GOOD BOY GONE BADby:sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 29
Unedited...
Tahimik ang gabi. Tulog na ang may-ari ng mansion at wala nang ingay sa paligid. Isang anino ang patakbong umiiwas sa liwanag ng buwan at nagtatago sa kadilimang sulok ng mansion.
Palinga-linga ito. Ilang araw na niyang pinag-aralan ang kilos ng mga tao at kung ilan ang tauhan sa paligid.
Ilang minuto na ang nakalipas at kailangan niyang makalabas bago pa siya mahalata. Palabas na siya at nagtago sa mayabong na halaman.
Napatingin siya sa mataas na bakod na may wire sa itaas. Bahala na. Alam niyang nakikipaglaban siya sa kamatayan but she has no choice.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago tumakbo para lumipat sa malaking puno na malapit sa bakod pero nasa kalagitnaan pa lang siya nang maramdaman ang hapdi sa braso niya.
"Fuck!" daing niya nang biglang lumiwanag ang buong paligid nang dahil sa sabay na umilaw ang lahat ng poste na nakapalibot sa buong mansion.
Napanganga siya nang makita ang mga tauhang nakapalibot at nakatutok ang baril sa kaniya.
Napahawak siya sa kanang bradong nasugatan ng shuriken.
"Sa tingin mo, makakatakas ka?" seryosong tanong ni Dylan na lumapit sa kaniya kaya naikuyom ni Atheina ang kamao. "Sa tingin mo, pabaya ang nagbabantay ng CCTV?"
Nang pasimpleng takpan nito, mabilis na nagradyo ang nagbabantay at naging alerto sa posibleng pagtakad nito. Hindi niya ito inaasahan. Ilan lang ang bilang niya sa nagbabantay mula sa silid niya pero ngayon, naging triple na ang nasa harapan niya.
"Ibalik na ninyo siya." Utos ni Dylan.
Napaatras si Atheina nang may lumapit sa kaniya. Hahawakan na sana siya pero mabilis na sinikmuraan niya.
Sumugod ang isa pa kaya nakipagsuntukan na siya. Bahala na kung babarilin siya ng mga ito.
"Ugh!" daing niya nang sipain siya ng malaking lalaki sa binti kaya napaupo siya.
Napapikit siya at hinawakan ang tiyan nang makita ang mahabang binti na sisipa sa kaniya.
Ilang segundo na nang wala siyang maramdaman kaya dumilat siya at tumingala sa lalaking nakatayo patalikod sa kaniya.
"Umalis ka, Loki Luis!" madiing sabi ni Dylan.
"Tama na," mahinang sabi ng binata. "Matulog na tayo."
"Hindi mo ba nakikita? Tatakas siya!" sabi ng isang tauhan kaya hinarap ito ni Loki Luis.
"Hindi mo rin ba nakikita? Wala siyang laban sa atin kahit na magtangka man siyang tatakas."
"Pero lumalaban ho siya, Sir," magalang na sabat ng lalaking sinikmuraan ni Atheina.
"Tama na sabi!" galit na saway ni Loki Luis nang hindi pa rin lumalayo ang mga ito. "Bumalik na kayo! Ako ang magbabalik sa kaniya sa kuwarto!"
Nilingon niya si Atheina at tinulungan itong makabangon.
"Bumalik na tayo!" galit na sabi niya saka hinatak ang dalaga pabalik sa loob ng bahay kasama ang iba pang bantay.
Napasulyap si Atheina sa binatang humahatak sa kaniya paakyat ng hagdan. Salubong ang kilay nito at mukhang susugod sa laban.
Pabagsak na isinara ni Loki Luis ang pinto at kinuha ang itim na damit na itinakip ni Atheina sa CCTV.
"Baliw ka na ba?" singhal ni Loki Luis at mabilis na kinuha ang emergency kit nang makita ang dugo sa braso ng dalagang nakaupo sa kama. "Ba't ka tatakas? Ilang beses ko bang sinabing imposibleng makatakas ka?"
Kinuha niya ang cottonballs at hinugasan ang sugat gamit ang normal saline at betadine. Daplis lang ang sugat at hindi na kailangang tahiin.
"Araw-araw susubukan kong tumakas hanggang sa makalaya ako sa impyernong bahay na 'to!" determinadong wika ng dalaga na naramdaman ang panginginig ng mga kamay ni Loki Luis habang naglalagay ng gauze pad sa sugat niya.
"Nagpapakamatay ka ba, Atheina?"
"Oo," sagot ng dalaga.
"Atheina naman! Alam mo bang buntis ka?" pikong tanong ni Loki Luis. Nang marinig niyang rumadyo, agad siyang bumaba para saklolohan ang dalaga dahil sigurado siyang mahuhuli ito.
"Alam ko."
"Ba't mo pinapahamak ang sarili mo?"
"Dahil gusto kong mabuhay!" Malakas na sagot niya at tumingala kay Loki Luis na nakatunghay sa kaniya. "A–Alam ko namang deserve ko na mamatay pero m–may karapatan ang anak kong mabuhay! A–Ayaw kong mawala siya sa mundo na hindi ko man lang ipinaglaban ang karapatan niya! M–Masamang tao at ina niya p–pero . . ." Pinahidan niya ang mga luha. "N–Nandiyan ka naman para alagaan siya, 'di ba?" Luhaang tumingala siya kay Loki Luis. "Paramg awa mo na, h–huwag muna ngayon, Luis. H–Huwag mong hayaang patayin nila ang b–baby natin." Humagulgol siya kaya napapikit si Loki Luis.
"Matulog ka na," mahinang sabi ng binata at tumalikod pero nahawakan ng dalaga ang kanang kamay niya. Napalingon siya nang maramdamang gumalaw si Atheina.
"A–Atheina," sambit niya nang lumuhod ang dalaga habang hawak ang kamay niya.
"K–Kahit para sa bata, i–iligtas mo muna ako. I–Ikaw na lang ang pag–asa ko, Loki Luis. P–Pakiusap naman oh, iligtas mo siya. G–Gagawin ko ang lahat ng gusto ninyo kahit na maglilinis pa ako ng buong bahay araw–araw o m–magpaalila basta ipangako mong ligtas ang baby natin."
Napalunok si Loki Luis ng laway at hinila ang kamay.
"Matulog ka na, Atheina."
Napayuko ang dalaga at itinakip ang magkabilang kamay sa mukha saka humagulgol sa pag-iyak.
"H–Huwag kang tumulad sa akin n–na walang puso sa mga gustong mabuhay," mahinang sabi niya.
"Matulog ka na, hanggat hindi ka pinapatay, may pag-asang mabuhay ang anak natin. Pakiusap, Atheina, alagaan mo ang sarili mo at baka makunan ka."
Tumingala si Atheina sa binata kaya nakita ni Loki ang pagsusumamo at pagdadalamhati sa mga mata nito.
"H–Huwag mo nang ulitin ang ginawa mo kanina," sabi ni Loki.
Bumukas ang pinto at iniluwa si Dylan.
"May meeting tayo kasama ang council bukas," sabi ni Dylan at tumingin kay Atheina. "Huwag ka nang tumakad dahil mas lalo mo lang pinapahamak ang sarili mo." Isinara na ni Dylan ang pinto.
"Matulog ka na, Atheina. Kung gusto mong mabuhay ang anak natin, hayaan mong ako ang gumawa ng paraan para sa inyong mag-ina ko," walang buhay na sabi ng binata saka lumabas.
Nanghihinang tumayo si Atheina at nahiga sa kama saka masuyong hinaplos ang sinapupunan.
"S–Sorry, baby," mahinang paunahin niya at niyakap ang unan. She wished na sana nandito ang mga magulang niya.
--------------------------
Dahil sa pagod at puyat, tinanghali na siya magising. Napabangon siya nang maramdamang may tao sa gilid ng kama.
"Mabuti at gising ka na," sabi ni Sharmie. "Kumain ka na."
"A–Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya sa naging matalik na kaibigan. Sa maikling panahong nagkakilala sila, masasabi niyang naging malapit ang loob niya rito. "P–Paano ka nakapasok?"
Ngumiti si Sharmie. "May gulay na pinaluto si Sir at mainit pa dahil kakadala ko lang, kumain ka na. Gusto mo sabayan kita?"
"M–Mamamatay tao ako, lumabas ka na," sabi ni Atheina at napasulyap sa tinolang isda nang makaramdam ng pagkahapdi sa tiyan.
"I know," sagot ni Sharmie at nginitian siya. "Pero kailangan mong maging malakas para sa baby mo."
"Sino'ng nag-utos sa 'yo na dalawin ako?"
"Si Sir Luis," sagot ng dalaga.
Tumayo si Atheina at naupo sa upuan para kumain.
Binuksan ni Sharmie ang makapal na kurtina kaya lumiwanag ang buong silid.
"Kakampi ka ba nila?" mahinang tanong ni Atheina at sinubukang balikan ang nangyari noon. "Ikaw ba ang nagsumbong kay Loki Luis na nasa videokehan tayo nina Cesar noon? Sinadya mo bang magpasama sa akin sa library at mag-aral para hindi na ako mahirapang gumawa ng alibi kay Loki Luis at saktong alas otso namin magagawa ang pagtangkang pagdukot sa akin?"
Hindi makasagot si Sharmie at napayuko.
"A–Atheina, sorry. Pero totoong gusto kita at totoo ang pakikipagkaibigan ko sa 'yo," paumanhin ni Sharmie. Alumni at loyal ang lolo Christian niya sa kapatiran kaya malabong kakalaban siya sa mga asirho. Noong una, hindi naman talaga siya kasali pero nang mapansin ni Loki Luis na malapit siya kay Atheina, doon na siya ginamit ng binata para maging spy sa loob ng classroom.
"Kaya ka ba nawala ng isang araw?" usisa niya pero iniwas ni Sharmie ang mga mata. "Bakit ka nawala, Sharmie?"
"B–Basta," namumula ang magkabilang pisngi na sagot nito. "M–Masyadong personal."
"May kinalaman ba si Cesar?" usisa nk Atheina pero iniwas nito ang mga mata. "Meron nga. Pareho kayong nagsisinungaling," pagkumpirma niya.
"Kumain ka na para maging malakas ka. Mamaya, papalitan natin ang wound dressing mo," pag-iiba ni Sharmie.
"Alam mo bang gustong lumapit ni Cesar sa 'yo pero pinakiusapan kong huwag ka niyang lapitan at patulan?" tanong ni Atheina kaya napatitig si Sharmie sa kaniya. "Ayaw kong paglaruan at paiyakin ka niya dahil akala ko kaibigan kita pero sana pala, hindi ko na siya kinausap para masaktan ka rin dahil traidor ka!"
"Kaibigan kita!" giit ni Sharmie. "Totoo ang pinakita ko sa 'yo, Atheina. Wala lang talaga akong choice dahil si Loki mismo ang nakiusap sa akin."
"Tapos na. Hindi na kita kaibigan!" sabi ni Atheina at pinagpatuloy ang pagkain. "Lumabas ka na."
"A–Ano mo si Cesar? B–Bakit ka niya susundin? Kakampi mo ba siya?" nahihiyang tanong ni Sharmie.
Seryosong humarap si Atheina kay Sharmie at nginisihan ito.
"Si Cesar ba? Ex ko siya at hanggang ngayon, mahal pa rin niya ako," taas noong pagsisinungaling niya saka tinaasan ng kilay si Sharmie kaya nakita niyang namutla ito. "At alam mo ba, para siyang asong ulol dahil patay na patay siya sa akin."
"M–May gagawin pa ako sa bahay. Pagaling ka, Atheina, para sa baby mo. At huwag ka nang tumakas dahil mapapahamak ka lang," bilin ni Sharmie at nagmamadaling umalis kaya natawa si Atheina. Nakaramdam siya ng lungkot. Itinuring niyang tunay na kaibigan si Sharmie pero pati ito, nagtraidor din sa kaniya.
Matapos niyang kumain, kinuha niya sa ref ang vitamins at uminom. Naligo muna siya tapos nagbihis at lumabas patungo sa kuwarto ni Loki Luis.
Kumatok siya ng ilang beses pero walang sumasagot kaya binuksan niya ang pinto at pumasok.
Marahang isinara niya ito at lumapit sa maayos na higaan ng binata. Nasa bagong frame na ang litrato niyang nasa ibabaw ng bedside table.
Napalingon siya nang bumukas ang shower room at lumabas si Loki Luis na naka-boxee shorts lang kaya nakita niya ang mga pasa sa katawan nito.
"A–Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong niya at nilapitan ang binata.
"Ba't nandito ka, Atheina?" usisa ni Loki Luis.
"Ba't ang itim ng hita mo?" Parang talong ang kulay ng hita nito. "Sino'ng gumawa nito sa 'yo?"
"Nag-change pad lang kami ni Gab. Ano ba ang ginagawa mo rito?"
Kinuha ni Luis ang roba na nakahanda sa ibabaw couch at isinuot.
"Okay ka lang? Magpapa-checkup ka ba?"
"Malayo sa kamatayan 'to. Sanay na ako. Ano ba ang kailangan mo?"
"B–Baka magka-internal hemorrhage ka."
"Puwede ba, Atheina!" naiinis na wika ng binata. "Kung wala kang kailangan, lumabas ka na!"
"S–Salamat sa pagtulong sa akin kagabi," pasalamat ng dalaga. "Gusto mo, i-hot compress natin ang hita mo?"
"Lumabas ka na nga!" pagtataboy ng binata. "Alagaan mo na lang ang sarili mo at ang anak natin!"
Lumapit si Atheina sa binata kaya napaatras ito.
"Wala akong planong makipag–" Natigilan si Luis nang yakapin siya ni Atheina.
"K–Kung sakaling maisilang ko ang baby natin, patawad kung wala na ako para gabayan siya. S–Sana makahanap ka ng babaeng hindi kagaya ko. Iyong karapat-dapat na maging ina niya," malungkot na sabi ng dalaga at lumayo kay Loki Luis at pilit na ngumiti saka lumabas.
"Hey," bati ni Gab na may bitbit na hot compress nang makasalubong niya. "Nasa loob ba ang kakambal ko?"
"B–Bakit ang dami niyang pasa sa katawan at binti?" usisa niya. Puwede bang suntukin ang kaharap niya? "Paano mo nagawang saktan ang kakambal mo?"
"Wala naman akong kasalanan," sabi ni Gabriel. "Hindi na nga ako bumugbog sa kaniya."
"B–Bugbog?"
Napakamot sa batok si Gab. "Tumakas ka kasi kagabi kaya sinalo niya ang parusang para sana sa 'yo."
"A–Ano'ng–"
"Sa bawat pagtangka mong pagtakas, may parusa 'yon sa 'yo pero sinalo ni Gab. Kaya kung ilang beses ka mang tatakas, ganoon din ang penalty na matatanggap ni Loki Luis mula sa officials," sagot ni Gab.
"A–Ako na lang sana," sabi ni Atheina.
"Malabong mangyari," ani Gab at mapait na ngumiti sa dalaga. "Tingin mo, hayaan niyang saktan ka nila?"
"P–Pero wala siyang kasalanan."
"Sa tuwing may plano kayong takutin ka kunwari, ilang beses siyang nandoon para siguraduhing ligtas ka, Atheina. Ang totoo, natatakot siyang baka pumalya ang kasama mo at mapuruhan ka nila."
"Pero bakit?" naguguluhang tanong ni Atheina pero sa halip na sagutin, tinapik lang siya ni Gab at nilagpasan.

BINABASA MO ANG
Good Boy Gone Bad
Mystery / ThrillerGOOD BOY GONE BAD by: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE "Good Boy Gone Bad" Well-trained. Pasikreto siyang tinuturuan para ihanda sa tungkuling habambuhay niyang gagampanan. Tahimik na ang lahat pero biglang niyanig ang mundo ng fraternities and sorori...