26

602 23 0
                                    

GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 26

Unedited ...
"Dad? Hindi ba sila magdadagdag ng tao rito?" tanong ni Loki Luis nang lapitan sina Gabriel Vincent at Lance Leonard sa pavilion na nagkakape.
"Hindi na. Sapat na ang mga nandito para hindi makatakas si Atheina," sabat ni Gabriel.
Hinila ni Loki ang isang silya at naupo sa harapan ng dalawa.
"Bakit mo natanong?" tanong ng ama na humigop ng mainit na kape saka muling inilapag. "May balak ka bang itakas ang bihag mo?"
Parehong napatingin ang dalawa sa kanila.
"'Yan ang huwag mong gagawin, Loki," sabi ni Gabriel Vincent kaya natawa si Loki at inagaw ang kape ng kakambal saka uminom.
"At saan kami pupunta? Sa isla? Kina Tita Anndy ba? O kina Kuya Matter? Sa abroad?" sunod-sunod na tanong nito at napatingin sa hardin saka nilanghap ang sariwang hangin. "At ano ang gagawin namin? Magtatago habambuhay? Para saan? Sa Pag-ibig? Ipagpalit ko ang kalayaan para sa isang babaeng walang ginawa kundi ang pumatay?"
"So? Ano ba talaga ang balak mo?" usisa ng ama.
"Wala. Kung ano ang desisyon ng lahat, iyon na 'yon," sagot ni Loki Luis. Natawa talaga siya sa ideyang itatakas niya si Atheina dahil ne minsan, hindi sumagi sa isip niya 'yan. Mahirap magtago sa mga Lacson lalo na't nati-trace nila ang cards niya. Isa pa, bakit niya gagawin iyon? Impossible.
"Hindi mo ba talaga siya minahal?" usisa ni Gabriel. "Sa pagkakatanda mo, mahal mo siya."
"Am I?"
"Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa, Loki Luis! Alam kong may binabalak ka!" Salubong ang kilay na sabi ni Lance Leonard dahil kakaiba ang pagiging padalos-dalos nito ng desisyon.
"Wala nga," tanggi ni Loki Luis. "Kayo lang ang nag-iisip nang masama."
"Isuko na lang natin sila sa pulis at bahala na ang otoridad na maghugasga," suhestiyon ni Gabriel.
"Tama na ang pasya ko," ani Gabriel.
"Bhabz? Kain kayo ng cassava cake?" tanong ni Nica na palapit sa kanila.
"Nagluto kayo? Sige, pahingi," nakangiting tanong ni Gabriel Vincent habang nakatingin sa napakamagandang asawa.
"Yes," sagot ni Nica. "Wait lang, kukunin ko."
Agad na tumalima si Nica para kunin ang niluto nila ng mother-in-law.
"Lumulubo ka na namang baboy ka," sabi ni Loki Luis at pinagtawanan ang kakambal dahil nagkakabilbil na naman ito.
"Masarap magluto ang asawa ko. Isa pa, mahal ako ni Nica kahit na ako pa ang pinakamatabang lalaki sa mundo, noh!" pagmamayabang ni Gabriel. Kahit na mataba siya o macho, alam ng lahat na si Nica lang ang mahal niya.
"Sa hirap ba naman ng panliligaw mo doon, iiwan ka pa niya? Eh kahit nga hindi ka niya mahal, pipilitin mo pa rin siya," sabi ni Lance Leonard na para bang tropa lang ang mga anak.
"Dad naman. Alam mo namang niligawan ko talaga si Nica kahit na nagmumukha akong tanga e," ani Loki saka napakamot sa batok. Tindi talaga ng hirap na napagdaanan niya para lang mapasagot si Nica.
Tumayo si Loki Luis at nagpaalam saka bumalik sa loob ng bahay.
"Hindi ka ba kakain?" tanong ni Nica na bitbit ang cassava cake.
"Hindi na," nakangiting sagot niya. Ang ganda ni Nica at kung hindi lang dahil sa kakambal, baka nanligaw rin siya rito. Pareho kasi nilang gusto si Nica pero alang-alang sa kakambal, inilihim niya ang nararamdaman. Isa pa, masaya siya para sa mga ito.
"Dalhan mo rin ang girlfriend mo."
Natawa siya.
"Ex ko na siya," pagtatama niya.
"Alam kong mahal mo siya," sagot ni Nica.
"Talaga?"
Tumango si Nica. "Kung hindi mo siya mahal, isinuko mo na siya sa mga pulis."
"May batas din kami, Nica. Sa amin siya nagkakasala," sagot ni Loki Luis pero ngumiti lang si Nica. "Pahingi nga ng dalawa."
"Kuha ka sa kusina."
Dumiretso si Loki sa kusina at kumuha ng dalawang cassava cake at tinolang manok at kanin saka dinala kay Atheina.
Pagpasok niya, nakadungaw sa bintana pa rin si Atheina.
"Pinag-aaralan mo ba ang mga kilos nila sa labas?" tanong niya pero hindi ito lumingon. "Kumain ka muna ng cassava cake, luto ito ng asawa ni Gab."
"Wala akong gana," matamlay na sagot ni Atheina saka lumapit sa kama at naupo. "Patayin mo na ako."
"Kumain ka na at magpalakas, may sabaw akong dala."
"Ayaw ko!"
"Aalis tayo mamayang alas siyete, makipagkita ako sa ex ko at huwag kang gagawa ng masama sa labas dahil isasama kita," paalala niya at napasulyap sa wall clock. Alas kuwatro pa lang naman kaya may oras pa sila.
"Ayaw kong sumama!"
"Wala akong bodyguard."
"Marami ka namang tauhan!"
"Mas magaling ka."
Inirapan siya ni Atheina saka kinuha ang isang cassava cake at kinain.
"Magsabaw ka muna."
"Ano ba ang balak mo, Loki Luis?" diretsahang tanong ni Atheina.
"Balak?" inosenteng ulit ng binata.
"Hindi mo 'ko ikukulong kung wala kang balak!"
"Tingin mo, ano ang balak ko kung meron man, Atheina?" May paghamong tanong niya.
"Hindi ko alam!' sagot ng dalaga. Lang araw na siya rito. Bukas naman ang pinto pero ayaw niyang lumabas dahil wala rin siyang maggagawa. Nag-iisip siya pero nasukol na siya. Hindi niya mapapatay ang lahat. Kung lalaban man siya, mapapatay lang siya ng mga ito. Isa pa, hawak ng mga ito ang natitirang black dragons.
"Wala akong balak, Atheina. Maghihintay tayo ng kamatayan mo," sagot ni Loki na napatingin sa platong wala nang cassava cake dahil mauubos na ni Atheina. Ikaw ba naman ang hindi kumain mula pa kaninang tanghalian tapos itlog lang sa breakfast aba, magutom ka talaga.
"Pagbalik ko, dapat nakabihis ka na. Alas otso pa naman ang dinner kaya may oras ka pa," sabi niya.
Lumabas siya at naghanap ng maisusuot. Small party lang ang magaganap para sa college friends niya kaya hindi na siya kakain dito. Nahiga muna siya sa kwarto at nang alas sais na, naligo siya at nagbihis.
Pinuntahan niya si Atheina para sunduin. Sana nagbihis ito dahil kung hindi, mapipilitan siyang puwersahin ang dalaga.
"Buti naman at nag-ayos ka," sabi niya nang makitang nakaupo ito at nakapag-ayos na at nakaputing bestida.
"Siguraduhin mo lang na mag-enjoy ako," wika ng dalaga saka tumayo at kinuha ang white Gucci bag na napili niya sa closet.
"Bodyguard kita at hindi girlfriend," paalala ni Loki Luis at napasulyap sa hikaw nito sa kanang tainga. Kinuha nito ang isang set ng jewelry sa drawer at isinuot. Si Atheina ang tipo ng babaeng mamamatay na pero fashionista pa rin.
"Sa nakikita ko, hindi ako bodyguard lang," sagot ni Atheina.
"Let's go," yaya ni Loki at naunang lumabas.
"Hindi ba kayo kakain muna?" tanong ni Ann nang pababa na sila.
"Hindi na po," magalang na sagot ng binata.
"Baka gutumin–" Natigilan si Ann nang mapatingin kay Atheina na nasa likuran ng apo. Kahit sina GV, Atheina at mga kasambahay ay napatingin din kay Atheina.
"Alis na po kami," paalam ni Loki Luis.
"Good evening po," magalang na bati ni Atheina dahil sa kaniya ang mga mata nila.
"I–Ingat kayo," sabi ni Ann. Ang ganda ni Atheina. Ngayon lang niya ito nakita dahil ngayon lang din lumabas. Hindi ito kagaya ng inaasahan niyang assasin. Malayo sa larawang nasa isipan niya ang mukha ng babaeng nakatayo sa harapan niya. Napakainosente at may pagka-anghel ang maliit nitong mukha. Mukha itong prinsesa na walang ginawa sa buhay kundi magpaganda.
Iginiya ni Loki Luis palabas si Atheina at hindi na pinansin ang mga mata ng nasa paligid.
Binuksan niya ang backseat at naupo.
"Ikaw ang mag-drive," sabi niya kay Atheina at itinapon ang susi na agad namang nasalo ng dalaga.
Sumakay si Atheina sa driver's seat at nagmaneho. Itinuturo lang ni Loki ang daan.
"Alam mo namang hindi ako pupuruhan nina Sharon, ba't mo pa ako binigyan ng bullet proof na sasakyan?" tanong ni Atheina.
"Para sakyan ang drama mo," sagot ni Loki Luis.
"Puwede naman ducati na lang."
"At kapag pumalya sila?" tanong ni Loki Luis.
"Magaling si Sharon," puno ng kumpiyansang sabi ng dalaga.
Hindi na nakipagtalo pa si Loki Luis hanggang nakarating sila sa isang bahay.
"Behave ka sa loob, Atheina!" bilin niya bago bumaba.
Iginala ni Atheina ang mga mata sa paligid. May malaking infinity pool sa tapat ng double storey na bahay at may mga mamahaling sasakyan sa malawak na garahe. Malamang ang iba ay sa mga bisita.
Pagpasok pa lang, sumalubong sa kanila ang ingay at tawanan ng mga babae.
"Hey, Loki!" bati ng babaeng lumapit sa binata at humalik sa kanang pisngi. "Buti at pinaunlakan mo ako." Sinulyapan nito si Atheina sa tabi ng binata. "Sino siya?"
"Si Atheina pala, ladyguard ko," pagpakilala ni Loki.
"Woah! Sure ka? Maganda naman siya para sa isang ladyguard lang?" nagdududang tanong ni Sheryl.
"Yup," sagot ni Loki Luis. "Marami ka bang ipakilala sa akin ngayong gabi?"
"Sure ka na makakabingwit ka kung may maganda naman ang ladyguard mo?" makahulugang tanong ni Sheryl.
"Sure ako. Walang problema sa kaniya," sagot ni Loki Luis. "She's just my personal ladyguard."
Naikuyom ni Atheina ang kamao. At kailan pa niya pinangarap na maging ladyguard?
"I'm Sheryl," pagpakilala ni Sheryl at inilahad ang kanang kamay kay Atheina.
"Atheina," tipid na sagot ng dalaga at nakipagkamay rito.
"Ang ganda mo naman para maging bodyguard lang."
"Thank you."
"Kain muna kayo," yaya ni Sheryl at iginiya ang dalawa sa isang table kasama ang schollmates nila noon.
"Girlfriend mo?" tanong ni Camille.
"Bodyguard ko," sagot ni Loki Luis at napasulyap kay Atheina na kumukuha ng salad.
"Ganda naman ng ladyguard mo. Baka mamaya, hindi lang pagprotekta sa 'yo ang trabaho niyan," biro ni Sheryl kaya natawa si Loki Luis.
Itinuon ni Atheina ang atensiyon sa masarap na pagkain. Ang aarte ng mga babae at halatang naglalandi kay Loki nang malaman nilang bodyguard lang siya nito.
Lumipat sila sa pool at doon nakipag-inuman.
"Drinks?" tanong ng lalaking katabi niya kaya inabot niya.
"Thanks." Pasalamat niya at kinuha pero agad na inagaw ni Loki Luis.
"Hindi siya iinom, Pare. Magmamaneho pa siya mamaya."
"Iinom ako!" sabi ni Atheina saka inagaw ang alak at tinungga pero agad namang inagaw ulit ni Loki Luis.
"Sabing huwag kang iinom!" Napalakas ang sabi ng binata kaya napatingin sila sa kaniya. "Magmamaneho ka pa kaya umayos ka!"
"Sorry, sir!" paumahin ni Atheina na kulang na lang ay patayin ang binata sa harap ng mga ito. Lakas ng amoks nitong uminom eh, mababa lang ang alcohol tolerance nito.
Ayun, nag-juice na lang siya at walang ganang namatay ng lamok at nakinig sa landian nila.
Biglang naghiyawan ang mga ito kaya napatingin siya kay Loki Luis na nakipaglapalapan na kay Camille.
"More! More!" hiyawan ng mga kasama nila kaya mas naging mapusok ang dalawa. French kiss na.
"Get a room, dude!" natatawang sabi ng isa nilang kasama kaya tumayo si Camille at hinila ang kanang kamay ni Loki Luis na namumula na ang magkabilang pisngi.
"Come on, babe," nang-aakit na yaya ni Camille kaya nagtawanan ang lahat.
"Second door, right!" sabi ni Sheryl na katabi ang asawa. Na ang tinutukoy nito ay ang vacant room. Dati siyang bed-warmer ni Loki pero nagbagong buhay na. Isa pa, si Loki lang naman ang lalaki niya noon at ayaw niyang maglagay ng label sa kanila dahil alam niyang hindi naman sila magkatuluyan.
Umakyat ang dalawa kaya naiwan si Atheina.
"Patay, magaling ba si Loki?" natatang tanong ng kaharap ni Sheryl nang nag-CR ang asawa nito.
"Puwede na," sagot ni Sheryl at tumawa. "Sapat lang para labasan ka ng ilang beses."
Lumakas ang tawanan. Napasulyap si Atheina sa itaas nang isara ni Camille ang pinto.
"Okay ka lang? Wala na ang boss mo, uminom ka," alok ng lalaking katabi niya na nakaakbay na sa kaniya.
"Excuse me," paalam ni Atheina at tumayo. "CR lang ako."
Umalis siya dahil ang iingay na nila.
"Miss? Hindi riyan ang restroom," pahabol ng lalaking sinundan siya.
"I know!" sagot ng dalaga at umakyat sa hagdan saka kumanan.
Binuksan niya ang pinto at napatingin sa kumalat na damit sa sahig. Kinuha niya ang maliit na baril na nakatali sa kanang hita na binigay ni Luis kanina
at itinutok sa ulo ni Camille na nakapatong na kay Loki Luis.
"Atheina!" bulalas ni Loki nang makita ang dalaga.
"Baba!" utos ni Atheina saka ikinasa ang baril. "Kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo!"
"L–Loki–" nagmamakaawang sabi ni Camille habang nakataas ang dalawang kamay.
"Umalis ka na," walang ganang sabi ni Loki Luis saka pinaalis si Camille sa ibabaw niya nang makitang nagbabaga ang mga mata ni Atheina sa galit.
Natarantang umalis si Camille at pinulot ang panty pero sinipa ni Atheina habang sa ulo pa rin nito ang dulo ng baril.
"Lumabas ka na!" gigil na sabi ni Atheina.
Nagmamakaawang tumigin si Camille kay Loki Luis at humihingi ng saklolo ang mga mata.
"Lumabas ka na lang," sabi ni Loki Luis.
Bang!
"Kyah!" tili ni Camille nang barilin ni Atheina at flowervase kaya kumaripas ito ng takbo palabas kahit na nakahubo't hubad.
Inabot ni Loki ang puting tuwalya at itinapis.
"Labas!" Utos ni Atheina na sa binata na naman nakatutok ang baril.
"Magbibihis ako–"
Bang!
Napatalon si Loki nang dumaan ang bala sa gilid ng kanang paa niya.
"Lalabas na!" naiinis na sabi niya saka napilitang lumabas ng kuwarto habang nakasunod si Atheina na nakatutok ang baril sa ulo niya.
Habang pababa ng hagdan, nasa kanila ang mga mata ng lahat.
"Baka gusto mong ibaba ang baril para hindi sila matakot," mahinahong sabi ni Loki Luis pero nang lumingon ay nakatutok pa rin ang baril ni Atheina sa kaniya kaya sa garahe ang direksyon ng mga paa niya.
"Mauna na ako," paalam niya sa kasamahan at napailing sa sitwasyon.
Binuksan niya ang front seat at sumakay. Sumakay na rin si Atheina at itinapon ang baril sa backseat.
"Haist! Ba't mo ginawa 'yon?" naiinis na tanong ni Loki Luis an nawala na ang tama ng alak.
"Bodyguard mo ako kaya tungkulin ko na siguraduhin ang seguridad mo laban sa STD!" Seryosong sagot ni Atheina habang nagmamaneho.
Pinatay ni Loki Luis ang aircon at lumipat sa backseat saka nahiga.
"Gisingin mo 'ko kapag nasa bahay na!" galit na sabi ng binata at ipinikit ang mga mata.





Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon