2

1.1K 34 0
                                    


GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2

Unedited...

Papasok siya sa classroom nang may humarang sa harapan niya.
"Hey, classmate!" nakangiting bati ni Victor. Ke aga-aga, ngumunguya na naman ito ng chewing gum.
"Hi," tipid na bati ng dalaga.
"Wala pa si Ma'am," sabi nito. Maingay ang klase at naghaharutan pa ang iba.
"Pansin ko nga," sagot ng dalaga. "Excuse me, maupo na ako."
"Oh, sorry," paumanhin ni Victor at tumabi para makadaan ang kaklase.
"Busy ka ba? Hangout naman tayo minsan," tanong niya na sinundan ang dalaga.
"Marami akong ginagawa," tamad na sagot niya at dumiretso sa upuan.
Napasulyap siya kay Cesar na nakaupo sa isang tabi pero agad na iniwas nito ang mga mata nang magkatitigan sila.
"Atheina? Gumawa ka ng assignment?" tanong ni Sharmie.
"Oo," sagot niya sa katabi. Maliit lang si Sharmie. 5'2" at medyo chubby pero magaling pumorma. Fashionista nga. Kinapos lang sa height. Hindi kagaya sa kaniya na 5'8". Matangkad talaga siya dahil matangkad din ang foreigner na ama. Marami nga ang umaalok na maging model siya at tutulungan sa showbiz pero umiwas siya. Mas gusto pa rin niyang magkaroon ng private life.
Ulilang lubos na siya. Laking independent kaya sanay na mamuhay mag-isa. Sa Germany kasi, pagdating ng 18 anyos ay kailangang bumukod na sa mga magulang.
Siya? 14 years old pa lang ay bumukod na. Magaling ang ina niya dahil lahat ng perang galing sa gobyerno monthly ay inilalagay nito sa savings kaya pagdating niya ng 14, malaki na ang savings niya.
Umuwi na lang siya sa Pinas para lubusan nang manirahan dito at ipagpatuloy ang pag-aaral. Napabarkada siya at na-depress na rin dahil nagkaroon ng brain tumor ang ama.
"Half german ka pala. Kaya ang ganda mo at kinis pa," sabi ni Sharmie na naiinggit dahil kinapos siya sa height.
"Ikaw rin naman ah."
"Pandak ko kaya! Ikaw kasi pang Miss Universe talaga."
"Excuse me?" maarteng tawag ng babae sa likuran nila.
"Yes?" tanong ni Atheina.
"Tapos mo na bang linisin ang CR natin?" maarteng tanong niya.
"Hindi ako sasali sa sorority ninyo, why are you doing this to me?" tanong ni Atheina.
"Why not? Qualified ka sa amin."
"Pasensiya na, ayaw kasi ng parents ko," pagsisinungaling niya para hindi na siya kulitin ng mga ito. Marami ang nag-iinvite sa kaniyang sumali dahil habol ng mga ito ang katawan at ganda niya. Panlaban sa ibang sororities 'ika nga.
"I'll talk to your parents," giit ni Sharon pero umiling si Atheina.
"Nasa ibang bansa sila."
"Okay. Someday, papasok ka rin sa amin!" pagsisinuplada ni Sharon at tinalikuran ang dalaga.
"Bakit ayaw mo?" tanong ni Sharmie.
"Magulo yata ang ganyan eh," sabi ni Atheina.
"Mas okay 'yon kasi protektado ka nila," sabi niya.
"Ewan. Pero gulo lang kasi 'yan e."
"Hindi naman. Alam mo bang madali kang makapasok sa work kapag may sorority ka?"
"Keine Ahnung," clueless na sagot ni Atheina.
"Huh?"
Ngumiti ang dalaga kay Sharmie. "Sorry, Deutsch pala 'yon. Ang sabi ko, wala akong idea."
"Ah, keine Ahnung pala 'yon."
"Yeah," sagot ni Atheina. Gusto niya ang ugali ni Sharmie. Simple lang ito. Cute at may pagkafashionista.
"Andiyan na 'yong teacher natin," sabi ni Sharmie.
"Sige. Mamaya na lang ulit."
Nagsimula na ang klase kaya nag-concentrate siya. Kailangan niyang makakuha ng mataas na marka dahil ayaw na niyang umulit. Yes, she hates the idea of going to school kaso wala siyang choice. Ngayong wala na ang parents niya, kailangan niyang tuparin ang pangarap nito sa kaniya. May home for the aged sila sa Germany kaya kailangan niyang alarin ang pasikot-sikot ng negosyo. Ayaw naman niyang mag-doctor dahil ilang taon pa kaya mag-nursing na lang siya.
Nang matapos ang klase, naglakad sila patungo sa next subject.
"Morning, sir," bati ni Sharmie sa makakasalubong. Napatingin si Atheina sa makakasalubong dahil busy siya sa kakatext.
"Morning," bati rin ni Loki Luis na seryoso ang mukha pero kay Atheina nakatingin. "Nextime, bawal mag-cellphone habang naglalakad dahil baka makabangga ka na naman."
Tinago ni Atheina ang cellphone sa bulsa at sumimangot.
"May problema ka ba sa sinabi ko, Miss?"
"H-Ha? Wala..." tanggi ni Atheina at nginitian ang Dean dahil baka isipin nito na bastos siya.
"Akala ko may reklamo ka kasi sinaway kita," prangkang sabi niya kaya napakagat sa ibabang labi si Sharmie at siniko si Atheina. Patay talaga sila!
"W-Wala ho. Sorry po, emergency lang. Have a great day, sir," sagot ni Atheina at hinila na si Sharmie dahil napatigil na rin ang ibang kaklase nang dahil sa kanila.
"Bakit ba kasi nagtetext ka?" bulong ni Sharmie nang makalayo na sila.
"Sorry na, hindi ko napansin," paumanhin ng dalaga. Totoo naman e. Busy talaga siya.
"Hay, kinabahan talaga ako. Sila pa naman ang may-ari nitong CTU." Aatakihin yata siya sa nerbiyos kanina. Ang seryoso kasi mg mukha ni Loki Luis.
"Wala naman sigurong masama. Isa pa, humingi tayo ng tawad e," sagot ni Atheina.
Nang pumasok sila sa classroom, lumapit si Cesar.
"Anong nangyari?" tanong niya.
"W-Wala, binati lang namin si Sir Loki Luis," sagot ni Sharmie.
"Ah, akala ko kung ano na," wika ni Cesar na kay Sharmie nakatingin.
"Wala iyon," sagot ni Atheina. "May kailangan ka pa?"
"Wala na." Napakamot sa ulo na sagot ni Cesar at nginitian si Atheina. "Sige, punta na ako kina Justin at Victor."
Nang makaalis si Cesar, nag-usap ang dalawa.
"Bestfriends talaga silang tatlo noh?" puna ni Sharmie.
"Mukha nga," pagsang-ayon ni Atheina. Sila naman kasing tatlo ang madalas na magkasama.
"Sasali sila sa frat. Ang alam ko, neophytes sila ng alpha sigma rho."
"Ah. Di ko alam kung ano ang napapala nila sa ganiyan," sabi ni Atheina.
"Keine Ahnung," nakangiting sabi ni Sharmie nang maalala ang sinabi ni Atheina kanina.
"Ja, ich auch," ani Atheina.
Nang matapos ang klase, sa canteen na sila kumain. Kagaya ng nakaraang araw, punuan ang canteen kaya matiyaga silang pumila.
Maingay ang canteen pero mas lalong umingay kaya napalingon sila.
Papasok si Loki Luis kasama ang kakambal nito.
"Gosh, ang pogi nila! Pogi ni Sir Gab."
"Huwag kang ano, gurl. Mas sadista 'yan kay Sir Loki Luis," sabi ng isang estudyante.
"Pano mo nasabi?"
"Hmm? Batchmate niya ate ko. Namimigay raw 'yan ng red tag. Basta," anito.
"Talaga? E di mas mabait pa si Sir Loki? Hmm?"
Nakikinig lang si Atheina sa usapan ng mga ito.
Simple lang ang suot niyang skinny jeans at white tshirt pero dahil may katangkaran, nangibabaw siya kaysa ibang estudyante.
"Mukhang marami-rami ang maganda ngayon ah," puna ni Gabriel nang mapansing nakatitig ang kakambal sa babaeng matangkad at unang tingin ay pang-model na.
"Magaganda naman talaga ang taga CTU mula noon," ani Loki Luis.
"Bakit hindi ka pumili ng isa dito?"
"Psh! Hindi ako pumapatol sa mga bata."
"Talaga lang, huh?" may paghamong sabi ni Gabriel. "Baka kainin mo ang pinagsasabi mo?"
"May misyon ako sa paaralang ito."
"Kailangan mo rin ng lovelife. Huwag puro misyon."
"I don't mix business with pleasure!" madiing sabi niya.
"Why?"
"Why not?"
"Hmm? Walang masama, bro!" pangungumbinse ni Gabriel. Tumatanda na sila at hanggang ngayon, wala pang naipakilala ang kakambal. Sobrang bait kasi nito. Di naman mabait pero kumpara lang sa kanila, si Loki Luis ang pinakamabait.
"Bawal pumatol sa estudyante, nasa rules 'yan ng CTU."
"Tayo ang may-ari."
"Shutup!" pikong saway ni Loki Luis. Buti na lang dumidistansiya ang ibang estudyante sa kanila kaya hindi sila naririnig.
"Kambal mo ako, alam ko kung sino ang pinupuntirya mo."
"Fuck! Shutup, Gab!"
Malakas na tumawa si Gab kaya napatingin na naman ang lahat sa kanila.
"Excuse me, Miss, order lang kami," paumanhin ni Gab sa babaeng nasa counter na kaya lumayo ang mga ito. "Oh, by the way, what's your name?"
Loki Luis rolled his eyes sa tanong ng kapatid.
"Atheina," mahinang sagot ng dalaga.
"Ah, I'm Gab. Twin brother ng dean sa nursing department," pagpakilala nito.
"Ate, kare-kare nga po at isang pork steak, pakihatid na lang sa office," seryosong pag-order ni Loki Luis. Hindi sya sanay na pinagtitinginan mula noon. Kung may dala lang siyang death note, malamang marami na siyang binigyan at isa na rito si Atheina.
Napaismid si Atheina nang biglang tumalikod si Loki Luis. Parang ang yabang kasi ng dating. Nabuhay siya sa Germany kaya hindi siya sanay sa mga lalaking may attitude. Akala niya, friendly ang mga pinoy? Pero may topak din ang isang 'to e.
"Pasensiya na, marami lang problema ang kapatid ko pero single pa 'yon," paumanhin ni Gab at humarap sa counter. "Same order with my twin."
Tinapik niya si Atheina. "Mauna na kami."
Nang makaalis si Gab, siniko-siko siya ni Sharmie.
"Oh my, bet ka ni Sir Gab," bulong niya.
"Wag kang ano. Issue 'yan. Isa pa, ganda ng asawa e. Wala tayong laban," natatawang sabi niya.  As in maganda talaga ang asawa nito. Siguro nagiging mabait lang si Gab sa kaniya.
"Suplado ni Sir Loki."
"Yaan mo siya," sabi ni Atheina. Wala naman siyang pakialam as long na wala siyang nasasagasaan.
Habang kumakain, nakaramdam siya nang pagkailang nang panaka-nakang sumusulyap ang mga estudyante sa kanila.
"Isyu na naman 'to!" mahinang bulong niya. Ba't ba kasi pinansin siya ni Gabriel. Ayan tuloy, issue na naman.
"Hais, nakakainggit ka," inggit na inggit na sabi ni Sharmie. "Ganda-ganda mo kaya marami ang may gusto."
"Parang pinansin lang. Huwag ka ngang ganiyan. Ganda mo kaya. As in," depensa ni Atheina.
"Pandak ako."
Natawa si Atheina. "Height doesn't matter, baby."
"Hmm?"
"May nagkakagusto sa 'yo, 'di mo lang alam."
"Who?"
"Marami."
"See? Wala kang masabi kasi wala naman talaga," nakasimangot na sabi ni Sharmie.
"Kain na tayo."
Ayun, nang natapos silang kumain, bumalik na sila sa classroom at nakinig nang boring na lecture.
Wala silang pasok sa last subject kaya maaga silang pinauna.
"ID ko?" tanong ni Atheina kay Sharon dahil maaga pa nitong kinuha ang ID niya.
"Here," maarteng sabi niya kaya nang kinuha ni Atheina, lumabas na siya sa classroom at dumiretso sa parking area.
"Shit!" bulalas niya nang maurungan ng Bugatti La Voiture Noire ang black Honda civic niya.
"Hey!" galit na sabi niya at pinagpag ang sasakyan. Wala siyang paki kung mamahalin man ito.
Bumaba ang driver kaya napaismid siya.
"May problema ka?"
"Sir? May sasakyan kang nasagi," wika niya.
"Can't you see na reserved na ang space na ito? Para ito sa family namin," sagot nito at nilapitan siya.
"Sorry pero sana huwag mo namang banggain ang sasakyan ko," sabi niya at napasulyap sa karatolang "reserved".
"Babanggain ko ang gusto ko dahil sa amin ito," sabi niya.
"Psh! E di sorry," sabi niya.
Humakbang palapit si Loki Luis habang nakatitig sa mukha niya kaya napaatras siya.
"Unless, gusto mong maging kapamilya namin?" tanong nito sa baritonong boses sabay smirk.
Napanganga siya pero nang makabawi ay tinaasan niya ng kilay si Loki Luis. The fuck she care kung dean man ito. Mukhang namemersonal na rin ang teacher e.
"Why not? Kaso mukhang malabo," nakangiting sabi niya at napatingin sa mga estudyanteng palapit pero agad na bumalik nang makita ang binata.
Pinasadahan si Loki Luis ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Hindi ako pumapatol sa isang estudyante!" sabi nito.
"Hindi naman po ikaw ang papatulan ko. Marami ka pa naman yatang pinsan," magalang na sabi niya kaya lumukot ang mukha ng binata. "Hindi rin po kasi ako pumapatol sa matatanda."
"Ikaw--alisin mo ang kotse mo at lalabas ako!" namumula ang pisngi ni Loki Luis sa galit. Paano siya nakayang sagot-sagutin ng first year college lamang? Partida under pa sa pamamahala niya?
"Pasensiya na po, alis na ako," paumanhin ni Atheina saka sumakay sa sasakyan pero bago pa niya maisara, nakapasok na si Loki Luis sa sasakyan niya at pabagsak na isinara kaya nagsiksikan sila sa driver's seat.
"Ano bang--uhmp!"
Nanlaki ang mga mata niya nang angkinin nito ang mga labi niya kaya hindi siya nakakilos.
"M-Matuto kang gumalang sa dean mo kung ayaw mong ma-kick-out sa paaralang ito!" hinihingal na sabi ni Loki Luis pero naistatwa pa ang dalaga kaya ngumisi siya.
"Shit!" sambit ni Atheina.
"Pumapatol ako sa estudyante kaya huwag mong sagarin ang pasensiya ko, Atheina!" pagbabanta ni Loki Luis at ngumisi bago bumaba ng sasakyan kaya naikuyom ni Atheina ang kamao at gigil na pinahidan ng panyo ang mga labi!


Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon