30

698 24 0
                                    


GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 30

Unedited...
"Shit!" Muntik nang mapatalon si Loki Luis nang paglabas sa shower room ay nakaupo si Atheina sa couch kaya mabilis na naghanap siya ng bathrobe at isinuot. "Ba't ka ba pasulpot-sulpot?"
"Malaya naman akong nakakagalaw sa bahay na ito kaya pumasok na ako."
"Paano kung hinuli ka nila? May CCTV sa labas!"
"Bukas naman ang pinto kaya hindi ko pinuwersa para makapasok," sagot niya. "Isa pa, fifteen minutes na ako pero hindi pa nila ako hinuhuli."
"Kahit na. Paano kung pagbintangan ka na naman?" Kinuha niya ang face towel at ginamit para matuyo ang basang buhok.
"I- hot compress kita," sabi ni Atheina na may bitbit na hot compress.
"Okay na, hindi na masakit. Isa pa, napa-X-ray na ako ni Mommy at intact pa naman ang organs ko," sabi niya.
"Bakit mo ginawa 'yon?"
"Ang alin?"
"Yang mga pasa mo."
"Nakipag-change pad nga ako kay Gab," pagsisinungaling niya.
Napasimangot si Atheina pero mas minabuti niyang manahimik kahit na sinabi na ni Gab ang totoo.
"Ba't nandito ka? May kailangan ka?" tanong ni Loki Luis habang naghahanap ng masusuot.
"Kumain ka na? Ipagluto kita."
"Huwag na!" mabilis na tanggi niya.
"Alam kong maalat ang adobo ko kaya itlog na lang ang iluluto ko," sabi niya.
"Huwag na. May cook naman sa baba," tanggi ni Loki Luis at napasulyap kay Atheina na nakatingin sa ginagawa niya. "Lumabas ka na nga."
"Bakit?"
"Nagbibihis ako. Wala na ba akong privacy?"
"Nakita ko naman 'yan a. Ano pa bang privacy ang kailangan mo?"
"Atheina—"
"Ayaw ko sa kuwarto, mas wala akong privacy roon dahil may CCTV, dito na lang ako," tanggi ng dalaga. Shower room lang ang wala kaya hindi siya sanay.
"Ano bang masama, Atheina?"
"Alam mong naghuhubad ako kapag maiinitan."
"May aircon naman ah."
"Hindi ako sanay na may damit matulog, alam mo 'yan! Lahat ng kilos ko, may nagbabantay. Kapag tumayo, maupo, pumasok sa banyo, magbihis at kung anu-ano pa!" reklamo niya at napatingin kay Loki Luis habang nagsusuot ito ng puting sando.
"May binabalak ka na naman ba at ako ang gagamitin mo?" diretsahang tanong ng binata.
"Ikaw lang ang makaligtas sa amin," ani Atheina.
"Anak ko lang ang ililigtas ko."
"Hawak ko pa ang buhay ng anak mo."
"Hawak ko—"
"Kapag magpakamatay ako sa bathroom o magbasag ako ng gamit para gilitan ko ang leeg ko, wala kang magagawa, Loki Luis!" Taas noong sagot ni Atheina.
"Hindi mo 'yan magagawa."
"Pumatay na ako ng tao, Loki Luis! May tatlo akong misyon pagkatapos kay Rose kaya mamamatay tao ako. Hindi mo mahuhulaan ang takbo ng isang anak ng demonyo," sabi ni Atheina at matamis na ngumiti. "Mula ngayon, dito na ako o isang umaga, magising ka na lang na wala na ang anak mo!"
"Atheina, dugo't laman mo 'yan! Huwag mo 'kong sagarin!"
"I killed Rose, right? Kadugo ko rin siya. Kung hindi dahil sa inyo, patay na talaga siya," paalala niya kaya natigilan si Loki Luis. Nakasalamuha nito si Rose at naging ka-close pero nagawa pa rin nitong gawin ang misyon. Paano kapag magagawa nito ang kinatatakutan niya sa anak nila?
"Bakit mo ginagawa ito, Atheina?"
"Dahil gusto ko pang mabuhay, Loki Luis," sagot ng dalaga at nag-cross leg. "Gusto kong protektahan ang anak ko."
"Hindi pa ba sapat ang—"
"Hindi ako sigurado sa 'yo. Wala akong aasahan kundi ang sarili ko lang."
"I'm trying to save you, Atheina!"
"Ayaw kong mamatay na hindi masaya, Loki Luis!"
"Ilan ang napatay mo?" seryosong tanong ni Loki Luis.
"Tatlo," seryosong sagot ng dalaga. Tumango si Loki Luis. "Nagsisisi ka ba na ako ang ina ng anak mo?"
"Hindi naman," sagot ng binata. "Aalagaan ko naman sila kapag namatay ka na."
Napasimangot si Atheina at inirapan ang binata.
"Kumain ka na?" pag-iiba ni Loki Luis.
"Gusto ko ng green apple at suka," sabi ni Atheina.
"Maaga pa, kumain ka muna ng kanin. Nainom mo na ba ang vitamins mo?"
"Hindi pa eh," sagot ni Atheina.
"Bakit?"
"Ayaw ko ng ulam ninyo!" sagot ni Atheina.
"Ano ba ang gusto mo? Magpapaluto ako."
Umiling si Atheina. "Wala. Ayaw kong kumain."
"Atheina naman, kailangan mo ng lakas."
Tumayo ang dalaga at lumapit kay Loki Luis saka tumigil nang ilang pulgada na lang ang layo nila sa isa't isa. Sinipat niya ang mukha ng binata at nag-pout.
"B–Bakit?" naiilang na tanong ng binata.
"Gusto kong matulog dito."
"E di matulog ka. Sa kabila na lang ako."
"Gusto ko tabi tayo."
"Atheina naman!" bulalas niya.
"B–Bawal ba?" malungkot na tanong ng dalaga.
"Oo, bawal."
Napakagat si Atheina sa ibabang labi kaya napabuntonghininga ang binata.
"Bumalik ka na—" Natigilan siya nang yakapin siya ng dalaga. "Atheina," usal niya.
"Gusto kong ganito tayo, Loki. Hayaan mo akong yakapin ka kahit saglit lang," pakiusap ng dalaga at isiniksik ang mukha sa matipunong dibdib ng binata. Naramdaman niya ang pagpulupot ng mga kamay ni Loki Luis sa bewang niya.
"Sana hindi ka na lang mamamatay-tao," pabulong na wika ng binata at napapikit. Payat na nga si Atheina, mas lalo pa itong nangangayat dahil lately, suka lang ito nang suka.
"Loki?" Tawag niya at tumingala saka tinitigan ang mukha ng binata. "Will you save our baby?"
Lumayo siya kay Loki Luis at naupo sa kama.
"Anak ko 'yan. Kadugo ko kaya hindi puwedeng pabayaan ko lang."
"Kapag ba mamamatay ako, hahanap ka ng ibang magiging mommy nito?" malungkot na tanong ni Atheina saka nahiga at nagtalukbong. Wala siyang narinig mula kay Loki Luis. Narinig niya ang mga yabag nitong lumapit sa closet para maghanap ng panlakad na damit.
Matapos ang ilang minuto, nakabihis na ang binata.
"Alis muna ako. Huwag kang magtangkang tumakas para hindi ka mapahamak," bilin ng binata sa dalagang nakatunghay sa kaniya.
"P–Puwede bang mamaya ka na umalis?" pakiusap ni Atheina at naupo.
"Bakit?"
"W—Wala," sagot ni Atheina at iniwas ang mga mata.
"May sasabihin ka?" nagdududang tanong ni Loki.
"W–Wala naman," sagot ni Atheina pero napakunot ang noo ni Loki nang mapansing namumula ang magkabilang pisngi nito.
"Atheina? May gusto ka bang kainin?"
"Wala sabi!" singhal ni Atheina at mabilis na nahiga ulit at nagtalukbong. "Umalis ka na."
"Sabihin mo kung may gusto ka para mabili ko mamaya."
"Wala nga e!"
Napabuntonghininga ang binata. "Magdadala ako ng maraming green apple mamaya. Meron pa sa baba pero kailangan kumain ka muna ng kanin, okay?"
"Ayaw ko ng green apple!" pagsisinuplada ni Atheina kaya napabuntonghininga na naman si Loki Luis.
"Alis na 'ko. Kapag may kailangan ka, baba ka lang. At huwag kang tumakas."
"Paulit-ulit? Umalis ka na!" naiinis na pagtataboy ni Atheina.
Nang masigurong umalis na si Loki Luis, bumangon siya at dumungaw sa bintana. Palabas na ang sportcar nito kaya bumaba na siya.
"Morning," bati ni GV.
"Tita? Mabuti at napadalaw ka," masayang sabi niya.
"May kailangan ka?" tanong ni GV kay Atheina.
"Tita? Puwedeng magpaturo ng adobo?" tanong niya.
"Ngayon na?"
Tumango si Atheina.
"Sige. 'Yan ba ang pinaglilihian mo?"
Umiling si Atheina.
"Gusto ko lang ipagluto si Loki Luis ng adobo kasi pinagtanggol niya kami ni Baby noong nakaraang araw."
"Ah, basta huwag ka nang tumakas," sabi ni GV.
"P–Pasensiya na po, gusto ko lang iligtas si Baby," paumanhin niya.
"Naunawaan  kita pero malabong makatakas ka." May pag-unawang sabi ni GV at inaya sa kusina si Atheina para tulungan siya.
"Tita? Anong gusto ni Luis? Maraming sibuyas o luya?" tanong niya. "Bawang? Paminta? Okay lang ba 'tong inihanda ko?"
"Oo, ganiyan lang kadami at ayaw nu'n na maalat," sagot ni GV. Siyempre hate nila ang sobrang alat dahil kay Ann.
"Ah, sige po." Naalala niya ang niluto noon kaya nakaramdam siya ng hiya.
"T–Tita? Marami bang girlfriend na dinala rito si Loki Luis?" Usisa niya.
"Wala pa," sagot ni GV habang nakatingin sa dalagang naggigisa na ng bawang at sibuyas. "Huwag mong sunugin dahil mapait. Lagay mo na ang luya."
Sinunod ni Atheina tapos inilagay ang marinated nang manok. "Sabay lang ba sila nitong balunbalunan at atay?"
"Oo," sagot ni GV. "Maglalaga ako ng itlog ng pugo para ilagay mo mamaya."
"Tita? Di ba si Sheryl, ex ni Loki Luis 'yon?" usisa niya habang hawak  ang sandok.
"Hindi ko alam. Si Gab, si Nica lang ang naging girlfriend no'n tapos si Loki naman, wala akong nabalitaan dahil busy 'yon noon. Isa pa, mabait na bata si Loki Luis. Madalas na nagpaparaya 'yon para sa kakambal kaya wala pang napakilalang girlfriend, ikaw pa lang."
"H–Hindi naman ho—I mean, hindi ko maintindihan kung naging kami nga," pag-amin niya. Oo, sila talaga noon pero alam naman nila na drama lang ang lahat.
Ngumiti si GV. "Anak ko si Loki Luis kaya alam kong girlfriend ang turing niya sa 'yo."
"P–Pero hindi ako mabuting tao. Ne hindi nga niya ako puwedeng ipagmalaki."
"Lahat naman ng tao, nagbabago."
Malungkot na napangiti si Atheina at ipinagpatuloy ang pagluluto.
-------------------
"Late ka na," sabi ni Dylan nang pumasok ang apo.
"Sorry, may dinaanan lang," paumanhin ni Loki Luis at naupo sa unahan dahil may general meeting sila.
Nag-umpisa na ang meeting. Una, tungkol sa fundings at neophytes ng kada chapter. Pangalawa, sa weekly and monthly activities.
"So? Ano na ang balak mo kay Atheina?" seryosong tanong ni Christian. Iyon ang highlight ng meeting na ito. Alam na rin ng lahat na babae ang pinuno ng black dragon gang at buntis ito.
Napatingin sila kay Loki Luis.
"Puwede bang arbor ko na lang?" mahinang pakiusap ng binata.
"Aasawahin mo ang leader ng killer na gang sa buong mundo?" usisa ng leader ng BEX.
"Once a killer will always be a killer! Paano mo nagawang buntisin ang babaeng 'yon?" bulalas ng isang sorority princess.
" Nakipagtalik ," pabulong na sagot ni Loki Luis pero wala namang nakarinig sa kaniya.
Binuksan ni Oliver ang malaking projector at lumabas ang mukha ng tatlong Chinese-Filipino nationals.
"Sila ang tatlong Chinese-Filipino na pinatay ni Atheina," sabi ni Oliver at inisa-isa ang larawang duguan ng tatlong biktima na parehong may gilit sa leeg at tama ng bala sa katawan. "Sila ang naging misyon niya bago isinabak dito sa Pilipinas."
"See? Paano mo nagawang ipagtanggol ang babaeng may napatay na?" bulalas ni Angelica. "Imagine, killer ang ina ng anak mo? Paano mo ipaliwanag sa anak mo na mamamatay-tao ang nanay niya?"
"Oo nga! Sa dami ng babae, siya pa talaga, Loki Luis? Buhay pa siya pero sinusunog na ang kaluluwa niya sa impyerno!"  segunda ni Joyce.
"Watch your mouth, young ladies! Baka nakalimutan ninyo, mula kami sa pamilya ng ninja at assasins!" saway ni Loki Luis at tumayo siya pumunta sa gitna. "Maliban sa tatlo, ilan pa ang pinatay ni Atheina?"
Isa-isa niyang tiningnan ang nasa harapan.
"Ilan pa?" ulit niya.
"Wala na. Iyan lang ang hawak niyang misyon sa loob ng dalawang taon," sagot ni Oliver at naupo sa tabi ni Dylan.
"Sumenyas siya kay Jason na buksan ang pinto na nagkokonekta sa VIP room. Napatingin sila nang lumabas ang tatlong Chinese-Filipino na sinasabi nilang pinatay ni Atheina.
"Sila ba ang tinutukoy ninyo?" tanong ni Loki Luis kaya nagsimulang umingay ang paligid.
"P–Paanong nangyaring buhay sila?" tanong ni Angelica.
"Kung silang tatlo lang ang pinatay ni Atheina, paano ninyo nasabing killer ang ina ng anak ko gayong buhay naman sila?" tanong niya kaya natahimik sila at tila nag-iisip. "Tapos na ang usapang ito."
"Ano ba talaga ang balak mo kay Atheina? Bakit mo siya pinoprotektahan at ipinagtatanggol kung noong una, ikaw ang nagdesisyong patayin siya?" usisa ni Angelica nang hindi na makatiis. "Ano ba ang gusto mong mangyari, Loki Luis?"
"Gusto kong hayaan na ninyo siya at bigyan ng pangalawang pagkakataon dahil sa ayaw ninyo at sa hindi, magiging asawa siya ng bagong fraternity king!" taas noong sagot ni Loki Luis. "Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa mag-ina ko kaya pakiusap, hayaan na ninyo siyang magbago."
"Hindi ganoon kadali 'yon!" sabat ng isang leader ng fraternity.
"Alam ko," sagot ni Loki Luis. "Pero ipaubaya na ninyo sa akin 'to. Tapos na ang meeting, puwede na kayong umuwi."
Nauna siyang lumabas dahil baka kung ano pa ang masabi niya.
"Loki," tawag ni Dylan kaya hinintay niya ito.
"Bakit ho?"
Narinig niya ang pagbuntonghininga ng lolo.
"Alam kong mahirap sa 'yo 'to pero paanong buhay ang tatlo?"
Mapait na ngumiti si Loki Luis. "Gusto ko lang protektahan si Atheina."
"Pero–Mahal mo ba talaga siya?" usisa ni Dylan.
"Alam kong biktima lang siya ng nagpalaki sa kaniya," sagot ng binata. "Ayaw ko siyang maging masama, Lolo. Ayaw kong gumawa siya ng bagay na pagsisihan niya balang araw kaya hanggat makakaya ko, nililinis ko ang daan niya para sa paghaharap namin."
"Paano mo nagawa iyon?"
"Si Bloom," sagot ni Loki Luis. "Na-hack niya ang account ni Atheina at ng ama nila noong nasa hospital pa siya kaya nakuha niya ang impormasyon ng lahat ng misyon ni Atheina. Bago pa man dumating si Atheina, fake na ang mga taong nakaharap niya. We made her believe na nagtagumpay siya sa misyon niya. Naka-bullet proof jacket ang dummy namin at pati leeg nila, nasampawan din ng fake skin and blood kaya mukhang totoo ang pagpatay niya."
"Mahal mo talaga siya, ano?" tanong ni Dylan.
"Kung ang pagprotekta sa kaniya para hindi makapatay ng tao at para hindi mamatay ang patunay, siguro nga mahal ko na siya noon pa—No, mahal ko na talaga siya noon pa bago ko pa siya nakaharap. Ayaw kong makagawa siya ng masama." Pag-amin niya. Noong pinakita pa lang ni Bloom ang litrato ni Atheina, sinabi na niya sa sariling ito na ang babaeng para sa kaniya. Aware naman siyang black dragon princess ito kaya humanap siya ng paraan para maisalba ang kaluluwa nito mula sa impyerno. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya sumusuko na magbago si Atheina at magsimula ng panibagong buhay kasama siya—kahit kamuhian pa sila ng lahat!


Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon