3

894 29 0
                                    


GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 3

Unedited....

"Shit! Shit! Shit!" pinagsusuntok ni Loki Luis ang manibela at biglang nagpreno saka pinagsusuntok ang ulo. "Tanga ka talaga, Luis! Ang tanga mo!"
Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. Paano kung may nakakita sa kanila ng estudyanteng 'yon?
Sa loob naman ng sasakyan niya hinalikan e.
"Ugh! Daldal kasi!" sabi niya sabay hampas ng manibela. Eh, iyon ang unang pumasok sa isip niya. Isa pa, hindi siya makalabas-labas dahil nakaharang ang sasakyan nito.
"Fuck!" pagmumura niya nang sunod-sunod ang busina ng sasakyan sa likuran niya kaya ipinagpatuloy niya ang pagmaneho pero sa halip na umuwi, sa bar siya ng Tito Jacob niya dumiretso.
"Ba't ka nandito?" tanong ni Jacob.
"Si Tita Hael po?"
"Sa bahay."
"Painom lang po."
"Sarado pa kami," nakakunot ang noong sabi ni Jacob.
"Sa VIP lang ako," matamlay na sabi ni Loki Luis.
"May problema ba?"
"Alam mo pong marami," sagot ng binata. Apat naman ang mga ito pero bakit sa henerasyon pa nila kumuha ng magiging fraternity king? Isa pa, si Tita Hael niya naman ang sorority queen kaya dapat na sa mga anak nito humugot ng king. Bakit siya pa?
"Kumuha ka lang, hindi kita masasamahan, may lakad ako."
"Gusto ko rin pong mapag-isa," sabi niya saka kumuha ng maiinom at dumiretso sa VIP room at uminom mag-isa.
Nag-text pa nga ang Tito Jacob niya kung gusto niya ng babae pero hindi siya nag-reply. Alam nilang never pa siyang nagkaroon ng girlfriend pero meron naman siyang bed warmer noon. Kusa nitong binigay ang sarili kahit na wala silang label, si Sheryl. Pero ito na mismo ang lumayo nang makipagbalikan ang first love nito. Alam ni Gab iyon. Open-minded si Sheryl at pustahan lang ang nangyari kaya friends pa rin naman sila. Isa pa, matino na ang babaeng 'yon ngayon.
Inom lang siya nang inom hanggang sa nakaramdam na siya ng pagkahilo. Napatingin siya sa tatlong bote ng alak kaya napamura na naman siya. Tatlong bote lang at heto siya, tipsy na kaya nahiga muna siya sa couch.
"Sir?" paggising ng pumasok na barista kaya nagmulat siya ng mga mata. "Tumawag si Ma'am Maye, uwi na raw po kayo."
Nahihilong tumayo siya at nagpasalamat saka lumabas. Madilim na sa paligid at may nagbabanda na kaya napasulyap siya sa wristwatch. 7.30 na ng gabi at nakalimutan niyang may family dinner sila sa mansion ngayon.
"Psh! Mas okay na ma-late ako para wala nang ulam," bulong niya nang pumasok sa sasakyan at nagmaneho. Pustahan, bibida na naman ang pinakamasarap na beefsteak ng Lola Ann nila sa hapag-kainan.
Medyo madilim sa daan dahil walang streetlight kaya napakunot ang noo niya. There's something wrong kaya maingat na kinuha niya ang baril sa ilalim ng upuan niya gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa ay nagmamaneho.
"Shit!" pagmumura niya nang paulanan siya ng bala kaya napayuko siya at biglang nagpreno. Saka lang niya naalalang bulletproof pala ang sasakyan niya kaya bigla siyang dumungaw para tingnan kung saan nakapuwesto ang kalaban pero tunog na lang ng motorsiklo ang kaniyang narinig.
"Damn!" gigil na sabi niya at inuntog ang ulo sa manibela. Hanggang ngayon, hindi pa rin humuhupa ang pagkabigla niya. "Ayaw ko na talaga maging frat king!"
Sinubukan niyang paandarin ang sasakyan. Wala namang problema ang gulong kaya mabilis na nagmaneho na siya bago pa may umusisa.
"Papatayin talaga niya ako?" bulong niya at naningkit ang mga mata. Sobrang daming tama ng bala sa windshield niya.
Pagdating ng bahay, agad na isinumbong niya sa lolo ang nangyari.
"Nananakot lang 'yon," sabi ni Dylan. "Dahil kung gusto ka talagang patayin, dapat pati gulong ko." Nasa meeting room silang tatlo at pinag-uusapan ang nangyari.
"Nananakot?" bulalas niya.
"Kumalma ka nga. Nerbiyoso ka rin e!" saway ni LL.
"Aminado naman silang protektado ang sasakyan mo. Nananakot lang talaga sila at gustong iparating na nabubuhay na sila," sabi ni Dylan pero iba ang nasa isip ni Loki Luis.
"Kaya mag-ingat ka na, bawal muna ang girlfriend at lumapit sa kahit na sinong babae," bilin ni Lance Leonard na ikinasama ng tingin ng anak niya. "What? May reklamo ka ba, Loki Luis?"
"Ikaw na lang kaya ang maging king, dad? Tutal, matapang ka naman," suhestiyon niya.
"Aba--" Lance Leonard.
"Tama na!" saway ni Dylan sa mag-ama. "Gamitin mo na lang ang isang sasakyan para mapaayos ko ang sasakyan mo. Mga three days pa."
"Fine!" pikong sabi ni Loki at lumabas ng meeting room.
"Apo, kain ka muna," yaya ni Anne nang mapadaan siya sa sala.
"Wala akong gana, Lola Ann," sagot niya.
"Pero kailangan mong--"
"I almost die, Lola. Kung papakainin mo ako, hindi ko kayang lunukin at baka mabulunan lang ako."
"G-Gano'n ba? Sige, sige. Pahinga ka muna," nag-aalalang sabi ni Ann kaya
nakahinga nang maluwag si Loki Luis at mabilis na naglakad palabas ng bahay. Yes, survived siya! Mas nakakatakot pang kumain ng beefsteak na tubig-dagat ang sabaw kaysa sa makipagbarilan.
Kinabukasan, maaga pa siyang pumasok dahil hindi naman siya makatulog. Kaka-park lang niya nang makita ang mga sasakyan naka-park sa dulo. Palinga-linga siya pero iilan lang naman ang estudyante kaya pasimple siyang lumapit sa itim na sasakyan. Tumayo siya sa driver's seat at sinipat kung tented ba ito?
"Haay, buti naman," sabi niya na medyo lumuwag ang kalooban pero muntik na siyang mapatalon nang bumukas ang bintana at bumulaga ang mga matang nanlilisik sa kaniya.
"May kailangan ka?" tanong ni Atheina na hindi maitago ang inis sa mukha. Baba na sana siya nang makitang palapit si Loki Luis at parang imbestigador na sinipat ang sasakyan niya.
"Chineck ko lang kung tented ang sasakyan mo," seryosong sagot niya na gustong labanan ang pagkamataray ng kaharap.
"Bakit? Natatakot ka po bang may nakakita sa ginawa mong kababuyan kahapon?" prangkang tanong ni Atheina.
Sa totoo lang, nagulat si Loki Luis sa talas ng dila ng kaharap pero hindi siya nagpahalata. May pagka anghel ang mukha pero ang ugali, hindi katanggap-tanggap sa langit.
Ngumisi siya at bahagyang yumuko.
"Mali," pangontra niya. "Para kapag gusto kong ulitin, sure akong walang makakita."
Napanganga si Atheina sa sagot nito at napamura nang talikuran siya ni Loki Luis.
"Dean na hindi dapat irespeto!" naiinis na sabi niya at lumabas saka pabagsak na isinara ang sasakyan.
Mahigpit ang hawak niya sa bag habang nakatingin sa lalaking naglalakad sa unahan niya. Kung silang dalawa lang, baka nasampal na niya ito. As in kating-kati na ang kamay niyang dumapo sa pisngi ng huli.
Sa Deutschland, wala pang lalaking nambastos sa kaniya ng ganito. Wala pang humalik na labag sa kalooban niya.
Biglang sumulpot sina Sharon at Shaina sa harapan niya.
"ID mo," maarteng sabi ni Sharon sabay lahad ng kanang kamay.
"Not now!" seryosong sabi niya. Badtrip pa siya.
"Why not? Amin na sabi!" giit ni Sharon na handang makipagrambulan sa kaniya.
"At anong kaguluhan ito?" seryosong tanong ni Loki Luis na bumalik dahil sa narinig. "Bakit mo hinihingi ang ID niya?"
"Ah--s-sir," natarantang wika ni Sharon.
"May utang kasi si Atheina sa amin kaya--"
"Is it about sa sorority ninyo?" diretsahang tanong ni Loki Luis. "Let me remind you, young ladies. Bawal pumilit ng estudyanteng ayaw naman pumasok sa inyo. I want to talk to both of you later before your class."
"Sir--" Sharon.
"Your ID!" sabi ni Loki Luis kaya alanganing ibinigay nina Sharon at Shaina ang ID nila.
"And you?" nakataas ang kanang kilay na tanong ni Loki Luis sabay lahad ng kanang kamay.
"Why? Bakit ako napasama?" bulalas ni Atheina.
"Kailangan mo bang questionen ang dean?"
Alanganing ibinigay ni Atheina ang ID sa binata at walang pasabing iniwan ang mga ID.
"Ugh! I don't wanna see his ugly face!" naiinis na wika niya habang papasok sa classroom.
"Okay ka lang?" tanong ni Cesar.
"Obviously, not!" sagot niya at nilagpasan ang kaklase.
"Anong problema mo? Ba't ganiyan na kaagad ang mukha mo?" tanong ni Sharmie.
"Wala. Problema sa kamag-anak na nangungutang pero hindi nagbabayad," sagot niya. Ito ang ayaw ng ama niya sa mga pinoy. Dahil bakit daw nagbibigay sila ng pera? Isa pa, bakit walang trabaho ang mga ito eh sila, sanay silang magbalat ng buto.
"Ako rin," natatawang sabi ni Sharmie.
"Sinabi mo pa!"
Ayun, hindi na muna siya kinulit ni Sharmie hanggang sa nagsimula ang klase nila.
Lunch time pero sa tree park na niya niyaya si Sharmie na kumain dahil kailangan niya ng sariwang hangin.
"Wala ka pang boyfriend?" tanong ni Sharmie.
"Wala pa. Bakit?"
"Sure ka? Sa ganda mong 'yan?"
"Busy ako," sagot ng dalaga.
"How old are na ba?" tanong numi Sharmie.
"Twenty," sagot ni Atheina.
"Huh? Twenty ka na? Mas matanda ka sa akin?"
"Nag-stop ako ng two years," sagot ng dalaga.
"Bakit?"
"Eh? Mahabang usapan pero kumain na lang tayo," ani Atheina. Ayaw talaga niyang magkuwento ng mga walang kuwentang bagay. Isa pa, kanina pa siya nagugutom. Palibhasa ng pa-surprise quiz ang guro nila.
Patapos na sila nang lapitan sila nina Sharon.
"Galit ang dean sa 'yo," sabi ni Sharon.
"Bakit?" nagtatakang sabat ni Sharmie.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko!" mataray na sabi ni Sharon at tumingin kay Atheina. "Di ba pinapapunta niya tayo before lunch?"
"Doon na kayo galing?" tanong ni Atheina na sinusubukang kumalma.
"Obvious ba?" maarteng sabat ni Shaina.
"Punta lang ako ng dean's office," paal niya kay Sharmie. Kasalnan kasi 'to ng dalawa e. Kung hindi sana siya nilapitan ng mga ito, e di wala sana siyang problema. Bakit ba kasi siya talaga ang nire-recruit ng mga ito? "Kita na lang tayo sa classroom."
May 30 minutes pa naman siya kaya dumiretso siya sa dean's office.
"Kakalabas lang ni Sir," sabi ng secretary.
"Saan siya?"
"Pumuntang rooftop."
"Balikan ko na lang mamaya."
"Ikaw si Atheina?"
"Yes po."
"Sa rooftop mo na lang daw siya puntahan."
"Ha?"
"Nagpapahangin lang siya. Mukhang mainit ang ulo e. Doon na lang daw kayo mag-usap."
"S-Sige po." Lumabas na siya at labag sa kalooban, pumunta siya sa rooftop. Ang rooftop na mga Lacson lang ang puwedeng makapunta.
"Galit tapos papuntahin ako? E kung sinakal ako nun?" bulong niya habang paakyat ng hagdan. May elevator naman pero bawal sa mga estudyante. Ang laki-laki pa ng pinto nito.
"Sir?" tawag niya na malayo pa sa pintuan.
Walang sumasagot kaya kumatok siya ng dalawang beses bago buksan ang pinto.
"Sir?" tawag niya. Nakita niyang nakatayo ito at naninigarilyo. "Kukunin ko lang po ang ID ko."
Lumingon ito at nang makita siya ay itinapon ang sigarilyo saka inapakan at lumapit sa kaniya.
"Ilang sorority ang nang-iinvite sa 'yo?" tanong nito.
"Bakit po?"
"Sagutin mo ang sagot ko," seryosong sabi ni Loki Luis at napatitig sa mukha ng dalagang hanggang tainga niya. Bahagyang nililipad ng hangin ang mahaba at nakalugay nitong buhok.
"Mga apat," sagot ng dalaga na naasiwa sa titig ng kaharap.
"Sa apat na 'yon, may napili ka nang papasukan?"
"Wala pa," sagot niya at iniwas ang mga mata dahil mukhang walang balak na ialis nito ang mga mata sa kaniya. Hindi siya sanay na may lalaking tinititigan siya nang matagal lalo na't parang may mabigat siyang kasalanan sa mundo.
"Good," ani Loki Luis.
"Ayaw ko ng gulo. Gusto ko ng tahimik na buhay, sir."
Ngumiti si Loki Luis at dinukot sa bulsa ang ID ni Atheina.
"Hey!" sigaw niya sabay tulak sa dalaga nang maramdaman niya ang balang palapit sa kanila pero nakakapit ito sa kanang braso niya kaya nahatak siya nito palapit sa katawan nito.
Hindi siya makagalaw. Nanginginig ang buo niyang katawan habang nakatunghay sa dalaga. Paano kung natamaan ito sa braso? Paano kung sa ulo nito tumama ang bala? Paano kung may nangyaring masama kay Atheina sa harapan niya?
"A-Anong meron?" tanong ni Atheina habang sinalubong ang labis na nag-aalalang mga mata ni Loki Luis.
Unti-unting nawala ang takot sa mga mata ng binata at sumeryoso ito saka umayos nang tayo. Hinatak niya ang dalaga patago.
"Maraming kaming kalaban ngayon."
"Wala akong pakialam! Akin na ID ko po," magalang pero naiinis na sabi niya sabay hablot sa ID na hawak ni Loki Luis. Tatalikod na sana siya pero napigilan siya sa kanang braso ng binata.
"Alam mo kung ano ang nangyari bago lang? Muntik ka nang matamaan ng bala!"
"H-Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," sabi ni Atheina.
"Mula ngayon, huwag ka nang humiwalay sa akin," ma otoridad na sabi ni Loki Luis.
"Huh? Di ko alam ang pinagsasabi mo. Male-late na po ako," sabi niya at hinila ang kamay saka lumapit sa pintuan.
"Nakita na nila ang mukha mo," sabi ni Loki Luis kaya napatigil si Atheina sa paglakad. "Nandito ka sa rooftop namin kaya iniisip nila na may connection tayo."
Humarap si Atheina.
"Ikaw ang nagpapunta sa akin dito!"
"Kung hindi ka sana tumagal, hindi ako magso-smoke dito. May meeting ako at ang pinakaayaw ko ay ang late!" May meeting sila at dahil wala pa nga itong babae, napilitan siyang huwag na lang pumunta at nagpalipas ng inis dito sa rooftop.
"Psh! Wala ka nang choice, mag-ingat ka at nanganganib na rin ang buhay mo," mahinang sabi ni Loki Luis.
"Late na po ako," sabi ni Atheina saka iniwan ang binata.
Pinagmasdan ni Loki Luis ang pababang dalaga. Napabuntonghininga siya. Kailangan na niyang ihanda ang sarili dahil sooner, ito mismo ang lalapit sa kaniya para maprotektahan. At sa ugali nito? Mas mainam pang mag-alaga na lang siya ng mga pamangkin kaysa magbantay kay Atheina.
Kinuha niya ang balang nasa sahig para paimbestigahan sa pamilya. Kumikilos na sila kaya kailangan na rin niyang kumilos. At uumpisahan niya iyon sa loob mismo ng alpha sigma rho.

Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon