10

677 23 0
                                    


GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 10

UNEDITED...

Napatingala si Bloom nang may lumapag na tinapay sa harapan niya.
"Ano 'to?"
"Agent ka, tinapay lang 'di mo pa kilala?"
"Psh! Bakit nandito 'yan?"
"Alas dos na ng hapon, kumain ka naman!" sabi ni Seven.
"Pakialam mo? busy ako!" Muling ibinalik niya ang mga mata sa computer. Kailangan niyang makita ang lahat ng email na hindi napapansin ng tunay na may-ari.
"Kapag himatayin ka dahil sa gutom, kasalanan pa namin!"
"Papatayin mo nga ako, 'di ba?" mataray na tanong niya na hindi nakaramdam ng gutom.
"Ikaw ang unang bumaril sa akin," depensa ni Seven na hanggang ngayon, iniinda pa niya ang tagiliran.
"Talagang papatayin kita!" gigil na sabi niya.
"Ba't 'di na lang kaya ang ex mo ang patayin mo?"
Napatigil si Bloom at tumingala kay Seven.
"Just kidding," bawi ng binata saka ngumiti.
"Alis ka na sa harapan ko!" seryosong sabi niya at binato ito ng mouse pero mabilis namang sinalo ng binata.
"Lalabas na po, but don't skip your meal. Kumain ka kahit tinapay lang, Bloom," seryosong sabi ni Seven. Kapag ex ang pag-usapan, alam niyang uusok na naman ang ilong ni Bloom. Napatingin siya sa dalaga. Sana magiging kakampi niya ito balang araw. Alam niyang magaling ito at may kahusayan sa paggamit ng armas pero hindi niya mabasa. Isa pa, pagpakilala pa lang ni Loki Luis ay wala na siyang tiwala sa dalaga at mabigat ang loob niya.
"Punyeta! Kung lalabas ka, lumabas ka na!" Binunot niya ang colt. 38 at itinutok kay Seven.
"Hep, teka lang," sabi ng binata sabay taas ng kamay nang makita ang nagbabagang mga mata ng dalaga. "Lalabas na."
"Pag ako matamaan, kayong dalawa ang babarilin ko!" pagbabanta ni Loki Luis na kakapasok lang. "Pakibaba ng baril, Bloom."
"May sarili naman yang opisina, bakit nandito 'yan?" salubong ang kilay na tanong ng dalaga at muling ibinalik ang maliit na baril sa drawer.
"Balik na, Seven!"
Ngumisi muna si Seven bago lumabas. kaya napabuntonghininga si Loki Luis. Nagpagawa na siya ng maliit na opisina para sa team nina Seven dahil hindi talaga mapakinabangan ang opisina noong nagsasama pa ang dalawa.
"Bakit nandito ka na naman?"
"Sabi ni Tatang, may technical problem sa ilang computer," sabi ni Loki Luis na wala naman talagang balak na pumunta rito.
"Naayos na ni Pito!" sagot ni Bloom. "Masyadong gamit na kaya nag-shutdown."
"Kailangan ninyo ng bago?" tanong ng binata.
"Yes, please."
"Sige, oorder ako sa China."
"Punyeta! China na puro fake?" naiinis na sabi ni Bloom.
"Joke lang. Papa-deliver ko after three days. Sa England ako kukuha," natatawang sabi ni Loki Luis. Maarte talaga si Bloom and with class. Kahit sa mga damit, ganoon din kaya nag-aalburuto dahil matagal nang hindi nakakalabas.
"Haist! Ako ang kukuha sa England," pagboluntaryo niya.
"Bloom naman. Kaunting panahon na lang."
"Kaunting panahon?" bulalas ni Bloom. "Pagod na ako sa kakatutok sa punyetang computer!"
"I'm sorry, Bloom," malungkot na paumanhin ni Loki Luis at napasulyap sa family picture nasa table ng dalaga. "Lahat tayo nagsasakripisyo."
"Pagod na akong mabuhay," malungkot na sabi ng dalaga. "Gusto ko lang maging masaya."
Naikuyom ni Bloom ang kamao nang mahagip ng peripheral vision niya ang dumaang anino sa gilid ng bintana. Mukhang may nakikinig sa usapan nila.
"Sana maibigay ko ang kasiyahan mo," malungkot din na sabi ni Loki Luis. "Sa susunod na araw, ipakuha ko kay Seven ang computer."
"Talagang may tiwala ka sa kaniya, huh?" panunuya ni Bloom.
"May tiwala ako sa kaniya kagaya ng pagtitiwala ko sa 'yo," sabi ni Loki Luis. "Alis na nga ako."
Lumabas siya.
"Tatang!" tawag niya sa matandang alalay ni Seven. "Si Kuya Seven?"
"Nasa opisina, sir," sagot ni Tatang na pinakamatanda sa grupo. Tatlo lang naman sina Bloom at dalawa sina Tatang at Seven kaya lima lang silang lahat at si Bloom.
"Tatang, pasensiya ka pero ikaw na lang sana ang umunawa sa dalawa."
"Wala ho 'yon. Sanay na kami," sagot ni Tatang.
"Mauna na ho ako," paalam ni Loki Luis at tinapik ang matanda sa kanang balikat dahil kanina pa tumatawag si Gab.
"Oh?" tanong niya nang sagutin ang tawag matapos makasakay sa sasakyan.
"San ka?" tanong ni Gab sa kabilang linya.
"Papunta na sa CTU."
"Pakibilisan, nandito sina Lolo," sabi ni Gab kaya tinapos na ni Loki ang tawag at pinaharurot papuntang CTU.
Dumiretso siya sa tambayan dahil nandoon daw ang tatlo.
"Good morning ho," bati niya matapos isara ang pinto.
"Maupo ka," seryosong sabi ni Dylan kaya naupo si Loki sa tabi ng kakambal. Nasa harapan niya ang tatlo: sina Dylan, Christian at Oliver.
"Ano hong meron?" tanong ni Luis.
Inilapag ni Christian ang dalawang litrato sa table kaya dinampot ni Loki Luis at tiningnan ang hubad na katawan ng patay nang lalaki.
"Kagabi 'yan," sabi ni Christian. "Kuha ng isang treskilion at sinend sa group chat. Patay na nang matagpuan nila." Si Christian ang dating president ng Tau Gamma na siyang kalaban nina Dylan pero nagkaisa dahil sa iisang layunin.
Ginilitan ito ng leeg at may itim na marka sa dibdib. Kinuha niya ang isang litrato. Zoom ng marka sa dibdib kaya naging malinaw sa kaniya na black dragon ang nakaukit.
"Alam namang may kalaban, nagna-nightout pa!" pikong sabi ni Loki Luis.
"Sa bar o kahit saan, kung gusto nilang pumatay ng frat member, kaya nila," sabi ni Oliver na naglalagay ng hikaw sa kanang tainga.
"Sarap pagbabarilin!" gigil na sabi ni Loki Luis.
"Ang problema, hindi natin sila kilala," sabi ni Dylan at makahulugang tumingin kay Loki Luis. "Kailangan mo nang kumilos."
"S-Sige ho," aniya na napipilitan lang. Parang nagsisisi na siya na maging isang Lacson. Sana normal pa siyang pamumuhay kagaya ng iba.
"Yon lang naman. Kamusta ang IT?" tanong ni Christian.
"Nag-aaway pa rin ang dalawa," sagot niya na ang tinutukoy ay sina Bloom at Seven.
"Mapagkatiwalaan ba 'yon sila?" nagdududang tanong ni Gabriel.
"So far, oo," sagot ni Loki Luis. "Silang dalawa lang ang makaka-access sa site ng black dragon."
Ilang taon nang tauhan nila si Seven at hindi pa pumapalya. Si Bloom naman ay baguhan pero bihasa sa computer.
"Alis na kami," paalam ni Dylan nang tumayo ang dalawang kasama.
"Hatid ko na kayo," sabi ni Loki Luis na tumayo rin.
Sabay silang lumabas sa tambayan.
"May sinabi ka ba sa kanila tungkol kay Atheina?" bulong ni Luis sa kakambal habang nakasunod sa tatlo.
"Wala. Huwag kang mag-alala, ligtas kayo ng baby mo," sagot ni Gab. Siyempre ayaw naman niyang mapahamak ang kakambal. Isa pa, alam niya ang hirap at sakripisyo ni Loki Luis mula noon.
"Thanks, bro!"
Napatigil sila nang tumigil ang tatlong nasa unahan.
"Anong kaguluhan ito!" galit na tanong ni Dylan nang makitang may tatlong babaeng nagrarambulan sa harapan nila at nagkakagulo pa ang mga basura.
"S-Sir..." usal ng isang estudyante.
Napanganga si Loki Luis nang makitang si Atheina ang isa.
"Baby!" usal niya at lapitan sana ang dalaga pero napigilan siya ni Gabriel Vincent sa kanang braso.
Umiling si Gab at makahulugang nakatingin sa kakambal para ipaalam na nandito ang matatanda at nasa harapan sila ng mga estudyante.
"Kayong tatlo! Alam ba ninyong hindi na tama ang pinaggagawa ninyo?" galit na tanong ni Dylan.
"S-Sorry ho," paumanhin ng isang estudyante habang nakayuko.
"Wala ba kayong mga disiplina?" tanong ni Oliver. Kapag babae talaga, ang gulo ng mga ito.
"Sir, hindi naman ho yata tama ang ginawa nila? Naglalakad ho kami pero ang kalat ng daanan," sabat ni Sharon na nasa gilid lang kaya naikuyom ni Loki Luis ang kamao habang naaawang nakatingin sa kasintahang magulo ang buhok.
"Sino ba ang nagpasimuno nito?" tanong ni Dylan.
"Siya/Siya!" sabay na sagot ng dalawang estudyante at itinuro si Atheina.
"H-Hindi ho ako," tanggi ng dalaga.
"Siya po talaga, sir. Bigla niyang binangga si Jane tapos sinabunutan. Nakita namin," sabat ni Sharon na tinuturo si Atheina.
"Totoo ba?" tanong ni Dylan.
"Hindi ho," tanggi ni Atheina.
"May CCTV naman," sabat ni Gab na hindi kayang iwan ang kakambal dahil umuusok na ang ilong nito sa inis. "Puwede nating tingnan."
Biglang namutla ang dalawang estudyante.
"Kung sino man ang mali sa kanilang tatlo, deserve pa rin nilang magka-penalty. Walang gulo kung may isang party na umiwas," sabat ni Christian at napalingon kay Gab. "I think hayaan na lang natin ang dean na magbigay ng penalty."
"I want to talk to them first," sabi ni Loki Luis.
"Mahahalata ka," bulong ni Gab dahil sa kanila nakatingin ang lahat.
"Sir, hindi ho ba nagtanim ako buong araw sa hardin kasi nagtapon lang ako ng bulaklak? Bakit kailangan pang kausapin silang tatlo?" sabat ni Shaina na masama pa rin ang loob sa penalty niya.
"Well?" ani Dylan. "If I were the dean, mas okay na palinisin sila ng buong campus at magtanim sa hardin kaysa sa ibuhos nila ang lakas sa pakikipaglaban."
"Fuck!" mahinang pagmumura ni Loki Luis. Alam naman kasi niyang walang kasalanan ang kasintahan.
"Okay lang 'yan, bro," bulong ni Gabriel.
"S-Sige, maglinis kayo ng buong campus at magtanim ng bulaklak sa hardin," sabi niya saka nilunok ang tila bumabara sa lalamunan niya. Ayaw niyang tumingin kay Atheina dahil baka isinusumpa na siya nito.
"Good," ani Oliver saka ipinagpatuloy ang paglalakad kasama ang dalawang kaibigan.
Hinila naman ni Gab ang kakambal patungo sa opisina nito.
"Shit!" pagmumura ni Loki Luis. "Alam kong walang kasalanan si Atheina at setup lang ang lahat! Nakita ko ang pag-smirk ng Sharon at Shaina na 'yon!" Hindi na niya makalimutan ang pangalan at pagmumukha ng dalawa.
"Okay lang 'yan para mawala ang isyu sa inyo ni Atheina. You should control your emotion sa harap ng ibang tao lalo na dito sa CTU, Loki," sabi ni Gab na nakatingin sa kakambal na panay ang silip sa bintana. Namumulot na ng mga basura sina Atheina.
"Damn! Bakit ba kasi si Atheina pa? Puwede namang ang dalawa lang!" gigil na sabi niya. "Mainit pa naman ngayon."
"Hindi naman yata naka-gluta ang girlfriend mo," sabi ni Gab. "Ang dalawa lang niyang kaaway ang mukhang tadtad ng gluta."
"Buwesit! Hindi ko kayang makitang naglilinis ng buong campus ang girlfriend ko! I really can't!" ani Loki Luis. "I need to stop this!"
"Ikaw mismo ang babali sa batas mo? Mas magkakaroon kayo ng isyu. Kaya niya 'yan," sabi ni Gabriel Vincent.
"Ugh!" gigil na sabi niya at sinuntok ang couch. "Si Atheina, ne walis sa bahay hindi ko 'yan pinapagawa! Pero maghapon siyang maglilinis ng buong campus at magpainit? Anong klaseng boyfriend ako?" Nanlulumong nakatingin siya kay Atheina na pinupunasan ang pawis sa noo. Tanghaling tapat pa naman.
Lumapit siya sa mini ref at kumuha ng pagkain saka malamig na tubig.
"Hey, saan ka pupunta?" tanong ni Gab.
"Bibigyan ko siya ng tubig."
"Punyeta naman, Luis! Intindihin mo rin ang sitwasyon! Kapag ma-issue kayo, ano na? Alam mo bang mapapahamak si Atheina? Kaya nga dapat isikreto ninyo ito, 'di ba? Ngayon pa nga lang, ganiyan ka na. Paano pa kaya kapag mapahamak siya? Paano kapag makuha siya ng mga kalaban?"
Natigilan si Loki Luis.
"Ugh!" naiinis na sabi niya sabay tapon ng hawak na pagkain at tubig.
"Relax, ipaliwanag mo na lang mamaya. Tutal, nasa iisang bahay lang naman kayo."
Padabog na lumabas si Loki Luis.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Gab.
"Uuwi! Hindi ko kayang makita siya!" pikong sabi ni Loki Luis kaya napahilot sa sintido si Gabriel Vincent.
----------------
Pawisan na siya dahil ang init pa. Alas tres na ng hapon pero hindi pa siya kumakain. Nalipasan na siya ng gutom. Ang dalawa naman ay nagbubulungan sa malayo. Naririnig niya ang usapan ng mga ito pero hindi siya nagpapahalata. Kesyo inutusan lang sila pero heto ang napala nila, at kung ano pa.
Alam naman niyang sina Sharon ang may pakana ng lahat.
"Kanina mo pa tinititigan ang mga rosas," puna ng babaeng matandang kasama nila.
"M-Maganda lang po kasi," sagot niya at tumayo para lumipat sa hanay ng mga daisy.
"Namunukadkad na sila," sabi ng matanda habang nakatingin sa tinanim na mga rosas. "Sa susunod na linggo, maganda nang tingnan ang hardin na ito dahil sa mga rosas."
"Sana lahat ng rosas ay mamumulaklak," malungkot na sabi niya nang mapatingin sa isang puno ng rosas na nalanta. Lumipat siya sa mga daisy at binunot ang mga damo. Nalulungkot siya. Naalala niya ang mga mata ni Loki Luis kanina. Alam niyang napilitan lang ang binatang bigyan siya ng penalty. Pero iyon ang batas ng CTU. Na kailangan bigyan ng parusa ang sinomang nagkakalat ng basura kasalanan man nito o hindi.
Kanina pa siya pasimpleng tumitingin sa paligid pero hindi niya mahagilap ang kasintahan. Iniwan na siya nito. Hindi naman niya ito masisisi.
"Tama na 'yan," anunsiyo ni Gabriel Vincent na sa kaniya nakatingin. "Umuwi na kayong tatlo."
Malinis na ang buong hardin kaya kapag may magkamali, ibang penalty na naman ang ipapagawa nila sa estudyante.
Tumayo si Atheina at naglakad patungo sa locker para magpalit ng damit dahil puno na siya ng pawis.
Nang makapag-ayos, pagod na nagmaneho siya pauwi ng condo.
" Nasaan na kaya siya?" bulong niya habang nagta-type ng password. Pagod na siya at gutom na gutom pa kaya mag-oorder na lang siya ng makakain nila ni Loki Luis.
Isinara niya ang pinto at napataas ang kanang kilay nang makita ang kasintahang nakatayo paharap sa pintuan kaya malaya niyang napagmasdan ang guwapo at maamo nitong mukha.
"Ginagawa mo?" tanong niya dahil nakapikit pa ito. Napasulyap siya sa biceps ni Loki Luis. Bakit ba hanggang ngayon, hindi pa ito nagkaasawa eh, ang guwapo at macho naman. Sobrang bango pa sa malapitan.
"B-Baby," wika ni Loki Luis nang dumilat at lumapit sa kasintahan.
"Ginagawa mo?" ulit ni Atheina.
"Pinapakalma ko lang ang sarili ko," sabi ng binata na kanina pa siya humihinga nang malalim para alisin ang poot sa dibdib. Badtrip falaga siya mga kalaban ni Atheina. "O-Okay ka lang? Pagod ka ba?"
Napaismid ang dalaga.
"Nagugutom lang ako," sagot niya.
"I-I'm sorry kung--"
"Wala kang kasalanan, Luis. Naunawaan kita. Tungkulin mo iyon. Isa pa, mas okay nga iyon para hindi nila maisip na may something sa atin."
"Pero hinayaan pa rin kitang magtrabaho buong araw."
"It's okay. Order na lang tayo kasi kanina pa ako nagugutom," sabi niya.
"Nakaluto na ako. Magbihis ka na lang para kakain na tayo," sabi ni Loki Luis.
"Wirklich? (really?)".
"Yes, baby. Bihis ka na."
"Später. (later) Kakain na lang muna ako," sagot niya dahil kumukulo na ang tiyan. Inilapag niya ang shoulder bag sa couch at tumungo sa dining room.
Natigilan siya nang makita ang pagkain sa ibabaw ng mesa.
"Nagluto ako, alam ko kasing magugutom ka," sabi ni Loki Luis at hinila ang silya para paupuin si Atheina.
"I-Ikaw ang nagluto nito?" hindi makapaniwalang tanong niya saka naupo. Ang dami at puro seafoods pa. May lechon manok pa at may tinolang bangus.
"Oo, kain na tayo, baby," sabi ni Loki saka naupo sa tabi ng dalaga at nilagyan ng pagkain ang plato nito. "Kumain ka nang marami."
May sugpo, talangka at adobong pusit pa. Puno rin ng prutas ang lagayan nila.
"Here, may fresh orange juice dito," sabi ni Loki na inabot ang ginawang malamig na orange juice.
"T-Thank you," nahihiyang pasalamat ni Atheina at napasulyap sa basurahang puno ng balat ng mga gulay at sangkap na ginamit ng kasintahan sa pagluluto.
Masarap ang luto ni Loki Luis kaya sobrang dami ng nakain niya. Pinapak pa nga niya ang seafoods.
"Mabuti ka pa, masarap kang magluto," naiinggit na sabi niya. "Samantalang ako, hindi."
Ngumiti si Loki Luis. "Okay lang 'yon. Ako na lang ang magluluto kapag mag-asawa na tayo."
"Marami pa tayong pagdadaanan, Luis."
"Handa akong harapan ang lahat para magkaroon tayo ng magandang kinabukasan."
Hindi na nagsalita pa si Atheina.
"Pagod na pagod ka na, Atheina? Gusto mo ng masahe?"
"No, okay lang ako," tanggi ng dalaga saka uminom ng orange juice. "Thank you sa dinner, Luis. Sobrang sarap ng niluto mo. Isa pa, hindi ako galit dahil alam kong ginawa mo lang ang tama."
"Ako na ang maghuhugas, baby. Magpahinga ka na," sabi ng binata na pinigilang magligpit si Atheina.
"Thank you," sagot ng dalaga saka nginitian ang kasintahan. Lumapit siya kay Luis na nakatayo na at nililigpit ang mga plato. "Thank you sa pagluluto."
Ginawaran niya ng halik sa kanang pisngi si Loki Luis bilang pasalamat.
"Baby," usal ng binata na hindi makapaniwala.
"Gute Nacht (good night)," paalam niya dahil maaga pa siya matutulog. "Pogi mo ngayon," sabi ni Atheina at tinalikuran na ang kasintahan. Pogi naman talaga sa paningin niya ang binata.
"Yes!"
Napangiti siya nang marinig niyang napa "yes" si Loki Luis.
Agad na binuksan niya ang ilaw nang pumasok.
Nagtatakang lumapit siya sa kama. Ang daming bagong damit, sapatos at bags at puro branded pa.
Kinuha niya ang maliit na card sa ibabaw ng Louis Vuitton bag at binasa ang nakasulat.
"Sorry, baby."
Napangiti siya at nalula nang makita ang kulayy red na Stuart Weitzman shoes. Ang sweet ni Loki Luis. Kaya pala nawala ito dahil pinagluto siya at naghanap ng mairegalo sa kaniya bilang peace offering. She likes shoes, bags and clothes. Kapag isuot niya ang mga ito, hindi naman siya magka-issue dahil mayaman naman siya. Pero sa kabila ng mamahaling regalo, hindi naman iyon ang pinaka-highlight o nagustuhan, kundi ang effort ng kasintahan para bumawi sa kaniya. Ang pagluluto ng maraming food ay sapat na para sa dalaga at bonus na lang ang expensive gifts.




Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon