tenga dahil sa sinabi niya. Kulang na lang ay magpa-confetti ako dahil sa saya. Aba'y sino namang hindi kikiligin kung mismong si Tita Greta na ang nagsabi na gusto niya akong maging daughter in-law?!

"Sige na, magsi-almusal na kayo." muling salita ni Tita Greta, "Teka, may pasok ka ba ngayon, iha?" tanong pa niya sa akin at mukhang ngayon lang niya napansin na nakasuot ako ng school uniform ko.

"Ahm, yes po. May pasok po ako ngayon sa school," sagot ko nang makaupo na kami ni Leighton sa silya namin. Alas-diyes pa naman ang start ng klase ko at alas-otso palang ng umaga kaya hindi pa naman ako late.

"Oh s'ya, kumain na tayo at para hindi rin malate sa school si Shayna." sambit ni Tito Soren kaya naging hudyat naman iyon para magsi-kain na kami ng aming almusal.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon