31

690 24 0
                                    

GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 31

Unedited....

"Kamusta ang meeting? Binugbog ka na naman ba nila?" nag-aalalang tanong ni GV nang pumasok ang mag-ama niya. "Ikaw, LL, hinahayaan mo lang na bugbugin ang anak natin! Isa pa at ikaw na naman ang bubugbugin ko!"
"Mine naman, wala akong kinalaman sa pagbugbog sa kaniya."
"Pero bilang ama, dapat gumawa ka ng paraan!"
"Desisyon ng lahat 'yon. Alam mo naman ang bakas ng black dragon sa lahat," depensa ni Lance Leonard. "Uwi na tayo, Mine."
"Kumain ka na, Luis," sabi ni GV sa anak. "May adobo sa kusina."
"Adobo?" Bigla siyang kinutuban. "Sino ang nagluto?"
"Atheina," tipid na sagot ng ina.
"Busog pa ako."
"Nag-effort siyang magluto kaya kumain ka."
"Mommy—"
"Maayos na ang timpla kaya kumain ka na." Pamimilit ni GV. "Ayaw mo namang sumama ang loob ng buntis, 'di ba?"
Napabuntonghininga si Luis at napilitang tumungo sa kusina para kumain.
"Kamusta?" tanong ni GV at naupo sa tapat ng anak saka pinagmasdan itong kumakain.
"Hindi na maalat," sagot ng binata.
"Nagpaturo siya sa akin kaya medyo okay na 'yan."
"Buti naman," sabi ni Loki na tila nakahinga nang maluwag. "Akala ko magtitiis ako ng adobo niya."
"Hindi mo kasi tinama," sabi ni GV. Prangka pa naman siya.
"Ikaw nga, hindi mo rin natama si Lola Ann eh," ani Loki Luis.
"Siyempre papatayin ako ng Lolo Dylan mo," depensa ni GV. "Isa pa, may sakit ang lola mo kaya tiniisin n'yo na lang. Makareklamo ka akala mo, kumakain kayo ah!"
"Salamat, Mom."
"For what?"
"Kasi nagtatiyaga kang turuan si Atheina."
"Natatakot din ako dahil alam mo na, killer sila pero kung mahal mo siya at apo ko ang ipinagbuntis niya, wala na akong magagawa kundi ipagdasal na sana magbago na siya."
"Sana nga po." Puno ng pag-asang sabi ng binata.
"Uwi na tayo, Mine," yaya ni Lance Leonard.
"Uwi na kami," paalam ng ina saka tumayo. "Kapag may kailangan ka, nandito lang ako, Loki Luis."
"Pwede po bang kapag magkita kayo ni Atheina, huwag ninyo siyang iwasan?" pakiusap ng binata.
"Huwag lang niya kaming saktan," ani GV. Nasa dugo pa rin niya ang pagiging matapang pero kapag trained assasin ang kaharap, ano'ng laban niya?
Nang makauwi na ang mga ito, binilisan ng binata ang pagkain saka umakyat sa kuwarto.
Nagkagulatan pa sila ni Atheina na kumukuha ng damit sa malaking maleta nito.
"Bakit nandito ka pa?"
"Dito na lang ako," sagot nito at inayos ang mga damit na kinuha sa kabilang silid.
"Balik ka na roon."
"May CCTV doon. Nakikita nila ako kapag maghubad ako."
"Babae ang nakatalaga sa CCTV," ani Loki Luis.
"Talaga?" Ani Atheina na akala niya ay lalaki. Ilang beses pa naman siyang maghubad dahil madalas niyang nakakalimutang may CCTV.
"Bumalik ka na."
"Dito na lang ako. Ayaw ko roon. Isa pa, hindi maganda ang pakiramdam ko at kailangan ko ng makakasama."
"Pasasamahan kita."
"Gusto ko ikaw ang kasama ko."
Naghubad ng damit si Loki Luis at inilagay sa laundry basket at boxer shorts na lang ang natirang saplot.
"Kumain ka na ba?" tanong ng dalaga kaya humarap si Loki Luis. Saglit na tinitigan ni Atheina ang matipunong dibdib nito at agad na iniwas ang mga mata.
"Oo. Salamat pala sa adobo mo."
"Maalat pa rin ba?" nag-aalalang tanong niya sabay yuko. Na-conscious tuloy siyang magluto.
"Huwag ka nang magluto," seryosong sabi ni Loki Luis.
"Maalat pa nga," usal ni Atheina.
"Ba't ba gusto mong magluto ng adobo? Para mapalapit sa akin? Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon, Atheina, anak ko lang ang habol ko sa 'yo at don't worry, bubuhayin kita hanggang sa maisilang ko 'yan!"
Marahang tumango ang dalaga.
"Ayusin mo na ang gamit mo, ako na lang ang lilipat ng kuwarto!" ani Loki Luis at pumasok na sa banyo.
Nagpalamig muna siya ng ulo sa ilalim ng shower room tapos nang medyo kumalma na ay lumabas siya.
Nadatnan niyang inaayos ni Atheina ang damit niya sa ibabaw ng kama kagaya ng ginagawa nito noon kapag maligo siya.
"Ito na lang ang isuot mo," sabi ni Atheina.
"At kailan ka pa nagkaroon ng permisyon para pakialaman ang gamit ko?" Salubong ang kilay na tanong niya.
"N–Naisip ko lang na bagay sa 'yo 'to," sagot ni Atheina. Kapag nasa iisang kuwarto sila ni Loki Luis, gusto niyang pakialaman ang gamit nito at pati na rin ang kasuotan.
Tahimik na isinuot ni Loki Luis ang damit at nang makatapos ay naglakad patungo sa pintuan.
"Saan ka pupunta?" curious na tanong ng dalaga.
"Sa kabilang kuwarto. Dito ka na."
"Kaya ako lumipat dahil nandito ka," sabi ng dalaga. "Kaya sana huwag mo akong iwan dito."
"Atheina—"
"G–Gusto kitang makasama," nahihiyang pag-amin ng dalaga. "Sana naman, huwag ka nang umalis."
"Bakit?"
"K–Kasi—" Napaisip siya. Bakit nga ba? "G–Gusto lang kitang makasama. Sana naman okay lang sa 'yo."
"Hindi okay sa akin!" Madiing sabi ng binata at bumalik sa kama saka nahiga. "Pagod na ako, pakipatay ng ilaw kapag matulog ka na."
"P–Puwede bang bukas na lang?" pakiusap ni Atheina na nahiga na rin.
Tumalikod si Loki Luis sa kaniya.
"Sabi ni Tita GV, may pumunta ka raw sa girlfriend mo," mahinang sabi ni Atheina na nakaharap sa binatang nakatalikod sa kaniya.
"Pakialam mo?"
"Wala naman akong pakialam pero sana kapag may girlfriend ka, ipakilala mo sa akin para makita ko ang stepmother ng baby ko," mahinahong sagot niya.
"Sa susunod na araw, ipakilala ko siya sa 'yo kung okay lang sa kaniya," malamig na tugon ng binata kaya nakaramdam ng lungkot si Atheina.
"S–Sige . . . goodnight, Luis." Tumalikod na rin siya kay Luis at niyakap ang hotdog pillow saka napahaplos sa sinapupunan. Sa tono ng pananalita ni Loki Luis at lamig ng pakikitungo nito, alam niyang wala na siyang halaga pa rito.
Best actor talaga nito. Noon, paniwalang-paniwala siyang napaibig niya ito. Sobrang mapagmahal at caring kasi si Loki Lus pero ngayon, ibang-iba na.
Malinaw na sa kaniya na kaya lang nito tinanggap ang penalty na para sana sa kaniya dahil buntis siya. Kapag ba hindi siya buntis, tutulungan pa kaya siya ni Loki Luis?
Wala na talaga siyang karamay ngayon.
Hindi siya sanay sa higaan nila. Medyo rough kasi ang topsheet kaya nangangati ang katawan niya kaya nalakamot siya sa binti at napabalikwas.
"Ano ba?" singhal ni Loki Luis. "Hindi ka ba pumirmi? Ang galaw mo!"
"Nangangati ako," reklamo niya.
"E di lumipat ka!"
"Hindi lang ako sanay sa texture ng higaan," sagot niya.
"Alangan naman ako pa ang mag-aadjust sa 'yo? Kung ayaw mo, lumipat ka!"
"Ba't ba ang suplado mo?" singhal niya saka naupo. "Gusto lang naman kita makatabi ah!"
"Ba't ba bigla kang ganiyan?" Naupo na rin sa tabi niya si Loki Luis. "May binabalak ka na naman ba, Atheina?"
"G–Gusto lang kitang makatabi dahil baka saktan nila ako sa kabilang kuwarto kapag wala ka!" naiiyak na sagot ni Atheina.
"Sinaktan ka ba nila?"
"Wala pa naman," sagot niya. "Hayaan mo akong matulog sa tabi mo!"
"Ewan ko sa 'yo!" Muling nahiga si Loki Luis at nagtalukbong.
Napasimangot ang dalaga saka muling nahiga.
Sinubukan niyang huwag kumamot pero sobrang kati kaya maingat na nagkamot siya. Kahit na hindi makatulog, tiniis niyang huwag gumalaw. Napasulyap siya sa wall clock. Mahigit isang oras na ang nakalipas. Siguro tulog na si Loki Luis?
Naramdaman niya ang pag-uga ng kama at pagharap ni Loki Luis sa kaniya. Uusod pa sana siya pero niyakap siya nito sa bewang kaya napakagat siya sa ibabang labi. Nakapikit si Loki Luis kaya malaya niyang napagmasdan ang guwapo at maamo nitong mukha. Huwag lang talaga magising dahil mukha itong mabangis na leon.
"L–Loki," usal niya nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa pisngi niya dahil sa sobrang lapit ng mukha nito.
Napalunok siya ng laway nang dahan-dahang inilapit ang mukha sa mukha nito hanggang sa maglapat ang mga labi nila.
Nakapikit si Loki habang siya ay nakadilat. Aalisin na sana niya ang mga labi nang biglang gumalaw ang mga labi ni Luis at siniil siya ng halik matapos yakapin nang sobrang higpit.
Agad na pumatong ang binata sa kaniya kaya naramdaman niya ang matigas na bagay sa pagitan ng dalawa niyang hita.
"You want this, huh?" galit na bulong ng binata habang hinuhubad ang damit nila ni Atheina.
Inosenteng gumalaw ang mga kamay ng dalaga para haplusin ang matigas na abs ng binata kaya mas lalong uminit ang katawan nito.
"I n–need you, Loki Luis . . . " wala sa sariling wika ni Atheina. Ito lang naman ang rason ng paglipat niya, gusto niyang maramdaman ang init ng katawan ng binata.
"So? Kaya ka lumipat?" Naniningkit ang mga matang tanong ng binata.
"H—Hindi ko naman ginusto na makatalik ka eh, gusto ko lang . . . " mahihiyang pag-amin ng dalaga at napapikit nang puwersahang ipinasok ni Loki Luis ang pagkalalaki saka mabilis na gumalaw sa ibabaw niya habang hawak nito ang magkabilang bewang niya para igiya sa pagsalubong sa bawat pagpasok nito.
Medyo matagal na nilang hindi nagawa ito kaya nakaramdam si Atheina ng sakit pero sa umpisa lang.
"Fuck!" pagmumura ng binata saka yumuko at gigil na inangkin ng mga labi ang erected nipple ng dalaga. Ang isa nitong kamay ay madiing nilalamas ang kabilang dibdib ni Atheina.
"Oooh . . . " ungol ni Atheina at napasabunot sa buhok ni Loki Luis. Unlike dati, rough ang galaw nito. Nandoon ang gigil, pag-angkin at galit.
Napahigpit ang paghawak ng kaliwang kamay niya sa kumot nang binilisan ni Loki Luis ang pagkadyot saka hinawakan ang kanang binti niya para mas lalong ibuka ang mga hita at malayang makapasok ito sa pagkababae niya.
"Hmm . . . aaah." Ungol ng binata nang sinabayan siya ng dalaga sa paggalaw. Mas lalong nanigas ang alaga niya kaya napakagat siya sa leeg ng dalaga pero sinigurado niyang wala siyang bakas na maiiwan.
Bumaba ang mga halik niya sa kanang bulkan ni Atheina at parang batang sinipsip na naman ang nipple nito. Nang magsawa ay tumigil siya saka napayuko para tingnan ang pagkalalaking lumalabas pasok kay Atheina.
Napayuko rin si Atheina at pinagmasdan ang pag-iisa ng mga ari nila.
"Like what you see? Hmm?" nakataaang kilay na tanong ni Luis.
"Kinda!" honest na sagot ng dalaga at napapikit nang binilisan ni Loki ang paggalaw. "Oooh, shit!"
She's cumming alam ni Luis iyon. Napaigtad siya sa sarap na nadarama.
Sinasalubong niya ang bawat pagbayo ni Loki Luis.
"Damn!" ani Loki nang maramdaman ang katas ng dalaga kasabay ng pagbaon ng mga kuko nito sa balat ng likod niya.
Halos ibaon na rin niya ang sarili sa katawan ng dalaga nang labasan siya.

---------------------

Wala na si Loki Luis nang magising siya kaya bumangon siya at dumiretso sa shower room para maghilamos matapos isuot ang roba.
Saktong lumabas siya nang may kumatok kaya sa pintuan siya dumiretso.
"Good morning po, papalitan ko lang ang linens ninyo," magalang na bati ng babaeng may bitbit na pamalit.
"Sige po," sagot niya. "Nakita mo si Loki Luis?"
"Sa baba po."
"May kausap po."
"Sino?"
"Hindi ko po kilala e. Babae."
Tumango siya saka lumabas para puntahan ang binata pero napasimangot nang makita si Sheryl at nagtatawanan pa ang dalawa sa gilid ng pool habang naka-swimming trunks ang binata.
Napasulyap sa gawi niya si Loki Luis pero inirapan niya at nagmartsa pabalik sa loob ng bahay saka naghanap ng makakain. Umakyat muna siya sa itaas at kinuha ang samurai na nakatago sa drawer ni Loki Luis saka muling bumaba.
Kumuha siya ng green apple saka binalatan gamit ang napakamatalim na samurai.
Dumistansiya ang katulong at lumapit naman ang tatlong tauhan para bantayan siya habang nagbabalat.
"Matapos ang nangyari kagabi, makipaglandian pa siya?" gigil na bulong niya saka inihagis sa itaas ang apple na nabalatan na at nang mahulog ito sa mesa ay nahati na ng pantay sa apat. Wala siyang pakialam sa mga nakatingin dahil kapag mainis siya, sila ang babalatan at hihiwain niya.
Magbabalat pa sana siya nang may umagaw ng samurai mula sa likuran niya.
"Bakit mo ba kinuha ang samurai na 'to?" salubong ang kilay na tanong ni Loki pero nakatingala lang si Atheina at blangko ang mukhang sinawsaw sa sukang maanghang ang green apple saka kinain. "Hindi ka sasagot?"
"Ano'ng gagawin mo?" taas noong tanong ng dalaga.
"Huwag mong sagarin ang pasensiya ko, Atheina!" Sinipa niya ang upuan kaya tumilapon palabas ng dining room.
"S–Sumama ka sa babae mo!" singhal ni Atheina at pinahidan ang mga luha. "Magsama kayong dalawa!" Sunod-sunod na sabo ng apple ang ginawa niya matapos isawsaw sa suka.
"Nagseselos ka ba?" mahinang tanong ng binata.
"Wala akong karapatan kaya akin na ang samurai at magbabalat ako ng apple!" Inagaw niya kay Loki Luis ang samurai at gigil na binalatan ang green apples na nasa harapan.
"Tumigil ka na nga sa kakaiyak," saway ng binata.
"Tumahimik ka nga! Doon ka na sa babae mo!" pagtataboy ng dalaga.
Napatitig si Loki Luis sa dalagang umiiyak habang nagbabalat ng green apple.
"Gusto mo pa ng green apple? Magpapabili ako," tanong niya at sumenyas sa mga tauhan na umalis na.
Umiling si Atheina at pinahidan ang mga luha.
"Ano pa ang gusto mo?"
"G–Gusto kong palayasin mo na ang babae mo. Ayaw ko siyang makita."
"Umuwi na siya," sagot ng binata. "Ubusin mo na 'yan, swimming tayo," yaya niya.
"Ayaw ko . . . " tanggi ng dalaga at naupo saka pinapak ang binalatang mansanas.
Napailing si Loki Luis bago iniwan si Atheina.
"Napalitan mo na ba?" tanong niya sa katulong na nakasalubong.
"Yes, Sir," sagot nito.
"Make sure na maganda ang texture ng linens at comforter ha."
"Maganda na po 'yon," sagot nito.
"Good," ani Loki Luis.




Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon