17

647 26 0
                                    


GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 17

Unedited...

Pikong-pikon na siya habang nagmamaneho patungo sa headquarters ng hacker nila. Gusto niyang umuwi pero nag-anyayang mag-dinner ang mga Villafuerte. Gusto niyang masolo si Atheina. Gusto niyang matulog ulit na kasama ito pero mukhang malabo iyon ngayong gabi kaya tinawagan na lang niya.
Pagpasok niya ng headquarters, busy si Bloom sa monitor.
"May bago na namang email," sabi ni Bloom.
"Ano?" Naupo siya sa sofang nasa tapat ng mesa ng dalaga.
"Send ko ang info later," sagot niya.
Binuksan ni Loki Luis ang dalang bottled water saka uminom.
Tumayo siya at lumapit sa harapan ni Bloom.
"M-May aaminin ako sa 'yo," kabadong panimula niya. "S-Sana hindi ito makarating kina Daddy at Lolo."
"Kung babae, huwag mo nang ipaalam," hindi interesadong sagot ni Bloom na busy sa paglalaro. Ito lang naman ang libangan niya. "Kailan mo na ako palabasin?"
"Nextweek na."
"Saturday," ani Bloom. Tatakas talaga siya kapag hindi payagan.
"A-Ate--Bloom... M-May ipagtapat ako sa 'yo," ulit ng binata. Hindi siya pinansin pero alam niyang nakikinig lang ito sa kaniya kaya nagpatuloy siya. "M-May girlfriend na ako," para siyang batang nahihiyang umamin sa ate niya na nagkaroon ng girlfriend dahil pagalitan ng parents nila.
"Paki ko?" mataray na sabi ni Bloom. "Alam mo naman na bawal pa."
"Ahm..." Napakamot siya sa ulo. "M-May nangyari na sa amin," nahihiyang pag-amin niya kaya napatigil si Bloom sa paglalaro at tumingala saka nakipagtitigan sa binatang nakatayo sa harapan niya. Dahan-dahan niyang dinukot ang baril sa drawer niya nang mabasa ang isipan nito.
"N-Nagli-livein na kami ngayon," nakangiwing dagdag niya. Sa hitsura ni Bloom, mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. "S-Seryoso--" Napatigil siya nang marinig ang pagkasa nito ng baril.
"H-Hey, Ate Bloom, h-huwag--"
Bang!
"Shit!" Bulalas ni Seven na kakapasok pero buti na lang dahil nakayuko siya. "Ano ba? Ibaba mo nga 'yan!" saway niya at nilapitan si Loki Luis na mukhang estatwa sa nangyari dahil nanigas at hindi na ito makakilos.
"Gago ka ba, huh?" gigil na tanong ni Bloom saka muling kumasa kaya hinila ni Seven palabas si Loki Luis.
"T-Takbo!" sigaw ni Loki Luis habang palabas ng pintuan nang mahimasmasan.
"Balik kayo dito!" sigaw ni Atheina habang hinahabol sila.
Bang!
Paliko-liko ang takbo ng dalawa habang sinusundan ng bala hanggang sa makarating sila sa office nina Seven. Agad na ini-lock ni Seven ang pinto at umikot sila sa mesa at nagtago sa likod ng sofa.
Hinihingal na napaupo ang dalawa at parehong pawisan.
"K-Kuya, t-tingnan mo kung nandiyan pa," pakiusap ni Loki Luis na chineck kung may sugat ba sa katawan.
"M-Mamaya," sagot ni Seven. "S-Sabi sa 'yo dragon talaga 'yon e. Apoy na lang kulang. B-Ba't ba kasi ginalit mo na naman?"
Pareho na silang hinahabol ang hininga.
"Ugh! Buwesit kasi. Badtrip lang talaga siya," sagot ni Loki Luis na sumilip sa pinto at nakahawak pa rin sa dibdib. Mas nakakatakot pa yata si Bloom kaysa sa kalaban nila.
Napatingin siya kay Seven, araw-araw silang ganito? Di niya talaga kakayanin. Paano kaya ito nakakatagal?
Tinawagan nila si Manong at nang sumenyas ito na safe na ang paligid, dahan-dahang lumabas si Loki Luis patungo sa elevator at umalis na. Nakahinga siya namg maluwag nang makasakay sa kotse at nagmaneho patungo sa bahay ng mga Villafuerte para sa family dinner.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni GV sa anak.
"M-May ginawa lang ho," sagot niya. Kakaumpisa na kasi ng dinner at alas diyes na. Doon pa siya matutulog sa bahay nila dahil ihahatid niya ito mamaya dahil wala ang kanilang ama at may sakit nga.
"Hi," bati ni Matter nang lumapit. "Salamat at nakahabol ka."
"Musta po?" tanong niya at tinitigan ang guwapong pinsan.
"Okay lang."
"Mukhang nagustuhan mo sa isla ah," aniya at napasulyap sa magandang asawa nitong nakaputing bestida at nakipag-usap sa iba.
"Oo nga e. Maiwan ko muna kayo," paalam ni Matter at lumapit sa ibang pinsan.
Death anniversary ngayon ni Rose na lingid sa kaalaman ng lahat, sinadya itong patayin ng black dragon gang.
Nilapitan siya ni Skyler at tinapik sa balikat.
"Lolo," aniya at ngumiti.
"Kamusta ang bagong fraternity king?" tanong ni Skyler na may bitbit na wine.
"Mahirap po."
Biglang sumeryoso si Skyler. "Sana matagpuan mo na ang lalaking iyon," sabi nito. Alam nito ang lahat sa likod ng pagkamatay ni Rose at nakita nito ang litrato ng lalaking huling bisita ni Rose.
"Sisikapin ko po," magalang na sagot niya at nginitian ang matanda.
Ayun, habang nakipaghalubilo, panay ang tawag niya sa kasintahan para kamustahin ito.
Madaling araw na silang umuwi ng ina at sa bahay ng mga Lacson siya dumiretso.
-----------------
"Sharmie!" bulalas ni Atheina nang pumasok ang kaibigan.
"H-Hi," alanganing bati ni Sharmie at nakipagbeso-beso kay Atheina.
"Okay ka lang? Nag-alala ako sa 'yo."
"I'm fine," sagot ni Sharmie.
"Bakit hindi ka pumasok?" tanong ni Atheina. "Tapos hindi mo pa sinasagot ang tawag at text ko."
"Kaka-charge ko lang," tipid na sagot niya saka napasulyap kay Cesar na palapit sa kanila.
"Saan ka ba nagpunta?" tanong ni Cesar na hindi maitago ang inis sa mukha. "Alam mo bang ako ang pinagbintangan niyang si Atheina dahil sa kadramahan mo?"
"Shutup!" saway ni Atheina at sinamaan ng tingin ang binata.
"Walang kasalanan si Cesar," nakangiting sagot ni Sharmie. Pinag-aralan ni Atheina ang mukha nng kaibigan pero mukhang wala namang bago rito maliban sa naiilang pa rin kay Cesar. Sa bahay kaya nila? Inaapi kaya ito?
Bago magsimula ang klase, tinext niya si Loki Luis na magkita sila sa rooftop after lunch. Saktong ala una. Doon lang kasi sila puwedeng magkita pero hindi naman nag-reply.
" Saan na kaya siya?" tanong niya sa isip. Totoo kayang family dinner ang pinuntahan nito? Nabuhay ang curiousity sa isip niya.
"Okay ka lang?" tanong ni Sharmie. Saka niya namalayang tapos na pala ang klase. "Ang lalim ng iniisip mo ah."
"I'm fine," sagot niya saka inayos ang gamit para lumabas.
"Oh, buti naman pala at pumasok ka na?" naka-crossed arms na sabi ni Sharon saka tinaasan ng kanang kilay si Atheina nang magsalubong ang mga mata nila. "Akala ko nga, magsosolo 'yang malanding kaibigan mo eh."
"Puwede ba, Sharon? Wala akong gusto sa boyfriend mo!" sagot ni Atheina na punong-puno na sa kaharap.
"E di wala!" sagot ni Sharon saka niyaya si Shaina na lumabas ng classroom.
"Asar-talo eh," natatawang sabi ni Shaina. "Bruha niya!"
"Yeah," pagsang-ayon ni Sharon habang naglalakad. Napatingin siya kay Jason na nasa soccer field at nag-flying kiss sa kaniya nang makita siya kaya ganun din ang ginawa niya.
"In fairness, ang swerte mo kay Jason ha," sabi ni Shaina na nakatingin din sa binata. "Athletic, guwapo at mayaman."
"Hot pa," dagdag ni Sharon. "Hindi ko na kailangan ang isang Loki Luis. Siya pa lang, sapat na."
Magaling sa kama si Jason. Mahal din siya nito kahit na aminado siyang may pagkapilyo sa ibang babae. So far, loyal pa naman ito sa kaniya kahit na alam nitong maldita siya. Ito lang yata ang lalaking nagtatiyaga sa kaniya e.
"True," pagsang-ayon ni Shaina.
"Bilisan mo nga, daan muna tayo sa cafeteria, magkakape ako."
"Male-late tayo," ani Shaina.
"At kailan ka pa concern sa late mo?" maarteng tanong ni Sharon kaya natawa si Shaina.
"Okay, fifteen minutes," pagpayag ni Shaina. Pagdating nila, nandoon ang mga sis nila sa isang table kaya nakipag-usap sila.
" Ingay!" bulong niya habang umiinom ng kape pero kailangan niyang tiisin dahil siya ang sorority princess nila.
Wala pang fifteen minutes ay nagpaalam na sila sa mga ito at pumunta sa klase. Hindi pa naman nagsisimula dahil wala pa ang guro.
Napansin niyang panay ang text ni Atheina at hawak sa cellphone na para bang may tinatawagan.
Napabuntonghininga siya. Kailangan niyang mag-ingat sa mga misyong gagawin niya. Naka-ready na ang lahat para mamaya pero medyo kinakabahan pa rin siya.
Nang magklase, napansin niyang balisa si Atheina. Ino-obserbahan lang niya ito.
Nang mag-lunch time na, nauna silang naglakad at alam niyang sinadya ni Atheina na magpahuli kaya kinuha niya ang face powder na may salamin at binuksan saka tiningnan si Atheina sa likuran gamit ang maliit na salamin.
Nakita niyang pasimpleng pumasok ito sa elevator na para lang sa mga Lacson.
"Okay ka lang?" tanong ni Shaina.
"Mauna ka na, natatae ako e. Susunod lang ako," pagdadahilan niya.
"Nagugutom na ako." sabi ni Shaina. Kanina pa nga ito nagrereklamo.
"See you. Order mo na lang ako," sabi niya saka nagmamadaling umalis at gumamit ng hagdan patungo sa rooftop.
Walang tao. Sarado na rin ang pinto kaya kinuha niya ang hairpin para mabuksan.
"Fuck!" pagmumura niya nang masilip sina Atheina at Loki Luis na naghahalikan sa likod ng wall na sa puwesto lang niya makikita. Nagmamadaling hinubad ni Luis ang damit ni Atheina na para bang uhaw na uhaw ito sa dalaga.
Napangisi siya at kinuha ang cellphone saka pinicturan ang dalawang nagbo-body bonding.
"Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo!" bulong ni Sharon saka maingat na isinara ang pinto at dahan-dahang umalis.
Nang nakababa na siya sa hagdan, tiningnan niya ang kuha sa dalawa. Malinaw ang mukha ng mga ito at oras na i-post niya ito sa page ng CTU, malaking eskandalo ang magaganap. Maliban sa mapapahiya ang mga Lacson, bababa pa ang standard ng naturang paaralan.
Papasok siya ng canteen nang makitang nag-uusap sina Jason at Shaina.
"Sweetheart!" tawag ni Jason na kumaway sa kaniya.
"Tagal mo," reklamo ni Shaina.
"Sakit ng tiyan ko eh," palusot niya at napatingin kay Jason.
"Kain ka na, sweetheart," alok nito saka inilagay ang plato sa harapan.
"CR lang ako," paalam ni Shaina at tumayo.
"Are you okay?" tanong ni Jason at hinawakan ang kanang kamay ni Sharon pero agad nitong hinila at kinurot siya sa binti kaya napangiwi si Jason. "S-Sweetheart, tama na. Masakit!"
Binitiwan ni Sharon pero pakiramdam niya, napunit na talaga ang balat niya.
"Ano ba? Galit ka ba?" galit na tanong niya.
"Oo! May angal ka?" mahina pero pasinghal na sagot ng dalaga.
"W-Wala ah. Sabi ko nga, galit ka," mahinahong sagot ni Jason. Bakit ba natitiklop siya sa babaeng 'to? "Bakit ba?"
"May relasyon ba kayo?" prangkang tanong niya.
"Who?"
"Shaina!"
"Sharon naman, tingin mo papatol ako sa kaniya?" hindi makapaniwalang tanong ni Jason.
"Hmp? Malay ko."
Tumahimik na sila nang bumalik si Shaina.
"Sis? May plano ako kay Atheina," sabi ni Shaina nang maupo. "I'm sure magugustuhan mo 'yon."
"Yaan mo na muna. Kain na nga tayo," sabi ni Sharon at kumain. Naramdaman niya ang kamay ni Jason na pumipisil ng legs niya. Adik talaga ito sa kaniya.
"Nagawa mo na ba ang assignment mo?" tanong ni Jason dahil panay ang reklamo nito dahil madami raw silang assignment.
"Di pa," sagot niya. "Di ba mga neophytes mo 'yong kaklase ko?"
"Yes, tao ko 'yan sila," sagot ni Jason. "May problema ba?"
"Gaano sila ka-loyal sa grupo?" usisa ni Sharon.
"Loyal sila sa akin," nakangising sabi ni Jason kaya tumango si Sharon.
Nang matapos silang kumain, bumalik na sila sa classroom at nakinig ng napaka-boring na lecture.
Alas singko 'y media na. May isang klase pa sila hanggang 6.30.
"Uwi na ako," paalam ni Sharon. "Masakit talaga ang tiyan ko."
"Sure ka? Magpa-clinic ka kaya."
"Punta na lang ako sa family doctor namin bukas. I need some rest," maarteng sabi niya saka tumayo. Malapit na siya sa pinto at sinadya niyang banggain si Atheina sa balikat nang makasalubong.
"Sorry, tanga ka kasi!" maarteng sabi niya at tinalikuran ito saka tuloy-tuloy sa labas patungo sa condo na malapit lang sa school nila. Sa 17th floor siya. Nang makapasok, kinuha niya ang mga gamit at inayos malapit sa bintana.
Mula sa kinatatayuan niya, kitang-kita niya ang parking lot ng CTU.
Tapos na siya sa pag-assemble. Akala nga niya, aabutin pa siya ng dalawang oras. Napatingin siya sa wristwatch niya. Ten minutes na lang ay uwian na nila kaya sinilip niya sa long range sniper rifle ang target niya. Tamang-tama lang. Hindi pa siya nagkakapalya sa gawaing ito. Isa siya sa magaling na lady sniper ng black dragon gang. Tatlo sila noon pero namatay na ang isa.
Napasulyap siya sa cellphone.
"Uwian na. Palabas na kami," sabi ni Shaina.
"Good."
"Ginagawa mo? Okay ka na ba?"
"Yes. Ginagawa ko na ang assignment ko," sagot niya at kinuha ang binocular. Lumabas na si Atheina sa classroom at naglalakad patungo sa parking lot. "Call me later, busy na ako sa assignment ko."
"Galingan mo," sabi ni Shaina kaya tinapos na niya ang tawag at inihanda ang sarili.
Kabado siya. Paano kung pumalya? Pinilig niya ang ulo at tinanggal ang kaba sa dibdib.
Malapit na si Atheina sa sasakyan. Nakita niyang dinukot nito ang susi at nang makalapit sa pinto ng kotse, hinawakan nito ang pintuan. Hudyat para barilin na niya.
"Fuck!" pagmumura niya sabay takip ng makapal na kurtina nang biglang sumulpot si Loki Luis at agad na tinulak  si Atheina papasok sa sasakyan kaya flower pot ang natamaan niya.
Agad na inayos niya ang kagamitan at tinawagan ang facilities na kasamahan para iligpit at itago ang rifle na ginamit dahil panigurado, mag-imbestiga ang mga ito.
"Tatlong attempt na ng grupo pero bigla siyang sumusulpot," wika niya habang nag-iisip. Hindi kaya alam ng alpha sigma rho ang plano nila? Or na-hack na ang system nila?




Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon