33

1.3K 44 0
                                        

GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 33

Unedited...
"Okay ka na?"
Naramdaman niyang tumango si Atheina habang nakaunan sa kanang balikat niya at nakasubsob ang mukha sa dibdib niya.
"Ito ba talaga ang gusto mo?"
Muling tumango ang dalaga kaya sinuklay ni Loki Luis ang mahaba at malambot na buhok ni Atheina.
"Hindi na masama ang pakiramdam ko."
Napatingala siya sa binata. "Okay na kami ni Baby."
"Naghahanap ka ba ng paraan para makatakas?" seryosong tanong ng binata.
"Gusto talaga kitang makasama." Naka-pout na sagot ni Atheina.
"Wait, babangon ako," sabi ni Loki at marahang tinulak palayo si Atheina saka hubo't hubad na tumayo pero mabilis na inabot ang roba at isinuot nang mapansing nakatitig si Atheina sa katawan niya. "Pinaglilihian mo ba ang katawan ko?"
"Hala, hindi ah," todo tanggi ng dalaga saka tumayo rin kaya si Loki naman ang napatingin sa katawan nito.
"Lumalaki na ang tiyan ko," sabi ni Atheina habang nakatingin sa salamin.
"Natural, may baby na 'yan e. Baka nga kambal pa."
Nanlaki ang dalaga. Naalala niyang may ka-quadruplets pala ang ama ni Loki Luis.
"A–Ayaw ko ng marami."
Natawa si Loki nang mapansin ang pamumutla ng dalaga.
"Baka nga apat sila, Atheina."
"Hala, ayaw ko." Biglang lumungkot ang mukha niya. "Pag nagkataon, apat sila ang iiwan ko. Hindi ko kaya 'yon. Apat na bata rin ang magkaroon ng killer na ina."
Iniwas ni Loki ang mga mata. Wala pa siyang balak na ipaalam sa dalaga ang totoong nangyari.
"Dito ka lang muna, may lakad pa ako," bilin niya saka naghanap ng masusuot na damit.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Atheina.
"Kay Sheryl." Inabot niya ang pajama at terno nito para isuot ng dalaga. "Magsuot ka muna, baka magkapulmonya ka."
"Hmm? Ano'ng gagawin ko kay Sheryl?"
"Business."
"Huwag kang umalis," sabi niya at naupo sa kama.
"Magsuot ka nga ng damit."
"Basta ayaw kong umalis ka!"
"Kailangan naming magkita dahil tatanggapin ko ang business proposal niya." Tungkol iyon sa clothing company na nais ipatayo ni Sheryl at payag naman siyang maging isa sa shareholders ng companya para may income naman siya.
"Basta ayaw ko! Kapag umalis ka, tatakas ako."
"Umayos ka, Atheina!"
"Business nga lang ba? O ibang business?"
"Ang dumi ng–"
"You made sex! Kahit pa sabihing may asawa na siya, hindi maiwasang may gagawin kayong milagro dahil ex-bedwarmer mo siya!"
"And so?"
"Damn! Hindi pa ba sapat ang ginawa natin? Kulang pa ba ako?" Namumula ang magkabilang pisngi ni Atheina sa galit.
"Totoo ba ang inis mo? O drama lang?" nagdududang tanong ng binata.
"Ako, naiinis? Fine! Sino ang hindi mainis?" bulalas ng dalaga. "Come on, Loki Luis! Malandi siya!"
"Business lang—"
"No! Paniwalain mo ang iba pero hindi mo ako maloloko!"
"Puwede ba, Atheina? Ang dumi ng utak mo!"
"Hindi ba?" pakipagsagutan ng dalaga.
"Hindi naman talaga. Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan."
"Ganito, Loki Luis Lacson, alam kong kailangan mo ng ina para sa batang 'to—"
"Mga bata."
"Isa lang 'to!" singhal niya kaya itinaas ni Loki ang magkabilang kamay bilang tanda ng pagsuko.
"Fine, isa lang muna."
"Isa naman talaga!" Sinamaan niya ng tingin ang binata. "Kung magkaroon man ng step-mom ang anak ko, hindi si Sheryl! Maghanap ka ng ibang babae pero hindi siya!'
"Hindi ako maghahanap. Masyado kang advance mag-isip, Atheina." Nagsuot siya ng pantalon.
"Kahit na! Pag-uwi mo mamaya, huwag kang makipagsiping sa akin! Umalis ka na!" Muli siyang bumalik sa kama at nahiga.
"Magbihis ka, baka ginawin ka."
"Keine Lust (wala akong gana)."
"Warum keine? (bakit wala?)"
"Wala kang pakialam! Lumayas ka na nga!"
"Kung gusto mo, sumama ka sa akin."
"Istorbo lang ako sa inyo!" sabi ni Atheina.
"As long na hindi ka magpaputok o pumatay ng tao, hindi ka makakaistorbo."
"Huwag na!"
"Come.on, Atheina, magpalit ka na ng damit dahil isasama kita. Bili rin tayo ng damit mo."
"Papagalitan tayo ng lolo mo," sabi niya saka tumayo at lumapit sa closet.
"Ako ang bahala. Hindi ka naman makakatakas e."
"Kaya kitang patayin at tumakas."
"Matagal na sana akong patay pero bakit hindi mo ginawa?" tanong ng binata at naupo saka pinagmasdan ang dalagang naghahanap ng damit.
"Hindi ganoon kadali 'yon. Lalo na't alam mo na pala na kalaban ako."
"Mahal mo ba ako?" tanong ng binata kaya lumingon si Atheina pero walang emosyon ang mukha nito. "Nevermind." Pagbawi ni Loki Luis dahil mukhang masasaktan lang siya sa isasagot nito.
"Hindi ko alam," sagot ng dalaga at isinuot ang floral dress na napili. "Pero noong nasa condo mo tayo, doon lang ako naging totoong masaya."
"A—Ano'ng ibig mong sabihing totoong masaya?"
"Doon lang ako nakaramdam ng safety," sagot ni Atheina at mapait na ngumiti sa binata. "Tingin ko kasi, normal ako kapag nasa condo mo na. Iyong malaya ako at hindi ko kailangang magkunwari. Iyong tipong nakakalimutan kong isa akong prinsesa ng mga killer. I can do what I want bilang isang normal na babae."
"Eh 'yong pagmamahal mo sa akin, totoo rin ba?" usisa ng binata at lumapit kay Atheina saka hinapit ito sa bewang. "O nagkukunwari ka lang, Atheina?"
Huli na. Hindi na niya kayang ilayo ang mga mata kay Loki Luis nang magkatitigan sila.
"T–Totoong masaya ako at m–mahal kita." Nauutal na sagot niya. "Pero sa tuwing lumabas ako, hina-hunting ako ng mission ko."
Tumango si Loki Luis. Ibig sabihin, mahalaga pa rin ang misyon nito noon kaysa kaniya.
"Tapusin mo na ang pagbibihis, hintayin kita sa baba. Magpapaalam lang ako kina Lolo."
Lumabas si Loki para magpaalam kay Dylan. Saktong paalis din ang Lolo at Lola niya.
"Saan ho kayo pupunta?" magalang na tanong niya.
"Kina Kim at Skyler," sagot ni Ann. "May sakit daw si Kimmy kaya puntahan namin."
"Anong dala mo, Lolo Dylan?" tanong ni Loki dahil may bitbit itong tupperware.
"Buko salad," nakangising sagot ni Dylan.
"Baliw ka ba? Iwan mo 'yan!" saway ni Ann sa asawa.
"Kaysa naman mapanis lang 'to. Isa oa, paborito 'to ng team galaxy," depensa ni Dylan.
"Pag mahuli ka ni Skyler, pareho tayong ibibitay," ani Anne.
"Hindi 'yan, baby. Isa pa, matagal na niya akong mortal enemy kaya hindi ko na mabago 'yon," sabi ni Dylan at inakbayan ang asawa.
"Lo? Alis pala ako at isasama ko si Atheina."
"Bawal siyang lumabas!" Umiba na ang mood ni Dylan dahil sumeryoso ang mukha.
"Kina Sheryl lang naman po. Ako po ang bahala, hindi siya tatakas."
"Paano ko malalaman dahil alam kong kakampi mo siya?"
"You have my words," seryosong sagot ng binata. "Hindi ko po siya itatakas dahil hindi iyong ang sagot."
Napabuntonghininga si Dylan. Hindi naman asirho ang nagbabantay sa paligid kundi tauhan nila.
"Bibili ko po siya ng damit at mga gusto niyang pagkain."
"Payagan mo na," Sabat ni Ann at ibinigkis ang mga kamay sa braso ng asawa. "Mahirap sa buntis na ma-stress."
"Umuwi kayo kaagad," napilitang pagpayag ni Dylan.
Ngumiti si Loki Luis at nagpasalamat sa Lola Ann niya. Hindi na sila takot kay Atheina na baka patayin sila. Laking pasalamat niya dahil paunti-unti, natatanggap din nila si Atheina.
----------------
Nasa isang tabi lang si Atheina at nakikinig sa usapan ng dalawa.
"Sure na 'to ha. Wala nang atrasan," sabi ni Sheryl na napasulyap kay Atheina dahil baka may gagawin na naman itong kalokohan.
"Oo naman," sagot ni Loki Luis.
"Congrats pala, magka-baby ka na pala."
"Thanks," pasalamat ng binata habang nagpipirma ng kontrata.
"Well, sino ang mag-aakalang makabuo ka? Akala ko nga baog ka e," biro niya at napasulyap ulit kay Atheina na mukhang papatayin na siya sa tingin.
"Baliw," sabi ni Loki Luis at tumawa saka ibinalik ang isang kontrata kay Sheryl. "Copy ko 'tong isa, right?"
"Yep. May lakad pa kayo?"
"Bibili ng gamit ni Atheina," sagot ng binata saka tumayo. "Alis na kami. Salamat sa alok mo, Sheryl."
"Siyempre love kita," sagot ni Sheryl saka tumingkayad at hinalikan si Loki Luis sa mga labi. "Ingat kayo."
"Sige." Patay-malisyang sagot ni Loki at napatingin kay Atheina na nauna nang lumabas.
"Matinding away na naman 'to," biro ni Sheryl.
"Baliw ka talaga!"
"Hmm? Sige na, sundan mo na siya."
Napailing ang binata saka sinundan sa labas si Atheina. Nasa kotse na ito at nang makapasok siya, inilagay niya sa compartment ang hawak na kontrata.
"Dito ka sa unahan, hindi mo ako driver."
Hindi sumagot si Atheina at sa labas ng bintana nakatingin kaya pinaandar na lang niya ang kotse.
"Hindi mo ba talaga ako papansinin?" tanong niya at napasulyap sa dalagang naka-cross arms at sa labas pa rin nakatingin.
Napabuntonghininga siya at hindi na kinulit pa at sa pagmaneho na lang nag-concentrate. Pagdating sa mall, naunang bumaba si Atheina at pumasok sa mall.
Hinabol niya ito at hinatak papasok sa boutique.
"Mamili ka ng gusto mo," sabi niya at nginitian ang saleslady na bumati sa kanila.
Laylay ang balikat na lumapit si Atheina sa isang damit saka kinuha at inilagay sa maliit na stroller.
Nang hindi makatiis, hinawakan ni Loki sa magkabilang balikat ang dalaga saka hinuli ang tingin.
"Ano ba ang problema, Atheina?" seryosong tanong niya pero hindi pa rin siya nito kinikibo. "Atheina, ayaw ko ng ganito. Please tell me."
"Itatanong mo kung ano ang problema matapos mong makipaglandian sa iba sa harapan ko?" gigil na tanong ni Atheina na tumaas ang boses.
"Wala naman—"
"Nakipaghalikan ka sa Sheryl na iyon!" Pasinghal na sabi nito.
"Calm down," pakiusap niya nang pinagtitinginan sila.
"I'm pregnant!" paalala ni Atheina. "Baka nakalimutan mong buntis ako at ikaw ang ama. Kaunting respeto naman sana sa akin, Luis!"
"Siya ang humalik at puro business lang naman ang pinag-usapan namin. Ilagay mo naman sa tama ang pagiging maldita mo," mahinahong pakiusao niya saka pinakawalan ang balikat ng dalaga at tumalikod para kumuha ng damit pero nagulat siya nang tumama ang hanger sa kanang balikat niya.
"Iba ang nagmamaldita sa nagseselos. Bakit ba hindi mo man lang iniisip ang pakiramdam ko? I get jealous dahil p–pakiramdam ko, inaagaw ka niya sa akin. F–Feeling ko, anumang oras ay iiwan mo ako kanina para sumama sa kaniya. A–Ayaw kong maramdaman ang ganoon," sabi ni Atheina na walang pakialam sa mga tao basta maipalabas ang sama ng loob.
Pinulot ni Loki ang hanger saka naglakad pabalik sa umiiyak na dalaga.
"Did I hurt you that much?" mahinang tanong niya. Humagulgol si Atheina saka tumango. "Sorry, Baby," paumanhin niya saka mahigpit na niyakap ang dalaga. "Let's talk about this later. Mamili muna tayo ng gamit mo."
"I h–hate you!" umiiyak na sabi ng dalaga.
Bahagyang inilayo ni Loki ang mga katawan nila para pahidan ang mga luha ni Atheina.
"Tahan na, baby. Hindi makakabuti sa 'yo ang umiyak," pag-aalo niya.
"I–Ikaw kasi e."
Ngumiti si Loki Luis. "Binibiro ka lang ni Sheryl. Isa pa, wala ka bang tiwala sa akin?"
"A–Ano'ng—" nagtatakang tumingala siya at tinitigan ang mga mata ni Loki Luis na nakatunghay sa kaniya.
"Bumili ka na ng gamit, mamaya na tayo mag-usap, okay?"
Kumalma siya nang mapansin ang mga nakatingin sa kanila.
"Gusto ko ng bag at sapatos," naka-pout na sabi niya kaya ngumiti si Loki Luis.
"Kuha ka lang ng gusto mo."
Ayun, nag-enjoy siya sa pagkuha at pagsukat sa gusto niyang damit. Nagsu-suggest naman ang binata kung ano ang maganda sa kaniya.
"Yan lang ba? Bili tayo ng food mo," tanong ni Loki.
"Sige."
Pagkatapos magbayad, pumunta sila sa Supermarket at namili ng pagkain at prutas.
"Ayun ang green apple," sabi ni Loki at tinulak ang cart saka kumuha ng maraming green apple. "Ano pa ang gusto mo?" tanong sa dalagang sumisipsip ng Vitamilk habang nakabuntot sa kaniya.
"Wala na," sagot ni Atheina. "Pagod na akong maglakad."
"Lettuce, gusto mo?" tanong ni Loki kaya tumango si Atheina.
"Everything na puwede sa salad," sabi ng dalaga.
"Okay na 'to, may cucumber pa naman tayo sa bahay."
"Und citrone? (and lemon?)"
"Meron na rin po."
Nang okay na, pumila na sila.
"Sir, priority lane po ito," sabi ng saleslady.
"I'm pregnant," sabi ni Atheina na napikon sa babaeng nagdududa pang nakatingin sa kanila.
"Sorry po," paumanhin ng babae
"Dapat kumain ka muna ng kanin bago ka kumain ng green apple," sabi ni Loki sa dalagang katabi niyang pumipila.
"Ayaw ko na ng green apple," sagot ng dalaga.
"Ha? Akala ko ba ito ang pinaglilihian mo."
"Hindi na," sagot ng dalaga.
"Meron pa ba?"
"Ikaw," sagot ng dalaga at ibinigkis ang mga kamay sa braso ni Loki Luis dahil may mga babaeng napapasulyap dito. Agaw-pansin pa naman ang tangkad nito.
"A–Ako ba?" nakangiting sabi ni Loki.
"Uhm... ikaw nga."
Natawa ang binata at ginulo ang buhok ng dalaga.
"Hey! Ano ba?" saway ni Atheina at bahagyang tinulak ito pero hindi natinag.
"Ang cute mo, baby," sabi ni Loki kaya napa-pout ang dalaga.
Inakbayan niya si Atheina at masuyong hinalikan sa noo.
"Love mo 'ko?" parang batang tanong ni Atheina na nakatingala sa binata. Late na nang ma-realize niya ang tinanong.
"Oo naman," sagot ni Loki Luis. "Love ko kayo ni Baby."
Natawa siya nang namula ang magkabilang pisngi ni Atheina saka napayuko ito. Tinulak niya ang cart saka isa-isang kinuha ang pinamili para bayaran. Tinulungan siya ni Atheina. Sana ganito na lang sila palagi–iyong totoong mahal nila ang isa't isa at handang magbago si Atheina para sa magiging pamilya nila.



Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon