GOOD BOY GONE BAD
by:sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 25
UNEDITED...
"Bago natin sila isuko sa batas, tayo muna ang aareglo. Kung hindi na kaya, wala tayong magagawa kundi i-forward sa gobyerno ang lahat," sabi ni Dylan. May meeting ang lahat ng fraternity at sorority official sa meeting room ng CTU.
"Dapat lang na makulong sila sa bilangguan!" Puno ng galit na sabi acting president ng sorority ni Sharon. "Pinatay nila si Shaina! Si Sharon ang may pakana ng lahat!"
"Teka lang–" Pero natahimik si Jason nang sumenyas si Loki Luis na tumahimik.
"Or baka naman hindi ninyo sila mahatulan dahil mga babae sila?" maarteng tanong ni Marvelous. "Dapat sa kanila gahasain muna ng lahat ng lalaki at patayin!"
Sabi na nga ba eh, babae ang magiging kalaban nila sa desisyong gagawin kaya mas lalong sumasakit ang ulo ni Dylan.
"Bakit hindi natin itanong ang desisyon sa bagong fraternity king? Siya ang dapat na magdesisyon niyan," suhestiyon ni Oliver.
Walang nakakaalam na si Atheina ang bagong leader ng black dragon maliban kina Dylan at Loki Luis.
Napatingin sila kay Loki Luis na kanina pa nakikinig sa usapan.
"Maari ba naming malaman ang pasya mo?" tanong ni Marvelous.
Inilapag ni Loki Luis ang parker ballpen sa mesa na kanina pa nilalaro ng mga daliri niya.
"Lahat ng sumuko, handang magbago at napilitan lang dahil papatayin din sila kapag hindi sila sumunod sa misyon nila," sabat ni Christian. "Sila ang mga hindi pa fully pledge na black dragon kaya mabibigyan natin sila ng sapat na pagkakataonng magbago."
"Paano ang leader nila?" Maarteng tanong ng isang leader ng sorority. "Babae raw?"
"Patayin natin siya!" sabat ni Loki Luis na hanggang ngayon, inilihim ang tunay na pagkatao ni Atheina sa lahat. Walang frat na involved sa misyon nila. Tauhan pa rin ng pamilya ang ninja at assasins na tumulong kaya si Jason lang ang nakakaalam ng lahat. Well, maliban kina Oliver at Christian dahil bahagi na rin naman sila ng pamilya Lacson.
Napalingon sina Christian, Oliver at Dylan kay Loki Luis.
"Kamatayan niya kapalit ng miyembro niya. Gagahasain siya at pagkatapos ay painumin ng lason kagaya ng ginawa niya sa isang kasamahan nila," seryosong dagdag niya.
"Hindi tayo nanggagahasa. Hindi gangster ang fraternities!" madiing paalala ni Dylan sa apo.
"Ganoon ba? E di pahirapan na lang bago siya patayin," sagot ni Loki Luis. "Tutal, lahat naman tayo nag-aagree na patayin siya, 'di ba?" Inisa-isa niyang tiningnan ang mga tao sa loob ng maliwanag at malaking silid. "Itaad ang kamay ng may gustong patayin ang leader ng black dragon?"
Halos lahat ay walang pagdadalawang-isip na tumaas ng kamay. Ang mga babae ay dalawang kamay pa nga ang nakataas.
"Okay, pahirapan bago lasunin. Ganoon naman ang ginagawa nila sa mga kasamahan kaya iyon din ang magiging hatol ko." Buo na ang pasyang sabi niya.
Nagpatuloy ang meeting at nang matapos ay sumama muna siyang mag-lunch kina Dylan sa tambayan nila.
"Sigurado ka ba sa pasya mo?" tanong ni Dylan habang kumakain sila.
"Oo naman po," sagot ni Loki Luis matapos sumubo.
"Akala ko nadali ka ni Atheina," sabi ni Oliver kaya natawa si Loki Luis.
"Ginagawa ko lang ang tungkulin ko bilang fraternity king," sagot ni Loki Luis. "Isa pa, umpisa pa lang alam ko na pong kalaban siya."
Ngayon lang din nila inamin na si Atheina rin ang matagal na nilang hinahanap na killer ni Rose.
"Paano si Matter?" tanong ni Dylan. "Ipapaalam n'yo ba?"
"Nangako ako kay Ate Bloom na walang makaalam kahit pa si Kuya Matter. A promise is a promise," sagot niya. Isa pa, masaya na rin naman si Matter kasama ang buong pamilya. Kahit ano pang gawin, hindi rin niya nakitaan ng pagsisisi si Bloom.
Matapos nilang kumain, umuwi sila ni Dylan.
"Ayaw raw kumain ni Atheina," sumbong ni Ann na agad silang sinalubong.
"Bakit?" tanong ni Dylan.
"H-Hindi ko alam," sagot ni Ann na hindi pa talaga nakita ang bihag nila dahil natatakot siya.
"Ako na po ang–" Napatigil si Loki Luis nang hinawakan siya sa kanang kamay ng lola.
"H–Huwag, baka patayin ka niya . . ."
Dahan-dahang inalid ni Loki ang kamay ng lola.
"It's okay, Lola. Alam ko ang ginagawa ko at hindi niya ako sasaktan. Well-trained kaya 'to," mahinahong sabi niya. Hindi sanay ang matanda sa pakikipaglaban at wala talaga itong alam dahil ang lolo niya ang tagapagtanggol nito mula noon.
Kumuha muna siya ng pagkain sa kusina saka dumiretso sa kuwarto ni Atheina.
Nakahiga ito nang pumasok siya.
"Kumain ka na, may sabaw 'to."
"Papatayin mo naman ako, bakit mo pa ako papakainin?" Salubong ang kilay na tanong ni Atheina saka tumayo. "Alam mo bang puwede kitang patayin ngayon?"
Mahinang tumawa ang binata.
"Sampu ang kapalit ng buhay mo at pati na rin pala ang kaluluwa mo," sagot ni Loki Luis. "Kumain ka na, may sabaw 'to."
"Patayin mo na ako ngayon!"
Naupo si Atheina sa couch at tiningala ang binatang nakatayo sa harapan niya.
"In two months," sagot ni Loki Luis at napatingin sa katawan ng dalagang manipis ang puting bestida nito kaya nasisilip niya ang nipples nito.
"Titigan mo lang hanggang sa magsawa ka!" sabi ni Atheina nang mapuna kung saan nakatutok ang mga mata ng kaharap.
"Hindi na ako interesado sa babaeng katulad mo." Malamig na tugon ng binata. "Tumaas na amg standard ko."
"Good!" ani Atheina.
"Kumain ka na, ayaw kong magutom ka. Kahit sabaw lang."
"Hindi ako kaka–."
"Kapag hindi ka kumain at magkasakit ka bago ka patayin, uunahin namin si Sharon na patayin!" pagputol ng binata sa sasabihin ni Atheina.
"Huwag mong pakialaman si Sharon!"
"Kaya kumain ka kahit sabaw lang!" pakipagtalo ng binata kaya gigil na kumain si Atheina.
"Lumabas ka na bago ko pa matapon ang sabaw sa 'yo!"
"Ayaw mong makita ang poging mukha ko?"
"Labas!" singhal ni Atheina.
"Bukas pala, mag-ayos ka dahil alas sais ng gabi, magdi-dinner tayo kasama ang ex ko," sabi ni Ian kaya napatingin si Atheina rito. "Well, behave ka dahil hawak ko ang tauhan mo."
"Ayoko!" tanggi ng dalaga.
"Alam mo na ang mangyayari sa kanila."
"Bakit hindi mo na ako patayin para tapos na?"
"Pinahirapan mo ang frat at mga babae namin kaya dapat lang na pahirapan ka namin!" sagot ni Loki Luis. "Isa pa, kailan ko ng bodyguard kaya umayos ka!"
Naikuyom ni Atheina ang kamao saka tumigil na sa pagkain.
"Wala na akong ganang kumain!"
"At least kumain ka," ani Loki Luis. "Maliban sa gangster, marami rin ang nagtatangka sa buhay ng frat king kaya kailangan kita bukas."
"Mauna ka sanang mamatay!"
"Pinapatagal ko lang nang kaunti ang buhay mo dahil babae ka pero kung lalaki ka lang, noon pa lang sa hospital ay pinatay na kita!"
"Hindi mo 'yon gagawin!" sagot ni Atheina. Kailangan siya ng kalaban para masundan at kung mapapatay man siya, magpapadala at magpapadala ang black dragon para ma-assasinate si Rose.
"Matalino ka naman pala," sabi ni Loki Luis at inayos ang kinainan ng dalaga saka inilagay sa tray at binitbit.
"Huwag mong subukang tumakas dahil kung makatakas ka man, wala ring iyong silbi," bilin niya bago tuluyang lumabas. Bantay-sarado ang loob ng bahay at puno ng CCTV lalo na sa kuwarto ni Atheina maliban sa bawat silid ng pamilya dahil privacy nila 'yon.
Nang bumaba siya at inilagay sa kusina ang hugasin, lumapit si Dylan sa kaniya.
"Can we talk?" tanong ni Dylan.
"About what, Lolo?"
"Sa hardin tayo," ani Dylan kaya sumunod sa kaniya si Loki Luis.
"Ang ganda na pala ng mga rosas ni Lola Ann," puna ni Loki Luis habang pinagmasdan ang mga rosas na may iba't ibang kulay ng bulaklak na namumukadkad.
"Anong balak mo kay Atheina? Sigurado ka bang papatayin mo siya?" tanong ni Dylan.
"Kung iyon ang pasya at gusto ng lahat, sino ako para buhayin siya?" seryosong sagot ni Loki Luis.
"Hindi mo ba siya minahal?" usisa ni Dylan.
"Mas mahal ko ang grupo," sagot ng binata. "Pero kung minahal ko ba siya, may magbabago? Mag-iiba ba ang pasya ninyo? Hindi, 'di ba? Nagkasala siya kaya dapat lang na kamatayan ang parusa."
"Oo," sagot ni Dylan at napabuntonghininga. "Pero wala pang hatol na kamatayan sa frat." Lahat ng naranasan nila ay pawang self-defense lang kung may napatay man sila. Pero iyong hahatol sila? Never pa.
"May patakaran tayo, Loki. At hindi ba't gobyerno ang dapat na humatol kay Atheina?"
"Walang lethal o death penalty ang batas ng Pilipinas," sagot ni Loki Luis. "Mapera si Atheina, puwede siyang mang-recruit sa kulungan at makatakas. Gagawa at gagawa siya ng panibagong grupo para makaganti sa atin. Isa pa, baka mabibigyan pa siya ng parol."
Napatingala si Dylan sa langit at pinagmasdan ang ibong malayang lumilipad sa himpapawid. Tama si Loki Luis. At kapag wala na si Atheina, ito na rin ang katapusan ng black dragon at gulo. Mawawala na ang nginig at takot sa lahat lalo na kapag gabi. Isa pa, maraming buhay ang maisasalba nila sa desisyon ni Loki Luis.
"Alis muna ako, Lolo, punta lang sa headquarter," paalam ng binata.---------------------------
" Mapapatay kita!" bulong ni Bloom. Kanina pa siya pabalik-balik sa loob ng silid at gigil na gigil kay Loki Luis. Naririnig niya ang pasya nito kanina sa meeting room dahil iyon ang pakiusap niya sa binata.
"Ba't ganyan ang mukha mo?" tanong ni Seven nang pumasok. "Hindi ka ba masaya dahil malaya ka na?"
"Tumahimik ka!" singhal niya. Ang init na nga ng ulo niya, pinasukan pa siya ni Seven at guluhin.
"Ah, inaalala mo pala ang half-sister na bihag nila. Huwag mong sabihin, loyal ka pa rin sa black dragon na pinapatay ka?"
"Shutup!" saway niya.
"Kukunin ko ang laptop ko," pag-iiba ni Seven dahil pinahiram niya ito kay Bloom.
"Ito ba?" tanong ni Atheina saka tiniklop ang laptop at binuhat.
"Yes–fuck!" pagmumura niya nang buong puwersang ibinagsak ni Bloom kaya wasak ang laptop niya.
"Ikaw– puta! Hindi ka ba makausap nang matino?" gigil na tanong niya. "Nagtitimpi lang ako sa 'yong babae ka, ha!"
"Kapag sinabi kong lumabas ka, lumabas ka! Huwag mong sabayan ang init ng ulo kong punyeta ka!" sigaw ni Bloom kaya pasimple na namang lumabas ang dalawa niyang teammate.
"Kukunin ko lang ang laptop ko pero sinira mo! Anong klaseng tao ka, ha?" Namumula na sa galit ang mukha ng binata.
"Ano na naman 'to?" tanong ni Loki Luis at napatingin sa wasak na laptop sa sahig.
"Hindi porket gusto mong gawin, magagawa mo na!" sabi ni Seven na kay Bloom pa rin nakatingin.
Napahilamos si Bloom at lumapit kay Loki Luis saka sinalubong ng napakalakas na suntok.
"A–Ate . . ."
"Hayop ka! Pinagkatiwalaan kita pero ano ang ginawa mo? Gusto mong patayin ang kapatid ko?" Parang demonyo ang mga mata ni Bloom na nakatitig kay Loki Luis.
Pinahidan ni Loki Luis ang dugo sa kanang bahagi niya.
"Nangako ka, Loki Luis! Kaya nagtiwala ako sa 'yo dahil nangako ka!" bulyaw niya.
Nanlulumong pinulot ni Seven ang laptop. Ito pa naman ang balak niyang i-represent para sa bago nilang ipalabas nextyear at ilang buwan niya itong pinagpuyatan pero sa isang iglap, sinira ni Bloom ang lahat.
"Pasensiya ka na, Ate Bloom, pero mas loyal ako sa grupo. Bilang fraternity king, isaalang-alang ko ang kaligtasan ng lahat," paumanhin ni Loki Luis.
"Wala kang kuwenta!" gigil na sabi ni Bloom saka binuksan ang drawer pero agad na naisara ni Seven gamit ang kanang kamay.
"Mamaril ka na namang demonyita ka?" galit na tanong ni Seven. "Bayaran mo ang laptop ko!"
"Sorry, Ate Blo–"
"Huwag mo 'kong tawaging Ate!" Hinarap niya si Seven. "At ikaw, lumabas ka na rin dahil kanina ka pa!"
"Kung isusuko ko si Atheina sa mga pulis, gagahasain lang nila at habambuhay na ikukulong. Hindi basta-basta ang kaso niya," paliwanag ni Loki Luis.
"Kaya papatayin mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga.
"Kung iyon ang nararapat, why not? Isa pa, buo na ang pasya ko." Walang halong pagbibiro na sagot ni Loki Luis.
"Nangako kang hindi mo siya gagalawin pero anong ginawa mo? Nasaan na ang pangako mo, Loki Luis?" sumbat ni Bloom.
"Pero nagalaw ko na siya." Walang gatol na sagot ni Loki Luis kaya nakipagtitigan si Bloom sa kaharap. Ne isa, walang nagsalita sa kanila. Kahit si Seven, hindi rin umimik.
"Aalis na 'ko." Pagbasag ni Loki Luis saka lumabas.
Mabilis na inayos ni Bloom ang mga gamit.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Seven.
"Sa lugar na walang nakakakilala sa akin at wala ka!" sagot ni Bloom.
"P–Pero paano ang kapatid mo?" Natarantang tanong ni Seven. "Hindi mo ba siya tutulungan? O itatakas man lang?"
Sumeryoso si Bloom at hinarap si Seven.
"Hindi siya magiging fraternity king kung hindi niya ginagamit ang utak niya," sagot ni Bloom na para bang nababasa niya ang utak kanina ni Loki Luis.
Napangisi si Seven saka binitbit ang sirang laptop.
"Ba't ganyan ang mukha mo?" tanong ni Bloom dahil naiinsulto siya.
"Wala lang," sagot ni Seven saka lumabas.
"Baliw!" pahabol ni Bloom saka ipinagpatuloy ang pagligpit ng mga gamit pero hindi mawala sa isip niya ang dalawang lalaking kakalabas lang.
BINABASA MO ANG
Good Boy Gone Bad
Mystery / ThrillerGOOD BOY GONE BAD by: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE "Good Boy Gone Bad" Well-trained. Pasikreto siyang tinuturuan para ihanda sa tungkuling habambuhay niyang gagampanan. Tahimik na ang lahat pero biglang niyanig ang mundo ng fraternities and sorori...