9

695 27 0
                                    

GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 9

Unedited...
"Morning, baby," nakangiting bati ni Loki Luis nang lumabas si Atheina sa kuwarto.
"Ang aga mo naman yata?"
"Pinagluto kita ng breakfast."
"Sa school na lang ako kakain," sabi ng dalaga.
"Kain ka na, baby, nagluto ako ng beef tapa. Isa pa, tingnan mo nga ang katawan mo, masyadong payat."
"Napapayatan ka sa akin?"
"Oo," sagot ng binata at napasulyap kay Atheina pero hindi maipinta ang mukha nito. "I m-mean, hindi ka naman payat, baby ko. Okay nga 'yan e. Pero mas okay kapag medyo tataba ka pa para alam mo na--mas lalo kang gaganda."
"Hindi ako kakain!" pagtatampo niya. Pinakaayaw pa naman niya ay pagsabihan siyang payat. Kain naman siya nang kain pero ayaw talaga e. Madalas pa nga siyang tuksuhin noon sa school nila dahil matangkad siya pero payat naman.
"Haist! Hindi ka payat. Sexy ka pa nga e. Pang model kaya ang baby ko," pag-aalo ng binata at hinawakan sa kamay ang dalaga. "Sige na, kain na tayo."
Napasulyap si Atheina sa kanang kamay niya nang pisilin ito ni Loki Luis.
"Please? May time ka pa naman," pakiusap ng binata.
Napilitang nagpahila si Atheina patungo sa dining room para kumain. Maaga pa talaga siyang nagising para mag-breakfast sa paaralan.
Naupo siya at hinayaan ang binatang pagsilbihan siya.
"Mabuti naman at sanay kang kumain ng rice, baby," sabi ni Loki Luis.
"Nang dumating lang ako dito sa Pinas," sagot ng dalaga. "Puwede po ba, huwag mo akong tawaging baby!"
"Huwag mo rin akong tawaging sir!" giit ni Loki Luis. Pakiramdam kasi niya ang tanda-tanda na niya kapag si Atheina ang tumawag sa kaniya ng ganiyan.
"Psh! Hindi mo ako baby at walang tayo. Baka mamaya, marinig ka ng iba diyan!"
"E di sagutin mo na ako para may tayo," nakangiting sabi ni Loki Luis. "Para may karapatan na akong tawagin kang--"
"Hindi kita sasagutin!" madiing sabi ni Atheina saka inumpisahang kumain. Infairness, masarap ang luto ng mokong.
"Hindi ba talaga?"
Tumigil siya at poker face na tiningnan ang binata.
"Hindi."
"Walang pag-asa?" malungkot na tanong ni Loki Luis.
"Siguro," sagot niya. Malamlam ang medyo pabilog na mga mata nito kaya nakaramdam siya ng kaunting awa. Paano, napaka-visible ng kalungkutan nito.
"Siguro? Ibig sabihin may chance?"
Napabuntonghininga si Atheina. "Kumain ka na, sir."
Mabuti na lang dahil wala nang angal ang binata at sinabayan siya sa pagkain.
"Salamat sa breakfast," sabi niya.
"Baby!" tawag ng binata na tumayo rin.
"Huwag nga baby eh!" Bumalik siya sa kuwarto para magsipilyo.
"Suplada," bulong ng binata saka niligpit ang pinagkainan. Siguro maayos naman ang panlasa nito dahil marami naman ang nakain at walang sinabi sa niluto niya.
" Diyos ko, huwag lang talaga ako magaya kay Lolo Dylan," bulong niya.
Lumabas ulit si Atheina kaya hinarangan na niya.
"Bakit?" nagtatakang tanong ng dalaga at napayuko dahil ang bango ni Loki Luis.
"Baby? Hingi ako ng number mo," sabi ni Loki Luis kaya napatingala si Atheina. "Kasi baka kakailanganin ko. Tatawag ako sa 'yo kapag hindi ako makauwi."
"Alam mo naman ang landline dito, 'di ba?"
"Kailangan ko ring masigurado na ligtas ka at kailangan kong malaman kung nasaan ka kapag hindi ka pa makauwi nang wala sa oras."
"Tatay ba kita?"
"Baby naman, concern lang ako sa 'yo."
"Hindi mo kailangang mabahala sa akin. Kung may masama mang mangyari, 'wag kang makonsensiya dahil wala kang kasalanan."
"Mahal kita kaya hindi ko mapigilang mag-alala sa 'yo," sagot niya saka inabot ang cellphone sa dalaga. "Para makaalis ka na."
"Kailangam ba talaga?" nakasimangot na tanong ng dalaga.
"Yes, please."
Napilitan siyang ibigay ang number kay Loki Luis.
"Alam ko namang ibibigay mo," sabi ng binata nang mai-save ang number.
"Talaga? Makulit ka kasi."
"Kung gusto mo ako, sagutin mo ako, Atheina."
"Hindi kita gusto!"
Tinalikuran niya ang binata para lumabas.
"Maiksi ang pasensiya ko, Atheina. Marami ang babae kaya ano mang oras, kaya kong maghanap ng iba. Kung magpapakipot ka, titigil na ako sa panliligaw sa 'yo at ilipat ka sa ibang unit," seryosong sabi ni Loki Luis kaya napatigil ang dalaga sa pagbukas ng pinto at muling hinarap siya.
"Bakit pini-pressure mo ako, sir?" walang kabuhay-buhay na tanong niya.
"I don't wanna waste my time sa ligawan, Atheina. Kaya kong patunayan ang pagmamahal ko para sa 'yo habang tayo na," walang kakurap-kurap na sabi ni Loki Luis.
"Ikaw lang ang nanliligaw na nangpi-pressure."
"Let's try it, baby. Malay mo, mag-work tayo."
Napabuntonghininga si Atheina.
"Fine, sinasagot na kita!" sagot niya pero nakataas ang kanang kilay.
"B-Baby--"
"Kitakits sa school, baby!" sabi ni Atheina saka lumabas at pabagsak na isinara ang pinto.
Dali-dali siyang sumakay sa elevator para hindi na mahabol ng dean dahil mukhang natulala ito sa sinabi niya.
"Baby!" nagmamadaling tawag ni Loki Luis pero naisara na ng dalaga ang elevator.
Pagdating niya sa paaralan, agad siyang bumaba sa sasakyan at naglakad patungo sa classroom.
"So?" ani Sharon na naka-crossed arms nang harangan siya. "Mukhang kakampi mo ang dean!"
Napatingin si Atheina sa dalawang sister nito na palapit.
"Please, Sharon, ayaw ko ng gulo."
Napa-smirk si Sharon. "Mukhang kakaiba ang awra mo ngayon. Dahil ba sa dean?"
"Huwag mong sirain ang araw nating dalawa!" madiing sabi ni Atheina. "Please lang kung ayaw mong mapatawag na naman tayo sa dean's office!"
"Sis? Ano na?" tanong ng isa nang makalapit.
"Padaanin siya," mahinahong sabi ni Sharon. Absent si Shaina dahil sumakit ang buong katawan sa pagtatanim ng bulaklak at wala itong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak.
"Magbabayad ka ring hayop ka!" puno ng galit na sabi ni Sharon pero nilagpasan lang siya ni Atheina.
Wala siyang panahon para sirain ang araw niya dahil sira na ito kanina pa nang dahil kay Loki Luis.
Nang pumasok ang teacher, kasabay na nito sina Sharon at masama ang tingin kay Atheina.
Habang nasa klase, kung saan-saan na naglalakbay ang isip ng dalaga. Pagkatapos ng klase, agad na hinabol siya ni Sharmie at sinabayan siya sa paglalakad.
"Okay ka lang, friend? Napansin kong wala ka sa sarili habang nagle-lecture," bulong ni Sharmie.
"Binabantayan mo ba ako?"
"H-Ha? Hindi ah. Siyempre magkatabi tayo kaya napansin ko. Panay kaya ang pagbuntonghininga mo," depensa ni Sharmie.
"May problema lang."
"Ano? Care to share?"
"Personal problem," sagot niya. Ano na kaya ang magiging sitwasyon nila ngayong sinagot na niya si Loki Luis?
"Morning sir," bati ni Sharmie at ng ibang estudyante kay Loki Luis. Nagkasalubong ang mga mata nila ni Atheina pero agad na iniwas ng dalaga.
Nilagpasan sila ni Loki Luis na hindi man lang bumati sa kanila kaya napabusangot si Sharmie.
"Suplado ng dean ngayon!" reklamo ni Sharmie.
"Hayaan mo na," sabi ni Atheina at pasimpleng lumingon kay Loki Luis.
Pero agad naman niyang binawi ang tingin at nakisabay sa mga kaklase habang kinukuha ang cellphone.
Marami ang missed calls sa hindi niya kilalang number. Saktong tumawag ulit kaya napalingon siya kay Loki Luis na naglalakad habang nasa tainga ang cellphone.
"Hello?" sagot niya nang pindutin ang answer button.
"Sabihin mong hindi ka nakikipagbiruan kanina," bungad ni Loki Luis.
"Wala naman akong joke na sinabi."
"Baby--tayo na ba talaga?"
Napasimangot ang dalaga. Ayan na naman ang pag 'baby' nito sa kaniya.
"May klase na ako." Uniwas siya para hindi mabangga ng makakasalubong na estudyante.
"Kapag hindi mo linawin sa akin, puntahan kita sa classroom ninyo."
"Narinig mo naman ang sinabi ko, 'di ba?" mataray na sabi niya.
"Hindi malinaw--" Loki.
"Bingi ka ba?"
"Ang hard mo sa akin, alam mo ba?"
"Pinilit mo lang ako."
"May choice ka naman na hindi ako sagutin."
"Mas pinili kong sagutin ka," sobrang hina na sabi ni Atheina nang papasok na sa classroom.
"Bakit?"
Napakagat sa ibabang labi ang dalaga dahil sa pagiging makulit ni Loki Luis.
"Dahil guwapo ka!" sagot niya. "Sige na, may klase na kami."
Tinapos na niya ang tawag at naupo sa tabi ni Sharmie.
"Cookies?" alok ni Cesar nang tumabi sa kaniya.
"No, thanks," tanggi ni Atheina.
"Ikaw, Sharm? Want mo?" alok ni Cesar.
"N-No, thanks. Busog pa ako," tanggi ni Sharmie.
"Really? Hindi halata," nakangising sabi ni Cesar kaya napatingin si Atheina sa kaniya.  "Biro lang, Sharm." Agad na bawi ni Cesar saka kinurot ang kanang pisngi ng dalaga na biglang namula.
"B-Ba't ka ba nangungurot?" Sharmie.
"Cute mo," sabi ni Cesar at iniwan na sila.
"Kainis siya!" nakasimangot na bulong ni Sharmie.
"Gusto mo naman," ani Atheina.
"Hindi ah!" agad na tanggi ni Sharmie.
"Sabi mo eh," wika ni Atheina na hindi naniniwala kay Sharmie. Noong isang araw pa niyang napapansing may gusto ito kay Cesar.
"Oh," ani Justin sabay abot ng yellow tulips kay Atheina. "Sa admirer mo."
"Salamat," sabi ng dalaga at kinuha ang bulaklak saka binuksan na naman ang card.
"Baby."
Iyon lang ang nakalagay kaya alam na niya kung kanino galing ang mga bulaklak. Inilagay niya muna sa desk dahil baka may magwala naman kapag ipatapon niya.
----------------------
"Himala, tahimik yata ang opisina ninyo," sabi ni Loki Luis nang pumasok at inilapag sa table ni Bloom ang litrato ng neophytes. "Kailangan mong i-background check."
"Tingnan ko kung nasa list ng black dragon ang mga 'yan," sabi ni Bloom. May fingerprint naman kaya mache-check niya kung member ang mga ito ng gang. Pero ang buong list ng members, hindi na niya mapasok dahil nag-iba ng program ang site ng kalaban. Pero kapag may fingerprint, puwedeng mag-confirm kung member o hindi.
"Kailangan ko bago ng initiation," sabi ni Loki Luis at naupo sa couch. "Gusto ko nang matapos 'to."
"Me too," segunda ni Bloom. "Gusto kong magbakasyon at makapagpahinga somewhere na makaramdam ako ng peace of mind."
"Gusto ko nang mag-asawa," sabi ni Loki Luis.
"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Bloom.
"Kailan kaya ako magkakajowa?" parang batang problemado na tanong ni Loki Luis. Gusto niyang bumalik ang normal na buhay kasama si Atheina.
"Psh! Ikaw ba talaga ang bagong hinirang na fraternity king?" hindi makapaniwalang tanong ni Bloom dahil parang isip-bata naman yata si Loki Luis. "Kaya mo ba talaga?"
"Ba't parang duda ka, ate? Ayaw ko nga rin po talaga e."
"Ate ka nang ate!" singhal ni Bloom. "Akitin kita e. Sino ba ang kinababaliwan mo, ha?"
"H-Ha?"
"Sabi mo gusto mo nang mag-asawa."
"W-Wala ho. Naghahanap pa nga lang e," tanggi niya.
"May inililihim ka ba sa akin, Loki Luis?"
"W-Wala ho," tanggi niya at iniwas ang mga mata pero hindi niya mapaniwala si Bloom. Tumayo si Loki Luis.
"Uwi na ako."
Lumabas siya at sumakay sa elevator saka tumungo sa parking lot at nagmaneho. Habang nagmamaneho, nagte-text siya kay Atheina na pauwi na siya. Alas singko na kaya baka pauwi na rin 'yon.
"Baby," bulong niya matapos palitan ng 'baby' ang pangalan ni Atheina sa cellphone niya.
Pagdating sa condo, pasipol-sipol siya habang naglalakad patungo sa unit niya.
Pagpasok niya, agad na nagbihis siya at inunahan na niya ang kusina bago pa dumating si Atheina.
"Oh baby, baby, baby, my baby, baby..." pagkanta niya habang nagluluto.
"Girlfriend ko na siya," hindi makapaniwalang sabi niya at inilapag ang sandok nang may kumakatok.
"Haist! Nakalimutan niya ba ang password?" tanong niya saka tiningnan kung sino ang nasa labas pero laking dismaya niya nang ang kakambal ang nakita.
"Oh?" tanong niya nang pagbuksan si Gab na dire-diretso ang pagpasok.
"Tapatin mo nga ako, Luis, girlfriend mo na ba ang estudyanteng 'yon?" diretsahang tanong ni Gab.
"Di ko alam ang pinagsasabi mo."
"May CCTV ang building na ito at doon ako sa CCTV room galing," sabi ni Gab at naupo sa couch saka nag-de-kuwatro habang nakatingala sa kapatid na nakatayo sa harapan niya.
"So?"
"Nakita kong dito na pala umuuwi ang estudyanteng iyon."
"Kailan ka pa nakialam sa buhay ko, Gab?" salubong ang kilay na tanong ng kakambal.
"Come on, kambal. Alam mong may mission ka pa. Nasa delubyo ang frat--"
"At sino kaya para tanggalin ang karapatan ko? Kung gusto mo, palit tayo!"
"Damn! Alam mong hindi ako puwede, Luis! Sa lahat sa atin, ikaw ang karapat-dapat na maging frat king!" Ito lang ang pinakakalmado sa kanilang lahat pero kapag magalit ay mabangis. Hindi kagaya sa kaniya na pikunin talaga. Isa pa, ang taba-taba niya noon. Wala rin silang asahan sa quadruplets ng Tito JM nila dahil mga pasaway.
"E di huwag mo akong isumbong."
"Luis!" bulalas niya na hindi makapaniwala sa inaasta ng kapatid.
"Oras na malaman nila at pigilan ang relasyon namin ni Atheina, hindi ko na ipagpatuloy ang misyon ko at bababa ako sa puwesto bilang fraternity king," seryosong sabi ni Loki Luis.
"Fuck! Nababaliw ka na ba?" singhal ni Gabriel Vincent.
"Nasa iyo ang desisyon, Gab."
"Inilalagay mo sa panganib ang buhay ni Atheina!"
"Kaya ko siyang protektahan," sabi ni Loki Luis.
"Hindi ba puwedeng makapaghintay ang relasyon ninyo?"
"Too late," sabi ni Loki. "Dapat nasa tabi ko lang siya parati para masiguradong ligtas siya sa kapahamakan."
"Sabi ko na nga ba eh," problemadong sabi ni Gab. Hirap kapag may hawak na alas ang kalaban. Hahabulin at hahabulin talaga nila ang weakness ng fraternity king kaya bantay sarado rin ang mga babae lalo na ang Mommy Anne nila.
"Kaya ko 'to!" matapang na sabi ni Loki Luis. "Suportahan mo lang kami ni Atheina."
Napalingon sila nang bumukas ang pinto at pumasok si Atheina. Lalabas sana ito ulit nang makita si Gab pero tinawag siya ni Loki kaya lumapit siya sa magkambal.
"Baby, si Gabriel Vincent pala, kakambal ko. Gab, si Atheina," pormal na pagpakilala ni Loki kaya napilitang makipagkamay ang dalawa.
"Alis na 'ko," paalam ni Gab saka nginitian ang dalaga bago lumabas para mabawasan ang problema ng kakambal niya. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Kundi suportahan si Loki Luis.
"Palit ka na ng damit tapos kain na tayo, baby," sabi ni Loki Luis. "Saktong maluluto na ang afritadang niluluto ko." Pagtitimpla na lang ang kulang don. Mahina na rin naman ang apoy kaya mamaya unti na niya babalikan para timplahin.
"Hindi ba tayo pagagalitan ng kakambal mo?" nag-aalalang tanong ng dalaga. Umiling si Loki.
"Akong bahala, baby."
"Bakit mo ako nagustuhan, Loki?" seryosong tanong ng dalaga.
Ngumiti si Loki Luis at hinapit sa bewang ang kasintahan. "Walang rason, baby. Basta kapag sinabi kong mahal kita, mahal talaga kita!"
Pasimpleng tinulak ni Atheina ang binata. Kahit na nagluluto, mabango pa rin ito.
"Magpapalit lang ako ng damit," paalam niya. "Sana hindi ka na nagluto."
"Gusto kong sinisilbihan ang baby ko," sagot nito.
Nang tumalikod, napangiti si Atheina. Habang tumatagal, paunti-unting nawawala ang ka-cornihan ng mga ginagawa ni Loki Luis sa kaniya at paunti-unting nagiging sweet.
"I love you, baby ko," pahabol ng binata.
"I love you too," sagot ng dalaga nang buksan ang pinto at humarap sa binata.
"B-Baby..." usal ni Loki Luis na namumula ang magkabilang pisngi saka iniwas ang tingin sa kasintahan kaya natawa si Atheina saka tuluyan nang isinara ang pinto. Ang daldal pero kapag sumagot naman siya, umuurong ang dila ng mokong.


Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon