12

838 34 4
                                    

GOOD BOY GONE BAD

by:sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 12

Unedited...

"Morning," bati ni Loki Luis nang lumabas sa kuwarto ang dalaga.
"Morning," bati rin ni Atheina. Ang bango ng ulam nila.
Lumapit siya sa binata at tinitingnan ang niluluto nito.
"Wow, adobo."
"Nagugutom ka na? Heavy meal tayo ngayon."
"Ako na magtitimpla," sabi niya.
"H-Huh? Huwag na, maupo ka na."
"Sige na, please? Favorite ko na ang adobo."
"B-Baby--"
"Ayaw mo?" malungkot na tanong ni Atheina. "Gusto ko lang naman paglutuan ka e."
"B-Baby, kasi--" napakamot siya sa ulo. Patapos na siya e. Hinihintay na lang niyang medyo maubos ang sabaw.
"Sige na, please," nagpa-puppy eyes pa si Atheina kaya napa-stepbackward siya. "Anong kulang, baby?"
"Patapos na," sagot niya at nanlumo nang tikman ni Atheina ang kaunting sabaw.
"Kaunti pa lang ang toyo? Itimpla ko, baby ha?"
Napalunok si Loki Luis nang kunin nito ang isang litrong toyo.
"Doon ka na sa sala, ako na ang bahala dito."
"H-Ha? Baby--"
"Ayaw mo, baby?" tanong ng dalaga.
"S-Sarapan mo ang luti, baby, okay?" naninikip ang dibdib na sabi niya.
"Sure, baby."
Napilitan siyang lumabas sa kusina at manood ng TV sa sala.
"Fuck!" mahinang sabi niya. Sana pritong itlog na lang pala ang niluto niya.
Amoy na amoy niya ang toyo na ibinuhos ng kasintahan.
"Di ba baby, kapag adobo, medyo maalat talaga 'yon? tapos kaunti lang ang sabaw?" sigaw ng dalaga mula sa kusina.
"Ganun nga, baby!" sagot niya. Magpa-deliver na lang kaya siya ng extra food sa Chowking?
Kapag kasi luto ng kasintahan ang kakainin niya, magkakabato talaga siya sa kidneys.
"Baby?" tawag ng dalaga kaya parang tatakbo na siya papasok sa kuwarto niya. "Luto na ang ulam natin!"
Napakagat siya sa ibabang labi. Sana matapon ang ulam.
"Baby? Kain na tayo," excited na yaya ni Atheina. Dito lang siya nakaluto ng adobo at ngayon lang din nakatikim kaya gusto niyang magluto pa para kay Loki Luis.
"N-Ngayon na?"
"Oo, halika na."
Puwede bang magtago sa ilalim ng couch? Napilitang tumayo siya at naglakad patungo sa kusina.
" Buti pa ang pagong, kapag ayaw lumabas,
nagtatago lang sa bahay at walang makakapilit,"
reklamo niya sa isipan. Ang bigat tuloy ng mga hakbang niya patungo sa kasintahan.
"Nagugutom ka na ba?"
"Kanina," sagot niya. "Medyo nalipasan na pero okay lang..." Hindi talaga. Kung alam lang ni Atheina. Okay naman 'to e. Ang ganda-ganda nga nito tapos siyempre mahal pa niya. Bakit hindi na lang kaya ito maupo para pagsilbiban na lang niya? Kahit siya pa nga ang magpasubo at magpaligo, walang problema. Hindi 'yong nakikialam pa sa pagluluto.
Naupo siya at kumuha ng maraming kanin. Napangiwi siya nang makita ang adobong itim na itim dahil sa toyo.
"Ako na, baby!" mabilis na inagaw niya ang mangkok na may adobo dahil balak sana nitong lagyan ang plato niya.
Puro chicken lang ang nilagay niya sa plato saka kumain. Hirap na maglagay ng sabaw pero putragis, lasang-lasa pa rin talaga ang alat na nanunuot sa balat at karne ng manok. Di na to adobo. Pinaliguang manok sa toyo na 'to e.
"Gusto mo--"
"Shut--" Napapreno siya sa sasabihin at napatingin kay Atheina na halatang nabigla nang tumaas ang boses niya.
"Shutup?" mahinang sabi ni Atheina. Iyon kasi talaga ang sasabihin ng binata e.
"G-Gusto ko kasing kumain nang marami, baby," mahinahong sabi ni Loki Luis nang natauhan sa inasal. "Ganyan kasi talaga ako kapag n-nasarapan sa kinakain, ayaw kong kinakausap." Nasusuka siya sa pinagsasabi pero wala siyang choice e, muntik na niyang masigawan si Atheina. Putiks naman, oh!
"T-Talaga? Sige, kain ka pa, baby," nakangiting sabi ni Atheina at inilapit ang mangkok dito kaya napilitang kumuha ng ulam si Loki Luis.
"O-Okay ka lang? Ba't ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Atheina nang mapansing tumutulo ang luha ng kasintahan habang kinakagat ang manok.
"O-Okay lang ako," umiiyak na sagot niya saka pinahidan ang mga luha. "M-Masaya lang ako kasi pinagluluto mo ako."
"Talaga, baby? Ayieee... Sige, pagluluto kita palagi," masayang sabi ni Atheina kaya mas lalong umiyak si Loki Luis na parang bata.
"A-Ayaw ko na talaga!" sabi niya na mas lalong tumulo ang mga luha. Masama ang loob niya. As in sobrang sama! Ang pait at alat na nga ang kinakain niya, madalas pa raw siyang ipagluto nito.
"A-Ayaw mo?" natarantang ulit ng dalaga. Galit ba ito? Pero bakit?
"A-Ayaw ko nang maghanap pa ng iba, baby. I-Ikaw na lang talaga," sabi niya para pagtakpan ang nasa isipan. Dinaig pa niya ang pag-inom ng asirhonians wine. At least isang beses lang siyang uminom ng wine na 'yon para maging ganap na asirho.
"Sana totoo 'yan," sabi ni Atheina at nagsimula nang kumain. Ganito ba talaga siya kamahal ni Loki Luis? Aw, amg sweet naman. Minsan lang siyang nakakakita ng lalaking umiiyak dahil na-appreciate nito ang simpleng bagay na ginawa niya.
" At least pinapahalagahan niya ako," bulong niya habang nakangiting pinagmasdan ang kumakain na kasintahan at proud sa sarili dahil umaga pa lang, napasaya na niya si Loki Luis.
"Baby? Gagala pala kami ni Sharmie mamayang hapon."
"Sabado, magpahinga ka naman."
"Sige na, please. Nangako akong samahan ko siyang gumala," pakiusap niya.
"Sama ako."
"Luis naman, bawal."
Napabuntonghininga ang binata.
"Ihatid kita."
"Baka may makakita eh."
"Fine. Basta ako ang susundo sa 'yo mamaya."
"Please naman, si Sharmie lang talaga ang kasama ko."
"Okay, but make sure na siya lang talaga, okay?"
"You can call her." Napasimangot ang dalaga.
"No need, baby. May tiwala ako sa 'yo," sabi ng binata saka inubos ang kinakain. Nakaisang pitsel na yata siya ng tubig kaya tumayo siya. "CR lang ako, naiihi ako e."
Iniligpit ng dalaga ang pinagkainan nila at inilagay sa dish washing machine ang mga plato't kutsara. Nagpupunas na siya ng kamay nang maramdaman ang mga kamay ni Loki Luis na nakapulupot sa bewang niya.
"Thank you, baby," bulong ng binata sa likod ng tainga ng kasintahan at inamoy ang sobrang bangong buhok nito. "Sana palagi tayong ganito." Hinigpitan niya ang pagkayakap sa maliit na bewang nito.
"Nabusog ka ba?" tanong ng dalaga na hindi alam ang gagawin. Papalag ba siya? o hahayaan si Loki Luis?
Itinaas ni Loki Luis ang kanang kamay niya sa balikat ni Atheina at pinaharap ang dalaga.
"L-Loki--" Napalunok siya ng laway nang makaramdam ng kaba. Ang tahimik ng paligid kaya nabibingi siya sa tunog ng puso niya.
"Baby," usal ni Loki Luis at bahagyang yumuko saka inilapit ang mukha sa dalaga at hinaplos ang kanang pisngi nito. Wala namang ginagawa si Atheina kaya masuyong idinampi niya ang mga labi sa labi nito. Nang hindi tumutol, nagsimula nang gumalaw ang mga labi niya.
"B-Baby," usal niya sa pagitan ng mga halik at isinandal ang dalaga sa dingding habang nakasuporta ang isang kamay sa bewang nito. Idiniin niya ang mga labi at bahagyang pinisil ang kanang dibdib ni Atheina kaya napasinghap ito kaya malayang naipasok ni Loki Luis ang bibig nito at siniil ng mapusok na halik na para bang nagpaparusa sa pag-torture nito kanina sa kaniya sa nilutong adobo.
"Hmmp!" impit na ungol ng dalaga na naghahanap ng hangin dahil sa sobrang diin ng pagkahalik ng binata. Hindi na siya makakahinga dahil natatakpan ng mainit na dila nito ang bibig niya at sobrang dikit naman ng ilong niya sa mukha nito. Mukhang nakaramdam ang binata kaya ibinaba nito ang mga halik sa baba ng dalaga para makahinga si Atheina.
Nang makabawi ng hangin, saka niya naramdaman ang mainit na mga halik ng binata sa leeg niya pababa sa collar bone niya.
Itinaas ni Loki Luis ang blusa nito at yumuko saka inangkin ang kanang nipple ng dalaga.
"L-Loki," usal niya na gusto pa sana niyang pigilan pero huli na ang lahat. Parang batang dumedede ito sa kaniya. Nahihiya siya dahil nakikita nito ang pinkish nipple niya at boobs. Gusto pa sana niyang takpan ang sarili pero wala siyang lakas para pigilan ang binata. Umiinit ang buo niyang katawan. Panay ang himas at pisil nito sa kaliwang dibdib niya kaya napasabunot siya sa buhok ng binata habang nakatingin sa ginagawa nito.
"Oooh..." ungol ni Atheina kaya napakagat siya sa ibabang labi para pigilan ang ingay nang inilipat ni Loki Luis ang pagsipsip sa kabilang nipple kasama ang balat. Baon na baon oa talaga ang mukha nito sa dibdib niya na kulang na lang ay lamunin ang buong boob niya.
Wala man siyang sapat na karanasan, pero dahil sa init na nararamdaman, alam niyang expert ang binata sa pagbigay ng init ng buong katawan niya. Bawat madadaanan ng kamay at labi nito ay sadyang sinusulit nitong matikman.
"Gusto mo ba ito? Hmm?" tanong ni Luis at itinaas ang mukha saka ipinantay sa mukha ng dalaga. "Tell me na gusto mo ito, baby."
Tumango si Atheina kaya napangiti si Loki Luis bago muling angkinin ang mga labi nito at maalab na nakipaghalikan sa dalaga. Paunti-unting kumibot ang mga labi nito hanggang sa tuluyan nang nasasabayan ang bawat paggalaw ng mga labi niya pero ang mga kamay ay naglalamas ng malambot na dibdib ng dalaga.
She smells good. Parang lahat ng amoy at tamis ng dalaga ay gusto niyang higupin. Idinikit niya ang buong katawan sa dalaga para maramdaman nito ang paninigas ng alaga niya.
"L-Luis..." alanganing sabi ng dalaga nang kinuha ni Loki Luis ang kanang kamay niya at iginiya papasok sa shorts nito habang pinapapak ang leeg niya. "Touch me, b-baby..." namamaos na wika ng binata at pinapisil sa dalaga ang kargada niyang handang-handa na sa laban kung meron man. "D-Down there..." he added.
Nataranta ang isip ni Atheina. Ang tigas at haba kasi ng nahahawakan niya tapos tayong-tayo pa.
"Ooh.." mahinang ungol ni Loki Luis nang gumalaw ang kamay ni Atheina. Taas, baba kaya mas lalong nakaramdam ng paninigas ang alaga niya. "F-Fuck--baby..."
"Loki..."
"Not here," bulong niya sa tainga ni Luis sa tainga nito saka dinilaan. "In your room, baby."
"Kyah!" tili niya nang buhatin siya ni Loki Luis at naglakad patungo sa kuwarto niya.
"H-Hindi ba masyado pang maaga?" alanganing tanong niya habang nakapulupot ang mga kamay sa leeg ni Loki Luis.
"Let's do it, baby," nang-aakit na sabi ng binata pero bago pa man niya buksan ang pinto, nakarinig na sila ng door bell.
"M-May tao."
"Yaan mo," sabi ng binata pero sunod-sunod na katok ang narinig nila.
"Shit! Wait me inside," sabi niya saka ibinaba si Atheina at sinilip kung sino ang nasa labas pero nanlaki ang mga mata niya nang makita sina Ann at Dylan. "Fuck! Fuck!" natarantang sabi niya at tumakbo palapit sa kasintahan.
"S-Sino--"
"Lock the door, baby. At kapag marinig mong papasukin ka nila, magtago ka sa closet o 'di kaya sa ilalim ng kama!" natarantang sabi niya.
"Sino sila?"
"Sina Lolo," sagot niya nang lumakas ang katok. "Please, baby. Huwag kang lumabas."
"Okay," sagot ng dalaga at isinara ang pinto kaya mabilis na tumungo si Liki Luis sa pintuan para pagbuksan ang grandparents.
"Lolo!" bati niya.
"Ba't ang tagal mong bumukas?" tanong ni Ann na nakasimangot.
Nagmano siya sa dalawa. "Pasok ho kayo."
"May ginagawa ka ba?" tanong ni Dylan nang makapasok. "Ang tagal mo yatang magbukas?"
"N-Nakatulog ho ako," pagsisinungaling niya.
Iginala ni Dylan ang mga mata sa buong condo ng apo. Si Ann naman ay dumiretso sa kusina para ilagay sa ref ang nilutong beefsteak.
"Kumakain ka pa ba? Baka mamaya puro take-out ka lang," nag-aalalang sabi ni Ann. "May dala akong ulam, initin mo na lang."
Napangiwi si Loki Luis at napatingin sa lolo.
"Yaan mo na," sabi ni Dylan. "May ibang kasama ka ba rito?"
"Wala ho. Bakit?"
"Apo? Kaninong adobo 'to?" tanong ni Ann na nasa kusina matapos buksan ang kawali na nakatakip.
"Ah, huwag ho 'yan!" maagap na sabi niya saka mabilis na pinuntahan ang lola pero tinitikman na ang adobo.
"L-Lola kasi--"
"Sino ang nagluto?" tanong ni Ann.
"Ahm..."
"Girlfriend mo?"
"L-Lola kasi--"
"Hayaan mo na, tumatanda ka na kaya dapat mag-asawa ka na," sabi ni Diane.
"May girlfriend ka?" seryosong tanong ni Dylan.
"Lalaki po ako at kailangan ko ng mag-aalaga sa akin," seryosong sagot ni Loki Luis.
"Dumaan ba siya para ipagluto ka?" curious na tanong ni Ann.
"K-Kanina pero natapon ang toyo habang--"
"Masarap siyang magluto," puri ni Ann kaya natigilan si Loki Luis. "Masarap naman magluto ang mga tita mo pero hetong adobo, kakaiba ang lasa."
Napangiwi na naman si Loki Luis. Paano nagustuhan nito ang niluto ni Atheina eh, pamatay nga ang lasa. Kung sabagay, isa rin pala 'tong lola nila.
"Dylan? Kain muna tayo, nagutom ako. Di pa tayo nagbe-breakfast, nag gatas lang ako kanina bago umalis," sabi ni Ann kaya napakamot si Loki Luis sa ulo.
"Siguraduhin mo lang na ginagawa mo ang trabaho mo bilang frat king," seryosong sabi ni Dylan at naupo sa tabi ng asawa.
Magiliw na nilagyan ni Ann ng kanin ang plato ng asawa.
"Kain ka, apo," alok ni Ann.
"Kumain na po ako," tanggi niya. "Lolo? Gusto ho ninyo ng tubig?"
"Mamaya na," sagot ni Dylan. Tutal, nasa ref naman ang beefsteak ng asawa.
"Sure ka?"
"Hindi pa ako nauuhaw," sagot ni Dylan.
Ibinuhos ni Ann ang sabaw sa kanin ng asawa at nilagyan ng dalawang hiwa ng manok ang plato nito.
"Kain ka nang marami, Dylan, masara magluto ang girlfriend ng apo mo," sabi ni Ann kaya tumango si Dylan at kinuha ang kutsara saka napasubo pero hindi pa nga nuga nalunok, napaubo na siya.
"O-Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Ann.
"Tubig ho," alok ni Loki Luis na hinanda na niya.
"Bakit ganito to?!" galit na tanong ni Dylan sa apo. Adobo version yata to ng beefsteak ng asawa.
"Masarap naman, 'di ba?" sabi ni Ann habang magiliw na kumakain.
"Anong--kumain ka na," sabi ni Dylan na tumigil na sa pagkain.
"Bakit? M-May masama ba? H-Hindi na naman ba okay ang panlasa ko?" malungkot na tanong ni Ann.
"N-No, kasi baby--busog pa ako," pagdadahilan ni Dylan.
"Ako na lang ang uubos ng sa plato mo," nanghihinayang na sabi ni Ann.
Salubong na pinagmasdan ni Dylan ang asawang kumakain. Bakit ba nakalimutan niya kaninang kakaiba pala ang panlasa nito?
Nang matapos kumain, nagpaalam na si Ann na uuwi dahil may lakad pa sila.
"Apo, gusto ko ma-meet ang girlfriend mo."
"Huwag/Huwag!" sabay na sagot ng maglolo kaya napakunot ang noo ni Ann at palipat-lipat ang tingin da dalawang kaharap.
"H-Hindi-- nextime po."
"Good," sabi ni Ann. "Pakisabing magpapaturo akong magluto ng adobo sa kaniya."
Nauna na itong naglakad kay Dylan patungo sa elevator.
"Tandaan mo, Loki Luis, huwag ja huwag mong pagtagpuin ang landas nilang dalawa," bilin ni Dylan saka tinapik sa kanang balikat ang apo at sumunod na kay Ann na naghihintay sa kaniya. Beefsteak is enough. Double kill na kapag dagdagan pa ng adobo.



Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon