GOOD BOY GONE BAD
by:sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 7
Unedited...
"Fuck! What the hell is your problem?" bulalas niya nang pagbukas ng pinto ng kuwarto ay kamao ni Atheina ang sumalubong sa kaniya.
Akala pa naman niya, okay na sila dahil tahimik naman ito kanina at walang imik na pumasok sa kuwarto pero heto ngayon, galit na galit ang dalaga.
"Magtatanong ka, sir? Baka nakalimutan mo ang ginawa mo sa akin kanina sa clinic?" paalala niya.
"Tinulungan kita, is there any problem with it?" Buwesit! Hindi niya iyon napaghandaan. Puwede namang sampal lang pero suntok talaga e. Nagpalakas yata ito sa kuwarto at kumuha ng buelo para mapuruhan siya ng isang suntok.
"Ah? Talaga?"
"Naman! Psh! Ba't nanununtok ka? Dapat nga mag-- hey, hey!" aniya sabay atras para umilag sa dalaga nang sugurin na naman siya.
"Talaga? At kinalimutan mo ang paghalik mo sa akin?" singhal ni Atheina na tumigil sa pagsugod.
Napaismid si Loki Luis. "Bakit? Nabitin ka ba? Gusto mo--"
"Shutup! Ang manyak mo!"
"Psh! Alam mo, Atheina, dean ako. Head ako ng nursing department at lahat ay magagawa ko. If I want to fail you, I can. Kung ipapa-kickout kita sa CTU, kaya ko. Kaya behave ka, okay?" sabi niya na nakatitig sa matapang na mukha ng dalaga.
"Hindi makatarungan ang pinaggagawa mo!"
Humakbang siya palapit sa dalaga habang nakatitig sa nagbabagang mga mata nito.
"Why, Atheina?" tanong niya. "Hindi mo ba gusto ang ginawa natin kanina?"
Napaatras ang dalaga.
"G-Gusto ko lang linawin ang sa atin, sir. Nandito ako sa bahay mo dahil sa 'yo. Nalagay ang buhay ko sa alanganin nang dahil sa 'yo! Kaya wala kang karapatan na gawin ang lahat ng gusto mo dahil wala akong utang na loob sa 'yo!"
"Alam ko," wika ng binata.
"Alam mo naman pala eh!" singhal ni Atheina. "Pero bakit pinapahirapan mo ako? Ang dami nang nawala sa akin nang dahil sa 'yo! Wala na akong freedom!"
"Kasalanan ko ba kung may kissable lips ka?"
"Excuse me?"
Ngumisi si Loki Luis. Ngising hindi niya alam kung nang-iinsulto ba o ano?
"Hmm? Aminado akong nadamay ka nang dahil sa akin. Nanganganib ang buhay mo kaya nga kita pinatira dito e."
"But kissing me is not a part of--"
"Kissing you is my personal interest, baby," agad na sagot ni Loki Luis and smirked.
"Stop calling me baby!"
"I will call you whateve I want," sagot ng binata, "baby," dagdag niya.
"Huwag sabi!" sigaw niya saka dinampot ang throw pillow saka inihagis sa binata pero agad nitong nasalo at tumawa.
"Pikon ka naman," magiliw na sabi ni Luis. "Magluto ka na nga, nagugu--mag-order na lang pala tayo, baby." Agad na bawi niya nang maalala ang cooking skill ng dalaga.
"Seryoso, sir, hindi ako nakipagbiruan, huwag mo na akong halikan."
Namulsa si Loki Luis at pinagmasdan ang napipikong mukha ng dalaga.
"Sure," pagpayag niya. "Basta huwag mo na akong tawaging sir."
"Pero--"
"Kapag ipagpatuloy mo ang pag sir sa akin, hahalikan kita sa harap ng estudyante!" pagbabanta niya kaya napabuntonghininga si Atheina.
"Alangan naman Loki Luis lang itawag ko sa 'yo!"
"Baby."
"Huh?"
"Baby ang tawag ko sa 'yo kaya dapat baby rin tawag mo sa akin," sabi ng binata.
"Nababaliw ka na ba?" singhal ni Atheina.
"Bakit? Anong masama doon?"
"Tse!" Tinalikuran niya si Loki Luis dahil parang pinaglalaruan lang siya nito.
"Baby naman talaga kita ah," mahinang sabi ni Luis. "Ayaw kong mapahamak ka, Atheina. Ayaw kong sinasaktan ka nila. Hindi ko makakayang makita kang inaapi lang nila."
Napatigil ang dalaga sa paglakad sa narinig. Hindi man siya nakaharap, alam niyang seryoso si Loki Luis sa mga pinagsasabi.
"Alam kong hindi ka papayag pero Atheina, allow me na ligawan ka."
Biglang napaharap siya sa binata.
"Alam mo ba ang pinagsasabi mo?" tanong niya.
"Oo naman," sagot ni Loki Luis. "Hi di ka papayag kaya ligawan na lang muna kita."
"Ang bata ko pa."
"Magulat ka kapag mas matanda ka kaysa sa akin."
"Pero bakit?"
"Anong bakit?" nakakunot ang noong baliktanong ng binata.
"Bakit ako? I mean, marami naman diyan."
"Di ko rin alam," sagot ng binata. "Basta gusto lang kitang ligawan."
"Dagdag collection mo?"
Napaismid si Loki Luis.
"Bawal akong makipagrelasyon, Atheina. May responsibilidad akong hinaharap na kailangan atupagin."
Napabuntonghininga ang dalaga.
"Bawal naman pala pero bakit ka manliligaw?"
Lumapit si Loki Luis sa dalaga at masuyong hinaplos ang mukha nito habang nakatingala ito sa kaniya.
"Dahil sa bawal kita minahal," wika niya.
"H-Hindi ko, maintindihan," nauutal na sabi ng dalaga. "M-Minahal?"
Bahagyang lumayo si Loki Luis at malungkot na ngumiti. "Bawal akong makipagrelasyon, Atheina. Ako ang bagong frat king kaya destruction lang ang babae. Bawal kang tumuloy rito pero ano itong ginagawa ko? Dean din ako ng paaralan kaya bawal makipagrelasyon sa estudyante. Ang dami ko nang nilabag na bawal para sa 'yo, Atheina."
"P-Pa'no mo nasabing minahal mo ako?"
Napabuntonghininga si Loki Luis. "Hindi ko rin alam kung minamahal na nga kita. But if protecting you is the meaning of love, siguro nga, mahal na kita."
"B-Baka naawa ka lang sa akin," sabi ni Atheina. "Alam kong lampa ako at isa pa, marami sila at pinagtutulungan ako. Hindi ko sila kaya."
Ngumiti si Loki Luis. Ngiting nagpatigil ng paghinga ni Atheina.
"Alam ko kung hanggang saan ang limitasyon ko sa isang babae, Atheina. But for you, lahat sinusugal ko, kahit pa ang reputasyon ng CTU."
"Marami ka pang problema, dapat unahin mo muna iyon bago--"
"Hayaan mong i-solve ko ang problema ko basta nasa tabi lang kita, Atheina."
"Pero--"
"Hayaan mong maging weakness kita."
Natahimik ang dalaga dahil wala na siyang salitang mahagilap para sabihin.
"Magpapa-deliver lang ako," sabi ni Loki Luis at tumawag sa pinakamalapit na restaurant dahil nagugutom na siya.
------------------------
Maaga pa siyang umalis. Paggising niya, nasa mesa na ang susi ng bago niyang kotse na bulletproof daw. Hindi na siya lumabas pa kagabi at nagtiis siya ng chichirya at pizza sa ref. Ayaw kasi niyang makita si Loki Luis. May pagkain pa nga sa mesa na pina-order nito kagabi pero hindi siya kumain.
Mamaya, kukunin niya ang ibang gamit sa bahay niya.
Kakababa lang niya nang mapatingin ang dalawang estudyante sa kaniya. Siguro dahil bago talaga ang itim na kotseng gamit niya? Bahala sila. Mayaman siya kaya normal lang sa kaniya na makakita ng ganitong kotse. Hello? Doon kaya galing ang matitibay na sasakyan.
Ngayon niya naramdaman ang sakit ng katawan dahil sa pakirambulan kina Sharon at Shaina.
Pagpasok niya sa classroom, sinalubong siya ng nanlilisik na mga mata ni Shaina pero dedma lang. Ayaw niyang mapatawag sa dean's office ngayon.
"Atheina?" tawag ni Sharmie sa kaniya na may dalang bouquet of yellow tulips.
"Wow, may nagbigay sa 'yo?" tanong niya.
"Baliw!" ani Sharmie at inabot ang dalang bulaklak. "Para sa 'yo 'to."
"Huh?" Nagtatakang tanong niya.
"Pinabigay ng delivery boy."
"Baka nagkamali ka lang," sabi ni Atheina pero inilapag ni Sharmie sa desk niya ang bulaklak.
"Weh? Sure ka?"
"Oo nga. May card naman diyan, buksan mo para sure ka."
Sa kanila ang mga mata ng kaklase nila kaya nakaramdam ng pagkailang ang dalaga. Mula noon, hindi siya nakakakuha ng attention sa lahat. Madalas ay tahimik lang siya pero mula nang lumipat siya dito, nagkakagulo na ang buhay niya. Nawalan na siya ng normal life.
Kinuha niya ang maliit na card at binasa.
"Baby."
Yun lang talaga ang nakalagay kaya mabilis na tinago niya sa bulsa.
"Saan galing?" excited na tanong ni Sharmie.
"H-Huh? Ahm... Wala. Di nakasulat," sagot niya. Possible kayang kay Loki Luis?
"Wow, may pabulaklak ka ha?" nang-aasar na sabi ni Shaina. "Ano 'yan? Pampalubag loob sa blackeye mo?"
"Sasapakin ko 'to!" gigil na bulong ni Sharmie.
"Kalma lang," kalmadong saway ni Atheina. Wala siyang balak na pumatol sa bruha.
Lumapit sa kanila si Shaina at inagaw ang bulaklak.
"Ito ba? Matapos naming basagin ang mukha mo, may nagpa-flower pa sa 'yo?"
"Paki mo? Inggit ka lang kasi walang nagkakagusto sa 'yo!" sabat ni Sharmie nang hindi na makatiis kaya sila na naman ang center of attraction.
"Tumahimik kang bansot ka!" singhal ni Shaina.
"Ano na naman 'to?" maarteng tanong ni Sharon nang pumasok. "Kanina 'yang bulaklak?"
"Kay Atheina," sagot ni Shaina kaya napataas ang kanang kilay ni Sharon habang nakipag-eye to eye kay Atheina.
"Tapon mo!" utos ni Sharon.
"Sure ka?" natatawang tanong ni Shaina.
"Yes! Now na!"
"No problem, my sistah!" maarteng wika ni Shaina at ngumisi kay Atheina bago lumabas.
"See this guys? Itatapon ko na. Poor boy. Sorry na lang dahil sa basurahan ka pulutin," nagdadramang sabi niya habang binubuksan ang basurahan dahil sa kaniya nakatingin ang mga estudyante habang nagtatawanan din. Nang maitapon niya ang tulips, wala na siyang narinig sa paligid.
Naramdaman niyang may isang bulto sa likuran niya kaya dahan-dahan siyang lumingon.
"G-Go--g-goodmorning, sir," garalgal na bati niya nang makitang nakatayo si Loki Luis sa likuran niya habang ang mga kamay nito ay nasa likuran.
"Anong maganda sa umaga kung ke aga-aga, naninira ka ng umaga?" salubong ang kilay na tanong ni Loki Luis.
"S-Sir?"
"Nakita mo ang flower garden natin?" tanong ng binata.
"O-Opo."
"Huwag kang pumasok, magtanim ka ng buong araw at magbunot ng damo."
"Pero--"
"Mamili ka; magtatanim ka o ipapa-kickout kita?"
"A-Ano hong ginawa kong mali?"
Bahagyang yumuko si Loki Luis at inilapit ang mukha kay Shaina.
"Mali? Magtatanong ka kung ano ang mali mo? Hindi ba't hindi para sa 'yo ang bulaklak na 'yan?"
"Pinapatapon ni Atheina," depensa niya kaya napasulyap si Loki Luis sa loob ng classroom saka pinaypay si Atheina.
"Yes po?" tanong ng dalaga.
"Pinapatapon mo ba talaga 'to?" tanong ng binata kaya umiwas si Atheina ng tingin. Naramdaman niyang galit na galit ang binatang kaharap. "Tell the truth, Atheina!"
"Hindi ho," pag-amin ni Atheina.
"Kahapon may away kayo tapos ngayon namam, inumpisahan ninyo!" ani Loki Luis. "Anong gagawin mo?" nagtatakang tanong niya nang makitang binuksan ni Atheina ang basurahan.
"Kukunin ang flowers ko," sagot ng dalaga para matapos na ang usapan.
"Huwag na," pagpigil ni Loki Luis. "Madumi na 'yan."
"Pero binigay 'to sa akin," depensa ng dalaga kahit na alam naman niyang itong kaharap niya ang nagpabigay.
"Madumi na 'yan. Pinapanatili naming malinis ang mga estuyante," ani Loki Luis. Grabe, kukunin ba talaga ni Atheina ang bulaklak na pinabigay niya? Alam kaya nito na siya ang nagpabigay?
"Pero kasi nag-effort kasi ang nagbigay nito sa akin, sir," malungkot na sabi niya kahit na sa kaloob-looban, kumukulo ang dugo niya. Sarap kunin ang bulaklak at ihampas kay Loki Luis. Kung hindi ito nagpadala, e di sana walang gulo ang araw niya.
"Tama 'yan, i-appreciate mo ang effort ng nagbigay sa 'yo," sabi ni Loki Luis at hinarap si Shaina. "Ikaw, mag gardening ka buong araw."
"Pero sir--"
"Gardening o kickout?" pananakot ni Loki Luis kaya padabog itong tumungo sa classroom. "Balik na kayo sa classroom," sabi niya at tinalikuran na ang mga estudyante.
Hindi naman pala si Atheina ang nagpatapon ng pinabigay niyang bulaklak. Na-appreciate pa nga nito e.
Napapangiti na lang siya habang naglalakad.
"Ouch!" daing niya nang may nabunggo. "Hindi ka ba tumitingin sa-- Baby!"
"Baby?" ulit ni Lance Leonard.
"Huh? Anong baby?" inosenteng tanong ni Loki Luis.
"Tinawag mo akong baby," sabi ng ama niya.
"Daddy kaya," depensa ni Loki Luis na napatingin sa kakambal na nasa tabi ng ama.
"Baby!" giit ni Lance Leonard at napatingin kay Gab. "Di ba, Gab? Baby sabi niya?"
Napakamot si Gab sa ulo at napasulyap sa kakambal.
"Daddy ang sabi niya, Dad," sagot ni Gab.
"Baby talaga pagkarinig ko eh," giit ni Lance Leonard.
"Haist! Namali ka lang po sa pagkarinig. Bakit ang aga n'yo yata?" pag-iiba ni Loki Luis.
"Dadalaw lang at i-check ang monthly financial ng CTU," sagot ni Lance Leonard na salubong ang kilay. "Tanga ka ba? Ba't mo ko binunggo?"
"H-Ha? Ah kasi--"
"Ikaw ang gumawa ng lahat ng certificate of membership ng new chapters ng alpha sigma rho at ikaw rin ang pumirma bilang national president!" utos ni Lance Leonard para pahirapan ang anak.
Ngumiti si Loki Luis sa ama.
"No problem, daddy," nakangiting sabi niya at tinalikuran ang ama.
"Anong nangyari sa kakambal mo?" tanong ni Lance Leonard. "Bakit parang lutang siya?"
"Wala naman po," sagot ni Gabriel Vincent.
"Tinawag niya akong baby eh!"
"Hindi--"
"Huwag kang sinungaling, Gabriel! Baby talaga ang tawag niya sa akin kanina!" giit ni LL.
"Daddy po ang sabi niya," pagsinungaling ni Gab at natatawa sa ama. Nabahalang sinundan niya ng tingin ang kapatid. Hindi kaya inlove na ang kapatid niya? Paano na nito matatapos ang misyon?
"Damn!" mahinang bulong niya nang makitang natalisod pa nga si Loki Luis. Buti na lang hindi na nakatingin ang ama nila.
BINABASA MO ANG
Good Boy Gone Bad
Mystery / ThrillerGOOD BOY GONE BAD by: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE "Good Boy Gone Bad" Well-trained. Pasikreto siyang tinuturuan para ihanda sa tungkuling habambuhay niyang gagampanan. Tahimik na ang lahat pero biglang niyanig ang mundo ng fraternities and sorori...
