GOOD BOY GONE BAD
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 21
Unedited...
"Pero natatakot pa rin ako dahil alam na nila. Siyempre nakataya amg reputasyon mo," sagot ni Atheina.
"Ba't ka matatakot? Wala namang mawawala sa akin. Isa pa, ako pa lang naman ang nagkaroon ng relasyon sa estudyante at hindi kita niloloko. Maghihiwalay ba tayo? Hindi naman, 'di ba?"
"Paano kapag malaman ng parents mo?"
"Okay lang, mabait naman sila e," sagot ng binata habang nagluluto ng afritada.
"Sure ka? Ang inaalala ko lang ay--"
"Please, huwag na nating pag-usapan," pakiusap ni Loki Luis. "Mas nakakagaan kapag mailabas ko ang katotohanan."
"Gumaan ba ang pakiramdam mo?"
"Sobra," sagot ng binata kaya tumulis ang nguso ni Atheina at niyakap si Loki Luis mula sa likuran.
"Thank you, Loki Luis, kasi naramdaman ko ang pagmamahal," pasalamat niya at inamoy ang binata.
Iniharap siya ni Loki Luis at hinawi ang buhok gamit ang kanang kamay. "Please, dito ka lang sa tabi ko, Atheina, aalagaan kita, ibibigay ko ang lahat ng gusto mo at gawin kitang reyna."
"Hmm? Nasa tabi mo naman ako ah," sabi ni Atheina. Biglang lumungkot ang mga mata ni Loki Luis kaya napakunot ang noo ni Atheina.
"Natatakot ako, Atheina," mahinang sabi niya.
"N-Natatakot?" ulit ng dalaga.
"N-Natatakot na anumang oras ay kunin ka nila sa akin."
"H-Hayaan mo, mag-iingat ako palagi," pangako ni Atheina saka pinilit na ngumiti.
"Please..."
"I will," sagot ni Atheina saka tumawa. "Seryoso naman natin. Change topic na nga!"
"Tikman mo 'to, baby. Tama lang ba ang timpla?"
Kinuha ni Atheina ang isang kutsara saka tinikman ang niluto ng kasintahan.
"Hmm? Masarap!" manghang sabi niya.
"Anong kulang?"
"Wala na," sagot ng dalaga.
Tumalikod si Loki Luis at kumuha ng mangkong.
"Bakit ba kapag iba, tama naman panlasa niya pero kapag adobo--"
"May sinasabi ka ba? Pakilakasan ng boses mo, di kita marinig," sabi ni Atheina dahil parang bubuyog itong bubulong-bulong.
"Wala. Ang sabi ko, handa kitang pagsilbihan at kahit ako na ang magluluto araw-araw," sagot ng binata saka inilipat ang ulam sa mangkok. "Tara, kain na tayo."---------------------
"Uwi na kayo?" tanong ni Cesar nang harangan siya.
"Oo."
"Si Sharmie?"
"Nag-CR lang, idadaan ko sa bahay nila, sira daw ang kotse e."
"At--" Napabuntonghininga si Cesar. Kanina pa niya gustong makausap si Atheina pero wala lang siyang chance.
"Hindi ko akalaing magjowa pala kayo ni Sir Loki Luis."
"Bakit? Impossible ba? Ganoon na ba ako kapangit para hindi kapani-paniwala?" kunyaring nagtatampong tanong niya kaya napakamot si Cesar sa batok.
"Sobrang ganda nga e," aniya. "Malihim kasi kayo."
"Ayaw lang kasing ipaalam ni Loki Luis. Kinakausap na siya ngayon ng lolo niya."
"H-Hindi ka ba natatakot, Atheina?"
"Natatakot?" ulit ng dalaga.
"Maraming ginagahasang sorority ngayon at paano kung malaman nilang ikaw ang girlfriend ni--"
"Huwag kang mag-alala, Cesar, kaya ko ang sarili ko. Isa pa, nandiyan si Luis para--"
"Paano kung wala si Luis?" agad na tanong ng binata. "Masyadong delikado, Atheina."
"Salamat sa concern pero alam namin ang ginagawa namin," sabi ng dalaga na lalagpasan sana si Cesar pero hinawakan siya nito sa kanang braso kaya napatigil siya.
"Ayaw kong madamay ka sa gulo, Atheina," malungkot na sabi ni Cesar.
"Walang masamang mangyari sa akin, Cesar. Isa pa, babae ako at wala akong kinalaman sa mga nangyayari." Bahagyang tinulak niya ang binata nang mapansin si Sharmie sa isang sulok na may bitbit na softdrinks.
"Hi," nakangiting bati ni Sharmie. "May softdrinks ako para sa 'yo."
Narinig kaya niya ang usapan nila? Gusto sanang itanong ni Atheina. Pero bakit hindi ito lumapit kaagad?
"Alam kong mahalaga ang usapan ninyo ni Cesar kaya hindi muna ako lumapit," nakangiting sabi ni Sharmie saka ibinigay kay Atheina ang softdrinks.
"Pupunta kami ng Starbucks, puwede ba kayong sumama?" sabat ni Cesar na kay Atheina ang mga mata.
"Uuwi na ako," sagot ni Atheina. "Kayo na lang."
"Maaga pa," may pagtutol sa boses ng binata.
"Baka magagalit si Loki na pagdating niya, wala ako," depensa ni Atheina dahil tinatamad talaga siya. Isa pa, baka mag-away na naman sila ni Loki. Ayaw pa naman nu'n na nakikita siyang kasama sina Cesar.
"So? Nagli-live in na kayo? Lumipat ka na sa condo niya?" bulalas ni Cesar.
"Bakit parang lalabas ka sa balat mo?" naiinis na tanong ni Sharmie.
"Wala. Sumana na kayo, kahit thirty minutes lang," pamimilit ni Cesar.
"Sumama na tayo, saglit lang," sabi ni Sharmie.
"Ayaw ko," tanggi ni Atheina.
"Walang makaalam, promise," panunumpa ni Sharmie na nakataas ang kanang kamay.
"Hindi n'yo kasi--" Atheina.
"Huwag mong sabihin na under ka ni Loki Luis?" napa-smirk si Cesar kaya napabuntonghininga si Atheina.
"Fine! Pero saglit lang," pagpayag ni Atheina. "Coffee lang."
"Sure," ani Cesar saka sumunod sa dalawang naunang naglakad palabas ng eskwelahan.
Pagdating sa Starbucks, nag-order sila kaagad. Talagang coffee lang ang in-order ni Atheina.
"Masakit pa ba?" tanong ni Atheina sa tatlong kaharap.
"Hindi na," sagot ni Justin. "Hina-hot compress lang ng pinsan ko bago matulog."
"Ako lang sa akin," sabat ni Victor na kahit nagkakape, may chewing gum pa rin.
"Tigilan mo na nga ang lintik na chewing gum na 'yan!" saway ni Cesar. "Baka mamaya, malunok mo na naman 'yan."
"Hindi na," depensa ni Victor.
"Tsss... Ewan ko sa inyo," sabi ni Justin saka tinanggal ang sombrero. "Tingin ko, sa 'yo talaga galing ang sombrero na suot ko noong Sabado." Tila nag-iisip pa ito kung saan nga ba nakuha ang naturang sombrero at kung bakit ganoon na lang ang galit ni Loki Luis doon.
"Hindi ka ba maka-move on?" naiinis na tanong ni Cesar. "Wala kang bukambibig kundi sombrero.".
"Ako na ang kukuha ng order," sabi ni Victor nang tinawag na ang order nila.
"Sharm? May boyfriend ka na ba?" tanong ni Victor kaya napasulyap si Cesar kay Sharmie.
"W-Wala pa," sagot ni Sharmie.
"Puwede bang manligaw?" nakangiting tanong ni Victor.
Napatingin sila kay Cesar na biglang nabilaukan kaya agad na tinapik ni Victor ang likod nito.
"Huwag ka kasi magmadali," sabi ni Victor.
"Mainit lang!" depensa ni Cesar at siniko si Victor.
"Excuse me, CR lang ako," paalam ni Sharmie at dinala ang cellphone nito.
"Anong oras na pala," wika ni Atheina nang mapansing madilim na at ang dami nang tawag ni Loki Luis pero sa kasamaang palad, naka-silent ang cellphone niya. "Uuwi na ako."
"Later, nag-ienjoy pa nga tayo e," sabi ni Victor.
"Magagalit si Loki sa akin," sagot ni Atheina.
"Anong magagalit? Nasa iisang bahay lang ba kayo? Hindi naman niya malalaman," sabi ni Justin.
"Oo, nasa iisang bubong lang kami," pag-amin ni Atheina kaya napanganga ang dalawa.
"L-Livein na kayo?" nauutal na tanong ni Victor. Kahapon lang, nagkaaminan pa sa school tapos ngayon, live in na?
"Oo at kapag malaman niyang kayong tatlo ang kasama ko, lagot ako."
"Sige, uwi ka na," utos ni Victor na biglang nabahag ang buntot.
"Hintayin ko lang si Sharmie."
Tatayo na sana siya para sundan ang kaibigan sa CR pero nakita niyang pabalik na ito.
"Ang tagal mo naman yata?" tanong ni Atheina.
"M-May kinausap lang ako," sagot ni Sharmie at inilapag sa ibabaw ng mesa ang cellphone.
Napatingin si Atheina sa pintuan nang makitang papasok si Loki Luis at salubong ang kilay.
"Patay," bulong ni Victor.
"Sino ang nagsumbong sa kaniya?" galit na tanong ni Atheina.
"Ba't ko gagawin 'yon?" tanong ni Cesar.
"Mas lalong ako," depensa ni Victor.
"Wala akong kinalaman diyan," tanggi rin ni Justin. Napatingin sila kay Sharmie.
"H-Hindi ako ah," tanggi ni Sharmie.
"Tahimik, ayan na siya!" saway ni Atheina.
"Hi," bati ni Loki Luis.
"Baby," ani Atheina saka tumayo.
Ginawaran siya ng halik sa mga labi ni Loki Luis.
"Uwi na ako," paalam ni Atheina.
"Later. Kakarating ko nga lang," sabi ni Loki Luis at naupo kaya napaupo rin si Atheina. "Order mo 'ko ng kape kung ayaw mong ipalunok ko 'yang chewing gum mo!" Utos niya kay Victor.
"Yes, brod!" Parang robot na tumayo si Victor at nag-order ng kape.
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Ne isa ay walang ganang magsalita. Kahit nga hininga ay pinipigilan pa e.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag at text ko?" mahinang tanong ni Loki Luis na bumasag ng katahimikan.
"S-Silent ang phone ko, sorry," paumanhin ni Atheina.
"Sana man lang, naalala mong may naghihintay ng tawag mo!"
"Uwi na ba tayo?" pag-iiba ng dalaga.
"Galing na ako sa bahay kanina pa. Kaso para akong tangang tinatawagan ka nang ilang beses pero ne isa sa mga tawag ko, wala kang simagot!" mahina lang pero sabat na para marinig ng mga kasama. Wala namang problema sa kaniya na sumama ito sa kung kanino pero dapat magpaalam naman nang maayos.
"Sorry na."
"I-Ito na, brod," nanginginig ang mga kamay na inilapag ni Victor ang kape saka muling naupo sa tabi ni Cesar.
Dinampot ni Loki Luis ang kape saka uminom.
"Ang totoo, ako ang nag-aya sa kaniya, pasensiya na," sabat ni Cesar at napasulyap kay Atheina.
"Sa susunod na may masamang mangyari sa kaniya, kayo ang pagbabayarin ko!" pagbabanta ni Loki Luis.
"Tama na," saway ni Atheina at hinawakan ang braso ng kasintahan. "Sa bahay na lang natin ito pag-usapan."
"Sorry," paumanhin ni Loki Luis at napatingin sa cellphone nang may nagpasa ng video.
"Mauna na ako," paalam ni Sharmie saka tumayo. "Kanina pa tumatawag ang daddy ko."
"Hatid na kita," pagboluntaryo ni Cesar na tumayo rin.
"Miss, cellphone mo," sabi ni Loki Luis sabay abot kay Sharmie ng cellphone na naiwan nito sa ibabaw ng mesa.
"Salamat," pasalamat ng dalaga nanag abutin ang cellphone.
"Sabay na kami," ani Justin at siniko si Victor na agad ding tumayo at nauna pang lumabas sa tatlo kaya ang magkasintahan na lang ang naiwan.
"Ano 'yan?" curious na tanong ni Atheina at inagaw ng cellphone ni Luis dahil tutok na tutok talaga ito pero nagulat siya nang makita ang sex video nila sa rooftop.
"Hayaan mo, sisiguraduhin kong hindi makalabas 'yan," seryosong sabi ni Loki Luis. "At pagbabayarin ko ang kumuha!"
"Galit ka ba?" tanong ni Atheina.
"Hindi," sagot ni Loki Luis.
"Paano mo nalamang nandito kami?"
"Sakop pa rin 'to ng CTU, marami akong source," sagot ng binata at inubos ang kape saka niyaya ang dalagang umuwi na.
Habang nasa kotse, walang umiimik sa kanila hanggang sa nakatulog si Atheina kaya binuhat na lang siya ng binata papasok sa building hanggang sa makarating sila sa unit.
"Sa kuwarto mo 'ko ihatid," inaantok na sabi ni Atheina nang maramdamang nasa unit na sila.
"Kain ka muna."
"P-Please, I'm tired," pakiusap ng dalaga kaya sa kuwarto nito hinatid ni Loki Luis at maingat na inihiga siya sa kama.
"Kain ka kaya muna?" sabi ni Loki pero naghihilik na si Atheina kaya pinatay muna niya ang ilaw bago lumabas at dumiretso sa kuwarto niya. Nawalan din siya ng gana.
Ipinasa niya kay Seven ang video scandal nila at pinaalam kung saan ang exact location ng nag-send. Takot lang niyang kay Bloom i-send dahil baka hindi lang bala kundi granada at bomba na ang hahabol sa kaniya.
Nakita niyang umilaw ang isa niyang cellphone kaya kinuha niya at pinakinggan ang usapan. Lingid sa kaalaman ng suspect nila, may inilagay siyang sobrang liit na chips sa cellphone nito para marinig niya at ma-record ang usapan.
"Hello? Gising ka pa?" tanong ng tumawag.
"Yes, darling? May kailangan ka?"sagot ng sa kabilang linya.
"Tulog na ba talaga ang plano bukas?" panigurado nito.
"Yes, aatras ka ba?"
"No," sagot nito. "Please, mag-ingat ka. Mukhang nakatunog na sila."
"I know," sagot ni Sharon. "Para sa ikapanatag ng loob mo, mag-iingat ako. Isa pa, gusto ko pang magtampisaw sa dagat kasama ka."
"Asahan ko 'yan. Bye. Please, manatili kang buhay after nitong misyon," pakiusap ng tumawag.
"I will," sagot ni Sharon saka tinapos na ang tawag kaya naikuyom ni Loki Luis ang mga kamao sa galit.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Bloom.
"H-Hello?" sagot nito na halatang kakagising lang.
"Bloom, tuloy ang misyon nila bukas."
"Haist! Tumawag ka lang ba para sabihin 'yan?" singhal nito kaya nailayo niya ang tainga sa cellphone.
"Honey? Matulog ka na."
"W-Wait," ani Loki Luis nang may narinig na boses lalaki.
" Aww!" daing ng lalaki.
"Magkatabi kayo ni Seven?" bulalas ni Loki Luis.
Tot tot tot!
Wala na. Pinatay na ni Bloom kaya panigurado, magbugbogan na naman ang dalawa.
Napabuntonghininga si Loki Luis habang nakatingin sa orasan ng cellphone. Alas otso 'y media na ng gabi kaya magsasaing muna siya dahil baka maisipan ni Atheina na kumain kapag magutom. Bukas na magkaalaman! Makikilala na niya ang lahat ng miyembro ng black dragon gang. At kung ano man ang matuklasan, matagal na siyang handa!A/n:
Next chapter ko na talaga ire-reveal ang mga miyembro ng black dragon gang. Hehehe...
![](https://img.wattpad.com/cover/323912868-288-k329454.jpg)
BINABASA MO ANG
Good Boy Gone Bad
Misteri / ThrillerGOOD BOY GONE BAD by: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE "Good Boy Gone Bad" Well-trained. Pasikreto siyang tinuturuan para ihanda sa tungkuling habambuhay niyang gagampanan. Tahimik na ang lahat pero biglang niyanig ang mundo ng fraternities and sorori...