11

642 21 0
                                    

GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 11

Unedited.....

Inaantok na talaga siya dahil ang boring ng Philosophy nila at wala pang pakialam ang teacher nila basta maka-lecture lang.
Papikit na siya nang makitang dumaan si Loki Luis at napangiti nang magtama ang mga mata nila.
" Eh? Nakita kaya niya ako?" bulong niya. Baka nahuli siya nitong inaantok na. Nakakahiya!
Umayos siya sa pagkakaupo. 15 minutes na lang din naman at matatapos na sila.
Sinubukan niyang pasiglahin ang sarili para magising naman at hindi makatulog. Si Sharmie naman ay tamang pakinig lang at ang iba ay kung anu-ano ang ginagawa.
"Class dismissed!" anunsiyo ng guro.
"Ayos!" natutuwang sabi ni Justin saka inayos ang sombrerong kanina pa sinusubukan ni Victor na tanggalin sa ulo.
"Saan kayo kakain?" tanong ni Cesar.
"Diyan lang," sagot ni Atheina.
"Sabay kami," nakangising sabat ni Justin.
"Kayo ang bahala," sagot ni Sharmie na medyo nahihiya sa tatlo. Nag choosy pa naman ng mga ito pero nakapagtataka lang dahil mabait ang tatlo sa kanila ni Atheina.
"Uy, Sharmie, libre mo kami," hirit ni Victor.
"Baliw! Ikaw ang manlibre!" sabat ni Justin.
"Wala ngang pera eh," sagot ni Victor.
"Dami mong pambili ng cheweng gum wala kang pera?" sabat ni Cesar na nakasunod sa kanila palabas ng classroom.
"Grabe, mura lang naman 'tong juicy fruit," ani Victor kahit na ang totoo, Mastika naman talaga ang chewing gum niya na sa Saudi pa ino-order. Nasanay lang talaga siyang ngumuya mula nang nag-withdraw siya sa paninigarilyo dahil namatay ang pinsan niya sa lung cancer kaya natakot din siya. Di na baleng mamatay siya sa bugbugan, 'wag lang sa cancer na walang panlaban.
"May boyfriend ka na ba, Sharmie?" tanong ni Justin.
"Wala ah," sagot ni Sharmie.
"Si Cesar wala ring girlfriend. Ayieeee. Puwede!" sabi ni Victor saka iniluwa sa basurahan ang chewing gum at kumuha ng panibago.
"Tigilan na nga ninyo si Sharmie," saway ni Cesar at napatingin kay Atheina na mukhang malalim ang iniisip kaya sinabayan niya sa paglalakad. "Okay ka lang?"
"Oo, bakit?" tanong ng dalaga.
"Wala lang. Mukhang malalim ang iniisip mo eh."
"Wala," aniya at nginitian ang binata. Nag-aalala siya. Ano kaya ang iniisip ni Loki Luis sa kaniya?
"Hmm? Okay. Sabi mo eh," ani Cesar.
"Sige, Cesar, ibahin mo lang ang usapan," sabi ni Justin nang lumingon sa kanila. "Si Sharmie dito nalulungkot na."
"Baliw talaga kayo!" sabi ni Cesar at sinabayan si Sharmie sa paglalakad. "Huwag mong pansinin ang dalawang 'yan."
"Hindi naman," sagot ni Sharmie at napatingala kay Cesar. Napayuko siya nang nginitian siya nito. Bakit ganito? Sa tuwing magkasalubong ang mga mata nila, naiilang siya. Hindi niya kayang makipagtitigan dito nang matagalan.
"Watch out!" bulalas ni Cesar at mabilis na sinalo si Atheina nang muntik na itong matumba dahil sa naapakang balat ng saging. "Okay ka lang ba?"
Nakaramdam ng lungkot si Sharmie nang makita ang labis na pag-alala sa mga mata ni Cesar pero sinikap niyang mag-isip nang masama dahil itinuturing na niyang bestfriend si Atheina.
"I'm fine," sagot ni Atheina saka bahagyang lumayo kay Cesar.
"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo," seryosong sabi ng binata dahil nagte-text pa ito.
"Sorry na," ani Atheina at nginitian si Cesar. Katext kasi niya si Loki Luis na nag-aayang sabay silang kumain eh, hindi naman puwede.
"Nagliligawan na ba kayo?" biro ni Justin. "Baka mamaya, kayo na niyan ha."
"Malabo! Huwag ka ngang isyu!" sabi ni Atheina saka nauna nang maglakad papasok sa canteen para maghanap ng puwesto nila dahil medyo padami na ang mga estudyante.
"Doon tayo," sabi ni Justin na hinubad ang sombrero.
Lumapit silang lima sa isang table saka naupo.
"Ako na ang oorder," pagboluntaryo ni Victor na iniluwa ang chewing gum at itinapon sa nadaanang basurahan.. "Anong sa inyo?"
"Sabay na tayo," sabi ni Justin matapos ilapag ang sombrero sa ibabaw ng mesa.
Ibinigay nila ang gusto nila.
"Ako na ang magbabayad, libre ko na," sabi ni Cesar at naupo sa tabi ni Atheina kaharap naman si Sharmie. "Dami mong order, Sharm a. Gutom?"
"Medyo," sagot ni Sharmie na sinusubukang balewalain ang hindi niya maipaliwanag na nararamdaman dahil umakbay si Cesar sa likod ng upuan ni Atheina saka nag-de-kuwatro kaya parang magkasintahan lang sa unang tingin ang dalawa.
"Kainis!" bulong ni Atheina dahil tumatawag si Loki Luis pero wala siyang balak na sagutin.
Nang bumalik sina Justin at Victor, nagsimula na silang kumain.
"Ang cute mo kaya, Sharm. Para kang cute na biik," biro ni Cesar kaya nagtawanan sina Victot at Justin.
"Ang hard mo kay Sharmie," sabi ni Victor.
"Cute naman talaga siya ah," sabi ni Cesar at napatingin sa dalagang namumula ang magkabilang pisngi habang kumakain.
"Crush mo?" tanong ni Victor. "Sabihin mo lang at liligawan ko para sa 'yo."
"Ulol! Kaya kong manligaw kaya backoff, dude!" ani Cesar.
"Ingay n'yo naman," sabi ni Atheina na hindi makapag-concentrate sa kinakain.
Nagtawanan na naman sila.
"May dumi sa labi mo," sabi ni Cesar saka inabot ang tissue kay Atheina.
"Thanks," pasalamat ng dalaga pero natigilan nang pagtingin niya sa pintuan ay sakto namang papasok si Loki Luis at nagkasalubong ang mga mata nila pero agad naman nitong binawi at tumingin sa iba.
Mukha nito parang nakiusyuso sa mga nasa loob ng canteen.
Sinubukan niyang tanggalin ang ingay sa paligid at nag-concentrate sa bawat kilos ng kasintahan. Ne hindi nga talaga ito sumulyap na sa kaniya hanggang sa lumabas kaya sinubukan niyang tawagan pero hindi na sumasagot.
" Kaninang hindi ko sinasagot, panay ang tawag.
Ngayong ako ang tumatawag, hindi niya sinasagot,"! bulong ni Atheina sa sarili.
Okay naman sila e. Galit ba ito dahil hindi siya pumunta sa office? Pero may makakakita talaga sa kaniya at ayaw niya ng issue. Ngayon pa nga lang, kinakalaban na siya ni Sharon at Shaina. Speaking of the devils, papasok ang mga ito at palapit sa kanila.
"Oh, kamusta ang paglilinis mo ng buong paaralan?" nakakainsultong tanong no Shaina.
"Masaya," sagot ni Atheina saka matamis na nginitian ang dalawa. "Nag-ienjoy talaga ako."
"Really? Hindi halata." ani Sharon.
"Oo naman. Nag-enjoy ako," sagot ni Atheina. Siyempre pag-uwi niya, natanggal kaya ang pagod niya dahil sa ginawa ni Loki Luis.
"Sabi mo eh!" nakataas ang kanang kilay ni Sharon at napasulyap sa bagong LV bag ni Atheina. Hindi lang bago kundi pinakamahal pa na bag ng LV.
"Feeling maganda!" taas noong sabi ni Shaina na napansin din ang bagong bag at sapatos ni Atheina. Paano ba naging ganito kayaman si Atheina na lahat na lang ng gamit ay branded at updated? Pero siyempre ayaw niyang pahalata. Isa pa, kaya namang bilhin ng parents niya kaso mangungutang talaga sila. Mahal kaya. Ang bruhang Atheina, suot pa lang milyones na.
"Umalis na nga kayo!" pagtataboy ni Cesar. "Baka mamaya, magrambulan na naman kayo at madamay pa kami."
"Takot?" maarteng sabi ni Shaina. "Goodluck sa hazing ninyo."
"Pakialamera ka rin, ano!" sabi ni Justin na hindi natatakot sa hazing. Wala pa namang namatay sa alpha sigma rho dahil may naka-standby na medical team kada initiation nito.
"Bye!" maarteng sabi ni Sharon saka hinila na si Shaina palapit sa grupo nila.
"Yabang ng dalawa palibhasa may sinasandalang sorority!" naiinis na sabi ni Sharmie.
"Yaan mo na," sabat ni Cesar at tinapos ang kinain.
Napatingin si Atheina sa cellphone saka binasa ang text ni Loki Luis.
"Usap tayo mamaya!" mahinang pagbasa niya sa text ng kasintahan.
" Galit ba siya?" tanong niya sa sarili. Bakit parang galit yata ito? Di kasi siya tinawag na "baby". Lahat kaya ng text ng binata may baby talaga. Ngayon lang wala. O baka nakalimutan lang?
Pagkatapos kumain, sabay rin silang bumalik sa classroom pero mukhang nahalata ni Cesar na ayaw siyang makasama ni Atheina kaya sa likod silang tatlo nag-uusap.
"Panay ang text mo ah. May boyfriend ka na ba?" tanong ni Sharmie nang makaupo na sila.
"Huh? Wala ah," tanggi ni Atheina at inilapag ang cellphone sa arm chair at hinanap ang ballpen.
"Taray, parker," sabi ni Sharmie. "Yaman mo talaga."
"Gift lang," pagsisinungaling ni Atheina. Isa sa napapansin niya sa mga pinoy ay ang pagiging mahilig sa pagtingin ng brand names. Sa kanila kasi sa Germany, hindi sila tumitingin sa ganoon kasi lahat naman ng binibenta ay original.
"Uy, tumatawag ang baby mo oh," sabi ni Sharmie nang tumunog ang cellphone ni Atheina at dahil nasa desk, nakita kaagad nito ang pangalan ng tumatawag.
"Yaan mo siya," sabi ni Atheina at ikinancel ang tawag.
"May boyfriend ka na pala."
"Huwag mo nang ipagkalat," nakangiting sabi ni Atheina.
"Sure. Pogi ba?"
"Hmmm?" tila nag-iisip ang dalaga.
"Pinoy rin ba?" curious na tanong ni Sharmie.
"May hitsura naman tapos pinoy."
"Wow, pano kayo nagkakilala? I'm sure mayaman."
"Sa ibang bansa," pagsisinungaling niya. "Nasa ibang bansa siya ngayon."
Kaibigan niya ito pero kailangan niyang magsinungaling.
Nang matapos ang klase, tinext niya si Loki Luis na uuwi na siya. Wala naman ang sasakyan nito sa garahe kaya malamang, nauna na itong umuwi o may pinuntahan.
Pagdating ng condo building, papasara na sana ang elevator nang maabutan niya.
"Hi," bati niya kay Loki Luis na nauna nang nakasakay pero hindi ito sumagot. "Okay ka lang?"
"Haist! Huwag mo akong kausapin!" salubong ang kilay na sagot ng binata at napasulyap kay Atheina na nakangiti.
"I'm serious, Atheina!" dagdag niya kaya paunti-unting napalis ang mga ngiti ng dalaga.
"G-Galit ka ba?" tanong niya. May nagawa ba siyang masama?
"Matapos kang tumanggi sa lunch ko tapos makipag-lunch date sa iba, magtatanong ka?" naiinis na tanong ni Loki Luis.
"Lunch date?" Nagtatakang tanong niya. Wala naman siyang maalalang nakipag-date siya sa iba. Kina Cesar lang. "Hindi 'yon lunch date!"
"Sweet n'yo nga e. May paakbay-akbay pa!" sabi ni Loki Luis. Nang pumasok siya sa canteen, grabe ang lampungan ng dalawa. May paakbay-akbay pa ang Cesar na 'yon habang nakaupo sila. "Remind ko lang, Atheina, may boyfriend ka na!"
"Hindi ko naman 'yon nakalimutan," nakasimangot na sabi ng dalaga.
"Psh! Walang time sa akin pero sa iba, meron?" bulong ni Loki Luis na naiinis sa dalaga.
"Hmmm? Nagseselos ks ba, sir?" nakangiting tanong niya.
"Hindi ako nagseselos!" tanggi ng binaga at iniwas ang tingin sa dalagang ngingiti-ngiti pa rin. "Huwag ka ngang ngumiti!"
"May masama ba kung ngumiti ako?" inosenteng tanong niya.
"Galit ako, Atheina!"
"And so?"
"B-Baka makalimutan kong galit ako sa 'yo," mahinang sabi niya.
"Sumabay lang sila sa aming kumain."
"Hindi ko tinatanong!"
Nang bumukas ang elevator, naunang lumabas ang binata at sumunod naman si Atheina.
"Tsk! Arte!" bulong ng dalaga habang nakatingin sa maumbok na pang-upo ni Loki Luis.
Binuksan nito ang pinto at naunang pumasok.
Kakausapin pa sana ito ni Atheina pero pumasok na siya sa kuwarto.
"Kainis!" bulong ni Loki Luis at kumuha ng maiinom para uminit ang lalamunan. Kinuha niya ang remote at binuksan ang TV pero nang hindi makatiis ay lumapit siya sa telepono at may tinawagan.
Naligo siya at nang makabihis ay lumabas ng kuwarto at nagluto ng ulam matapos magsalang ng sinaing.
"Mahina ba ang wifi?" tanong ng dalaga dahil hindi siya makaka-access sa Google.
"Baka," sagot ng binata at tinikman ang niluluto.
"Hmp!" inirapan niya si Loki Luis saka muling bumalik sa kuwarto. Daig pa ang babae magtampo e. "Parang hindi lang sinamahan mag-lunch eh!" naiinis na sabi niya nang maupo sa kama at kinuha ang malambot na unan saka niyakap.
Magno-noodles na lang siya mamaya. Mukhang hindi okay ang sitwasyon nila e.
Nang magutom, lumabas siya para gumawa ng sandwich pero nagkagulatan pa sila ni Loki Luis nang
pagbukas niya ng pinto, nakatayo ito sa tapat ng pintuan nila.
"Ano 'yan?" tanong ni Atheina nang iabot nito ang pink tulips.
"Sorry kung may nasabi man akong masama," paumanhin ng binata na umaasang tanggapin ng dalaga ang bulaklak niya.
Kinuha ni Atheina ang bulaklak. "So? Inaamin mo nang may mali ka?"
Iniwas ni Loki Luis ang mga mata at napasimangot.
"K-Kasi kapag--haist! Kapag may boyfriend ka na, bawal na ang magpaakbay sa iba!"
"Hindi nga siya sabing umakbay e. Nakaupo lang ako!" giit ng dalaga.
"E di hindi. Pero nasasaktan din naman ako eh," pag-amin ni Loki saka inakbayan ang dalaga. "Kain na tayo?"
"Nagluto ka?" Ayaw na niyang makipagtalo.
"Oo, tara na," sabi ng binata at pinisil ang balikat niya. "Dapat sa akin ka lang magpapaakbay."
Napangiti si Atheina lalo na nang maamoy niya ang masarap na niluto nito.
"Loki? May aaminin ako sa 'yo," wika ng dalaga.
"Ano?"
"H-Hindi na ako virgin," pagsisinungaling niya.
Sumalubong ang kilay ni Loki Luis. "Bakit mo sinasabi sa akin ito, baby?"
"Para alam mo na," sagot niya. Tinawag na siya nitong baby.
"Di naman nasusukat sa virginity ang pagmamahal at pagiging seryoso ko sa 'yo!" naiinis na sabi ng binata.
"Ba't ka galit?"
"Di ako galit! Naiinis lang akong isipin na may ibang--haist! Basta mahal kita at huwag mo lang akong lokohin, wala tayong problema."
"Parang 'yon nga lang ang nangyari kanina, galit ka na e. Masyado kang possesive."
"Eh sa naiinis ako e. Isa pa, tinanggihan mo ang alok kong lunch siyempre nagselos ako."
"Mag-ingat tayo sa mga students mo," sabi niya at naupo nang hilain nito ang silya.
"Kain ka nang marami, baby. Nagluto ako nang marami."
Natakam tuloy si Atheina sa mga niluto nitong kare-kare at lechon- paksiw.
"Mahilig ka ba talagang magluto?" tanong niya habang nilalagyan ng binata ng kanin ang plato niya.
"Ngayon lang," sagot ni Loki Luis. Sinisipag lang talaga siyang magluto lalo na't nagkatampuhan sila ni Atheina kanina. "Kain ka nang marami, baby."
"Salamat," pasalamat ni Atheina at kumain na. Napasulyap siya sa tulips na inilagay niya sa kanang bahagi ng mesa. Huwag lang talaga sanang masobrahan ng pagiging seloso si Loki Luis.
"Baby?"
"Hmm?" napasulyap siya sa binata.
"Sana 'wag ka nang maghanap ng iba."
"Hindi naman ako ganun."
"Hmm? Gusto ko kasi mula ngayon, akin ka na lang."
Pinagmasdan niya ang guwapong mukha nito habang kumakain. Napabuntonghininga siya. Paano siya hindi mahuhulog sa lalaking kahit na galit o nagtatampo sa kaniya, pinagluluto pa siya? Sana lang, kaya niyang tumbasan ang pagmamahal nito sa kaniya.



Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon