GOOD BOY GONE BAD
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 13
Unedited...
"Bloom naman! Ang dami kong problema, huwag mo munang dagdagan, please," pakiusap niya dahil kanina pa panay ang text ng Lolo Dylan nila na huwag na huwag ipakita si Atheina sa Lola Ann nila. As if na gusto niyang mag-usap ang dalawa.
"Gusto ko nang lumabas, bata! I'm so fucked up! Ayaw ko nang manatili dito dahil sa punyetang Seven!" reklamo nito sa kabilang linya. "I need some fresh air!"
"Just wait, Bloom! Kung gusto mong lumabas o mamasyal, ako ang sasama sa 'yo. Just set a date para masamahan kita nextweek," pagsuko niya.
Dahan-dahang isinara ni Atheina ang pinto dahil sa narinig. May kausap ang binata at mukhang magkikita sila.
"Huwag mo akong buwesitin, Loki Luis! Hindi ako priso at simple lang ang hinihingi ko! Gusto kong makapahinga ang mga mata ko kay Seven kahit isang araw lang!" Kung nasa harapan lang niya si Bloom, tiyak lumalabas na ang ugat nito sa leeg.
"Hindi ka ba makapaghintay?" tanong niya at napasulyap sa flower vase na nasa harapan niya. Nagre-reflect ang anino ni Atheina sa likuran niya kaya pasimple niyang inayos ang sarili. Kanina pa ba ito nakikinig?
"I'll call you later," seryosong sabi niya at ibinaba ang telepono saka humarap sa kasintahan. "Baby, aalis ka na?"
"Sinong kausap mo?" usisa ng dalaga.
"Kaibigan ko lang," sagot ni Loki Luis. "Ihahatid na kita?"
"Huwag na!" sagot ni Atheina. " Sige, ibahin mo ang usapan," bulong niya. Ayon sa reaction ni Loki Luis kanina, mukhang babae ang kausap nito pero ayaw ipaalam sa kaniya?
"Ka-brod ko lang, baby. May pinag-uusapan lang," depensa ni Loki Luis dahil alam niyang hindi naniniwala si Atheina. Salubong pa rin kasi ang kilay nito.
"Sabi mo eh," ani Atheina kahit na hindi kumbinsido. Babae talaga ang kausap nito. Isa pa, bakit ito magsisinungaling? Malamang mahalaga ang kung sino mang babae.
"Sige lang, lokohan ba 'to?" pahabol ng isip niya pero mas pinili niyang manahimik na lang.
"Magpapa-grocery pala ako bukas. Anong ipapabili mo?" tanong ng binata.
"Ice cream. Kahapon ko pa gustong kumain ng ice cream pero wala ka naman sa ref mo," sagot niya.
"Yun lang ba?"
"Mahilig ako sa ice cream kaya dapat mag-stock ka naman sa ref," sagot niya.
"Sorry na, baby, yaan mo, damihan ko ang ice cream bukas," paumanhin niya pero inirapan siya ng kasintahan.
Lumapit si Loki Luis sa kaniya at hinapit siya sa bewang. "Hindi ka naniniwala sa akin, noh?" malambing na tanong niya.
Bahagyang tinulak siya ni Atheina saka lumayo.
"Alis na 'ko."
"Baby--"
"Papalampasin ko 'to at paniniwalaan kita pero konsensiya mo naman 'yan kung nagsisinungaling ka," sabi niya at nginitian ang kasintahan. "Alis na 'ko, kanina pa ako hinihintay ni Sharmie."
"Walang lalaki?"
"Sige lang, mag-isip ka nang masama dahil may kasalanan ka," sabi ni Atheina kaya napangiti si Loki Luis.
"Huwag ka nang magselos. Ikaw lang naman ang girlfriend ko," sabi niya.
"Whatever!" ani Atheina. "Alis na 'ko."
"Hatid kita sa baba."
Inihatid niya si Atheina sa baba.
"Sana sasama ako," sabi ni Loki Luis.
"Girls bonding," ani Atheina.
"Bakit? Dapat mag-date rin tayo," sabi niya. Sana kagaya ng iba, magkaroon din sila ng normal life.
Narinig naman iyon ni Atheina pero nagkuwari siyang wala siyang narinig. Paano mangyari iyon kung maraming mga matang nagbabantay sa kanila?
Nang lumabas na sila sa elevator, inakbayan ni Loki Luis ang dalaga.
"Kung kailangan mo ako, tawagan mo ako, baby ha."
"Hindi na ako bata!"
"Delikado ngayon kahit na nasa matao ka pang lugar. Tawagan mo ako kapag pauwi ka na at sunduin kita."
"Baka may makakita sa atin."
"Susundan lang kita pero hindi ako sasama. Gusto ko lang masiguradong safe ka," sabi ng binata.
"Okay," pagpayag niya saka humalik sa kanang pisngi ni Loki Luis pero wala talaga siyang balak na sundin ang binata.
"Ingat, baby. Text mo 'ko kapag nandon ka na."
"Bye."
Pinagmasdan niya si Atheina na naglalakad patungo sa sasakyang pinahiram niya. Napakainosente ng mukha ng kasintahan niya at parang dyosa sa suot nitong puting bestida at nasasaktan siya sa tuwing maisip na may ibang taong nanakit o manakit dito.
"Alis na 'ko!" paalam ni Atheina at nginitian si Loki Luis.
"Ingat, baby," bilin ni Loki Luis.
Sumakay na si Atheina at nagmaneho patungo sa mall.
Pagdating niya doon, nakasimangot na si Sharmie.
"Ang tagal mo. Akala ko ba, palaging on time ang mga German?" reklamo nito.
"May lahing pinoy pa rin ako," paalala ni Atheina. "Sorry talaga, may nakausap lang ako kanina."
Ang tagal kasing umalis ng grandparents ni Loki Luis dahil kumain pa sila kaya nakatulog siya at nagising na lang ng hapon na pala.
"Tara, nood na tayo ng sine," yaya ni Sharmie na naiilang dahil sa katangkaran ng kaibigan. "Sana all matangkad."
Tumawa si Atheina. Ang cute kasi nito sa tuwing naiinggit sa height niya.
"Sana all cute," sabi niya.
"Hmmp? Ito na po ang ticket, libre ko na basta sa 'yo ang snacks."
"Wais ka talaga," ani Atheina.
"Rich ka naman, walang problema 'yan."
"Okay na nga. Kuha ka ng kahit na anong gusto mo," sabi niya saka pumila muna sa popcorn at softdrinks pero ang daming pinabili ni Sharmie.
"Hindi naman tayo gutom, noh?"
"Ginutom ako sa kakahintay sa 'yo," sabi ni Sharmie. Isa pa, talagang susulitin na niya.
"Walang ice cream?"
"Eh? Ang lamig sa sinehan e. Maiihi tayo," sabi ni Sharmie.
"Wala ngang ice cream dito," sabi ng dalaga saka hinila na si Sharmie para pumasok sa sinehan.
"Ang daming lovebirds," bulong ni Sharmie na sa itaas sila pumuwesto. Napansin pa nila ang magkasintahang naglalampungan.
"Yaan mo sila."
"Sana all may kahalikan," sabi ni Sharmie at humagikhik.
Binuksan ni Atheina ang popcorn at kumain. Naalala niya ang nangyari sa kanila ni Loki Luis kanina. Paano kung hindi dumating ang grandparents nito? E di goodbye virginity na. No. Marami pa siyang plano sa buhay.
Kakaumpisa pa lang pero tawang-tawa na si Sharmie sa pinapanood. Romcom kasi ang pinili nito.
"Dinner tayo after nito, ha."
"Anong oras na ba?" tanong ni Atheina.
"Six na. Five thirty ka na kaya dumating. Matatapos siguro 'to mga seven thirty," sagot ni Sharmie.
"Sige."
"Siyempre libre mo," hirit ni Sharmie.
"Yon lang," natatawang sabi ni Atheina. Ang cute kasi ng kaibigan niya.
Pagkatapos ng movie, lumabas sila at laking gulat nila nang makita sina Cesar at Justin.
"Hi, nandito rin pala kayo?" tanong ni Cesar.
"Oo," sagot ni Sharmie.
"Buti naman. Tara, videoke tayo," yaya ni Cesar na kay Sharmie nakatingin.
"Kakain na kami e," ani Sharmie.
"Mamaya na. Maaga pa nga e. Tamang-tama, may videokehan akong alam na puwedeng mag-dinner sa loob," alok ni Justin saka isinuot ang kulay itim na hawak na sombrero.
"Sige na, minsan lang mag-aya si Justin," sabat ni Cesar na napasulyap kay Atheina na mukhang hindi nagustuhan ang pagkikita nila. "Diyan lang sa tapat ng PBcom."
"Libre na ni Cesar," ani Justin saka siniko ang kaibigan.
"Sige, libre ko na kayo," napilitang sabi ni Cesar kaysa naman tumanggi pa ang dalaga.
"Kasi--" Sharmie.
"Okay, pero uuwi ako nang maaga," pagpayag ni Atheina para matapos na dahil kapag humaba pa, baka matagalan sila.
"Ayos!" ani Cesar at pinasama na ang dalawa. Lumabas sila sa mall at tumungo sa pinakamalapit na mamahaling restaurant na may videokehan sa VIP room.
"Kinakabahan ako," bulong ni Sharmie habang nakabuntot sila sa dalawa papasok sa kakainan.
"Hmm? Relax lang," kalmadong saway ni Atheina.
"Puno po ang VIP room pero sa dulo, pinaka-cancel yata kaya doon na lang kayo," sabi ng babae sa cashier area.
"Swerte namin. Sige po," sabi ni Cesar at iginiya ang dalawa patungo sa VIP room.
Pagpasok nila, agad na kinuha ni Sharmie ang menu list.
"Napaghalataan ka talagang gutom," natatawang sabi ni Cesar.
"Libre mo eh," sabi ni Sharmie.
"Ikaw, pili lang," sabi ni Cesar na katabi si Atheina. Nasa gitna kasi silang dalawa nina Justin at Sharmie.
Kinuha ng dalaga ang isang menu list.
Napatingin sila sa pintuan nang bumukas.
Laking gulat ni Atheina nang makita si Loki Luis na may dalang ice cream.
"Master!" ani Justin na napatayo pa dahil sa gulat.
"Ba't nandito kayo?" tanong ni Loki Luis na may bitbit na dalawang ice cream. "Sa pagkakatanda ko, ni-reserve ng pinsan ko ang room na ito."
"Cancelled na kasi sabi ng bantay," sagot ni Cesar. Patay talaga sila nito, master pa nila ang nagpa-reserve.
"Alis na lang ho kami," sabat ni Justin.
"Sir?" tawag ng lumapit na bantay kaya napatingin sila dito. "Hindi na po raw darating ang kasama mo kaya ipa-camcel na lang niya ang room."
"Haist! Pina-cancel niya?" inosenteng tanong ni Loki Luis kaya napasimangot si Atheina habang nakatingala sa kasintahan. Best actor talaga ang mokong.
"Yes po, sir."
"Binayaran ko na 'to e. Sayang naman. Gusto ko pa naman mag-videoke pero wala na pala akong kasama," malungkot na sabi niya.
"Sabay ka na lang po sa amin, sir," alok ni Sharmie. "K-Kung okay lang po."
"Okay lang ba?" tanong ng binata.
"Sige, master. Kung okay lang din sa 'yo," sabat ni Cesar.
"Walang problema sa akin," sabi ni Loki Luis na nakasuot ng black jacket at shades. May liwanag pa naman nang umalis siya sa condo. "Sayang naman at binilhan ko pa ng ice cream ang pinsan kong 'yon."
" Galing talaga magdrama ng mokong," bulong ni Atheina.
"Haist! Nakakapagod bumiyahe," sabi ni Loki Luis at pasimpleng naupo sa gitna nina Atheina at Cesar. "Sa 'yo na lang 'tong isang ice cream." Binigay niya sa dalaga ang isang hawak na ice cream kaya kinuha na ni Atheina. Kailangan pa ba nitong manghula kung ano ang kaganapan at gustong mangyari ni Loki Luis?
"Salamat," pasalamat niya. Siyempre noong isang araw pa siya naghahanap ng ice cream.
"Family friend namin ang may-ari nito, may branch lang sila dito kaya sigurado akong masarap 'yan," sabi ni Loki Luis.
"Masarap nga po 'yan," sabat ni Sharmie. "Sa tapat lang ng Westbridge University ang main branch niyan, 'di ba?"
"Oo," sagot ni Loki Luis at binigay sa dalaga ang isang hawak. "Sa 'yo na, 'di naman ako mahilig sa ice cream."
"Thank you po, sir," pasalamat ni Sharmie at kinuha ang ice cream.
Tinawag ni Cesar ang waiter para um-order. Habang kumakain, medyo naiilang pa si Sharmie dahil ang dean ang kasama nila. Kahit na nasa pagitan nila si Atheina, naaamoy niya ang pabango ni Loki Luis.
"Videoke tayo, mamaya na tayo umuwi," alok ni Justin na gusto ring maka-bonding si Loki Luis.
"Order tayo ng inumin," alok ni Loki Luis. "Sagot ko."
"Yu oh!" masayang sabi ni Cesar.
"Ihi lang ako," paalam ni Justin at lumabas. Pumasok ang waiter at niligpit ang pinagkainan nila.
"Talagang sinundan mo ako," bulong ni Atheina nang tumayo si Cesar na nagta-type ng ikakanta.
"Wala akong tiwala sa kasamahan mo," bulong ni Loki Luis. Suspected persons pa lang naman ang dalawa na black dragon pero hindi niya puwedeng ipagkatiwala ang kasintahan. Isa pa, sinadya talaga niyang sundan ito dito. Uminit ang ulo niya nang malaman niyang kasama nito sina Cesar. Of all people?
Nang bumalik si Justin, kasabay na nito ang waiter na may bitbit na inumin saka ice.
"Umiinom ka ba?" tanong ni Loki Luis na binuksan ang isang ladies drink at nagsimula na rin si Cesar sa pagkanta.
"Oo naman," sagot ng dalaga.
"Kaunti lang, baka malasing kayong dalawa," sabi ni Loki Luis na nag-aalala kay Atheina.
Hindi nagsalita si Atheina. Siya pa ba? Eh may Octoberfest sila sa Germany at gripo lang ang nilalabasan ng alak doo saka malalaking baso ang tagayan nila.
Kanta habang umiinom ang ginagawa nila. Kanta nang kanta naman ang dalawa.
"Shit!" bulalas ni Cesar nang sumuka si Sharmie kaya hinagod niya ito sa likod. "Okay ka lang?"
"Shleep na mhe..." sabi ni Sharmie na papikit na ang mga mata kaya pinasandal ni Cesar sa balikat niya ang dalaga.
Naramdaman ni Atheina ang kamay ni Loki Luis na pumisil sa kamay niyang nasa ilalim ng mesa.
"I love you," bulong ni Loki Luis na malapit sa tainga niya kaya nanayo ang balahibo niya lalo na't marahang kinagat nito ang tainga niya. Mabilis na napatingin siya sa mga kasama. Busy si Justin sa pagkanta saka inalalayan naman ni Cesar si Sharmie para hindi matumba.
"Lasing na siya," sabi ni Cesar. "Ihatid na lang namin siya."
"No," tanggi ni Loki Luis na walang tiwala kina Cesar dahil mukhang lasing na rin ito.
"Brod, walang masamang mangyari kay Sharmie," seryosong sabi ni Cesar. "Itataya ko ang pangalan ko para sa kaligtasan niya."
"Hayaan mo na," sabi ni Atheina nang magtama ang mga mata nila ni Cesar at nabasa ang kaseryosohan sa mga mata nito. Isa pa, namumula na si Loki Luis at may kakaiba na sa ikinikilos nito.
"Pero--" Loki Luis.
"Brod mo naman si Cesar, madali lang hanapin kapag may masamang mangyari sa kaibigan ko," sabi niya. Shit lang talaga! Hinahalikan na siya ni Loki Luis sa leeg kaya siniko niya ito. "Umayos ka!" bulong na saway niya kaya umayos ito ng upo.
"Ihatid mo na siya," sabi niya kay Cesar.
"Kayo?" nag-aalalang tanong niya.
"Ako ang maghahatid sa kaniya!" sabat ni Loki Luis saka hinigpitan ang pagkahawak ng kamay kay Atheina.
"Sure ka?" tanong ni Cesar na kay Atheina nakatingin. Hindi siya tanga. Napapansin niya ang ikinikilos ng master nila at ang pag-holdinghands ng dalawa.
"Wala kang tiwala sa akin?" sabat na naman ni Loki Luis.
"H-Hindi naman sa ganoon, master," depensa ni Cesar at tumayo saka binuhat si Sharmie na wala nang malay.
"Sama na ako," sabi ni Justin na inilapag ang mic at sumamang lumabas sa dalawa kaya sina Loki Luis at Atheina na lang ang naiwan.
"Baby..."
"Lasing ka na!" naiinis na sabi ni Atheina sabay hampas sa kanang balikat ng kasintahan.
Hinawakan ni Loki Luis ang baba ng dalaga at yumuko. "I love you, baby." Bago pa man nakatutol, naangkin na niya ang mga labi ni Atheina pero ilang segundo lang, tinulak na siya palayo ng dalaga.
"Umuwi na tayo, Loki Luis."
Tumayo siya para sumunod na ito sa kaniya.
"H-Hindi ko makakalimutan ang nangyari sha atin kanina," sabi ni Loki Luis habang nakatingala sa kasintahan. "Bina-bhaliw mo ako, baby."
Tumayo siya at lumapit sa dalaga.
"Shit! Loki naman!" bulalas ni Atheina matapos saklolohan itong tumayo dahil muntik na itong matumba.
"Khaya kho, baby!"
" Akala ko ba, matibay 'to?" bulong ni Atheina at ginabayan sa paglalalad si Loki Luis palabas ng VIP room. Hindi siya lasing. Kahit nga tipsy, hindi rin. Limang bote pa lang naman ang nainom niya at para sa kaniya, wala iyon. Mataas kaya ang alcohol tolerance niya.
"Iinom-inom ka, 'di mo kaya!" sabi niya pero namumungay lang ang mga mata ng binata.
"I love you, bheybi ko," sabi nito bago sumuka kaya agad na sumaklolo ang isang waiter sa kanila at ito na mismo ang nagpasakay kay Loki Luis sa sasakyan. Binigyan na lang ng tip ni Atheina bilang pasalamat.
Siya na rin ang nagmaneho.
"Ayaw kitang mapahamak," sobrang hinang wika ni Loki Luis habang nakapikit ang mga mata. "Mhahal kita, bheybi ko."
Tumigil si Atheina sa pagmaneho saka inayos ang seatbelt ng kasintahan at muling nagmaneho pauwi ng bahay.
"Oh bhaby, bhaby, bhaby, my baby baby...
Wo jue Bu Neng shi qu ni..." pagkanta nito habang nakapikit pa rin pero nakangiti. ,"Bu guan ni zai na li wo yi ding hui zhao dao ni."
Hinayaan na lang niyang kumanta si Loki Luis hanggang sa tumigil na ito. Himala, ang tagal na ng Meteor Garden pero alam pa nito ang kanta.
"Huwag ka na ngang uminom, ang weak mo pala eh!" sabi niya at napailing habang napasulyap sa naghihilik nang kasintahan.
BINABASA MO ANG
Good Boy Gone Bad
Mystery / ThrillerGOOD BOY GONE BAD by: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE "Good Boy Gone Bad" Well-trained. Pasikreto siyang tinuturuan para ihanda sa tungkuling habambuhay niyang gagampanan. Tahimik na ang lahat pero biglang niyanig ang mundo ng fraternities and sorori...
