28

620 23 0
                                    

GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 28

Unedited...
"Baliw ka na ba?" Gigil na tanong ni Dylan sa apo. Nandito ang quadruplets niyang anak: Lance Leonard, John Jacob, Lee Patrick at John Matthew. Pati ang mag-asawang Anndy at Zero ay lumuwas din para sa meeting.
"Ano na namang kagaguhan 'to?" Itinapon ni Lance Leonard ang positive na pregnancy kit pati result ng blood test na nagsasabing buntis si Atheina.
Tahimik sina Zero at ang iba na nakikinig sa kanila.
"Paano na ngayong buntis si Atheina?"
"Wala namang problema," sagot ni Loki Luis. "She's just pregnant. Kung gusto ninyong ituloy ang death penalty, wala naman akong magagawa."
"Baliw ka na ba?" Dumadagundong ang boses ni Dylan sa loob ng meeting room. "At ang batang nasa sinapupunan niya? Paano mo maatim na patayin siya?"
"Nasa inyo ang pagpasya," magalang na sagot ni Loki Luis.
"Pagkatapos niyang manganak, Dad," suhestiyon ni Lance Leonard at napatingin sa mga kapatid. "Suhestiyon ninyo?"
"Kayo ang bahala," sagot ni Jacob.
"Labas ako riyan," segunda ni John Matthew.
"I'm busy at kayo na ang masusunod," sagot ni Lee Patrick.
"Wala talaga kayong naitutulong! Pumunta pa kayo!" Naiinis na sabi ni Lance Leonard. Pagdating sa frat, hindi nakikialam ang mga ito. Maliban kina Anndy na handang tumulong at magdala ng tauhan dahil marami silang estudyante sa CPU.
"Pinatawag n'yo kami," sabat ni John Jacob na inaantok pa.
"Iyon na lang, pagkatapos na lang ng panganak ni Atheina. Hindi naman puwedeng ituloy natin ang pagpatay dahil apo ko na 'yon," sabi ni Lance Leonard na sa ama nakatingin kaya napaisip din si Dylan.
"Ikaw ba talaga ang ama?" usisa ni Dylan sa apo.
"Ako naman ang nakagalaw sa kaniya kaya ako naman yata?" patanong na sagot ni Loki Luis na parang wala lang sa kaniya ang lahat.
"Puwede namang pagkatapos nang manganak para malaman natin kung kadugo nga natin ang dinadala niya," pagsang-ayon ni Dylan.
"Sigurado akong ako ang ama ng dinadala niya," siguradong sabat ni Loki Luis.
"Anong plano mo?" Salubong ang kilay na tanong ni Lance Leonard na kulang na lang ay sipain niya ang anak.
"Kayo," sagot ng binata. "Okay lang naman sa akin na sabihin ko sa magiging anak namin na ako o ang buong pamilya natin ang pumatay sa mommy niya."
Muntik nang mabulunan si John Jacob sa sagot ng pamangkin kaya napahampas si Dylan sa mesa.
"Talagang pinlano mo ito, ano? Para hindi na siya hatulan ng kamatayan?" Gigil na tanong ni Dylan.
"Unexpected ang pagbubuntis ni–"
"Tama na ang pagkukunwari!" ani Lance Leonard. "Tingin mo matutuwa ang mga miyembro?"
"Wala akong pakialam pero kung gusto ninyo ng death penalty kay Atheina pero kukunin ko ang anak ko! Kung mamamatay man siya, matapos lang niyang isilang ang anak ko." Giit ng binata na walang balak isuko ang buhay ng anak kasama ang ina nito.
Tahimik silang lahat at hindi alam ang gagawin.
"Kaya ko naman pong buhayin ang anak ko na walang ina. Kaya ko namang maging single dad kapag patay na ang mommy niya. Si Tito Blue nga, single dad naman ah. Isa pa, wala namang masama kung pamilya natin ang papatay sa–" Napatigil siya nang lumipad ang sapatos ng ama at tumama sa balikat niya.
"Punyeta!" singhal ni Lance Leonard. "Huwag mo kaming dramahang hayop ka! Alam mong hindi ganoon kami kasama!"
"Si Lola Patch–" sabat ni Zero na kay Dylan nakatingin. "Hindi ba't pinapa-divorce nila kayo ni Mommy Ann dahil nalaman niyang may anak kayo sa labas?"
Naikuyom ni Dylan ang magkabilang kamao nang maalala ang nakaraan.
"Alam mo ang kuwento ng grandparents mo kaya binuntis mo si Atheina?" tanong ni Zero. "Ever since, alam mong ayaw ng lola ninyo na magkaroon ng wasak na pamilya kaya para mailigtas si Atheina mula sa kamatayan, binuntis mo siya. Hindi aksidente ang lahat. Bago pa man magsimula ang gulo, nakaplano ka na. At alam mong kahit magdesisyon kang patayin si Atheina, kokontrahin ka ng buo mong pamilya dahil kadugo ninyo ang dinadala niya."
Natahimik sila. Iyon na nga. Ngayon ay nagiging malinaw na ang lahat.
Aware si Zero ni nilalaro lang ni Loki Luis ang utak nila dahil ang totoo, pinoprotektahan pa rin nito si Atheina.
"Labas na 'ko," paalam ni Loki Luis saka tumayo. "Kung ano man ang desisyon ninyo kay Atheina, tatanggapin ko pero dumaan muna kayo sa ibabaw ng bangkay ko bago ninyo magalaw ang mag-ina ko!"
Lumabas na siya at dumiretso sa kusina. Pagod na ang utak niya. Kumuha siya ng pinalutong gulay at pinuntahan si Atheina.
"Hindi ka ba titigil sa pagkain niyan?" tanong niya nang makitang sinasawsaw ni Atheina ang green apple sa maanghang na suka. "Wala pang laman ang tiyan mo at maaga pa."
"Ayaw kong kumain ng gulay!" Nakasimangot na sagot ng dalaga.
"Kailangan mong magpalakas, Atheina!"
"Bakit? Dahil buntis ako?" tanong ng dalaga. "Dahil ba nasa sinapupunan ko ang anak mo?"
"Puwede–"
"So? Ito ang plano mo kaya hindi mo ako pinapatay kaagad? Pero bakit, Loki? Bakit mo pa ako binuntis?" nagtatakang tanong niya.
"Nangako ako kay Bloom na poprotektahan kita," sagot ng binata. Mabilis na nakuha ni Bloom ang kahulugan ng sinabi niyang " iyon nga ang problema dahil nagalaw ko na siya" kaya sinuntok siya nito noon at agad na kukunin sana ang baril pero napigilan ni Seven.
"Sana hindi na lang," mahinang sabi ni Atheina. "P–Paano ako mamamatay kung alam kong may bata akong iiwan?"
"Dito naman ako, Atheina. Isa pa, mukhang tuloy pa rin ang death penalty sa 'yo kahit na buntis ka," sagot ni Loki Luis na ikinagulat ni Atheina.
"P–Paano ang bata?" usisa nito.
"Kasabay mong mamamatay," sagot ni Loki Luis saka inilapag ang dalang pagkain sa bedside table. "Iyon ang paraan ko para matupad ang pangako sa kapatid mo pero . . . patawad Atheina, buo na ang pasya nilang i-death penalty ka. It was my family's decision na matuloy ang kamatayan mo at wala na akong magagawa pa roon."
"K–Kasama kong mamamatay?" ulit ni Atheina at nabitiwan ang apple na hawak. Dinampot ni Loki Luis at itinapon sa basurahan.
"Maiwan muna kita, may pupuntahan pa ako."
"B–Bakit mo ako binuntis, Loki?" naguguluhang tanong ni Atheina.
Blangko ang mukhang hinarap siya ni Loki Luis.
"Kabaliktaran sa iniisip mo, hindi ko ginusto ang pagdadalang-tao mo pero nangako lang ako kay Bloom. Pero dahil wala naman silang paki sa bigat ng atraso mo, wala na akong magagawa pa. I'm sorry," paumanhin ni Loki Luis saka lumabas kaya naiwan si Atheina.
" Buntis ako," usal ng dalaga at hinaplos ang sinapupunan. " May baby sa tiyan ko at mamamatay rin sila kasama ko."
Parang bumigat ang dibdib niya sa naisip. Oo, ilang beses na siyang nakakita ng pinapatay na tao ng kasamahan o ama sa harapan niya pero sanggol? Hindi pa. Isa pa, anak niya ito. Kadugo. Karugtong ng puso at pusod nito.
Nahiga siya at nagtalukbong. Biglang sumakit ang tiyan niya. Hindi pa siya nakapatay ng bata. Si Rose ang unang misyon niya at ang buong akala niya, nagtagumpay siya noon. Ngayon, nang dahil sa kaniya ay mamamatay ang sanggol na nasa sinapupunan niya–ang anak nila ni Loki Luis.
Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mainit na likido sa mga mata niya. Pinakalma niya ang sarili at pinahidan ang mga luha. Kailangan niyang mag-isip ng dapat na gawin. Wala naman siyang pakialam sa buhay niya e, kahit na nga patayin na siya ngayon din pero nagbago ang lahat nang matuklasang may isasama siya sa libingan.
Maghapon siyang nahiga sa kama. Ang dami na ring pagkain na pinadala ang lola ni Loki Luis pero wala siyang gana at sinusuka lang niya. Hot choco lang ang laman ng tiyan niya. Green apple sana pero itinapon naman ni Loki Luis kanina.
Tumayo siya at lumabas nang hindi na matiis ang paghapdi ng sikmura. Bumaba siya at tumungo sa kusina. Napatigil siya sa paglalakad nang makitang makasalubong niya ang lola ni Loki.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Ann.
"K–Kaunti po," sagot ni Atheina.
"Naku, alam mo bang bawal magpagutom? Dapat inaalagaan mo ang baby mo."
Hinawakan siya ni Ann sa kanang kamay saka hinila at pinaupo.
"Ano ang gusto mong kainin? Gusto mo ba ng cake? Beefsteak? O adobo?" tanong ni Ann. "Magaling akong magluto ng beefsteak. Gusto mo ipagluto kita?"
"Huwag na po," tanggi niya. Naalala niya ang adobo. Sabi ni Loki Luis, maalat daw ang adobo niya at higit sa lahat, hindi masarap. "P–Puwedeng adobo na lang?" mahinang pakiusap niya.
"Sige, ipagluto kita," masayang sabi ni Ann.
"Ako na po, Mommy," sabat ni GV nang tumungo sa kusina. "Pinapatawag ka ni Daddy."
"Ganoon ba? Maiwan muna kita, hija. Kapag may gusto kang kainin, sabihin mo lang sa mommy ni Loki Luis ha," paalam ni Ann at iniwan sila.
Nakaramdam ng pagkailang si Atheina sa ina ni Loki.
"Adobo ba ang gusto mo?"
"O–Opo," sagot niya kahit wala naman talaga siyang ganang kumain. "Mahilig po ba kayong magluto?"
"Hindi gaano pero marunong lang ng adobo," sagot ni GV habang inilalabas ang ingredients ng adobong manok. "Huwag mo nang palutuin si Mommy ng beefsteak dahil maalat siyang magtimpla." Sumilio si GV sa labas pero hindi niya nakita si Ann. "Kaya si Daddy Dylan lang ang nagtitiis ng maalat niyang luto."
Naalala ni Atheina ang beefsteak na dinala noon ni Ann. Kaya pala hindi talaga ginalaw ni Loki Luis dahil maalat pala talaga ang timpla.
"P–Puwede ho bang magluto kayo ng masarap na adobo? Iyong tipikal na adobong pinoy?" pakiusap niya.
"Iyon ba ang pinaglilihian mo?" seryosong tanong ni GV.
"H–Hindi ho, gusto ko lang kumain," sagot ni Atheina na. "Gusto ko lang po tikman ang adobo."
Alam na pala nila na buntis siya. Ano kaya ang iniisip ng mga ito? Okay lang ba talaga sa kanila na isama niya ang apo nila sa hukay?
Napatingin siya kay GV habang nagluluto.
"Ito pa po ang toyo," sabi niya sabay alok dahil kaunti lang ang nailagay nito. Ne hindi nga nakakalahati ng sa sachet.
"Tama na, maalat na 'yan mamaya. Maglalagay pa ako ng suka," sabi ni GV kaya napatango si Atheina. Malayong-malayo sa pagluluto niya. "Dapat tamang timpla lang. Si Lola Ann lang talaga ang maalat magluto sa amin dahil sira ang panlasa nito pero minsan lang naman siya nagluluto."
Napangiwi si Atheina.
Nang maluto ang adobo, iniwan siya ni GV kaya nagpasalamat siya.
Kumain siyang mag-isa sa dining room. Tama lang ang lasa ng adobo nito, malayo sa luto niya.
"Mukhang masarap ang adob–" Natigilan si Loki Luis nang makita siya. "Si Mommy?"
"Umuwi na," sagot ni Atheina. "Kung gusto mong kumain ng–"
"Busog ako," mabilis na sagot ni Luis na para bang may phobia sa adobo.
"Si Tita ang nagluto nito kaya huwag kang mag-alala, hindi ito maalat," mahinang sabi ni Atheina at ipinagpatuloy ang pagkain.
Napilitang maupo si Loki sa harapan niya at kumain na rin dahil hindi pa siya nagtanghalian.
"Vitamins mo pala," sabi nito at ipinatong ang maliit na paperbag sa ibabaw ng mesa.
"Bakit hindi mo itinama ang luto ko ng adobo?" tanong ni Atheina matapos kumain."Bakit kailangan paniwalain mo akong masarap ang adobo ko?" sumbat niya.
"Tapusin mo na ang pagkain mo," ani Loki Luis at sinimulan ang pagkain.
Tumayo si Atheina saka bumalik sa kwarto kaya tinapos ng binata ang pagkain at bitbit ang vitamins na dinala, sinundan niya si Atheina sa kuwarto.
"Ito ang vitamins, may resita naman at alam kong marunong kang magbasa kaya sundin mo na lang ang tamang pag-inom" sabi niya sa dalagang nakadungaw sa bintana.
Malungkot na humarap si Atheina.
"Papatayin na ba talaga ako?" tanong ni Atheina.
"Iyon ang desisyon nila."
"P–Puwede bang humingi ng pabor?" pakiusap ng dalaga. "P–Puwede bang huwag ninyong idamay ang baby ko?"
Ibinuka ni Loki Luis ang bibig pero wala naman siyang masabi.
"A–Ayaw mo ba siyang makita, Loki Luis? Wala naman siyang kasalanan eh. P–Pakiusap, huwag ang anak ko. K–Kahit na anong klaseng kamatayan, tatanggapin ko pero bilang ama niya, protektahan mo naman siya oh."
Natigilan si Loki Luis nang makitang tumulo ang mga luha ni Atheina.
"A–Alam kong masama akong tao p–pero ang b–baby ko, wala siyang kasalanan. H–Huwag mo siyang idamay, Luis. N–Nagmamakaawa ako . . ." Humagulgol siya sa pag-iyak habang hawak ang sinapupunan. "A–Anak mo rin naman siya eh . . ."
"H–Hindi ako ang magde-desisyon," nauutal na sagot ng binata at iniwas ang mga mata sa dalaga.
"I–Ipagtanggol mo naman siya oh, k–kasi hindi ko na magagawa iyon. L–Loki, ikaw na lang ang pag-asa ko para sa buhay nito. U–Utang na loob, huwag ang anak ko. W–Wala siyang kasalanan. A–Ako lang. A–Ako lang ang parusahan ninyo, p-pleasse . . ." Nagmamakaawang pakiusap niya saka pinahidan ang mga luha.
"Inumin mo na vitamins at magpalakas ka, Atheina. Hayaan mo, susubukan ko," sagot ng binata at inabot sa dalaga ang paperbag.
"B–Bakit hindi mo ako matulungan? H–Hindi ko ito ginusto! P–Pero bakit kailangang idamay ninyo ang anak ko? H–Hindi ako papayag na saktan ninyo siya! A–Ako na lang ang patayin ninyo. P–Pagkatapos ko siyang isilang, magbabaril ako ng ulo o magbiti o saksakin ko ang sarili ko p–pero hayaan ninyong isilang ko siya." Umiiyak na pakiusap ni Atheina at pinahidan ang mga luha.
"Alis na 'ko," mahinang paalam ni Loki Luis saka mabilis na lumabas sa silid ni Atheina.
"L-Lolo," sambit niya nang isara ang pinto ay nakita niyang nakatayo si Dylan sa tapat ng pinto.
"Bakit ka nagsinungaling sa kaniya?" seryosong tanong ni Dylan.
Mapait na ngumiti si Loki Luis at sinalubong ang mga mata ng lolo.
"Dahil ayaw ko nang makarinig pa ng mga kasinungalingan mula sa kaniya," sagot ni Loki Luis at nilagpasan ito.



Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon