1

2.8K 49 0
                                    

GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 1

Unedited...

"Siya ang unang biktima," seryosong sabi ni Dylan habang hawak ang remote. Lahat sila ay nakatingin sa screen na may litrato ng lalaking naka-facemask na pumasok sa SOP (School of Psychology.) Naka-shades din ito at sombrero nang pumasok.
"Kapwa member, pinapatay nila kapag bumagsak sa mission," ani Christian at pinaikot ang swivel chair.
"Pag-aralan mo ang kilos niya!" sabi ni Dylan na kay Loki Luis ang mga mata. "Hanapin mo siya."
"Psh! For what?"
"Ikaw ang huling nakausap ni Rose bago siya mawalan nang buhay, remember?" sagot ni Christian na sa lalaking nasa screen ang mga mata. "Nandiyan lang siya sa paligid."
"Wala akong pakialam," sagot ni Loki Luis na na-stress na kung sino man ang lalaki.
"Sa CTU na siya."
Napalingon sila nang pumasok si Oliver nang hindi nila napansin. "May impormasyong estudyante siya sa CTU kaya malaki ang posibilidad na gusto nilang pasukin ang kota natin. Hinigpitan ko na ang IT para makapaghanda sa hacker nila."
"Talagang binubuhay nila ang gang nila?" hindi makapaniwalang tanong ni Dylan. "Alam na ba ito nina Drew at Drei?" Na ang tinutukoy ay ang Bautista twins. Lalo na si Drei na may matinding galit sa sinasabing gang dahil ito ang dahilan kung bakit minsan nang nasira ang buhay ng kanilang ina.
"Hindi pa. Mahirap na dahil baka hindi si Drei makapag-isip nang matino," sagot ni Christian.
"Hawakan mo ang misyon na ito," sabi ni Dylan kay Loki Luis.
"Bakit ho ako?" hindi makapaniwalang tanong ng apo. "Puwede naman si Daddy."
"Anong asahan mo kay LL?" tanong ni Dylan na wala talagang tiwala sa mga anak. "Eh mas matapang pa nanay ninyo sa kaniya?"
Napakamot siya ng batok. Ang kakambal niya kasi may asawa na rin at mahina sa exercise dahil sa katabaan. Pumayat naman ito pero ngayon, mukhang lumulubo na naman. Palibhasa mahal naman ng asawa kahit sobrang taba noon.
"Lolo? Bakit ako?" bulalas niya. Bata pa lang siya, alam na niyang siya ang susunod na yapak sa lolo niya. Kaya nga pasikreto siyang tine-train ng mga ito at pinag-aralan niya ang pasikot-sikot tungkol sa fraternities at sororities.
"Huwag ka nang magreklamo," sabi ni Dylan. Sa lahat ng apo niya, si Loki Luis ang pinakamabait at walang kalokohan. Wala rin siyang nababalitaang naging interesado ito sa mga babae noong nag-aaral pa. Ang rason nito, wala siyang time sa mga babae.
"Pag-aralan mo ang lahat at makipag-coordinate ka rin sa IT natin para makasigurado tayo," ani Christian.
"Are you sure na mapagkatiwalaan ang head ng IT department?" nagdududang tanong niya.
"May nakasubaybay sa kaniya," sagot ni Oliver ag naupo sa tabi niya. "Isang pagkakamali at tapos ang buhay niya."
"Paano ninyo napagkatiwalaan ang taong iyon?" tanong ng binata.
"Alam mo ang rason," sagot ni Dylan at inabot sa kaniya ang USB. "Pag-aralan mo ang kilos niyan at aralin ang bawat galaw. Make sure na matagpuan mo siya sa CTU dahil siya ang magdadala sa atin sa leader nila."
"Haist! Gusto ko na talaga ng private life at sana man lang, magkapamilya rin ako bago mapatay sa misyong ito."
Napabuntonghininga si Dylan. Alam naman niyang hindi na ito nag-ienjoy sa buhay.
"Pagkatapos nito, malaya ka na, Luis. Puwede mong talikuran ang pagiging fraternity king at mamuhay kasama ang matitipuhan mong babae."
"Sana doon ka na lang kukuha sa taga isla, tutal mga palaban sila. Totoong assasins at ninja talaga sila." Hinaing niya. Ano ba ang laban niya? Eh, hindi naman siya ganoon kabihasa sa ganiyang laban. Isa pa, wala siyang actual na laban.
"Magpahinga ka na at kilalanin mo kung sino siya dahil mula sa Lunes, sa CTU ka na magtrabaho bilang dean ng criminology." Ani Dylan. Walang balak na manatili ang mga apo sa isla at masyado silang mainitin ang ulo. Kailangan niya ng mahinahon at mas nananaig ang utak kaysa galit. Isa pa, sandata ang batas ng mga taga isla at baka mapano pa ang miyembro ng alpha sigma rho. Isa pa, wala sa isla ang laban kundi nandito sa Maynila.
"Fuck!" mahinang pagmura niya at napahilamos sa mukha.
"Kumilos ka nang mabilisan dahil tatlong sorority members na ang nagahasa at dalawang fratmen ang namatay. Isang megano at isang betans," sabi ni Oliver. Iisang paraan lang ang pagpatay, ginigilitan nila ng leeg at minamarkahan ng itim na dragon sa dibdib. Ang mga babae ay naka-video habang ginagahasa at ipinasa sa website ng Asirhonians.
"Magpapahangin lang po ako," paalam ni Loki Luis at lumabas ng meeting room ng bahay nila.
Dumiretso siya sa balkon at nanigarilyo kahit na hindi naman siya smoker. Na-stress siya.
Two years na. Two years nang sumabog ang balitang namatay ang isa sa tauhan ng black dragon gang para bumagsak ang mga Villafuerte. At siya ang huling nakausap nito.
Dinukot niya ang maliit na litrato ng lalaking nakuhanan nila ng CCTV.
"Mahahanap din kita!" bulong niya.
-----------------------------
"Good morning," bati ng secretary niya nang pumasok siya.
"Morning," tipid na bati rin ni Loki Luis at dumiretso sa table niya. Ayaw niya ng crim students dahil kada linggo, may nagrereklamo dahil sa sapakang nagaganap kaya sa nursing department siya nagpa-assign.
"Sir? May papagawa ka ba?" tanong ni Nancy sabay lapag ng brewed coffe sa table niya.
"No, thanks. Pakisara ng pinto," sabi niya kaya isinara ni Nancy ang pinto nang makalabas.
Agad na binuksan niya ang CCTV pero sa entrance lang. Inisa-isa niyang inobserbahan ang mga pumapasok.
"Psh! Bully!" napailing siya nang makita ang mga pinsang may ginagawa na namang kalokohan.
Napabalikwas siya nang tumunog ang cellphone. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya dahil sa pagod. Gabi-gabi pa naman siyang hindi nakakatulog.
Ang kakambal lang naman ang tumatawag kaya hindi niya sinagot.
Tumayo siya at lumabas.
"May kailangan ka, sir?" tanong ni Nancy na tumayo nang makita siya.
"Manood ka ng youtube kung wala kang gagawin," sabi niya. Si Nancy ay miyembro ng sorority. Ang lolo nito ay isa sa founders ng Tau Gamma kaya maaasahan talaga siya.
Lumabas siya ng office at naglakad-lakad. Napansin niyang umiiwas ang iba sa kaniya kaya napa-smirk siya.
Pupunta siya sa carenderia. Pagpaliko niya, saktong may nabangga siya pero ang nakabangga sa kaniya ang tumalsik.
"Aw!" daing nito at inisa-isang pinulot ang dalang plato.
"Ano ba? Di ba sabi namin, dalhin mo 'yan sa--" napatigil ang maarteng babae sa pagsalita nang makita si Lokie Luis. "May pasok pa pala ako," sabi nito at agad na tumalima.
Pinagmasdan ni Loki Luis ang babaeng pinulot ang buo pang mga plato at iniwan ang mga nabasag.
"Lilinisin ko na lang," sabi ng babae. "Babalikan ko po ang mga nabasag ko."
"May tigalinis ang school campus kaya hayaan mo na," wika ni Loki Luis at pinagmasdan ang dalagang pinagpapatong ulit ang babasaging plato. "I assumed na baguhan ka rito."
Tumayo ito at bahagya siyang tiningala. Mahaba ang pilikmata ng babae kaya tila namumungay ang mga mata nito. Makinis din at may mamula-mulang kutis. Mahaba ang buhok at artistahin ang dating pero sobrang simple lang. Ne wala ngang makeup pero halatang may kaya sa buhay. Mas matangkad ito kaysa karaniwang pinay at may pagkamodel ang mukha at katawan. Well, iyon ang first impression ni Loki Luis.
"Yes po," sagot nito. "Ikaw? Estudyante ka po ba rito?"
"No, ako ang dean ng nursing department," sagot ng binata. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng kaharap kaya napailing siya. "Why? Mukha ba akong janitor dito?"
"S-Sorry, I thought estudyante ka," paumahin ng dalaga.
"Do I look younger than teachers here?" Tumaas ang kanang kilay niya.
"Y-Yes..." sagot ng dalaga.
"I see..." ani Loki Luis. "Bakit may bitbit kang plato?"
"Sabi nila, dalhin ko raw sa cafeteria."
"Nila?"
"Member daw sila ng sorority."
"Sasali ka?"
Umiling ito.
"Wala akong balak na sumali. Kaso nasa kanila ang ID ko kaya kailangan ko silang sundin dahil kung hindi, hindi ako makakapasok bukas," paliwanag ng dalaga.
"Anong sorority?" tanong ni Loki Luis.
"H-Hindi ko alam e. Basta kaklase ko ang isa sa member nila," sagot nito na halatang nairita.
"I see." ani Loki Luis. "Do you know me?"
"Dean ng nursing?" patanong na sagot nito kaya natawa ang binata.
Napakunot ang noo ng dalaga sa inasal ng kaharap.
"Pasensiya ka na, alis na 'ko, sir," paalam nito at iniwan siya. "Babalikan ko na lang po ito."
"Ako na ang magpatawag ng maglilinis," sabi ng binata.
"Sure ka po?"
"Yes," sagot ni Loki.
"Sige po, salamat, sir."
Bitbit ang mga plato, tinalikuran siya ng babae. Pinagmasdan ni Loki ang bawat kilos ng dalaga habang palayo sa kaniya. Kahit na nakatalikod, nandoon ang pagiging mahinhin nito pero may pagkainosente rin.
"Oh shit!" aniya nang maalalang hindi niya natanong ang pangalan nito. "For what?" agad na tanong niya sa sarili at napatingin sa isang estudyanteng lalaki. "Hoy! Pakitawag ng tigalinis nito."
Agad na tumalima ang lalaking estudyante at sinunod ang gusto niya.
Dinukot niya sa bulsa ang cellphone at binasa ang text ni Gab. May meeting daw ang mga asirho ngayon at imbitado siya dahil may mga neophytes kaya dumiretso siya sa classroom na nakatalaga ang alpha sigma rho. Legal ang fraternities, sororities at frasorities sa CTU kaya may kani-kaniyang adviser at classroom ang lahat.
"Mabuti naman at dumalo ka," sabi ng kakambal nang pumasok siya.
Sa pinakadulo sila naupo at inobserbahan ang mga miyembro ng meeting. Isa-isang nagpakilala ang mga ito. Tahimik na nakaupo lang naman ang sampung neophytes sa left side sa unahan.
"Tingin mo, may miyembro na kaya ang gang na nakapasok dito?" bulong ni Gab.
"Hindi ko alam pero malamang," sagot ni Loki Luis na kanina pa inoobserbahan ang bawat kilos ng neophytes. Anim ang medyo payat at ang apat ang medyo chubby.
"Di ba payat ang nasa CCTV?" bulong ni Gab. Marami ang may ganoong katawan na ka miyembro nila. Isa pa, hindi nila matantiya kung gaano ito katangkad.
"Or puwede ring tumaba," ani Loki Luis na napatingin sa neophytes na unang pumunta sa gitna para magpakilala.
"Hey, may jowa ka na ba?" bulong nito.
"Bakit? May ipakilala ka?"
"Nagtatanong lang. Dapat pinatulan mo na si Sheryl," sulsol ni Gab.
"Gagawin ko sa kabit mo?" mahinang bulalas ni Loki. Paano, inirereto ni Gab ang ex nitong si Sheryl. Meron pa nga yatang pustahan ang dalawa na akitin siya pero hindi nagtagumpay si Sheryl. Isa pa, mabait naman ang dalaga sa kaniya kaya wala siyang balak na samantalain.
"Susumbong kita kay Nica na may kerida ka," pagbabanta niya.
"Huwag. Wala naman hayop ka!" sabi ni Gab. Baka maniwala ang asawa niya kaya mapapatay talaga niya ang kakambal. Isa pa, kawawa lang siya dahil sa triplets na anak.
"Intindihin mo na lang asawa mo."
"Ayaw mo talaga magkajowa? Sayang ka pogian mo," panigurado ni Gab.
"Huwag mo akong buwesitin!"
"Wala kang jowa. Ibig sabihin, virgin ka pa, right?"
"Shutup, Gab!"
"Ibig sabihin, virgin pa ang bagong fraternity king?"
"Pota! lilitsunin na kitang baboy ka!" pagbabanta niya sa kakambal na ikinatawa nito nang malakas kaya napalingon ang mga miyembro sa kanila.
"Proceed sa pagpakilala!" seryosong sabi ni Loki Luis kaya bumalik na sila sa meeting.
"Panira ka!" daing ni Loki Luis at napasulyap sa tatlong lalaking pumasok. Ang isa ay nakasombrero at may hikaw sa kanang tainga. Ang isa naman ay nakanguya pa ng bubble gum. At ang isa ay mukhang hindi sasali sa frat dahil maamo ang mukha.
"Neophytes pa lang kayo, late na kaagad?" seryosong tanong ng presidente nila.
"Sorry, master. May pinagawa pa kasi ang teacher namin," paumanhin ng ngumunguya ng chewing gum. "Nag-text ako kay Ninong." Na ang tinutukoy nito ay ang nag-recruit sa kanila.
"Dito sa gitna at magpakilala!" sabi ng MI nila. Ito ang tigapads sa tuwing may initiation sila.
"Magandang tanghali po, ako pala si Victor," pagpakilala ng nauna.
"I'm Justine," pagpakilala rin ng nakasombrero.
"I'm Cesar," ani ng mukhang mabait pero mas pogi sa kanila.
Balingkinitan ang pangangatawan ng tatlo at may hitsura. Tila magiging heartthrob din ang mga ito pero pansin ni Loki Luis na may attitude ang mga ito.
Tinawag niya ang president at kinausap nang masinsinan pagkatapos ng meeting. Naunang umuwi si Gab dahil hinahanap na raw ito ng mga anak.
"Higpitan ang lahat ng neophytes bago ipa-survive," sabi niya. Lahat ay puwedeng paghinalaan. Alam ng president ang nangyayari sa grupo kaya double ingat na sila sa pagpapasok ng miyembro.
"Sige, brod!" sagot nito.
"Padala mo ang lists ng neophytes at mag-background check din ako sa kanila," sabi niya.
"Sige, send ko sa 'yo ang files," sabi nito.
"Ingat din sa paggamit ng website dahil magaling ang hacker ng black dragon," paalala ni Gab.
"I will, brod."
"Send mo na rin ang lahat ng miyembro mula nagkaroon ng patayan at rape para maimbestigahan."
Tumayo siya at hinarap si Jason.
"Ikaw ang presidente ngayon kaya nakasalalay sa 'yo ang buhay ng miyembro mo. Iwas muna kayo sa bar at huwag umuwing mag-isa," payo niya.
"'Yon nga rin ang bilin ko sa mga miyembro ko," sagot ni Jason.
"Sige. Kapag may kailangan kayo, nasa office lang ako," paalam ni Loki Luis at nakipag-handshake muna kay Jason bago lumabas.
Habang palakad, makasalubong niya ang tatlong neophytes pero ne hindi siya pinansin ng mga ito dahil sa kulitan ng mga ito.
"Ang ganda ng kaklase natin," sabi ni Justine na nakasombrero sa kanila.
"Alin don? Sa unahan ang trip ko, pare." Tanong ni
"Gago! Iyon din ang akin. Sa pinakagilid?" tanong ng nakasombrero.
"Ulol! Oo. Sorority ba siya?" tanong ni Victor na mahilig mag chewing gum.
"Hindi yata."
"E di hindi pako?" natatawang tanong ni Justin. "Ayos yon."
"Anong pako?" tanong ni Cesar na pinakatahimik sa kanila.
"Pokpokin!" natatawang sagot ni Justine.
Napailing si Loki Luis nang lagpasan ang tatlo.
"Shit! Makakasalubong natin siya!" sabi ni Justine kaya na-curious si Loki Luis.
"Hi, classmates!" bati ni Victor kaya napalingon si Loki Luis para makita ang mukha ng tinutukoy nila.
Ito ang babaeng nakabangga sa kaniya kanina. Ngumiti lang ito sa tatlo at nilagpasan ang mga ito.
Umiwas ito ng mga mata nang makita si Loki Luis.
"Nalinis na ba ang nabasag na plato?" tanong ni Loki Luis at sinabayan ito sa paglalakad habang nakapamulsa siya.
"Opo. Nalinis na po nang bumalik ako," sagot nito na nakayuko.
"Anong department ka?" tanong ni Loki. "First year ka pa lang, right?"
"Yes po, first year nursing," sagot nito kaya lihim na napangiti si Loki Luis.
"What's your--" Napapreno siya.
"Ho?" nakatinging tanong nito kaya napangiti siya.
"Wala," sagot ni Loki Luis at walang paalam na lumiko.
No. Hindi puwedeng makipaglapit siya sa mga babae dahil bilang bagong fraternity king, kailangan niyang pigilang makipaglapit sa kung sino mang babae dahil darating ang panahon na ito mismo ang makapahamak sa kaniya.

a/n:

It might be a little bit boring kasi tungkol sa frat pero tingnan natin ang daloy ng kuwento. Hehehe...

Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon