32

926 38 0
                                    

GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 32

Unedited...

"Lumabas ka na!" sabi ng binata nang pumasok si Atheina.
"Di ba dito na ako matutulog?"
"Ayaw kong makatabi ka!"
"Ba't mo pa pinalitan ang beddings?"
"Matagal nang hindi napalitan."
"Ayaw ko sa kabilang kuwarto!"
"Kung ayaw mo, ako na lang ang aalis!" Padabog na lumabas ang binata kaya napaupo si Atheina sa kama.
"Ba't ganyan ang mukha mo?" tanong ni Ann nang makasalubong ang apo. "Kamusta si Atheina? Hindi na ba nagsusuka?"
"Hindi na po," sagot ni Loki Luis.
"Saan ka pupunta? Hindi ka pa ba matutulog?"
"Sa guest room na po ako, Lola Ann."
"Di ba magkasama na kayo ni Atheina?" nagtatakang tanong ng matanda.
"Ayaw ko po siyang makasama."
"Bakit? Hindi mo ba alam na—"
"Please, mas lalo lang nagugulo ang buhay namin dahil magkasama kami!"
Dumiretso siya sa kabilang kuwarto para makapagpahinga na. Kapag kasama niya si Atheina, nawawala siya sa focus at higit sa lahat, ipinagkakanulo siya ng sarili kagaya na lang kagabi.
Inayos na niya ang higaan at nahiga pero napabangon nang pumasok si Atheina.
"Tabi tayo, Loki."
"Atheina naman! Ganyan na ba katigas ang ulo mo? Ayaw ko nga!" singhal niya kaya natigilan ang dalaga. "Utang na loob, lumabas ka na!"
"Ano ba ang problema mo?"
"Marami!" Tumaas na ang boses niya. "Marami pa tayong problema, Atheina! Marami pa akong iniisip kung paano matapos ang lahat ng ito dahil pagod na ako!"
"S—Sorry kung nagulo ang buhay mo nang dahil sa akin," nahihiyang paumanhin ng dalaga. "G—Gusto ko lang naman na makatabi ka e."
Iniwas ni Loki ang mga mata dahil nahihirapan siyang titigan ang kaharap.
"L—Lalabas na ako, sa kabilang kuwarto na ako matutulog, bumalik ka na sa kuwarto mo."
Lumabas si Atheina kaya nakahinga nang maluwag si Loki Luis. Nahiga siya pero natagalan naman siyang matulog. Nagu-guilty siya sa tuwing maalala ang mukha ni Atheina. Pero ang hirap kasing magdesisyon kapag nasa tabi niya ito dahil nawawalan siya ng konsentrasyon.
Kinaumagahan, tanghali na siya nang magising.
"Kumain na po ba si Atheina?" tanong niya sa katulong nang bumaba sa kusina.
"Hindi pa siya bumaba pero hinatiran na ng pagkain."
"Naubos ba niya?"
"Hindi pa naibaba e."
Tumango siya at kumain ng tanghalian dahil pasado alas dose na pala.
Nang matapos kumain ay pumunta siya sa CCTV room at tiningnan si Atheina.
"Hindi pa siya bumabangon." Sabi ng babaeng trainee nila sa Paradise island.
"Kahit na mag-CR?"
"Once lang po, Sir. Pero hindi siya kumain."
"Juice? Green apple?"
"Hindi rin po niya ginalaw."
Napabuntonghininga si Loki Luis.
"Puntahan mo nga at tanungin kung anong kailangan niya. Pa-remind din na uminom siya ng vitamins."
Tumalima ang tauhan kaya siya ang nagbantay ng monitor. Nakahiga pa rin si Atheina. Pumasok ang tauhan at kinakausap ito pero hindi man lang bumangon si Atheina.
Nang makabalik ang agent, lumabas siya at kinausap ang katulong na magluto ng masarap na pagkain at ibigay kay Atheina dahil may lakad pa siya. Kukumbinsihin niya muli ang kasapi ng kapatiran para hayaan na si Atheina.
Lhamborghini ang gamit niya patungo sa meeting place.
Marami pa ang wala kaya naghintay muna sila pero panay ang text niya sa ina na puntahan muna si Atheina dahil matatagalan siya. Bibili pa siya ng fiod supply ni Atheina sa kuwarto.
Nang makarating na ang lahat, nag-meeting na naman sila at muli niyang kinumbinsi ang mga ito.
"Alam kong mahirap ang magpatawad pero kung titingnan, malinis ang record ni Atheina.Wala tayong patunay na siya ang nasa likod ng lahat dahil lahat ng misyon nila ay matagal nang utos iyon sa kanila ng ama niya. Siya ang pumalit pero wala pa siyang bagong patakaran at utos dahil lumang misyon ang hawak pa rin nila," paliwanag niya.
"Hanggang saan mo ipagkanulo ang grupo para sa kaniya, Loki Luis?" naiinis na tanong ni Oliver.
"Hanggang sa pumayag kayong mag-umpisa kami at bumuo ng pamilya."
"Alam mong—" Oliver.
"Mahal ko siya at handa akong ipaglaban siya. I'm sorry pero isusuko ko na ang pagiging fraternity king ko."
"Loki Luis!" galit na sabat ni Dylan kaya malungkot na hinarap niya ang lolo.
"I'm so sorry, Lolo Dylan, pero hindi ako karapat-dapat na maging pinuno dahil mas uunahin ko ang sarili kong pamilya. Si Atheina lang ang nakapagpasaya sa akin at magkakaanak na kami. Oo, anak siya ng dating leader ng black dragon gang pero sana dito na magwawakas ang alitan sa pagitan nating lahat. Everyone deserves a second chance. Sana huwag ninyong ipagkait iyon kay Atheina."
"Isuko mo siya sa police pagkatapos niyang manganak," seryosong sabi ni Oliver.
"Kill me first bago ninyo magawa iyon," malungkot na sagot niya dahil mukhang wala nang pag-asa.
"Sa tuwing meeting, ito na lang ba ang topic natin, Loki Luis?" tanong ni Oliver.
"Hindi na ako dadalo sa susunod. Pero sana maintindihan n'yo na ginagawa ko lang po ito dahil mahal ko siya at para na rin sa anak namin. Hindi ko naman piniling siya ang mahalin ko e," paliwanag niya.
"Pagbotohan na lang natin sa susunod na meeting kung ano ang desisyon," sabi ni Dylan.
"Kung ikakasama niya ang magiging desisyon, ako na lang ang sasalo pero huwag na huwag ninyo siyang galawin," sagot ni Loki Luis na walang balak umurong sa mga ito. Mahirap magpatawad lalo na't napatayan din sila. "Pero sana maunawaan ninyo na ang mga hawak nating black dragon ay puro biktima na rin at handang magbagong buhay. Wala silang choice kundi sumunod sa utos dahil sila rin ang papatayin at pamilya nila ang magbabayad kapag hindi sila sumunod."
Marami ang tikom ang bibig at hindi na nakapagsalita pa.
Aminado siyang mabigat ang desisyong gagawin ng grupo at malabong papanig sa kaniya ang lahat.
Matapos ang meeting, dumiretso siya sa garahe pero hinabol siya ni Jason.
"Bakit?" tanong niya.
"Okay na si Sharon at papahilom na ang sugat niya," sabi ni Jason.
"Magaling. Isuko mo na siya."
Napakamot si Jason sa batok at napangiwi.
"Huwag mong sabihin na wala kang balak?"
"Brod, puwede arbor ko na lang si Sharon? Nangako siyang magbagong buhay na kasama ako," pabulong nitong sabi dahil baka may makarinig sa kanila.
"Nababaliw ka na ba? May pinatay siya."
"May pinatay siya o wala, mahal ko siya!" seryosong sagot ni Jason. "Mahal ko siya Sharin, Brod. Isa pa, kaya lang naman niya pinatay si Shaina dahil balak nitong ipagahasa si Atheina."
"Marami pa namang babae diyan."
"Ikaw nga, pinrotektahan mo rin si Atheina e."
"Pero may pinatay siya at hindi matatahimik ang pamilya ni Shaina hanggat hindi mabigyan ng katarungan."
"Lalayo kami," sabi ni Jason. "Huwag lang kami habulin ng mga Lacson."
"At ang pamilya ng mga pinatay niya?"
"Kami na ang bahala. Magtatago kami at pupunta sa lugar na walang nakakakilala sa amin. Magbabagong buhay kami ni Sharon."
Napabuntonghininga si Loki Luis. Kung Lacson lang, walang magiging problema pero ang iba, doon sila magkakaproblema.
"Ikaw ang bahala," sabi ni Loki Luis. "Saan ba siya ngayon?"
"N—Nasa resthouse sa Pampanga. Please, huwag mo siyang ituro." pakiusap ni Jason. Hindi nito sinurrender si Sharon matapos ang gulo at pinagamot sa family doctor.
"Sana kahit na wala ka nang kontak, mananatili kang tapat bilang asirho," ani Loki Luis.
"Damn! Thank you, brod! Habambuhay kong tatanawin na utang na loob ito," pasalamat ni Jason. "Promise, hinding-hindi ko ipagkanulo ang grupo. Hanggat nasa daliri ko ang tatak ng asirho, hindi ako magbabago!"
Tinapik ni Loki Luis ang balikat nito at pumasok sa sasakyan. Ang unfair nga niya bilang frat king kaya dapat na bumaba na nga siya sa puwesto. Bahala na silang maghanap ng bago.
Si Sharon, bahala na ang Diyos na humusga. Bahala na rin ang pamilya ng mga pinatay nitong maghanap sa kaniya.
"Selfish ko!" bulong niya habang nagmamaneho. Handa siyang isuko ang trono at labagin ang batas para lang sa babaeng minamahal niya. Ang unfair at selfish talaga ng desisyon niya at nanlulumo siya.
Dumaan muna siya sa mall at bumili ng pangangailangan ni Atheina. Una sa damit at ang huli ay sa Supermarket. Bumili siya ng preskang gulay at prutas bago siya umuwi.
Malapit na siya sa bahay nang tumawag ang ina niya na nahimatay raw si Atheina kaya pinabilisan niya ang pagpatakbo.
"Ano'ng nangyari?" nataranta niyang tanong nang pumasok sa kuwarto.
"Okay na siya," sagot ni Zero. Saktong kakarating lang nila ni Anndy nang sinabing nahimatay nga si Atheina.
"Baka nag-iinarte lang siya," sabi niya na napatingin sa dalagang nakahiga at inirapan siya.
"Labas muna tayo," yaya ni Zero para hindi marinig ni Atheina ang usapan.
Sumunod si Loki kina Zero at Ann.
"Lola? Bakit nahimatay siya?" tanong niya kay Ann.
"Hindi ko rin alam. Nakita nila sa CCTV na tumayo siya tapos biglang natumba," sagot ng matanda.
"Hypoglycemia," sagot ni Zero. "Mababa ang blood sugar niya dahil wala pa raw siyang kain mula kanina at stress."
"Seryoso po ba ang pagkamatay niya?" nagdududang tanong ng binata.
"She's pregnant kaya kailangan niya ng maraming pagkain. Isa pa, nasa paglilihi na siya."
"Pinalulutuan ko namana at pinapakain ng mga gusto niya ah," depensa ni Loki Luis.
"Nakausap ko siya kanina nang matauhan siya," sabat ni Ann. "Umiyak siya."
"B–Bakit daw?" nag-aalalang tanong ni Loki Luis. Bigla siyang kinabahan. Paano kung may mangyaring masama sa mag-ina niya?
"Ayaw mo raw siyang makita at makasama," sagot ni Ann.
"P—Pero kasi nahihirapan ako kapag nasa tabi ko siya," depensa ni Loki Luis.
"Hindi raw siya kakain kapag hindi mo siya kinausap," sagot ni Ann.
"What?" bulalas niya.
"Kailangan niyang kumain dahil buntis siya," sabat ni Zero. "Maselan at emotional ang mga buntis."
"Pero bakit ako?" naguguluhang tanong niya.
"Baka ikaw ang pinaglihian niya," sagot ni Ann. "Ako noong una kong pagbubuntis, si Lolo Alex mo ang hinahanap ko at ayaw ko kay Dylan." Humagikhik si Ann nang maalala ang unang pagbubuntis niya kaya pikon na pikon si Dylan noon sa pinsan.
"Ako tainga ko naman," salubong ang kilay na sabat ni Zero. Panay pa nga ang hawak ni Anndy sa tainga niya kaya nagmukhang dewende tuloy ang mga anak niya dahil sa matutulis na tainga.
"Pero kayo 'yon."
"Dugong Lacson pa rin naman ang ipinagbubuntis niya kaya malamang, Lacson ang ugali ng bata," sabi ni Ann kaya napahilamos siya ng mukha.
"Puntahan mo na at pakainin dahil nanghihina na siya," sabi ni Zero. "Kapag hindi pa siya kumain, magpatawag ka na ng OB bukas."
Napilitan siyang balikan sa kuwarto si Atheina.
"Kumain ka na," sabi niya nang maupo sa couch paharap sa kama.
"Wala akong gana."
"Kahit para sa baby natin," pangungumbinse niya.
"Lumabas ka na, Loki Luis!"
"Atheina naman, kumain ka na. Gusto mong subuan kita?"
"Bakit nandito ka? Akala ko ba ayaw mo na akong makita?" sumbat nito kaya natigilan si Loki Luis.
"Gusto kong kumain ka para lumakas kayo ni Baby."
"Ayaw ko. Lumabas ka na, alam kong galit ka sa akin."
"H–Hindi iyon—"
"Alam kong kinamumuhian mo ako!"
"Atheina—Fine. Sa kuwarto ka na matulog mamaya. Okay na sa akin na magkatabi tayo," pagpayag niya.
"Napipilitan ka lang, di ba?"
"Hindi a. Napag-isip-isip ko na doon ka na lang para masigurado kong safe kayo ni Baby."
Bumangon si Atheina.
"Talaga?"
"Oo. Kaya kumain ka na para makalipat ka na sa kuwarto ko."
"Sige!" masiglang sabi ni Atheina at kinain ang pagkaing nasa bedside table. Kanina pa nga siya nagugutom pero wala lang siyang gana.
Pinagmasdan ni Loki ang dalagang maganang kumain. Kahit papano, guminhawa siya.
"Busog na ako," sabi ng dalaga matapos inumin ang orange juice.
"Very good. May gusto ka pa bang kainin?" usisa niya.
"Wala na."
"Eh gawin?" tanong ni Luis. "Baka gusto mong mamasyal sa hardin?"
Napayuko si Atheina kaya napakunot ang noo niya.
"Atheina? May gusto ka bang gagawin?"
"Ahm . . . k–kasi . . ."
"Ano?" Napansin niyang namumula ang magkabilang pisngi nito. "May gusto kang gagawin? Sabihin mo, huwag ka nang mahiya."
"H—Hindi ka magagalit?" nahihiyang tanong ng dalaga kaya pinigilan ni Loki ang matawa. Para itong batang walang alam sa mundo.
"Hindi. Ano ba 'yon? Kung para naman sa baby natin, why not?"
"S—Sex tayo," alanganing sagot ng dalaga at mabilis na tumalikod kay Loki Luis na natigilan sa sinabi niya.
"A–Ano'ng–tama ba ang n–narinig ko?"
"G–Gusto kong katabi ka matulog tapos magse–sex tayo," sagot ni Atheina saka nanlulumong humarap sa binata.
"N–Ngayon na?" natarantang tanong ni Loki Luis. Shit, nakaramdam yata siya ng hiya sa request ni Atheina. Tumango si Atheina.
"L–Lipat tayo sa k–kuwarto ko," kinakabahang sabi ni Loki Luis saka tumayo.
"N–Ngayon na?" Namumula ang magkabilang pisnging tanong ni Atheina na tumayo na rin.
"K–Kung gusto mo na," alanganing sagot ni Loki Luis na naunang naglakad palapit sa pintuan.
"Oo, g–gusto ko ngayon na." Sabi ni Atheina na biglang nabuhay ang sigla sa katawan. Finally, nasabi rin niya ang gustong gawin noong isang araw pa.



Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon