GOOD BOY GONE BAD
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 4
Unedited...
Kakapasok lang niya sa maliit at may kalumang building. It is an agency building na nagpapaalis ng mga pinoy patungo sa Middle East, Singapore at Japan.
Pumasok siya sa elevator at pinindot ang basement. Simpleng basement lang pero may secret door sa loob ng facility room patungo sa opisina ng IT nila. Walang mag-iisip na nandito ang base ng secret hacker nila dahil araw-araw ay dinadayo ng maraming applicants.
Simple lang ang suot niya. Maong jean and plain white shirt na tinernuhan ng white Adidas shoes.
Laylay ang balikat na lumabas siya ng elevator. Paano, namomroblema siya kay Atheina kung ano ang nararapat niyang gawin sa dalaga.
"S-Sir, good afternoon," bati ng lalaking medyo may edad, malaki ang tiyan at nasa 5'5" ang height tapos kulot ang buhok nang makasalubong siya.
"Si Bloom?" tanong niya.
"S-Sa office po," alanganing sagot niya at kinuha ang radyo na nakasabit sa tagiliran ng pantalon pero pinigilan niya.
"Huwag mo nang tawagan," sabi niya at winarningan ang matanda sa pamamagitan ng tingin.
Maingat na binuksan niya ang pinto ng opisina. Sumalubong sa kaniya ang tunog ng paghilik ng dalawang lalaking pinagkasya ang malalaking katawan sa upuan. Lumapit siya sa table pero napailing din nang makitang natutulog ang pakay niya. Nakaupo ito sa swivel chair at nakaunan ang ulo sa dalawang kamay na nasa ibabaw ng mesa.
Malakas na hinampas biya ang mesa kaya biglang tayo ang mga ito.
"Sir!" bati ng dalawang lalaki.
Umangat ang ulo ng babaeng natutulog at tiningnan si Loki Luis.
Umayos siya ng pagkakaupo at kinuha ang pantali saka ipinusod ang buhok na wala nang suklay-suklay.
"Ito ba ang ginagawa ninyo araw-araw?" seryosong tanong ni Loki Luis na sa babae nakatingin.
"Breaktime," tipid na sagot ng babae.
"K-Kuha lang kami ng makakain mo sir," paalam ng dalawa saka parang bulang biglang naglaho sa harapan ng binata.
"What brought you here?" seryosong tanong ng babae. Sarap ng tulog niya, iniistorbo siya nito.
"Any progress? May balita na ba kayo?" tanong ng binata saka inilapag ang basyo ng balang nakuha niya kahapon.
"Ano 'yan?"
"Identify," sagot ni Loki Luis.
Napaismid ang babae at sinuri ang basyo ng bala. Kinuha nito ang magnifying glass at sinuri.
"Positive," sagot niya nang makita ang maliit na nakaukit na tatlong magkakatabing tuldok sa loob nito. Lahat ng bala ng black dragon gang ay may nakaukit.
"Muntik na nilang mapatay si--" Hindi na niya ipinagpatuloy ang sasabihin.
"Who?"
"Nevermind," sabi niya. "Basta gawin ninyo nang maayos ang trabaho ninyo."
"Babae, right?" nakangising tanong ni Bloom. Mas matanda siya kay Loki Luis pero kahit na nasa mid 30's, hindi halata dahil sa angking ganda at hubog ng katawang may kapayatan.
"Gawin mo ang trabaho mo," pag-iiba ng binata.
"Babae ang magpapahamak sa 'yo, Loki Luis!" sabi nito.
"Wala akong babae!" madiing sabi niya pero napa-smirk si Bloom.
"Really? Wala nga ba?"
"Wala nga!"
"Pikon," sabi ni Bloom at binuksan ang computer.
"Ano na?"
"Atat? Ayusin ko ang trabaho ko basta magna-nightout ako later," sabi ng dalaga.
"Bawal!" madiing sabi ni Loki Luis. "Masyado pang maaga. Just wait a little bit--"
"I'm so fuckin' tired of this, Luis!" reklamo ni Bloom habang tinitingnan ang na-hack na email.
"Please wait, Bloom."
Sinearch ng dalaga ang mahahalagang emails at naging maingat na hindi ma-detect na nababasa niya ito.
Kumuha siya ng ginupit na bondpaper at may sinulat.
"Here," sabi niya saka binigay ang kapirasong bondpaper na may nakasulat ng lugar at oras.
"Ano 'to?"
"Next target nila," sabi ng dalaga.
"Sa lahat ng IT, ikaw ang pinagkatiwalaaan ko, Bloom," sabi ni Loki Luis nang makuha ang papel.
"Have I ever told you na huwag kang magtiwala kahit kanino?" maarteng sabi ng babae.
"Nope," ani Loki Luis.
Tumayo ang dalaga kaya napansing niyang sobrang iksi ng shorts nito na parang nakabikini na lang. Maluwag naman ang tshirt pero sa sobrang nipis, naaaninag niya ang kulay itim na bra nito.
Lumapit ito sa harapan ni Loki Luis at sumandal sa mesa habang pinagmasdan ang kabuuan ng binata.
"Magkatapos ng misyon, gusto kong makuha ang premyo ko," malanding sabi niya.
"You have my words, Bloom," sabi ng binata na alam niyang sine-seduce na naman siya nito. Pero parang ate na lang talaga ang turing niya kay Bloom kaya hindi siya nadadala.
Hinawakan ni Bloom ang tshirt niya para hilain siya palapit dito.
"Really?" tanong ng dalaga. She's the hottest IT sa buong mundo pero wala siyang dating kay Loki Luis at nararamdaman niya iyon.
"Ehem!"
Nabitiwan ni Bloom ang damit ni Loki nang marinig ang tikhim ng lalaking familiar na sa kaniya.
"Busy yata kayo?" tanong ng lalaking pinakaseryosong nakilala ni Bloom. Makaasta ito parang ito ang boss e. Ito ang namumuno sa kanila at mas expert kaysa sa kaniya pagdating sa computer at hacking na trabaho.
Selected lang silang mga nandito. Mas mapagkatiwalaan ng grupo.
"Not so," maarteng sabi niya at bumalik na sa puwesto matapos irapan ang binata. She hates him. Ne hindi man lang siya tinititigan nito o nakikipag-usap sa kaniya.
"Kailan pala 'to?" tanong ni Loki Luis na hindi pinansin ang tensiyon na namamagitan sa dalawa.
"Seven ng gabi. Nakasulat naman diyan e," sagot ni Bloom.
"Kelan? Petsa?" pikong sabi ni Loki Luis.
"Puwede bang ayusin mo ang impormasyon mo?" salubong ang kilay na sabat ni Seven kaya napasimangot si Bloom.
"Maayos akong magtrabaho!" giit ng dalaga.
"Talaga? nagdududang sabi ni Seven. "Sa ating lahat, ikaw ang pinakahindi welcome dito!"
Naikuyom ni Bloom ang kamao.
"Lapit ka dito at nang mabasag ko ang mukha mo!"
"Pasalamat ka, babae ka!" sabi ni Seven. Sa kanilang lahat, siya ang nangungunang tutumutol na isama si Bloom sa operasyon pero hindi siya pinakinggan ng mga Lacson. He can't trust her. Never!
"Enough!" saway ni Loki Luis na naririndi na sa bangayan ng dalawa.
"Psh! Mukhang kurimaw!" ani Bloom saka tinaasan ng kilay si Seven.
"Kailan na ba ito?" tanong ulit ni Loki Luis. Kaya ayaw niyang bumisita rito dahil sa dalawa.
"Ngayon na," sagot ni Bloom kaya mulagat ang mga mata ni Loki Luis saka napasulyap sa wristwatch. Alas sais na.
"Are you serious?"
"Bawal mag-joke, 'di ba?" sarcastic na sagot ng dalaga.
"Shit!" bulalas ni Loki Luis at mabilis na lumabas ng opisina. Sa pagkakaaalam niya, alas sais 'y media ang uwian nina Atheina.
------------------
"May problema ba?" bulong ni Sharmie nang mapansing tulala si Atheina habang nagle-lecture sila.
"Wala," sagot ng dalaga.
"Sure ka? Lalim ng iniisip mo eh."
"Oo. Makinig ka na," bulong ni Atheina dahil baka mahuli pa silang nag-uusap. Wala pa silang major subject talaga at tamad na siyang mag-aral. Siguro dahil sanay siya sa Germany na trabaho at party-party lang ang ginagawa.
Naalala niya ang ama niya. Ang sabi nito, tutulong sila sa mga Pilipinong gustong magtrabaho sa bansa nila. Mahal na mahal ng ama nya ang piay na mommy niya. Ilang beses na rin silang nagbakasyon dito sa Pinas nang nabubuhay pa sila. Madalas magluto ang mommy niya ng Filipino dishes kaya pareho nilang paborito ang laing.
Taga Ilocos ang ina niya pero mas pinili niyang dito sa Maynila manirahan.
Nang matapos ang klase, naunang lumabas si Sharmie dahil natatae na raw ito.
"Hey!" tawag ni Sharon nang humarang sa pinto. "Uuwi ka na ba? Nightout tayo."
"May gagawin pa ako," sagot ni Atheina.
"Busy ka naman, gurl?" sabat ni Shaina.
"Oo. Isa pa, marami tayong assignment bukas."
"Jamming lang sa amin. Malay mo, magustuhan mo ang sorority namin," sabi ni Sharon na halatang mas pursigidong makuha ang loob ni Atheina. "Sige na, gurl."
"Pasensiya na talaga," paumanhin ni Atheina.
"Bakit? Kasi ka-close mo ang dean?" sabat ni Shaina.
"Excuse me?" Atheina.
"Sa rooftop ka niya pinapunta kahapon, right?" napaismid na tanong nito. "I saw you."
Natigilan si Atheina. Hindi niya akalaing makikita siya nito.
"Nakita mo?" nagulat din na tanong ni Sharon.
"Yeah."
"Pinalinis lang niya ako ng hagdan," agad na depensa ng dalaga. "Penalty."
"Wow! Buti naman," tila nabunutang tinik na sabi ni Shaina. "Akala ko, kung ano na."
"Dumi ng isip mo, gurl!" ani Sharon. "Impossibleng magkakagusto si Sir kay Atheina, mataas standard ng mga Lacson."
"Padaan na, uuwi na ako," sabi ni Atheina. "Busy talaga ako ngayon. Maybe nextime."
"Okay," sabi ni Sharon at tumabi para makadaan ang dalaga.
Napabuntonghininga si Atheina. Nasisikipan siya sa dalawa. Ngayon lang nagkakilala sina Sharon at Shaina pero close na agad ang dalawa.
Patungo na siya sa parking lot nang humarang sina Victor, Cesar at Justin.
"Uuwi ka na, classmate?" nakangising tanong ni Justin at pinabaliktad ang Nike na sombrero.
"Mamaya na," segunda ni Victor saka iniluwa ang bubble gum sa damuhan at kumuha ng panibagong chewing gum. "Gusto mo?"
"No, thanks," sagot ni Atheina. "Pero nagmamadali talaga ako."
Napasulyap siya kay Cesar na nakatingin lang sa kaniya. Okay, guwapo ito. Actually, tatlo silang guwapo pero ma-attitude lang.
"Mamaya na," sabi ni Victor na nakipagpatentero sa dalaga.
"Ano na naman 'to?" dumadagundong ang boses na tanong ni Jason na presidente ng alpha sigma rho.
"Master," sabi ni Cesar.
"Pinagtitripan ba ninyo 'yan?"
"Hindi, master. Kaklase namin siya," tanggi ni Justin.
"Ayaw ko ng bully sa grupo ha!" sabi ni Jason na ino-obserbahan ang tatlo. Snappy ang mga ito pero tingnan niya sa araw mismo ng initiation nila kung oobra ang pagiging astigin ng mga ito.
"Miss, pasensiya ka na sa kanilang tatlo."
"Okay lang," sagot ni Atheina saka iniwan ang mga ito dahil nagmamadali siya. Quarter to seven na.
Nang makasakay, mabilis na pinaandar niya ang sasakyan. Hindi siya sanay sa traffic pero kapag nandito sa Pinas, kailangan niya ng mahabang pasensiya.
Saktong papaliko na siya patungo sa condo nang biglang namatay ang streetlight.
Bang! Boom!
"Kyah!" tili niya at napayuko nang biglang pumutok ang gulong niya kasabay ng pagbaril.
"Baba!" madiing sabi ng lalaki habang nakatutok ang mahabang baril sa ulo niya.
"S-Sino--"
"Baba sabi!" sigaw niya sabay hampas sa balikat niya ng baril.
"Ouch!" daing niya at napahawak sa sumasakit na balikat.
"Bababa ka o sasabog ang ulo mo?"
Itinaas niya ang mga kamay at bumaba. Nakamaskara ang dalawa at nakasuot ng pang ninja na damit.
"S-Saan ninyo ako dadalhin?" tanong ng dalaga sa kinakabahang boses.
"Ouch!" daing niya nang suntukin siya sa sikmura ng isa.
Narinig nila ang tunog ng motorsiklong papalapit.
"Bilis!" nagmamadaling sabi ng isa sabay hila kay Atheina palapit sa kotse ng mga ito pero nagpupumiglas ang dalaga.
"B-Bitiwan ninyo ako!" humiyaw niya at nagpupumiglas. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" buong lakas na sigaw niya habang umiiyak at pinaghahampas ang dalawa.
Bang! Bang!
"Shit!" pagmumura ng isa nang pinagbabaril sila ng nakasakay sa ducati.
"Withdraw!" sigaw ng kasama nito kaya mabilis na pumasok sila sa sasakyan at gumanti ng paputok.
"Fuck!" sigaw ni Loki Luis nang humarurot palayo ang sasakyan.
Hahabulin pa sana niya pero naalala niya si Atheina kaya tumigil siya sa tapat nito.
"Atheina," tawag niya.
Napaupo ang dalaga at humagulgol sa pag-iyak.
"Hey..."
"I'm d-dying..." nanginginig ang boses nito kaya napahilamos ng mukha si Loki Luis.
"Sinaktan ka ba nila?"
"P-Papatayin nila ako..." hysterical na sabi ng dalaga. "W-Wala akong kasalanan sa kanila... wala talaga..."
Kinagat niya ang nanginginig na mga kamay para tumahan.
Agad na niyakap siya ni Loki Luis.
"It's okay, ligtas ka na..."
Biglang bumalik ang ilaw ng streetlight at may pangilan-ngilang dumadaang motorista.
"N-Natatakot ako, m-may baril sila..." luhaang sabi niya at isinubsob ang mukha sa malapad na dibdib ni Loki Luis.
"S-Sorry kung nahuli man ako ng dating," paumanhin ng binata. Kasalanan kasi to ni Bloom e. Paano kung napuruhan si Bloom?
"I-I'm scared..." mahinang sabi ni Atheina.
Naramdaman ni Loki Luis ang panginginig ng buong katawan nito kaya napabuntonghininga siya para pakalmahin din ang sarili.
Nang marinig niya ang putok kanina at pagsabog ng gulong, parang gusto na niyang liparin para masigurado ang kaligtasan ng dalaga. Hindi niya mapatawad ang konsensiya kapag may masamang mangyari dito.
"K-Kasalanan ko, Atheina," sabi niya.
"A-Ano bang nangyayari, sir? B-Bakit gusto nila akong dukutin?" naguguluhang tanong nito.
"Dahil akala nila, girlfriend kita," sagot ni Loki Luis na naikuyom ang kamao.
Napanganga si Atheina at napatingala sa binata.
"Well, mas mataas ang standard ko kaya huwag kang ano diyan," sabi ni Loki Luis dahil naramdaman niya ang malusog na boobs ni Atheina na nasa dibdib niya.
"P-Pero hindi naman, 'di ba? Isa pa, girlfriend lang naman pero bakit ako?"
Napabuntonghininga si Loki Luis.
"Kasi alam nilang weakness namin ang mga babae namin at gagamitin ka nila para makuha ang gusto nila sa amin," paliwanag ng binata.
"B-Bakit ako? Hindi naman tayo magjowa, 'di ba? I don't even love you!" Galit na tinulak niya si Loki Luis palayo.
"Psh! Ikaw na ang nasilip nila. Ako pa nga ang lugi sa 'yo eh," sabi ng binata.
"Uuwi na ako!" giit ni Atheina na napalitan na ng galit ang mga mata.
"At ano? Magpapakamatay na lang?"
Natigilan ang dalaga.
"Mula ngayon, sa condo ka na titira."
"What the fuck!" bulalas niya.
Lumapit si Loki Luis sa ducati niya saka sumakay.
"Sakay niya. Ipahatak ko na lang ang sasakyan mo sa mga tauhan namin," sabi niya saka isinuot ang helmet.
"Schade! Never!" singhal ng dalaga. Hinding-hindi siya mabubuhay kapag nasa iisang bubong lang sila ng supladong dean nila. Hindi talaga! "Babalik na lang ako sa Germany!"
"Balik ka don. Sa airport pa lang, nanukot ka na nila!" sabi ni Loki Luis na hindi pinansin ang umuusok na ilong ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Good Boy Gone Bad
Mistério / SuspenseGOOD BOY GONE BAD by: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE "Good Boy Gone Bad" Well-trained. Pasikreto siyang tinuturuan para ihanda sa tungkuling habambuhay niyang gagampanan. Tahimik na ang lahat pero biglang niyanig ang mundo ng fraternities and sorori...