GOOD BOY GONE BAD
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 22
Unedited...
"Busy ka ba mamayang gabi?" tanong ni Loki Luis habang pinagmamasdan ang nagbibihis na kasintahan.
"Dito lang naman ako, magtatanong ka pa?"
"Baka kasi may lakad ka na naman at hindi magpaalam," sagot ng binata at isa-isang pinulot ang nagkalat na mga damit sa sahig saka inilagay sa laundry bag.
"Nagluto pala ako ng breakfast natin," sabi ni Atheina. "Maligo ka na at sabay tayong kakain."
"Sige," sabi niya at hubo't hubad na tumungo sa shower room. "Wala namang toyo kaya itlog ang lulutuin niya," sabi niya nang binuksan ang shower. Itlog at longganisa lang ang available sa ref dahil sinadya niyang hindi magpabili ng toyo.
Habang naliligo, hindi niya mapigilang hindi maisip ang mga kaganapang mangyayari mamayang gabi.
"Fuck!" pagmumura niya at mahinang sinuntok ang puting dingding. "Bakit?" desperadong sabi niya.
Si Atheina ang magiging pain at ngayon pa lang, nasasaktan na siya. Kikidnapin ito ng black dragon gang at doon sila mag-aabang para iligtas ang dalaga.
Pinatay niya ang shower at pinunasan ang mukha na may kasamang mga luha. He loves her. Kulang na lang ay ialay niya ang buhay para mapatunayang mahal niya ang dalaga.
"Atheina Talado," sambit niya sa pangalan ng kasintahan nang makita sa balintataw ang maamo at magandang mukhang nakangiti ng dalaga.
Muling binuksan niya ang tubig at kumuha ng shower gel pero sa sobrang panghihina ng mga tuhod niya, napaupo siya sa sahig at niyakap ang mga tuhod.
Ngayon lang siya nagmahal ng ganito. Ngayon lang siya natakot na baka mawala ang babaeng nakasiping niya. Of all toys, Atheina is his favorite. Pero hindi laruan si Atheina dahil balak pa niya itong asawahin.
"Tama!" aniya saka tumayo. Aasawahin pa niya ito at kapag bumalik mangyari iyon, siguro iba na ang sitwasyon.
Nang mapakalma ang sarili, nagbanlaw siya at kinuha ang bathrob saka pinunasan ng tuwalya ang basang buhok.
Pagbukas niya ng pinto, may naamoy siyang ulam.
"Shit!" bulalas niya saka dali-daling pumunta sa kusina.
"Baby!" masayang sabi ni Atheina. "Malapit na 'tong maluto. Gutom ka na ba?"
Halos sakluban siya ng langit sa nakita. Adobo na naman ang ulam nila.
"S-Saan ka kumuha ng toyo?" tanong niya.
"Binili ko kahapon bago umuwi, alam ko kasing nakalimutan ni Manang na bumili ng suka at toyo," magiliw na sagot ni Atheina.
Kulang na lang ay maglupasay sa sahig si Loki Luis nang makita ang isang litrong suka at isang litrong toyo na wala nang laman. Partida wala pang halong tubig ang lintik na adobo nito.
"Maupo ka na, kaunti na lang at maluluto na 'to."
"S-Sige..." ani Loki Luis at dumiretso sa ref saka kumuha ng oranges saka gumawa ng isang litrong juice.
"Hindi ba marami ang juice mo?"
"Uubusin ko 'to, baby," sagot ng binata. Panlaban din 'to sa isang litrong suka at toyo.
Habang kumakain sila, panay ang pagmumura ni Loki Luis pero tinitiis lang niya.
"Kapag tapos ka na, magbihis ka na rin," bilin ni Atheina na tumayo.
"Sige."
Niligpit ni Loki Luis ang pinagkainan at naupo muna sa sala.
"Hindi ka pa magbibihis?" tanong ng dalaga na kakalabas lang sa kuwarto nito.
"Mauna ka na, mamaya pa ako."
"Ahm, baby? Baka gabihin pala ako mamaya. Sabi kasi ni Sharmie, sa library muna kami gagawa ng assignment dahil nagpapaturo siya," paalam ni Atheina dahil nahihirapan daw si Sharmie sa Algebra. Isa pa, may time naman siya.
Tumayo si Loki Luis saka hinapit siya sa bewang.
"Ingat ka sa pagmaneho, baby," sabi ni Loki Luis saka mariing hinalikan sa noo ang kasintahan.
"Okayyyyy..." mahabang sagot ng dalaga at pinulupot ang mga kamay sa leeg ni Luis saka hinalikan ito sa mga labi na agad namang tinugon ng binata.
"Alis na 'ko," paalam ni Atheina na siyang unang tumigil sa halik.
"Ingat."
Nakalabas na si Atheina kaya kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Jason.
"Brod," bungad ni Jason.
"San ka?"
"Papuntang school."
"Sinong kasama mo?" usisa ni Luis.
"Ako lang, bakit?"
"May pupuntahan tayo mamaya," sagot ni Loki Luis. "Maghanda ka at magdala ng baril."
"What? May papatayin ba tayo?" biro ni Jason.
"Depende," seryosong sagot ni Loki Luis kaya natahimik si Jason. "Huwag kang pumasok, magkita tayo. At huwag mong ipaalam kahit kanino lalo na sa jowa mo," mahigpit an bilin niya.
"Ano bang meron?"
"Kung makalabas ang usapan nating 'to, ako mismo ang papatay sa 'yo!"
"Hey, masyado ka naman yatang seryoso, brod. Sige, kita na lang tayo," pagpayag ni Jason dahil wala sa boses ni Loki Luis ang pagbibiro.
--------------
Nag-uusap sina Atheina at Sharmie nang lumapit si Sharon.
"Hey, guys, ready na ba kayo mamaya?" tanong ni Sharon.
"Oo naman," sagot ni Sharmie. "Kami pa."
"Ready saan?" tanong ni Atheina.
"Di ba mamaya na ang dance representation natin sa PE," sagot ni Sharmie.
"Ah... Oo nga pala," wika ni Atheina nang maalala. Ang totoo, hindi siya nakapag-practice kagabi dahil ibang sayaw ang ginawa nila ni Loki Luis.
"Siguraduhin n'yo lang na hindi kayo papalya," makahulugang sabi ni Sharon na kay Atheina nakatingin.
"Kami pa!" pagmamayabang ni Sharmie at matamis na ngumiti. "I'm sure matatalo kayo."
"Psh! Let's see," sabi ni Sharon saka nagmartsa palayo sa kanila at pinunatahan sina Cesar, Victor at Justin na naghaharutan.
"Kayong tatlo, may ipapagawa ako sa inyo!" sabi ni Sharon.
"Ano na naman 'yon?" tanong ni Victor na napipikon na sa pagiging bossy nitong Sharon.
"Alam kong wala pa kayong ginagawa kaya mag-practice tayo habang wala pa ang teacher!"
"Hay, grabe ka!" nauurat na wika ni Justine.
"Puwede ba, tanggalin mo ang sombrero mo at ikaw naman, Victor, lunukin mo ang chewing gum mo!" parang donyang utos ni Sharon.
"Inaano ka ba ng sombrero ko, ha?" tanong ni Justine. Kasalanan din ng mama niya 'to eh, bata pa lang siya, sinanay nang magsombrero. Buti na lang dahil hindi siya nakakalbo.
"Sundin n'yo na lang ako kung ayaw ninyong matalo tayo mamaya sa sayaw!" singhal ni Sharon kaya tumalima ang tatlo palabas.
"Tingin mo, mananalo sila sa sayaw mamaya?" bulong ni Sharmie. Tatlo kasi silang grupo. "Kabisado mo na ba ang sayaw natin?"
Sa tuwing may free time lang sila nagpa-practice dahil sobrang madali lang ang steps at fino-forward ng leader nila sa groupchat para sa bahay na matuto at formation na lang ang gawin nila sa school.
"Depende," sagot ni Atheina at inilagay sa tainga ang earphone para makinig ng music. Ang tagal na niyang hindi nakapag-relax.
Hindi na siya kinulit pa ni Sharmie kaya napasulyap siya rito. Mukhang balisa at napapasulyap sa kaniya pero agad namang binabawi ang tingin.
"Okay ka lang?" tanong ni Atheina.
"Y-Yup..." alanganing sagot ni Sharmie at sinikap na ngumiti. "Kinakabahan lang ako para mamaya. H-Hindi kasi talaga ako dancer."
Tinapik siya ni Atheina sa balikat. "Kaya mo 'yan, Sharms."
"S-Salamat, Atheina. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kapag wala ka," pasalamat ni Sharmie at pinakalma ang sarili. "Basta after ng klase, daan muna tayo sa library para mag-aral ha."
"Sige..."
"Nakapagpaalam ka na ba kay Sir Luis?"
"Oo, kanina lang. Payag naman siya kaya okay lang," sagot ni Atheina. Buti na lang dahil nakapagluto siya ng adobo bago magpaalam kaya good mood si Loki Luis.
Nang mag-PE na sila, ang lakas ng hiyawan at cheer nila dahil sa sayaw. Laking pasalamat ni Atheina dahil nakabisado naman niya ang steps at hindi nagkamali.
Napabuntonghininga siya habang pinagmasdan ang mga kaklaseng nagtatawanan at naghihiyawan lalo na nang ianunsiyong lamang ang isang grupo ng one point at patas lang ang grade nila nina Sharon.
"Nagtatalo pa tayo nina Sharon, pareho lang pala tayong talo," natatawang sabi ni Sharmie at inakbayan siya. "Mabuti kapag nakaupo ka, naaabot kita."
"Baliw!" napailing na sabi niya at tinext si Loki Luis dahil hindi niya ito nakita. Ang sabi, pupunta raw ito sa mga magulang dahil namatay ang isang pusa ng ama at pinagluluksa sila. Kakaiba rin ang pamilya ng kasintahan.
"Magpapalit na tayo," yaya ni Sharmie kaya sumama siya sa dressing room. Saktong nandoon din si Sharon na nagbibihis.
"Hindi ka ba nalulungkot dahil wala na ang ka-tandem mo?" narinig ni Atheina na tanong ng isa nilang kaklase.
"Hindi naman," sagot ni Sharon. "Kapag nagkasama kami, baka dalawa pa kaming biktima."
"Oo nga noh? Buti na lang hindi ka natiyempuhan," sabi ni Jersel.
"Yeah," sagot ni Sharon at napasulyap kay Atheina kaya iniwas ng dalaga ang mga mata at kinuha ang damit para magpalit.
"Yaan mo na siya," bulong ni Sharmie. "Magpalit na tayo para makauwi tayo nang maaga."
"Sa hirap mong turuan, gagabihin tayo," sabi ni Atheina. 5:30pm na kaya.
"Hindi ah," ani Sharmie at naghubad ng PE tshirt.
"In fairness, malaki pala ang boobs mo, Sharmie," puna ni Atheina kaya mabilis na tinakpan ni Sharmie ang boobs.
"Baliw ka talaga. Magbihis ka na nga."
"Ang sexy mo kaya," ani Atheina saka nginitian ang dalaga. "Huwag ka kasing mahiya kasi maganda ka naman at may kurba."
"Baliw ka!" sabi ni Sharmie sabay hampas sa kanang balikat ng dalaga.
Nang makabihis sila, dumiretso sila sa library para mag-aral. Sa umpisa, nahihirapan talagang umintindi ni Sharmie pero sa bandang huli, naunawaan din niya dahil sa pagtatiyaga ni Atheina na pagtuturo.
"Uuwi ka na ba?" tanong ni Sharmie. "Tumatawag na si Daddy e."
"Strict talaga ng parents mo," sabi ni Atheina.
"Buti ka pa nga, wala nang parents."
"Hindi rin," malungkot na sagot ni Atheina nang maalala ang mga magula. "Iba pa rin kapag nandiyan ang parents mo."
"Hmm? Kung sabagay. Kahit ganyan sina Daddy, mahal nila ako."
"Oo naman. Walang magulang na hindi mahal ang anak," sagot ni Atheina pero duda rin siya roon. Marami pa rin ang nagpapalaglag ng bata.
"Alis na ako, nasa labas na ang driver namin," paalam ni Sharmie saka kinuha ang shoulder bag at humalik sa kanang pisngi ni Atheina. "See you bukas."
Ngumiti si Atheina.
"Sharm?" tawag niya kaya lumingon si Sharmie. "Salamat sa pagkakaibigan."
Ngumiti rin si Sharmie.
"Ako ang dapat na magpasalamat, Atheina. Kasi may maganda, matangkad at matalino akong kaibigan."
"Baliw. Sige na, alis na," pagtataboy ni Atheina at napasulyap sa wristwatch. After 30 minutes pa siya aalis. Napatingin siya sa bintana, madilim na.
Kumuha siya ng lumang aklat. History. Wala siyang nabasa tungkol sa kasaysayan ng mga Lacson lalo na ang bantog na sorority queen at dating nakalaban noon. Wala ring aklat para sa kasaysayan ng CTU. Nang ma-bored ay kumuha siya ng magazine at nagbasa.
Nakita niyang umiilaw ang cellphone kaya sinagot niya ang tawag.
"Saan ka na?" tanong ni Loki Luis.
"School."
"Di ka pa nakaalis?"
"Paalis na," sagot ni Atheina saka itiniklop ang magazine.
"Sunduin na--"
"Kaya ko na pong umuwing mag-isa. Ba bye na." Tinapos niya ang tawag at pinatay ang cellphone dahil ayaw niyang magambala.
Lumabas siya sa library at tumungo sa parking lot. 15 minutes before 8pm kaya pinaharurot niya ang sasakyan hanggang sa makarating sa madilim na bahagi ng daan. Isa itong shortcut na walang gaanong dumadaan.
Boom!
Napapikit siya nang sumabog ang gulong ng unahang sasakyan niya.
"Shit!" sambit niya nang may makitang motorsiklo sa harapan. Bumaba ang nagmamaneho habang hawak ang baril na palapit sa kaniya.
Sumenyas ito na bumaba siya kaya hindi na nagdalawang-isip na bumaba siya. Madilim ang paligid pero may ilaw naman ang motor nito at sasakyan niya. Umusok pa paligid dahil sa pumutok niyang gulong.
"Sumama ka sa akin!" madiing sabi ni Sharon habang mahigpit ang pagkakahawak ng baril.
"Sasama ako nang mahinahon," pagpayag niya habang nakataas ang mga kamay.
"Bang! Bang!"
Napatakip siya ng tainga nang marinig ang putok.
"Ugh!" daing ni Sharon na napaupo dahil tinamaan sa magkabilang binti. Kahit si Atheina ay nagulat din sa nangyari.
Tatayo pa sana si Sharon pero nakaramdam siya ng hapdi sa gilid ng leeg niya. Naramdaman niya ang mainit na likidong dumaloy sa leeg niya.
"Huwag kang gumalaw kundi papatayin kita!" matapang na sabi ni Jason habang palapit na may hawak na baril kasama si Loki Luis. "Bangon! Nyeta! Babae pala 'to?" gigil na sabi ni Jason dahil mahaba ang buhok nito.
Hawak ang duguang leeg, humarap si Sharon kina Jason at Loki Luis.
"S-Sha--S-Sharon?" nanginginig ang boses na wika ni Jason. "H-Honey!" Lalapitan sana niya ito pero pinigilan siya ni Loki Luis at dinampot nito ang baril ni Sharon.
"Kalaban siya!" sabi ni Loki Luis at itinapon sa malayo ang baril ni Sharon. "Kung ayaw mong makapinsala pa siya at maraming mapatay, unahan mo na!"
Nanginginig ang mga kamay ni Jason habang hawak ang baril.
"Kung hindi mo siya papatayin, ako ang papatay sa kaniya!" matapang na sabi ni Loki Luis habang nakayuko kay Sharon na pinipigilan ang pagdurugo ng sugat sa leeg. Hindi na ito makatayo dahil sa tama ng bala ng baril.
"P-Patayin n'yo na ako!" matapang na sabi ni Sharon at ngumisi. "P-Pero hindi ninyo mauubos ang black dragon."
Itinaas ni Jason ang baril pero bago pa niya maiputok, may umagaw na sa kaniya at pati na rin sa baril na nasa bewang ni Loki Luis at humarang kay Sharon.
"Subukan ninyong patayin siya at sisiguraduhin kong hindi na kayo aabutan ng umaga!" matapang na pagbabanta nito habang nakatutok ang hawak na dalawang baril sa kina Jason at Loki Luis.
"Atheina," usal ni Loki Luis habang nakatitig sa matapang na mga mata ng dalagang pumagitna. "Tumabi ka!"
Sumipol si Atheina kaya nagsilabasan at liparan ang ducati na nakatago sa 'di kalayuan at naghihintay lang ng hudyat. Pinalibutan nila sina Jason at Loki Luis.
"Dalhin ninyo sila sa headquarter!" utos ni Atheina at mabilis na kumuha ng panyo sa bulsa at itinali sa sugat ni Sharon para pigilan ang pagdurugo.
"O-Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Atheina habang naiiyak na tinutulungang makatayo si Sharon. "It's okay, Sha, I'm here."
Tinulungan siya ng isa nilang kasama na buhatin ito pasakay sa isang kotse at siya na ang nagmaneho.
"Press mo nang maigi ang leeg mo para tumigil ang pagdurugo. Kapag hindi ka maubusan ng dugo, mabubuhay ka!" sabi ni Atheina na matulin ang pagpatakbo at sinulyapan si Sharon na nakahiga sa backseat.
"D-Did I f-fail?" nanghihinang tanong ni Sharon. "S-Sorry kung hindi n-na ako tutupad sa p-pangakong-- m-mabuhay."
"No, darling. Hawak na natin ang frat king at president nila," sagot ni Atheina. "Ano ka ba, mabubuhay ka!"
"N-Nasabi ko na b-bang ikaw ang pinakamagaling na s-sniper sa ating tatlo?" nahihirapang tanong ni Sharon na napangiwi dahil sa kirot ng magkabilang binti. Naramdaman din niya ang maraming dugo sa mga kamay.
"So? Inaamin mo na mas magaling ako sa 'yo? Nagpaparaya ka na ngayon, huh?" tanong ni Atheina na nataranta na.
"B-Bestfriends t-tayo eh," naiiyak na sabi ni Sharon kaya napangiti si Atheina.
"M-Malapit na tayo," wika ni Atheina saka pinahidan ang mga luha nang matanaw ang quarters nila.

BINABASA MO ANG
Good Boy Gone Bad
Gizem / GerilimGOOD BOY GONE BAD by: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE "Good Boy Gone Bad" Well-trained. Pasikreto siyang tinuturuan para ihanda sa tungkuling habambuhay niyang gagampanan. Tahimik na ang lahat pero biglang niyanig ang mundo ng fraternities and sorori...