GOOD BOY GONE BAD
by:sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 24
Unedited...
Pagkagising niya, nasa loob na siya ng silid na ito at magtatanghali na pero hindi siya nakaramdam ng gutom.
Napalingon siya nang bumukas ang pinto pero muling dumungaw sa bintana nang makita kung sino ang pumasok.
"Hindi ka pa raw kumakain," sabi ni Bloom sabay lapag ng tray na may pagkain sa bedside table.
"Ba't hindi pa ninyo ako pinatay?"
"Kapag ba patayin ka nila, mababago ang lahat?"
Humarap siya kay Bloom at naglakad pabalik sa kama saka naupo.
"So? It was a play, huh? Galing mo talagang umarte!" Na ang tinutukoy ay ang pagkamatay nito sa mental hospital noon.
"Kapag ba namatay ako noon, mas sasaya ka?"
"Why not?" sagot ni Bloom at biglang naikuyom ang kamao saka nanlilisik ang mga matang tiningala ang half-sister.
"Kailan mo ba ako matatanggap, Atheina?"
"Hinding-hindi kita matatanggap, Rose. . . o ano man ang pangalan mo!"
"Sana darating ang araw na mapatawad mo ako." Malungkot na wika ni Bloom.
"Nang dahil sa 'yo, muntik nang magpakamatay ang mommy ko! Nang dahil sa 'yo, muntik nang masira ang pamilya namin!" Sumbat niya nang maalala ang depression na naranasan ng ina matapos malamang may anak sa pagkabinata ang ama niya.
"H-Hindi ko sinadyang maging anak sa labas." Mahina pero malungkot na wika ni Bloom saka napayuko. "K-Kahit kailan, hindi ko hiniling na isilang na walang ama."
Ngumisi si Atheina para mas mainsulto si Bloom. "Kaya pala hindi ka nagpabuntis sa dati mong asawa."
Natigilan si Bloom saka tumingin sa malayo. Hangga't maaari, ayaw na niyang balikan ang nakaraan.
"A-Ano ba ang gagawin ko para matanggap mo na kapatid mo ako?"
"Wala," tipid na sagot ni Atheina. "Matatanggap lang kita kapag mabago mo ang katotohanang kapatid kita!"
Napabuntonghininga si Bloom. Unang lumapit sa kaniya ang ama nila at hindi niya maipaliwanag, malapit ang loob niya sa matanda. Hinikayat siyang sumali sa black dragon gang kaya napapayag siya nito. At first, close silang tatlo nina Atheina at Sharon pero nang malaman nila ang totoo, paunti-unti nang lumayo si Atheina hanggang sa pinadala siya rito sa 'Pinas para sa una niyang misyon.
"Bloom? Matagal ka pa ba?" tanong ni Seven nang pumasok. "Hinahanap ka ni--"
"Hindi mo ba nakikita na nag-uusap kami?" singhal ni Bloom.
"Kailan ba talaga sumigaw?" salubong ang kilay na tanong ni Seven. "Mukha ba 'kong bingi?"
"Lumabas ka na!" Utos ng dalaga na kulang na lang ay lumpuhin muna niya ito.
"Psh! Alam mo, kagabi ka pa ah!" singhal ni Seven. Muntik nang mabulilyaso ang misyon nila dahil sa labas pa lang ay gumamit na ito ng baril.
"Get lost!" Mahina pero puno ng galit na utos ni Bloom.
"Akala mo maganda ka? Hindi ka kagandahan kaya huwag kang magtaray, Bloom!"
Parehong napatingin ang dalawang babae sa kaniya pero wala siyang pakialam. Napupuno na siya sa ugali ni Bloom na puro sigaw at singhal.
"Hindi ako pumapatol sa mahina kaya lumabas ka na!"
Napahilot sa sintido si Atheina sa dalawa, ang iingay.
"Kaya pala tirik na tirik ang mga mata mo!"
"Talaga? The last time I checked, mas magaling ang ex ko!" taas noong sabi ni Bloom kaya napanganga si Seven. "Dagdag na natin na daks--"
"Daks din ako at mas magaling ako kaya shut your mouth, babae!"
"Haist! Lumabas nga kayo at doon mag-usap!" Salubong ang kilay na suhestiyon ni Atheina kaya lumabas na si Seven. "Oh? Ikaw? Baka gusto mo lumabas?"
"Mas matanda pa rin ako sa 'yo kaya rumespeto ka!" Tinalikuran niya si Atheina at naglakad palapit sa pintuan.
"Bakit ka nagtraidor?" Mahinang tanong ni Atheina. "Bakit ipagkanulo mo ang black dragon gang?"
Lumingon si Bloom kaya nakita niya ang lungkot sa mga mata ni Atheina.
"Dahil pagod na ako sa gulo, Atheina. Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito at magbagong buhay tayo. Nakita mo ang nangyari kay Sharon? Muntik na siyang mamatay dahil sa paghihiganti ninyo!" Mahabang sagot niya.
"Pagbabago? Sila lang naman ang nauna. Sila ang pumapatay!"
"Alam mo namang nadadamay sila dahil na rin sa grupo. Kagaya natin, marami tayong nadadamay at napapatay na wala naman talagang kasalanan," pagpaliwanag niya.
"Lumabas ka na!" Naiinis na sabi niya.
"Totoo bang nag-livein kayo ni Loki Luis?" Seryosong tanong ni Bloom dahil ayaw niyang maniwala hanggat hindi sa bibig mismo ni Atheina nanggaling. "Ginalaw ka ba niya? May nangyari na ba sa inyo?"
Napasulyap si Atheina kay Loki Luis na marahang bumukas ng pinto saka pumasok.
"Bakit? Papatayin mo ba siya kapag sinabi kong may nangyari nga sa amin?" tanong ni Atheina. Napansin niyang nanigas bigla si Loki Luis sa kinatatayuan.
"Sabihin mo lang. . ." sagot ni Bloom.
"Shit!" sambit ng binata saka lumabas at kumaripas ng takbo. Takot siya kay Bloom kapag magalit ito.
"Lumabas ka na."
"Huwag mo nang tangkaing lumaban dahil marami ka pang hindi nakikita sa paligid. Si Sharon, inooperahan na. Isa pa, sana pag-isipan mo at palayain na ang mga kasamahan natin. Sumuko sila kagabi dahil gusto pa nilang mabuhay at makalaya." Pangungumbinse ni Bloom. Ang iba ay napipilitan lang dahil mahirap nang tumiwalag sa grupo.
"Hindi ka na namin kasapi kaya wala kang karapatang pangunahan ako."
"Ikaw ang bagong leader nila, Atheina kaya ikaw ang makaapgdesisyon sa buhay nila," sabi ni Bloom saka lumabas nang hindi na nagsalita pa si Atheina.
Nahiga si Atheina at nag-isip kung paano makatakas. Ang dami kasing bantay sa paligid. Isa pa, bihag nila ang iba niyang kasamahan.
Isang pagkakamali lang at patay silang lahat. Paglabas nila sa warehouse kagabi, ang daming patay na kasamahan niya. Mahigit sampu lang yata sila na nakaligtas.
Kasalanan mo 'to!" Gigil na hiyaw ng utak niya nang pumasok sa isipan si Loki Luis.
Bumangon siya at lumapit sa pintuan saka binuksan. Himala, hindi ito naka-lock kaya lumabas siya. Saka niya napagtanto na sa isang mansion siya. Dumungaw siya sa baba at nakita niya ang ilang armadong lalaki at mga katulong kaya naglakad siya sa pasilyo at isa-isang sinusubukang buksan ang kuwartong nadadaanan niya pero naka-lock ang mga ito.
Nang sinubukan niya ang isang pinto, bumukas ito kaya nakapasok siya. Iginala niya ang paningin. Mukhang panlalaki ang silid dahil kulay khaki at itim ang interior design ng mga furniture at may king sized bed sa gitna na may itim na comforter.
Lumapit siya sa bedside table nang may naaninag siyang familiar na larawan.
Napakunot ang noo niya nang mapagtanto kung sino ang ang nasa picture frame.
" Bakit nandito 'to?" bulong niya habang hawak ang frame. Bumukas ang pinto ng shower room at lumabas si Loki Luis na naka-bathrobe at halatang kakaligo lang dahil pinupunasan ng tuwalya ang basang buhok.
"May kailangan ka?" tanong ni Loki Luis saka napatingin sa frame na hawak ng dalaga.
"P-Paano napunta sa 'yo ang litrato ko?" tanong ni Atheina pero agad pumasok sa isip niya si Bloom. "So, bago pa tayo magkita, kilala mo na ako, huh?"
Gigil na inihagis niya sa dingding ang frame kaya nabasag ito.
"Oo," pag-amin ni Loki Luis at ngumisi. "Crush na nga kita noon pa e." Noong pinakita ni Bloom ang litrato ni Atheina, hiningi na niya ito. Ang sabi niya, para hindi niya makalimutan ang mukha ni Atheina kapag sumadya na ito rito sa Pilipinas para sa malakihang misyon na gagawin pero ang totoo, nagandahan na siya at hindi makapaniwalang ito ang anak ng leader ng black dragon gang.
Handa na rin siya sa magiging dramang gagawin ni Atheina pero ang hindi lang nila alam ay kung sinu-sino ang mga kasama nito sa misyon dahil limitado ang impormasyong binibigay ni Bloom. Isa pa, ang account lang ni Atheina ang kaya nitong i-hack. Or baka nagkukunwari lang din si Bloom na hindi kaya.
"Fuck you!" singhal ni Atheina.
"Pero hindi na ngayon kasi demonyita ka." Mabilis na pagbawi ni Loki Luis. "Napatunayan kong kasing best actress ka ng kapatid mo. Hindi ko lang alam kung totoo ba ang pinagsasabi mong mahal mo ako or kung kailangan ko bang maniwala sa ungol mo habang nakipag-body bonding ka sa akin." Ngumiti siya habang nakatingin sa mga mata ni Atheina. "Akala ko magbabago ka habang tayo pero kagaya ko, pinapasakay mo lang pala ako."
"Hindi ako makapaniwalang napaikot mo ako pero tanga ka pa rin!" sabi ng dalaga.
"Ikaw ang leader nila?" ani Loki Luis. "Sa mundo ng kapatiran at gangster, hindi pa rin kayang mamuno ng isang babae!"
Ngiting aso ang ibinigay ni Atheina sa kaharap. "Hindi ba't babae ang dating namumuno ng kapatiran? Hindi ba't mas tuso ang lola mo kaysa sa lolo mo?"
Mapang-asar na ngumiti ang binata. "Pero sa ating dalawa, ako ang kadugo niya." Taas-noong sagot ng binata kaya sumalubong ang mga kilay ni Atheina.
"Kung ano ang balak mo sa akin, huwag mo nang idamay ang mga kasama ko! Pakawalan mo sila!"
"Kailan ka pa nagkaroon ng busilak na puso para sa kanila, Atheina?" May halong pang-insulto na tanong ng binata. "Kung ang sarili mong kapatid ay pinatay mo mismo?"
Hindi na nagulat si Atheina. Malamang isiniwalat na ni Bloom dito ang lahat.
"She failed kaya nararapat lang na patayin ko siya!"
"Mahal ka niya, Atheina. Kung hindi ka nagtagumpay, baka pinatay ka na rin ng iyong ama!" Galit na sabi ni Loki Luis. "Kaya pinrotektahan ka niya. Hindi pa ba sapat sa iyo 'yon?"
Siguradong nakialam ang mga Lacson noon pa sa misyon niya. Sila rin ang salarin kung bakit napaniwala silang patay na nga si Rose.
BINABASA MO ANG
Good Boy Gone Bad
Mystery / ThrillerGOOD BOY GONE BAD by: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE "Good Boy Gone Bad" Well-trained. Pasikreto siyang tinuturuan para ihanda sa tungkuling habambuhay niyang gagampanan. Tahimik na ang lahat pero biglang niyanig ang mundo ng fraternities and sorori...
