23

655 29 0
                                    

GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 23

Unedited...

"Tumahimik ka nga!" singhal ni Loki Luis saka sinipa ang katabi dahil kanina pa ito umiiyak.
"Punyeta talaga!" pagmumura ni Jason na hindi naman mapahidan ang mga luha dahil nakaposas ang mga kamay at paa. Nakaupo sila sa sahig ni Loki Luis kaya natatadyakan siya nito.
"Ako nanggigigil na ako sa 'yo, Jason, ha! Kanina ka pa ah!"
"S-Siya lang ang babaeng minahal, brod! Nyetang buhay 'to! Siya lang pero black dragon gang pa!" reklamo na naman niya.
" Ba't ba kasi sinama ko pa ang buwesit na 'to!"
bulong ni Loki Luis na nagsisisi sa naging desisyon. "Nagtatalik na nga kayo, hindi mo pa alam? Dapat alam mong may tattoo siya!"
"K-Kasi p-pinapatay naman niya ang ilaw kapag maghubad na siya eh," sabi niya at ngumawa na naman. Kaya pala kapag kinakain niya ang pearly shell nito, nakabukas pa ang ilaw pero kapag sumipsip na siya ng pasas sa bulkan, pinapatay nito ang ilaw.
"Hindi ba talaga kayo nagla-lights on?" curious na tanong ni Loki Luis.
"M-Meron din k-kaso kapag nakatalikod siya na posisyon, dog style."
"Psh! Tumahimik ka na, para kang bata!" saway niya. Wala rin naman silang mapapala. Kagabi pa sila rito pero ne anino ni Atheina, hindi pa niya nakita. Nauuhaw na rin siya pero hindi nagugutom. Sino ba ang may ganang kumain sa sitwasyon nila? Para silang baboy na nakagapos.
"Ikaw ba? Hindi mo ba nakita ang tattoo--"
"Wala siyang tattoo!" sagot ni Loki Luis at naikuyom ang mga kamao.
"Bakit? Hindi ba--" Umusod siya kay Luis nang bumukas ang pinto at pumasok si Atheina.
"S-Si Sharon? Ligtas ba siya?" bungad ni Jason. Sa leeg pa naman nito ang sugat ng shuriken na inihagis ni Loki Luis.
"Tahimik!" singhal ni Loki Luis. "Ikaw na lang sana ang pinatay ko!"
Napatingin si Atheina sa dalawang nakaupo sa sahig at nakasandal sa dingding.
"So? Account ko ang na-hack ninyo, huh?" ani Atheina saka napangisi. Tama ang hinala nila ni Sharon, na-hack nga ang account niya kaya palaging alam ni Loki Luis ang drama nila.
"Para maligaw kami at hindi kayo paghinalaan, pinalabas ninyong kalaban ka ni Sharon," sabi ni Loki Luis na sa kabilang dingding nakatingin. Galit siya! Ayaw niyang tumingin kay Atheina dahil kinamumuhian niya ito. "At para mas lalong convincing, madalas ka nilang tina-target pero ang totoo, wala naman silang balak na patayin o puruhan ka kundi palabasin lang na may death threat ka."
Malakas na tumawa si Atheina. "Matalino ka naman pala eh. Buti at nakuha mo kaagad," pagkumpirma ni Atheina at napasulyap kay Jason na parang tangang umiiyak. Daig pa nito ang anak na namatayan ng ina kung makapagdrama.
"Matalino," wika ni Loki Luis. "Magaling na plano."
"A-Anong kailangan ninyo?" sabat ni Jason. "Patayin n'yo na lang kami!"
"Unahin n'yo siya," tinatamad na sabi ni Loki Luis. Kung hindi lang siya nakaposas, baka siya mismo ang papatay kay Jason. "Anong kailangan n'yo, Atheina?"
"Kayamanan," sagot ng dalaga. "Lahat ng yaman ng Lacson kapalit ng buhay ninyo."
"Kagaya ng ginawa ninyo sa mga Villafuerte?" nakakainsultong tanong ni Loki Luis. "Pero hindi kayo nagtagumpay."
"Si Rose lang ang hindi nagtagumpay," sabi ni Atheina.
"Kaya pinapatay n'yo siya?"
Matamis na ngumiti si Atheina saka lumapit kay Loki Luis saka mahigpit na sinabunutan ito at pinatingala sa kaniya.
"Dapat lang iyon sa kaniya, baby!" ani Atheina. Mahinang tumawa si Loki Luis hanggang sa humalakhak na ito.
"Bakit hinahayaan mong gahasain ng mga lalaki ang mga babae, baby?" tanong niya at nakipagtitigan. "Paano kung ginahasa rin kita tapos pinatay?"
"Bago mo iyon magagawa, mauunahan na kita," sagot ni Atheina saka pinakawalan ang buhok ni Loki Luis. "Sabihin ninyo kung nagugutom na kayo."
"Wala kaming ganang kumain!" madiing sagot ni Jason.
"Sigaw ka lang kung nagugutom ka na," sabi ni Atheina saka sinulyapan si Loki Luis na nakatingin sa kawalan.
Lumabas siya at pinuntahan si Sharon sa kabilang kuwarto.
"A-Atheina."
"Okay ka na?" malungkot na tanong niya saka naupo sa kama at hinawakan ang kanang kamay ni Sharon.
"M-Masakit ang binti ko."
"Magpapatawag na tayo ng doctor para maoperahan ka sa mas lalong madaling panahon. Ang leeg mo? Nagdurugo pa ba?"
"H-Hindi na," sagot ni Sharon. "Pasensiya ka na kung naging pabigat pa ako."
"Baliw ka. Walang iwanan. Isa pa, naging maingat ka naman," sagot ni Atheina.
"Pero nahuli naman natin sila, right? Nagtagumpay naman tayo?"
Tumango si Atheina. "Oo, hindi tayo nabigo."
"O-Okay ba ang acting skill ko?" tanong ni Sharon.
"Oo naman. Minsan sarap mong sapakin," natatawang sabi ni Atheina. "I miss you, bes."
"Hmm? Naiinggit na nga ako e. Ipinagpalit mo na ako kay Sharmie!" nagtatampong sabi niya saka napangiwi nang kumirot na naman ang mga sugat niya.
"Mabait si Sharmie sa akin. Huwag ka ngang magsalita nang magsalita!" saway niya. "Kumain ka na." Kinuha niya ang pagkain para subuan si Sharon.
"Soft diet ka lang muna."
"Ano ba 'yan? I hate it!"
"Siya nga pala, umiiyak ang jowa mo sa loob."
"Si Jason?"
"May iba pa ba?"
"Ba't ba kasi sumama 'yon?" naiinis na tanong niya. Tanong siya nang tanong kagabi kung saan ito, sinabi lang na masakit ang ulo. 'Yon pala sumama na kay Loki Luis.
"Mahal mo siya noh?" tanong ni Atheina.
"W-Well--magaling siya sa kama," sagot ni Sharon saka sumubo.
"Bakit mo pinatay si Shaina? Di ba bestfriends kayo?" muling usisa ni Atheina. Narinig niya ang pagbuntonghininga ni Sharon.
"Balak niyang ipagahasa ka," sagot ni Sharon.
"What?"
"Iyon ang gusto niya kaya inunahan ko na. Gusto ka niyang ipagahasa at videohan saka ipasa kay Loki Luis para hiwalayan ka nito. Alam mo naman, inggit na inggit 'yon sa 'yo!" gigil na sagot niya at napahawak sa sumasakit na leeg. Mataas na ang dose ng pain reliever niya pero nakaramdam pa rin siya ng kirot. Swerte lang niya dahil mababaw lang ang sugat ng shuriken ni Loki Luis dahil kung napuruhan siya, baka wala na siya sa mundo.
"Magaling ang hacker nila. Buti na lang nakatunog kaagad tayo at napaghandaan ang pag-save nila sa 'yo," sabi ni Sharon kaya napaisip si Atheina.
"Bakit kaya akin talaga ang na-hack nila?" tanong niya at napapaisip. Sa lahat ng miyembro, bakit sa kaniya pa?
Hindi na niya kinausap si Sharon dahil baka magdurugo na naman ito. Nagpaalam siya para lumabas.
"Sis?" tanong ni June na kasama nila. Napapalibutan ang warehouse ng mga miyembro nila.
"Nakontak mo na ba ang mga Lacson?"
"Yes po," sagot ni June na dating tauhan ng kaniyang ama.
"Sure kang hindi ka nila mati-trace?" panigurado niya. Nakahanda sila sa kung anumang pagsalakay pero kailangan pa rin nilang makasigurado dahil hindi basta-basta ang kalaban nila.
"Opo, sure na sure po," sagot ni June.
"Salamat," sagot niya at dumukot ng sigarilyo saka naupo. Si June ay bumalik na sa loob para magluto ng dinner nila.
Napabuntonghininga si Atheina at napatingala sa papalubog na araw.
"Dad? Malapit ko nang matupad ang kahilingan ninyong maiganti ang angkan natin," bulong niya. Ang lolo ng ama niya ang pinatay ng mga Lacson at nadamay lang ito. Ne hindi nga ito sumasali sa patayan at rape e. Kaya ang ama niya ang bumuhay sa black dragon gang. At dahil anak siya, hindi siya nagpa-tattoo dahil ang mission niya ay si Loki Luis.
Inilibot niya ang panigin. Maliban sa kakahuyan at ibon, wala na siyang nakikitang kahina-hinala sa paligid.
Papadilim na kaya tumayo siya at pumasok sa loob.
"Sis," sabi ni Albert na nakipaglaro ng sugal sa mga kasama habang umiinom at naninigarilyo.
"Huwag magpasobra," sabi niya. "Maging alisto kayo."
"Sige po."
"Gisingin ninyo ako kapag hapunan na dahil matutulog muna ako."
"Sige, sis," sagot ni Albert. Tatlo lang silang babae sa grupo. Siya, si Sharon at Rose.
Hanggang ngayon, nagluluksa pa rin naman siya sa pagkamatay ni Rose na pinakamatanda sa kanila pero wala silang choice.
Pumasok siya sa maliit na silid. Ang iba ay sa sahig na natulog kaya hinayaan na niya. May ilang bantay naman sa labas, palitan lang.
Bandang alas nuwebe siya ginising para kumain.
Nang matapos, nanood siya sa mga kasamang naglalaro ng baraha. Nawili siya kaya hindi niya namalayang mag-aala una na pala ng madaling araw.
"Napakain na ba ninyo ang mga bihag?" tanong niya habang inaayos ang baril.
"Ayaw kumain," sagot ni June. "Uminom lang ang iyakin kanina."
Tumayo siya at naglakad papasok sa silid saka binuksan ang ilaw.
Napatingin ang dalawa sa kaniya.
"Anong drama 'to?" tanong niya. "Ayaw n'yong maging malakas? Baka isipin nila pinapagutuman kayo namin?"
"S-Si Sharon?" namumula ang mga matang tanong ni Jason.
"Puwede bang pakihiwalay kami ng silid?" pakiusap ni Loki Luis. "Naririndi na ako sa kaniya!"
"Magtiis ka!" sagot ni Atheina.
"Kagaya ng pagtitiis ko sa adobo mo?" tanong ni Loki Luis.
"What? Ulitin mo nga ang sinabi mo?"
"Hindi masarap ang adobo mo, Atheina! Sobrang alat! Nakakasuka! Iyon na yata ang pinakanakakamatay na adobong nakain ko!" prangkang sagot ni Loki Luis. Biglang lumaki ang butas ng ilong ni Atheina.
"Ulitin mo nga!" gigil na nilapitan niya si Loki Luis.
"Pangit ang adobo mo! Hindi masarap! Sobrang alat! Hindi ka masarap mag--"
Pak!
Isang malakas na sampal ang natikman niya mula kay Atheina.
"Galit ka?" nagbabaga rin ang mga matang tanong ni Loki Luis. "Isinusumpa kong hindi na ako kakain ng adobo mo!"
Napanganga si Atheina saka namewang.
"Kapal mo!"
"Ilipat mo ako sa silya kasi mapapatay ko 'tong katabi ko!" seryosong sabi ni Loki.
"Matapos mo akong insultuhin?" nakataas ang kanang kilay na tanong ng dalaga.
"Hindi naman ako makakawala. Paupuin mo ako sa silya dahil nangangawit na ang puwet ko!"
Yumuko ang dalaga at hinatak sa kanang kamay si Loki Luis para tumayo. Sakto namang pumasok si June kaya nagpatulong siya para mailipat sa silya si Loki Luis.
"Pakitanggal muna ng posas sa mga paa ko dahil namamaga na," pakiusap ni Loki Luis kaya inutusan ni Atheina na tanggalin at para makasiguradong hindi makawala, itinali niya ito sa lubid.
"Labas muna ako," palaam ni June. "Hindi na 'yan makawala. Tulog na yata ang bantay sa labas."
Nang makalabas si June, pinainom ni Atheina si Jason ng tubig.
"Kung gusto ninyong  kumain--" Atheina.
"Babaliktad ang sitwasyon at ikaw naman ang magiging alipin ko, Atheina," mahinang sabi ni Loki Luis kaya ngumiti si Atheina; ngiting may halong insulto.
"Hindi mangyayari iyon, Loki Luis."
Ngumisi si Loki Luis. "Kapag mangyari iyon, sisiguraduhin kong isusumpa mong ginamit mo ako."
Inirapan siya ni Atheina.
"Ba't ba minahal mo 'yang demonyitang 'yan?" tanong ni Jason. "Mukhang anghel lang ang mukha!"
"Even the devil was once an angel," kalmadong sagot ni Loki Luis.
Naglakad si Atheina palapit sa pintuan. Mula kagabi, hindi pa nagwala si Loki Luis. Ang inirereklamo nito ay ang ingay ni Jason. Pinihit niya ang seradura.
"Bakit para bang wala lang sa 'yo na nadukot tayo? Bakit parang kalmado ka?" tanong ni Jason kaya napatigil sa paglabas si Atheina.
" Kalmado?" bulong ni Atheina at napalingon kay Loki Luis.
Muli niyang isinara ang pinto at lumapit sa binata.
"Bakit ganiyan ang mukha mo, baby?" nanlolokong tanong ni Loki Luis habang nakipagtitigan sa kaniya.
Kinuwelyuhan ni Atheina ang binata.
"Sabihin mo sa akin ang totoo! Anong plano mo?"
"Anong totoo?" inosenteng tanong ni Luis at nilalabanan ang titig ng dalaga. "Ah, totoo?" aniya saka nagpakawala ng mahinang tawa. "Ang totoo niyan baby, miss na kita."
Pak!
Ubod-lakas na sinampal niya si Loki Luis pero hindi nagpatinag ang binata.
"A-Alam m-mong nagpapanggap lang ako, right?" kinakabahang tanong ni Atheina kaya ngumisi si Loki Luis. "Huwag kang ngumisi!" malakas na sigaw niya at sinipa ito sa tuhod.
"Bakit, baby? May masama ba?" nang-aarok na tanong ng binata kaya hindi makapaniwalang napaatras siya.
"H-Hindi maaari." aniya na mabilis gumana ang utak. Kung alam ni Luis na nagpapanggap lang siya, baka. . .
Bang! Bang! Bang!
Sunod-sunod na putok ang narinig niya mula sa labas kaya agad na napatakbo siya sa pintuan pero bago pa siya tuluyang makalapit sa pinto, may humarang na sa harapan niya.
"S-Sino ka?" tanong niya dahil nakatakip sa mukha ang babae na mga mata lang nito ang nakikita niya ang babae at nakasuot ng pang ninja.
Binunot niya ang katanang nakasukbit sa likod niya.
Susugod sana ito pero naharangan niya ang bicep nito gamit ang dulo ng hawakan ng katana kaya napaatras ang babae pero agad na humarap sa kaniya at handang makipagpatayan ang nakaukit sa mga mata nito.
"Tagal n'yong dumating!" naiinip na sabi ni Loki Luis at napasulyap kay Atheina na handang lumaban ng patayan. "Tapusin mo na!" utos niya kay Bloom.
Sumugod ang babae kaya nag-stepback si Atheina sabay salag ng samurai nito gamit ang katanang hawak niya kaya nagdulot ng nakakangilong tunog ang pagbanggaan ng dalawang armas.
Napangisi si Atheina. Alam niyang magaling siya sa pakikipaglaban kapag baril ang pag-uusapan pero mas ginaganahan siya kapag magaling din humawak ng patalim ang katunggali niya.
Siya naman ang agresibong umatake pero bawat galaw niya ay nasasalo nito. Bawat pagsugod niya ay alam nito kung paano dumepensa na para bang nababasa nito ang susunod na atake niya.
" Nababasa niya ang mga galaw ko," sabi ng isip ni Atheina.
Napaatras siya sabay depensa nang umatake ang kalaban. Pagod na siya pero hindi pa rin ito tumitigil kahit na  lumalakas at palapit na ang putukan sa kanila.
"Shit!" sambit ni Atheina nang naputol nito ang katanang hawak niya kaya natigilan siya. "Aw!" hiyaw niya nang dumaplis ang shuriken knife sa balikat niya kaya napahawak siya rito pero nagulat siya nang sinipa nito ang kamay niya kaya tumilapon ang kaputol na katana.
" Ang kilos at galaw niya," bulong niya. "I-Impossible!" hindi makapaniwalang sambit niya habang hindi makapaniwalang nakipagtitigan sa kaharap. Bubunot sana siya ng baril pero agad na tinutukan siya ng dulo ng samurai sa leeg.
Biglang pumasok ang dalawang armadong lalaki na parehong naka-camouflage na damit at lumapit sa kaniya saka kinuha ang baril sa katawan habang nakatutok pa rin ang dulo ng samurai sa leeg niya. Isang maling galaw at matutusok ang lalamunan niya.
Agad na pinakawalan nila sina Jason at Loki Luis pero hindi siya makakilos.
Nanigas siya sa kinatatayuan habang nakipagtitigan sa babaeng nagbabaga ang mga mata.
"I-Impossibleng i-ikaw siya. . ." nauutal na wika ni Atheina matapos lumayo ang kalaban at inayos ang katana sa likuran saka tinanggal ang ninja mask. "B-Buhay ka?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Surprised, my dear?" nakangising tanong ni Bloom.
"R-Rose..." usal ni Atheina habang nakatitig sa mga mata ng babaeng kaharap.
"Got you!" bulong ni Loki Luis matapos posasan si Atheinang hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. Paanong nangyaring buhay ang half-sister niya?

a/n:

Ibang katanungan ay masasagot sa susunod na chapters kung meron pang hindi naisulat.



Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon