18

650 27 0
                                    


GOOD BOY GONE BAD

by:sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 18

Unedited...

"Magkano ang magpa-eye surgery para magmukhang Chinese?" tanong ni Seven sa dalagang nagsusuot ng itim na jacket. Bagong gupit din ito at bumagay ang sobrang iksing buhok.
Balingkinitan ang katawan ni Bloom kaya kahit anong isuot lalo na hapit, nagmumukhang sopistikada maliban sa porma at kilos nitong astigin.
"At magkano ang napupunta sa account mo sa pagbabantay sa buhay ko?" tanong nito na inipit ang maliit na baril sa tagiliran. Kinuha nito ang pouch na puno ng deadly weapons. Sa unang tingin, mukhang lipstick lang ang mga ito pero may nakatagong blade at ang powder ay nagiging shuriken kapag pipindutin sa sobrang liit na button. Kahit ang powder nito ay sobrang nakakalason.
"Tatakas ka?"
"Magsusumbong ka? Sumbong ka para matahi ko 'yang bibig mo!" dinampot niya ang itim na sombrero saka isinuot at lumabas pero naramdaman niyang sinusundan siya ni Seven.
"Bakit ka sumusunod?" singhal niya.
"Sumigaw ka pa para magising sila," nakangising sabi ni Seven kaya mas lalong naningkit ang mga mata ng dalaga. Oo, pina-surgery nga niya ang mata niya para magmukha siyang Chinese.
"Ano ba ang problema mo, ha?"
"I'm going with you."
"What?" bulalas niya.
"Yes, aalis tayo. Mag-nightout."
Nakapamulsang hinarap niya si Seven at gigil na lumapit para suntukin pero agad na nasalo ng binata.
"Easy, baby. Magna-nightout pa tayo." Hinatak niya si Bloom patungo sa pintuan na nagkokonekta sa tagong parking lot. "Ayaw mo? Samahan kita."
"Bitiwan mo nga ako!" singhal na naman niya saka sinipa sa tuhod ang binata kaya napangiwi ito.
"Ikaw, napakasadista mo! Kahapon, muntik mo nang mapatay si Loki."
"Talagang papatayin ko ang hayop na 'yon!" gigil na sabi niya. Puputulan pa niya ng pagkalalaki para matigil ang kaligayahan.
"Killjoy ka. Hayaan mo na siyang sumaya."
Napaatras siya nang dukutin ni Bloom ang isang lipstick. "B-Bloom naman, bitiwan mo 'yan. Ayaw ko ng away. Gusto ko lang talaga lumabas."
Mukhang demonyo pa rin ang mukha ng dalagang may hawak na lipstick.
"Sige, hindi ka makakaalis kapag magsinuplada ka," sabi niya at itinaas ang hawak na cellphone. "One call away, baby."
"Psh! Pagsamahin ko pa kayo e!" naiinis na sabi ni Bloom saka sumakay sa mamahaling pulang sasakyan. Mabilis na tumalima ang binata at naupo sa tabi nito.
"Ako na ang mag-drive."
"Manahimik ka!" sabi ng dalaga at pinaharurot ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na bar.
"Ako na ang oorder," bulong ni Seven saka ibinaba ang cap ni Bloom para matakpan ang mukha.
"Madilim naman!"
"Gusto ko lang makasigurado," sabi niya na nakajacket na rin at sombrero para walang makamukha sa kanila.
Nagpa-reserve na rin si Seven ng VIP room. Huwag lang talaga sila mahuli ni Loki Luis kahit na kontrolado nila ang CCTV.
Habang hawak ang boteng kalahati na lang ang laman, napapaisip si Seven. Oo, mayaman siya. CEO nga siya ng software company sa ibang bansa pero walang thrill ang buhay niya kaya pumayag siya sa offer ni Dylan dahil founder din ng alpha sigma rho ang lolo niya at bestfriend ni Patch ang lola niya. Sina Lyn at Andrian Montemayor. Arguella na ang apelyido nila dahil babae ang nag-iisang anak nina Adrian at Lyn.
Napatingin siya kay Bloom na malalim ang iniisip habang inom nang inom.
"Hindi tubig 'yan," sabi niya.
"Shutup, bitch!" inirapan siya nito kaya napailing siya.
"Anong plano mo after ng mission natin?" seryosong tanong niya.
"Wala ka na roon!" sabi ni Bloom na sumalubong ang kilay. Pagkatapos ng mission? Siguro magpakamatay na lang siya. Wala na rin naman siyang pamilyang babalikan. Kinuha niya ang sigarilyong nasa mesa at nagsindi ng isa.
"Smoker!" narinig niyang sabi ng kaharap kaya tinapon niya ang hawak na sigarilyo kaya napatayo agad ito.
"Pano kung sa mukha ko tumama?" bulalas ni Seven.
"E di sa mukha," sagot ng dalaga saka tumayo. "Ihi lang ako."
Muli niyang isinuot ang sombrero at lumabas patungo sa CR.
"Hmmp!" impit na ungol ng isang tao kaya napatigil siya sa paglalakad at nagtago sa kilid ng poste. Buti na lang dahil nakapuro itim siya. "Bitiwan--ugh!" daing ng babae.
"Huwag kang maingay, gurl! Di ba mabait ka? Gusto mong pinag-aagawan, 'di ba?" sabi ng babae na linga-linga pa habang nakatakip ang kamay na may panyo sa babaeng halos maghubad na sa suot na damit. Wala na itong malay.
May lumapit na dalawang lalaki sa mga ito.
"Kunin n'yo na siya!" utos ng babae sa dalawang lalaking nakatakip ang mukha.
" Black dragon," bulong niya saka dinukot ang face powder na nasa bulsa pero mabilis na nakaalis ang mga lalaki tangay ang babaeng biktima. Ang babae na lang ang harapin niya.
Mahigpit ang pagkahawak niya sa facepowder at ihahagis na sana niya nang mapalingon ang babae kaya nakita niya ang mukha nito. Paano niya papatayin ang kapwa babae? Naikuyom niya ang kanang kamao nang lumagpas sa pinagtataguan niya ang babae.
Ilang minuto nang wala ang miyembro ng black dragon kaya lumabas na siya at nag-CR. Naghilamos muna siya bago lumabas.
"Ang tagal mo naman yata?" tanong ni Seven na nakasandal sa pader sa labas ng restroom.
"Wala ka na roon!" pagsisinuplada niya saka nilagpasan ang binatang sumunod naman sa kaniya pabalik sa VIP room. Ipinagpatuloy nila ang pag-inom hanggang sa nakatulog si Bloom.
"Ba't ba kasi ako sumama?" naiinis na tanong niya. "Hoy!" Ginigising niya pero ayaw na talagang bumangon. Nakailang yugyog na nga siya.

Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon