20

774 27 0
                                    


GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 20

Unedited...

"Aalis ka?"
"Oo," sagot ni Loki Luis habang nagbibihis.
"Ang aga naman."
Bumangon si Atheina at hinayaang malaglag nang kusa ang manipis na kumot sa katawan.
"Para makauwi ako kaagad," sagot ng binata na naupo at pinagmasdan ang kasintahang nagtatali ng buhok kahit na hindi pa nakasuklay.
Ngayon ang araw ng initiation nila kaya kailangan ay maaga pa sila dahil sa bakasyunan sa Tagaytay ang hazing nila.
Saktong malapad din ang racing field para sa military exercise ng sampung neophytes nila.
"Puwedeng sumama?"
"No," tanggi ni Loki Luis. "Bawal ang outsider."
"Hmm? Di naman ako manonood."
"Kahit na. Stay here dahil babalik ako mamayang hapon."
"Hindi kayo mag-o-overnight?"
"Sila lang," sagot ng binata.
"Eh, ikaw?"
"Sa 'yo ako mag-ovenight later," sagot ni Loki Luis at hinatak ang kanang kamay ni Atheina kaya napaupo patalikod ito sa lap niya.
"Aalis ka na, 'di ba?" sabi ng dalaga nang halikan siya sa leeg ng binata.
"Later na lang," bulong ng binata at pinisil ang magkabilang boobs niya.
"Late ka na," sabi ni Atheina na nakikita ang repleksiyon nila sa malaking salamin na nasa harapan niya. Kahit medyo malayo, hindi nakaligtas sa paningin niya ang kissmark na ginawa ni Loki Luis sa katawan niya.
"Makapaghintay sila," sabi ng binata saka pinaharap ang mukha ng dalaga at masuyong hinalikan. Napangiti si Atheina saka mahinhing kinagat ang ibabang labi ng kasintahan, panglandi lang kaya napaungol si Loki Luis. Umayos ng upo paharap si Atheina sa binata saka mariing hinalikan saka ang isang kamay ay nagbubukas ng zipper ng pantalon ni Loki Luis saka ipinasok ang kamay sa boxers nito.
"Hmmm f-fuck!" pagmumura ng binata saka madiing hinalikan ang leeg ng dalaga nang nilaro nito ang dulo ng pagkalalaki niya. "Stop teasing me, baby."
"Am I?" inosenteng tanong ng dalaga at tumigil sa ginagawa.
"Okay, tease me more," sabi niya saka siniil ng halik ang dalagang napangiti pero napatigil sila nang tumunog ang telepono kaya inabot ni Loki Luis at pinindot ang loudspeaker.
"Sa'n ka na?" tanong ni Dylan.
"Condo."
"Shit! Ikaw na lang ang hinihintay! Kapag wala ka pa ng fifteen minutes, susgurin na kit--"
"I'm coming!" aniya saka pinutol ang tawag at naiinis na pinaalis si Atheina sa kandungan niya. "Uuwi ako mamaya, promise ko 'yan."
Tumawa ang dalaga habang nakatitig sa nakalabas niyang ari.
"Haist! Huwag mo 'kong pagtawanan dahil iipunin ko 'to mamayang gabi!" sabi niya at itinago ang alaga saka isinara ang zipper at inayos ang sinturon saka tumayo. "Alis na 'ko, baby. Huwag kang umalis dito, okay?"
Tumango si Atheina at kinuha ang wardrobe para takpan ang kahubaran.
Lumabas si Loki Luis na masakit ang puson. Sports car ang gamit niya kahit na gusto niyang mag-motor.
"Brod!" bati ng mga kasamahan nang dumating siya at nakipag-shake hands ang mga ito sa kaniya. Sa CTU ang meeting place nila. Kaunti lang ang estudyante dahil iilan lang ang may Saturday class.
"Kumpleto na ba ang neophytes?" tanong niya saka inisa-isa ang ilabas mamaya. Natigilan siya nang mapatingin kay Justin na inayos ang sombrero.
Ang sombrero nito, hindi siya maaaring magkamali, ito ang sombrerong suot ng taong pumatay kay Rose pero bakit nasa kay Justin iyon?
"Si Jason?" tanong niya.
"Wala pa, Master," sagot ni Cesar.
"I-I'm here!" humahangos na sabi ni Jason habang bitbit ang helmet.
"Bakit ngayon ka lang?" galit na tanong niya.
"Ah--brod--" Jason.
"Dumaan pa 'yan kay Sharon," sabat ng isa nilang kasama.
"Uy, huwag mo kong ibuko!" nakangiting sabi ni Jason.
"Mauna na kayo." Utos ni Loki Luis. "Magkita-kita na lang tayo sa Tagaytay. Sabay ka na sa akin, Jason."
Lumapit sila sa sasakyan at sumakay.
Si Jason na ang nagmaneho.
"Si Sharon lang ba ang girlfriend mo?" tanong ni Loki Luis na nasa cellphone ang mga mata. Nag-chat si Bloom at may misyon na naman ang mga kalaban. This time, si Atheina ulit ang punterya.
"So far, yes," sagot ni Jason at pinabilisan ang patakbo.
"Hindi ba siya kalaban? Siya ang kasama ni Sharmie bago ito namatay."
Muntik nang napreno si Jason.
"Brod, pinaparatangan mo ba siyang siya ang pumatay kay Sharmie?" hindi makapaniwalang tanong ni Jason.
"Bakit? Hindi ba?" may paghamong tanong ni Loki Luis.
Napabuntonghininga si Jason. "Hindi ganoon si Sharon. Alam kong maldita siya pero hindi niya magagawa iyon."
"Gaano mo kakilala ang syota mo?" usisa ni Loki Luis kaya napa-smirk si Jason.
"Kilala ko siya kaya hindi siya kalaban. Isa pa, miyembro siya ng sorority, brod."
"Lahat puwede maging kalaban," ani Loki Luis. "Kahit ikaw," dagdag nito kaya napanganga si Jason.
"Pinagbibintangan mo ba ako?"
"Wala akong sinabi."
"Parang gano'n na rin 'yon," may pagtatampong wika niya.
"Si Justin pala," pag-iiba ni Loki Luis.
"Ano?"
"Sigurado ka bang hindi miyembro ng black dragon gang ang tatlo?" nagdududang tanong ni Loki Luis. Malaki ang hinala niyang may kinalaman ang isa sa tatlo sa pagpatay noon kay Rose.
"Brod naman, siyempre sigurado ako. Kahit ipaputol ko pa ang daliri ko."
"Tingnan natin mamaya," sabi ni Loki Luis.
Natulog muna siya. Panay naman reklamo ni Jason sa isip dahil kulang din ito ng tulog. Magdamag din kasi sila ni Sharon.
Pagdating sa Tagaytay, agad na binriefing at pina-exercise nila ang neophytes. Pinahubad ng damit at pinatakbo ng kilometers.
Nagpahinga muna ang mga ito ng 15 minutes at nagpalit ng damit dahil puro putik at basa pa sila, pagkatapos ay piniringan para sa body contact. M
"Password?" seryosong tanong ni Loki Luis kay Cesar.
"Bakit lumulubog ang barko, master!" sagot ni Cesar. "Ugh!" agad na daing niya at napakubkob nang makatanggap ng solidong suntok sa tiyan niya.
"Brod!" tawag ni Jason at mabilis na sinaklolohan si Cesar na halos mawalan ng hangin.
"Saan galing ang sombrerong suot mo kanina?" seryosong tanong ni Loki Luis nang lumipat kay Justin.
"B-Bigay lang yata sa--aw!" daing niya nang sinuntok sa sikmura ni Loki Luis kaya napaupo siya pero agad na pinatayo ni Jason para lumanghap ng hangin. Hindi pa naman siya handa.
"Magsabi ka nang totoo!" singhal ni Loki Luis. "Saan galing ang sombrero mo?"
"H-Hindi ko alam, mas--ugh!" dalawang sunod-sunod at malalakas na suntok ang pinakawalan ni Loki Luis na para bang punching bag lang ang manipis na katawan ni Justin.
"Kapag tinatanong ka, magsabi ka nang totoo!" ani Loki Luis at tinapik ang kanang braso ni Justin. "Prepare!" sabi niya kaya inihanda ni Justin ang pangmalakasang suntok galing kay Loki.
Puro daing at ungol dahil sa sakit ang umalingawngaw sa racing field.
"T-Teka--" hinihingal na sabi ni Victor na naka-stop sign ang kanang kamay. "S-Sandali, n-nalunok ko ang chewing--ugh!" napatihaya siya nang sipain siya ni Loki Luis sa kanang binti. Para silang mga baboy na binubugbog nang walang kalaban-laban. May dalawang hinimatay kaya kinuha muna at pinaalagaan sa dalawang lalaking nurse nilang kasama.
"Pahinga fifteen minutes tapos padding na," sabi ni Loki Luis at naupo dahil nanakit na ang mga kamao niya sa kakasuntok. Hindi talaga niya mapaamin si Justin kung nasaan galing ang sombrero.
"Mukhang wala nga siyang alam," sabi ni Jason nang maupo sa tabi niya at napatingin sa walong neophytes na tinatanggalan na ng piring.
"Mukha nga," sabi ni Loki Luis na sa tatlong neophytes nakatingin. Bugbog sarado ang mga ito sa kaniya kaya ipa-X-ray niya ang mga ito mamaya.
"Wala ring tattoo ng black dragon sa katawan," dagdag ni Jason dahil pinahubad niya ang tatlo.
"Hindi ko alam kung ano ang koneksyon ng pumatay kay Justin!" galit na sabi niya at pinag-aralan ang kilos. Nagdududa siya kung ipa-survive niya ang mga ito.
"Baka nabili lang niya online kaya hindi na niya maalala kung saan niya kinuha," depensa ni Jason. Bakit ba kasi sa dami ng sombrero, iyon pa ang nasuot ni Justin ngayong hazing nila.
"Hoy, bawal itungkod ang pads!" sigaw ni Loki Luis sa MI kaya agad na binuhat nito ang padding pero huli na ang lahat, binigyan na ito ni Loki Luis ng tatlong palong penalty.
Nagsimula ang pagpalo sa likod ng legs nila kaya puro sigaw ang naririnig ng nandoon.
"S! I love asirhonians!" malakas na sigaw ni Justin nang matanggap ang huli at full swing na palo. Survived na siya.
Maagang nagpaalam si Loki Luis na umuwi dahil hinihintay pa siya ni Atheina. Nangako kasi siyang maaga pa uuwi pero laking pagsisisi niya nang adobo ang nadatnan.
"May problema ka ba? Kamusta hazing ninyo?" tanong ni Atheina dahil naiiyak ang mukha ng kasintahan habang kumakain.
"Wala, miss lang talaga kita, baby," sagot ni Loki Luis at ipinagpatuloy ang pagkain kahit na sukang-suka na talaga siya. "Mahal kita e."
"Ayiee. I love you too, baby," kinikilig na sabi ni Atheina.

Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon