GOOD BOY GONE BAD
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 6
Unedited...
Bang!
"Oh shit!" bulalas niya nang pagbukas ng pinto ay may hanging dumaan sa leeg niya kasabay ng malakas na pagputok.
"Anak ng--"
Napayuko siya nang biglang lumipad ang magnifying glass sa ulo niya.
Napanganga si Loki Luis nang makitang sugatan ang dalawa habang hawak ang kani-kaniyang baril. Nakaupo habang nakasandal sa dingding si Seven habang hawak ang tagiliran. Si Bloom naman ay nakatayo habang hawak ang dumudugong braso.
"Fuck! Ano ba ang nangyayari dito?" singhal ng binata nang makitang sobrang gulo ng kuwarto. Lahat ng papel ay nasa sahig at wasak din ang isang computer.
Narinig niya ang pagkasa ng baril ni Bloom pero bago pa man nito naiputok, nasipa na ni Loki Luis kaya tumilapon sa pintuan.
"What the fuck is happening here?" singhal niya.
Tumayo si Seven at pinahidan ang dugo sa gilid ng labi habang ang isang kamay ay nakahawak sa tagilirang may daplis ng bala ng baril.
"Magpapatayan ba talaga kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Loki Luis. Paano kung hindi siya dumating?
"Tanong mo sa babaeng 'yan!" sabi ni Seven at lumabas saka pabagsak na isinara ang pinto.
"Anong nangyari?" sinusubukan niyang kumalma dahil sa dalawa.
"Ayaw ko nang magtrabaho dito!" walang kabuhay-buhay na sabi ni Bloom.
"Damn! Bloom naman, kailangan ka namin."
"Then hanapan ninyo ako ng ibang teammate at hindi ang gagong 'yon!" gigil na sabi ni Bloom. "Ugh! Alam kong sa impyerno na ako babagsak pero ayaw kong makasama siya sa roon!"
Nanghihinang napaupo ang binata sa upuang nasa tapat lang ng table ng dalaga at hinilot ang sintido.
"Ang dami ko nang problema, Bloom."
"Kung ayaw--aah!" daing niya at napahawak sa braso kaya agad na sumaklolo si Loki at kinuha ang panyo.
"May bala ba 'to sa loob?"
"Wala. Daplis lang," sagot ng dalaga kaya tila nawalan ng tinik sa dibdib si Loki Luis.
"Ano ba ang pinag-aawayan ninyo?"
"Nakigamit ako ng computer niya pero hindi ko pa nga nabuksan dahil may password, galit na kaagad ang gago!" sumbong niya.
"Bakit ka ba nakigamit? May computer ka naman ah."
"Trip ko lang," parang wala lang na sagot ni Bloom.
"Haist! Papuntahin ko ang doctor mamaya para matingnan kayong dalawa," sabi niya. Sa tabi ng agency, clinic din para dito na magpamedical ang mga nag-aapply.
"How's she?" tanong ni Bloom na ang tinutukoy ay si Atheina.
"Nasa condo ko siya."
"Tsk! Good luck," nakangising sabi ng dalaga.
"Sumasakit ang ulo ko."
"Kapag malaman nilang nasa condo mo siya--"
"Aakuin ko ang lahat ng responsibilidad," ani Loki Luis.
"Kaw ang bahala. Pero baka malaman ng parents at lolo mo na may binabahay ka na."
"Let's cross the bridge when we get there," sabi niya. "Ang mahalaga ay ang kaligtasan niya."
"I smell something fishy," sabi ni Bloom.
"Ikaw lang ang pinagkatiwalaan ko, Bloom. Sana hindi makalabas 'to."
"Why me? You shouldn't trust me, bata!"
"Trust me," sabi ni Loki Luis pagkatapos tinali ang panyo sa braso nito.
"Trust for what?"
"For trusting you."
Napailing ang dalaga at sinuri kung magagamit pa ba niya ang computer pero sira na talaga. Nagsuntukan kasi sila ni Seven at nang umilag siya, computer ang natamaan.
"Alam mo, pagod na ako sa kakaupo sa tapat ng computer na 'to at mag-abang ng balita twenty four seven."
"Malapit na pong matapos ito, ate."
"Damn! Stop calling me ate, will you?"
Natawa si Loki Luis. Ang cute kasi nito kapag nagalit.
"Have I ever told you that I like you?" tanong ng dalaga.
"Come on, Bloom."
Napatingin sila nang pabagsak na inilapag ni Seven ang dalang computer sa mesa.
"Bayad sa computer mo!" salubong ang kilay na sabi ni Seven saka lumabas.
"Makasuplado, kala mo guwapo!"
"Bagay kayo," sabi ni Loki Luis.
"Ew!" maarteng sabi ni Bloom. "Mataas ang standards ko at alam mo 'yan."
"Pogi si Seven at mayaman 'yan. CEO kaya 'yan ng computer company," sabi ni Luis.
"Paki ko? Mayaman din naman ako!" sabi ng dalaga. "Yata?" patanong na dagdag niya at napaismid. Di na nga niya alam kung magkano ang laman ng bank account niya dahil sa kakatulong sa alpha sigma rho. Mataas ang offer nila sa kaniya at puwede nang hindi siya magtrabaho kahit kailan. Sana lang talaga ay matapos na ang misyon nilang ito.
"Mas okay kapag kayo ni Seven ang magkatuluyan. Tiyak, sisikat ang software ninyo at--"
"I heard enough!" padabog na sabi ni Bloom at nagmartsa palabas ng office.
"Sino ba ang boss dito?" tanong na pahabol ng binata.
"Hindi ako nagtatrabaho sa 'yo, bata!" ani Bloom at isinara ang pinto kaya napabuntonghininga na lang si Loki Luis.
Lumabas si Loki Luis at nang malapit na siya sa kotse, tinawag siya ni Seven.
"Oh? May problema ba? Baka malalim ang sugat mo."
"Daplis lang," sagot nito. "Kailan mo paalisin ang babaeng 'yon?"
"Kailan ba kayo magbabati?"
"Wala akong tiwala sa kaniya," diretsahang sabi ni Seven.
"Kailangan ninyo ang isa't-isa. Teammates kayo."
"Huwag na. Kaya kong magtrabahong mag-isa. Isa pa, kaya kong maghanap ng papalit sa--"
"Malaki siyang kawalan, Seven. Alam mo 'yan."
"I can't--ugh! Kainis!" desperadong sabi ni Seven. "I can't trust her. Papatayin niya tayong lahat."
"Just because you hate her doesn't mean na ayaw na rin namin sa kaniya."
"Because--"
"Pareho lang kayo ng sinasabi. Kung may personal na isyu kayo, 'wag ninyong dalhin sa opisina dahil naaapektuhan ang ibang kasamahan ninyo." Para siya ang matanda kapag itong dalawa ang kasama niya.
"Bahala ka."
"May trust issue kayong dalawa. Teka lang, magjowa ba kayo?"
"Baliw ka na!" sabi ni Seven at tinalikuran siya.
"Pag kayo talaga nagkatuluyan, ewan ko lang!" pahabol ng binata saka sumakay sa kotse.
Problema rin talaga niya ang dalawa kung paano mapagkasundo. Magaling naman ang mga ito kapag sumeryoso sa trabaho. Iyon nga lang, magkasalungat ng opinion. Kung totoo mang may traidor sa dalawa, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Pero naniniwala pa rin siyang mapagkatiwalaan niya ang dalawa.
------------------------
Nakadungaw sila sa baba nang makita niyang papasok sa sasakyan ni Loki Luis.
"Saan kaya siya galing?" tanong niya sa isip habang nakatingin sa binatang bumababa sa sasakyan.
"Grabe, pogi talaga ni Sir noh?" student 1
"Yeah, wala pang jowa 'yan." Student 2
"Baka ako ang hinihintay." student 1
"Apply na tayo." Student 2
"Baka lalaki rin ang hanap!" student 3
Ayun, nagtawanan sila. Kahit malayo, napansin ni Atheina ang pagkapagod nito.
"Malay ko ba kung may kinikita siya," bulong ng dalaga at napasulyap sa kanan niya. Napaismid siya nang makita sina Shaina at Sharon na nakatingin din kay Loki Luis.
" Nakakabadtrip ang pagmumukha nila!" bulong niya.
"Tinitingin-tingin mo?" pagmamaladita ni Sharon.
"Hayaan mo na siya, gurl. Sasali rin sa atin 'yan," saway ni Sharon pero pinalagpas iyon ni Atheina at bumalik sa classroom. Never. Hinding-hindi siya sasali sa mga ito kahit anong mangyari. Si Sharon na ngayon ay bagong princess ng sorority nila
Pagpasok niya, sa upuan siya dumiretso at naupo.
"Hi," bati ni Victor na naupo sa tabi niya. "Mag-isa ka yata?"
"Absent si Sharmie," sagot niya. Masama kasi ang pakiramdam nito at tinatamad bumangon.
"Hmm? Pwede bang hingiin ang number mo? Baka kasi may assignment tayo, wala akong tatanungan." Sabi nito habang ngumunguya na naman ng chewing gum.
"Dude, smoke tayo," yaya ni Cesar.
"Sandali, may kinakausap pa ako, dude!" sabi ni Victor.
"Psh! Huwag mo na kasing istorbohin. Kung ayaw niya, 'wag nang mapilit."
Napakamot si Victor ng ulo at napatingin kay Atheina.
"Balang araw, sa akin ka rin babagsak--aw!" daing niya bang malakas na binatukan siya ni Cesar. "Ba't ka ba nambabatok?"
"Nananakot ka eh. Lumabas na nga tayo," yaya ni Cesar.
"Biro lang e!" ani Victor. "Tara sa labas, suntukan oh!"
"Ingay!" salubong ang kilay na wika ni Justin nang pumasok at inayos ang sombrero.
"Ikaw ba hindi?" tanong ni Justin.
"Labas na nga muna tayo!" sabi ni Cesar at naunang lumabas kaya sumunod din ang dalawa.
"Tol?" tawag ni Jason kaya napalingon silang tatlo.
"Op, master," magalang na sabi ni Victor.
"May emergency meeting tayo, punta kayo sa classroom."
"Ah, sige pi, sunod kami. Smoke lang," sabi ni Cesar at dumiretso sa smoking area. Umiwas muna silang tatlo sa ibang grupo dahil baka magkabanggaan pa sila.
Nang matapos makapag-smoke, dumiretso sila sa classroom ng alpha sigma rho.
"Good afternoon," sabay ba bati nilang tatlo sa mga senior na nakatingin sa kanila. Late na naman sila.
"Alam ba ninyong ang pinakaayaw ko ay ang ma-late?" pikong tanong ni Loki Luis. Problema na nga kanina sa hacker nila, problema rin ang dalhin ng neophytes.
"Sorry, master," pagpakumbaba ni Cesar.
"Maupo na kayo!" sabi ni Loki Luis. "Mula ngayon, magiging mahigpit na kami. Hindi kami tatanggap ng dating gangster!" anunsiyo niya at napasulyap sa tatlo. "Made-delay ng one week ang hazing dahil iimbestigahan pa namin ang performance ninyo noong highschool pa kayo."
Napansin niyang naasiwa ang tatlong neophytes na palaging late.
"At kayong tatlo, isa pang absent at hindi na namin kayo tatanggapin sa kapatiran!"
"Yes, master!" sabi ni Justin at pinabaliktad ang sombrero.
"Pakitanggal ng sombrero at ikaw--" sabi ni Loki kay Victor. "Iluwa mo ang bubble gum o lulunukin mo?"
Pasimpleng iniluwa ni Victor ang bubble gum at sa basurahang sa tabi lang niya.
Ipinagpatuloy ni Loki Luis ang pag-discuss ng iilang panibagong patakaran.
Napansin niyang nag-uusap ang tatlo at hindi nakikinig pero hinayaan lang niya. Bago pa man sila pumirmang papasok sila sa grupo, alam naman nila ang patakaran at kung gaano kalakas ang alpha sigma rho at kung gaano kahirap maka-survive dito.
"By the way, sasama kami sa initiation," pagtatapos niya kaya mabilis na napatingin ang tatlo sa kaniya. "Me and my brother."
"Nice!" sabi ni Jason pero kinakabahan din para sa neophytes niya. Siya ang nag-invite kay Justin at isinama naman ni Justin ang dalawang kaibigan.
"Mauna na ako," paalam ni Loki Luis at naunang lumabas sa meeting. Mamayang gabi, isa-isahin niya ang impormasyong ipinasa ng neophytes sa kaniya. Nangangati na rin ang mga kamay niya sa pagsuntok sa tatlong mukhang gangster kung umasta.
Napatigil siya nang lumabas sa CR ng mga babae si Atheina.
"G-Good morning, sir," alanganing bati nito.
"Afternoon na," sabi niya.
"Good afternoon pala."
"Wala pa kayong pasok?"
"Wala pa po ang teacher," sagot nito.
"Kita sa parking lot," sabi ni Loki Luis pero naalalang wala pala siyang cellphone number nito pero napakaalanganin namang ngayon pa niya hihingiin.
"Luis!" tawag ng papalapit na ama.
Bumalik na sa klase si Atheina.
"Ba't ka napadalaw?" tanong niya sa ama habang palakad sila patungo sa office niya.
"Kamusta ang CTU?"
"Okay lang po," sagot niya.
Binuksan niya ang opisina at dumiretso sa office.
"Coffee, please," sabi ni Lance Leonard sa secretary ng anak at sinundan ito sa loob.
"Biglaan yata ang pamamasyal mo rito?" tanong ng binata at pinaikot ang swivel chair na parang batang naglalaro lang.
"Parang kailan lang, kayo pa ang estudyante rito," ani LL.
"No. Parang kailan lang, kayo pa nina Mommy ang estudyante rito," pagtatama ni Luis kaya natawa ang ama.
"Si Gab, masyadong bulgar ang panliligaw kay Nica," ani LL na sa mukha ng anak ang mga mata.
"Yes. Alam ng lahat ng taga CTU 'yan noon."
Napabuntonghininga si LL at sumeryoso.
"Pero ikaw, bawal makipagrelasyon sa estudyante sa paaralang ito," paalala niya.
"Wala naman ah," napaismid si Loki Luis.
"Pinapaalahanan lang kita," sabi ni LL at lumabas saka lumipat sa sariling opisina.
Napabuntonghininga ang binata. Bawal daw. Paki niya? Wala naman siyang nagugustuhang estudyante.
Natulog muna siya pero nang bandang alas kuwatro ay nagising sa mahina at sunod-sunod na katok kaya tinatamad na bumangon siya.
"Bakit?" inaantok pang tanong niya nang buksan ang pinto.
"Nasa labas si Miss Vasquez," sagot ni Nancy.
"Bakit?"
"May dalang estudyante, nagrambulan."
"Wait lang, hilamos lang ako," sabi niya at muling isinara ang pinto. Rambulan na naman. Araw-araw may rambulan.
Naghimalos siya saka lumabas pero napakunot ang noo nang makita kung sino ang isa sa mga estudyante.
"Shit! Anong nangyari?" bulalas niya sabay lapit sa apat na students.
"Sir," ani Miss Vasquez.
"Bakit duguan si Atheina?" galit na tanong ni Loki Luis. Punit ang harapan ng damit nito at natanggal ang dalawang butones sa ibaba ng uniporme. Dumudugo pa ang ilong nito at may sugat sa kilay.
Napatingin siya sa dalawang estudyanteng magulo rin ang buhok.
"Nagrambulan sil--" Miss Vasquez.
Napanganga sila nang hilain ni Loki Luis si Atheina palabas ng opisina.
"T-Teka, saan mo 'ko--"
"Tang'na! Duguan ka na nga, sa opisina ka pa nila dinala? Nasaan ang utak nila?" galit na sabi niya na walang pakialam sa mga estudyanteng nakakasalubong kahit na pinagtitinginan na sila.
Napayuko na lang ang dalaga hanggang sa nakarating sila sa clinic.
"Sir!" mabilis na tumayo ang dalawang nurse nang makitang hindi maipinta ang mukha ng binata.
"May doctor?" tanong ni Luis na pinaupo ang dalaga sa kama.
"Wala ho si Doc e."
"Kailangan ng opera."
"Mababaw lang ang sugat ko," sabat ni Luis. Frat king ito kaya sigurado siyang kabisado nito ang klase ng sugat at kung anong gagawin.
Lumapit si Loki Luis sa dalaga at sinipat. Okay, natataranta na siya kaya pinakalma niya ang sarili. For Chrit's sake, ang arte yata niya. Gasgas lang naman ang meron sa dalaga pero heto siya, parang tanga na nagkukumahog. Paano, ayaw niyang makakita ng babaeng nasusugatan.
Naupo siya habang pinagmasdan ang nurse na naglilinis ng sugat ng dalaga.
"Wait lang po, kuha lang ako ng gauze," sabi ng nurse dahil ang isa nitong kasama ay may mino-monitor na vital signs ng isang guro sa kabilang kama.
"Okay ka lang? Masakit pa ba?" tanong niya nang sila na lang ang maiwan.
"Okay lang ako."
"Bakit hinayaan mo ang sariling ganyanin ka?" walang emosyong tanong ng binata.
"Hindi naman masakit na," sagot ng dalaga na hindi makatingin dahil alam niyang nagpa-panic si Loki Luis.
"Hindi masakit?" bulalas ni Loki Luis.
"Sir? Lalagyan ko lang ng gauze pad," sabi ng papalapit na nurse kaya napatingin sina Loki Luis at Atheina dito.
"Okay lang ako," sabi ni Atheina pero bago pa makalapit ang nurse, naisara na ni Loki Luis ang kurtina kaya napapreno ito habang bitbit ang medicine tray.
"S-Sir--" Nanlaki ang mga mata niya nang sakupin ni Loki Luis ang mga labi niya. Napalunok siya nang laway nang idiniin nito ang mga labi sa mga labi niya.
"Sa susunod, lumaban ka. Kung puwedeng patayin mo sila, gawin mo!" nagbabaga ang mga matang sabi niya.
"B-Bakit mo ako hinalikan?" sobrang hina pero wala sa sariling tanong ni Atheina. Halatang nabigla ang binata at namula ang magkabilang pisngi.
"Bayad sa pagpaalala sa akin," bulong ni Loki Luis saka binuksan ang kurtina. "Pakilagay na ng gauze," sabi niya sa nurse.
"Y-Yes po, sir," naiilang na sagot ng nurse.
"See you sa condo," sabi ni Loki Luis kaya nanlaki ang mga mata ni Atheina at napatingin sa nurse. "Sa office pala," pagtatama ni Loki Luis. "Kakausapin ko lang ang kalaban mo at mamaya ay ikaw na naman."
Lumabas na si Loki Luis pero nahihiya pa rin si Atheina sa nurse. Nakahalata kaya ito? Pero mukhang patay-malisya naman ang nurse. Sana lang talaga hindi nito nag-isip ng masama sa inasta ni Loki Luis.

BINABASA MO ANG
Good Boy Gone Bad
Misterio / SuspensoGOOD BOY GONE BAD by: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE "Good Boy Gone Bad" Well-trained. Pasikreto siyang tinuturuan para ihanda sa tungkuling habambuhay niyang gagampanan. Tahimik na ang lahat pero biglang niyanig ang mundo ng fraternities and sorori...