5

809 29 1
                                    


GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 5

Unedited...

"Bilisan mo nga!"
Padabog na sumunod si Atheina sa binata patungo sa elevator na para lang sa pamilya ng mga ito.
Nang makapasok sa elevator at humarap sa pinto, isang nakakamatay na tingin ang ipinukol ng dalaga.
"Hindi mo ako mapapatay sa tinging 'yan. Pasok na," sabi niya na sa halip magalit, naging magiliw pa nga siya sa mukha ni Atheina.
Pumasok ito kaya pinindot ni Loki Luis ang 8 floor.
Sumandal si Atheina sa elevator at pinagmasdan ang puwetan ng binata. Infairness, maumbok ito.
"Wala akong damit at undies," sabi niya kaya lumingon si Loki Luis.
"May extra ako."
"Double kara ka pala?"
"Sa pinsan at mommy ko," sagot niya.
"Wirklich?(really)" nakataas ang kanang kilay ng dalaga na mukhang hindi naniniwala.
"Ja, genau! (Yes, exactly)"  sagot ng binata kaya nagulat si Atheina.
"Sprichst du Deutsch? (Do you speak Deutsch)"
"Ein bischen(a little)". Sagot ng binata kaya napasimangot si Atheina. Nagsasalita ang tita Anndy niya ng Deutsch kaya may alam siyang kaunti lang. As in basic lang talaga.
Nang bumukas, naunang lumabas si Loki Luis at nakabuntot lang ang dalaga. Napansin niyang thumbmark ng binata ang ginamit nitong pambukas ng pinto.
Pagpasok niya, bumulaga ang mamahaling gamit at napakamalaking flatscreen TV sa sala. Black and white ang loob pero mas marami ang black lalo na sa furniture.
"Feel at home," sabi ng binata at hinayaan ang pintong kusang sumara.
"Möchtest du koffee? oder Tea? (Do you want coffee or tea?" tanong ng binata.
"Ich kann Tagalog sprechen! (I can speak tagalog)". Pagtataray ng dalaga kaya natawa si Loki Luis.
"Sabi mo eh!"
Padabog na naupo ang dalaga sa malambot na sofa. Bakit ba kasi marunong ito mag-Deutsch?
"Sa kanan ang kuwarto mo at sa kaliwa ang sa akin. Kumpleto na 'yan sa gamit at bago pa ang mga damit. I think kasya naman 'yan sa 'yo lahat. If you want, puntahan mo na lang at i-check."
"Nagugutom ako!" pikong sabi ng dalaga.
"May laman ang ref. Magluto ka."
"Enchuldigung? (Excuse me)" bulalas ng dalaga.
"Marunong ka namang magluto, 'di ba?" tanong ng binata at napakunot ang noo nang makita ang pagkagusto ng dalaga.
" Shit!" pagmumura ni Loki Luis sa isipan. Huwag naman sana.
"Of course!" taas noong sagot ni Atheina nang makita ang disappointment sa mga mata ng kaharap.
"Magpapalit lang ako."
"Good," nakahinga nang maluwag na sabi ni Luis. "Magpapalit lang ako, magsalang ka muna ng sinaing tapos magpalit ng damit at magluto."
"Katulong ba ako rito?" pikong tanong ni Atheina.
"Of course not."
"Baka sinasadya mong makita nila ako para may libreng katulong ka rito?" nagdududang tanong ni Atheina.
"Of course not!" seryosong tanggi ng binata. "Hindi ko ugaling ipahamak ang buhay ng iba para sa sarili kong interest, Atheina."
Inirapan siya ni Atheina bago tinalikuran. Pindindot ni Loki Luis ang isang dahon ng fake na halaman na nasa center table kaya nabuksan ni Atheina ang pinto ng kuwarto. Madalas kasi niyang nakakalimutan ang duplicate kaya nagpagawa rin siya ng secret access.
Nagsalang muna siya nh sinaing sa rice cooker bago pumasok sa kuwarto saka naghubad at pumasok sa shower room. Binuksan niya ang shower at hinayaang mabasa ang buong katawan habang nag-iisip. Na-hack nila ang account ng iilang miyembro ng black dragon gang kaya alam nila ang galaw ng mga ito. Kung sino ang next target at kung saan. Well, maliban na lang kung hindi via email ang mensahe ng nasa taas.
Nang mapagod sa kakatayo ay nahiga siya sa bathtub at hinayaang mapuno ng bula ang buong katawan.
"Hmm..." aniya at napabangon. Napasulyap siya sa wallclock ng shower room. Mahigit isang oras na pala siyang nakatulog kaya nagbanlaw muna siya saka nagsuot ng bathrobe.
Tinuyo niya ang buhok gamit ang dryer saka lumabas.
Amoy na amoy niya ang mabangong adobo kaya biglang tumunog ang tiyan niya sa gutom.
Pagpasok niya sa dining room, naglalagay na ng pagkain si Atheina sa mesa.
"Mukhang masarap ah," sabi niya ag naupo rin. Napansin niya ang lababo na sobrang kalat dahil sa balat ng patatas at sibuyas.
"Talaga. Ako pa!" pagmamalaki ng dalaga at naupo saka nilagyan ng kanin ang plato.
Kumuha ng plato si Loki Luis at nilagyan din ng kanin. Sumadok din siya ng dalawang hiwa ng adobo saka nilagyan ng sabaw ang kanin.
"Kainan na!" sabi ni Atheina dahil gutom na gutom na siya.
"Mabuti naman at marunong kang magluto," sabi ni Loki Luis at kumuha ng isang kutsarang sabaw ng adobo para tikman pero agad siyang napaubo at napahawak sa dibdib saka tumayo at tumakbo sa lababo at isinuka ang sabaw na nakain. Nagmumog pa siya para mailabas ang lahat.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Atheina.
Bumalik siya sa mesa at gigil na hinawakan ang kanang braso ng dalaga.
"Sabihin mo sa akin, lalasunin mo ba ako?" singhal niya na nanlilisik ang mga mata kaya nabigla ang dalaga.
"Bakit naman kita lalasunin?" sigaw ng dalaga. "Ikaw na nga ang nilutuan, ikaw pa ang magalit?"
Binitiwan ni Luis ang braso ng dalaga saka muling naupo at pinagmasdan ang adobong mas maitim kaysa karaniwang adobo.
"Tikman mo," sabi niya kaya tinaasan siya nito ng kilay.
"So? Tingin mo nilalason kitang hayop ka?" di na niya napigilang magalit saka kumuha ng sabaw at tinikman. Sinadya talaga niyang lunukin para iparating na hindi niya ito nilalason.
"N-Nagluluto ka ba sa inyo?" alanganing tanong ni Loki Luis na medyo napahiya sa inasta.
"Hindi!" sagot ni Atheina saka nilagyan ng manok ang kanin at sinimulang kumain. Kanina pa siya nagugutom e. Pero nakakainsulto lang ang sinabi ni Loki kaya kahit sa kilos ng kamay, halatang nanggigigil siya.
"Kung ayaw mong kumain, huwag kang kumain! Hindi 'yong magpaparatang kang nilalason ka!"
Aminado siyang nagkamali siya. As in akala talaga niya ay may lason ang ulam pero sa bawat pagsubo ng dalaga, halatang nagtatampo ito sa kaniya.
"Kung ayaw mong kumain, mag-order ka sa labas!"
Mahigpit ang pagkahawak na ginawa niya sa kutsara na para bang kumakapit siya ng lakas ng loob dito at sapilitang kinain ang nasa plato.
" Pota! Pota! Pota!" pagmumura ng isip niya habang ngumunguya. Mukhang may tatalo na sa Lola Ann niya ng pagluluto gamit ang tubig ng dagat. Sobrang alat talaga!
"Huwag mong pilitin ang--"
"Tumahimik ka!" naiinis na saway niya. "Kumakain ako."
"Huwag mong kainin kung hindi masarap! Alam ko namang medyo maalat. Firstime ko kayang magluto ng adobo," sabi niya. Minsan na niyang nakita ang inang nagluto at niluto lang naman niya ang adobo ayon sa pagkakatanda niya.
"Medyo maalat nga," wika ni Loki Luis saka kumuha pa ng kanin para hindi maramdaman ang sobrang alat. Napansin niya ang dalawang 500ml na toyo na wala nang laman kaya napatampal siya sa noo. Sabi na nga ba niya e.
"Huwag ka na lang kumain."
Napatitig siya sa mukha ng dalagang na-disappoint din sa niluto at malungkot na napatitig sa plato.
"Hindi ko naman ginustong maging maalat eh." Narinig niyang wika ng dalaga.
"M-Mapagtiyagaan naman. Okay na sa f-firstimer," napilitang sabi niya dahil wala naman siyang intensiyon na laitin ito. As in maalat lang talaga.
"T-Talaga?" masayang tanong ng dalaga na nabuhayan ng loob.
" Diyos ko, tulong po," lihim na panalangin niya. "O-Oo. Nabigla lang ako kanina dahil medyo maalat nga," napilitang sagot niya at pinagmasdan ang maamong mukha ng dalagang nakatingin din sa kaniya at hinihintay ang sagot niya.
"Yaan mo, nextime bawasan ko na ang asin at toyo para hindi maalat. Isang sachet lang ba ilalagay ko?"
"Manood ka sa Youtube," suhestiyon niya at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Sige. Actually, balak ko talagang maging chef at magpatayo ng restaurant pero home care ang negosyo ng daddy ko," pagkukuwento ni Atheina na ikinanganga ng binata. Chef? As in chef talaga? Wtf! May business partner na ang Lola Ann niya.
"P-Pagpatuloy mo lang," sabi niya dahil ayaw naman niyang ma-discourage ang dalaga.
"Practice ako tapos tikman mo kung okay ang timpla," sabi ng dalaga. Iyon na lang ang gagawin niya kapag may free time. Tutal madami naman ang laman ng ref ni Loki Luis.
"Patay!" sambit ng binata.
"Huh?"
"Wala. Sabi ko, susuportahan kita," sabi niya at nginitian ang dalaga. 20 years old na ito pero bakit parang sixteen lang ang mukha nito? Matangkad lang talaga pero napaka-babyface ng dalaga.
"German ka pero bakit parang chinese ang mukha mo?" tanong niya.
"3/4 chinese ang mother ko," sagot niya. Ang lolo niya ay 100% chinese at ang lola niya ay half-chinese at sa Ilocos na nga sila nanirahan dahil pusong pinoy na ang lola niya.
"Marunong kang mag-chinese?"
"Kaunti. Pero mas gamay ko ang Deutsch kasi sa Germany na ako lumaki," sagot niya.
"Okay," sabi ni Loki Luis.
"Kain ka pa," masayang alok ni Atheina. "Pasensiya ka na, medyo maalat lang.
"O-Okay lang," alanganing sagot ng binata at kumuha pa sa bowl ng adobo. " Rest in peace sa kidney ko," bulong niya. Iinom na lang siya ng maraming tubig mamaya.
Sa awa ng Diyos, nakaraos siya.
"Ako na ang maghuhugas, matulog ka na."
"May assignment pa ako."
"Gawin mo at matulog ka na."
"May wifi pa dito?"
"Buksan mo na lang, makakonek ka na kaagad. Wala namang password e."
"Okay," sabi ng dalaga saka pumasok na sa kuwarto kaya napailing ang binata saka niligpit ang mga plato. May dishwasher naman siya.
----------------------------
Kinaumagahan, maaga pa siyang nagising at nag-ayos ng sarili. Lumabas siya nang makabihis na at dumiretso sa kusina para magluto pero naunahan na siya ng dalaga.
"Nagluto ako ng breakfast natin," sabi niya kaya biglang nabuhay ang kaba sa dibdib niya. Mas nakakatakot yatang kumain ng luto nito kaysa sa makipagbarilan sa kalaban.
"T-Talaga?"
"Opo, sir."
Napakamot siya sa ulo at wala sa sariling naupo.
"Charan!" masiglang sabi ng dalaga nang ilapag ang ulam sa mesa.
"I-Itlog?" tanong niya na nakatitig sa nilagang itlog.
"Yes, egg."
"M-May iba pa ba?"
"Wala na. Wala na akong time e," sagot ng dalaga. "Male-late na ako."
"Good!" masiglang sabi nimg binata at kinuha ang tinidor at kutsara. Sana lang madalas itong walang time sa pagluluto. Jusko, firstday pa lang nito, pinapasakit na nito ang bituka niya.
"Gusto mo ng asin?"
"Huwag!" mabilis pa sa alas kuwatro na pinigilan niyang tumayo ang dalaga. "O-Okay na ako. Hindi ako nag-aasin sa itlog."
"Ako gusto ko," sabi ng dalaga saka tumayo at kumuha ng asin saka kumain.
"Itlog lang kakainin mo?" tanong ng binata.
"Egg diet ako every morning," sagot nito. Sanay siyang itlog at tinapay sa umaga.
"Ah," aniya at sinimulan nang kumain. Hindi talaga siya mag-aasin. Magkaka-phobia yata siya sa asin dahil kay Atheina. Buomg akala niya, nakaligtas na siya sa lola niya pero heto, may pinatira siyang kampon ng lola niya pagdating sa pagluluto.
Nang matapos na silang kumain, sabay silang lumabas ng condo.
"Kailangan ba talaga sabay tayo?"
"Yes," sagot ng binata na ikinasimangot ng dalaga. "Siguraduhin mo lang na kapag bumaba ka, walang makakakita sa 'yo."
"Haist! Uuwi ako sa bahay. Kukunin ko books ko at mga gamit," sabi niya.
"Samahan kita."
Pinagbuksan siya ni Loki Luis ng pinto kaya pumasok na siya.
Napansin niyang may nauna at nakasunod na sasakyan sa kanila.
"Body guards ko," sagot ng binata dahil hindi bullet proof ang gamit niya. "Hayaan mo, hihiramin ko ang isang bulletproof ni Dad para makapagmaneho ka nang mag-isa."
"Buti naman," sabi ng dalaga.
May pinindot si Luis sa gilid ng upuan ni Atheina.
"Wow, may pa-massage pala ang upuan na 'to," manghang sabi niya. Pinindot pa ulit ni Luis ang sa lower part kaya medyo pahiga na ang upuan. "Matulog ka muna, mukhang inaantok ka pa."
"Danke! (Thank you)," pasalamat ng dalaga at ipinikit ang mga mata.
Habang nagmamaneho, hindi niya napigilang hindi mapasulyap sa dalaga.
Matangos ang ilong nito at sobrang kinis ng mukha. Ang haba pa ng pilikmata nito.  Tumigil siya dahil nag-redlight at napasulyap ulit sa dalaga. Ang daming pumapasok sa isipan niya habang nakatitig sa dalaga.
"M-May problema ba?" naiilang na tanong ni Atheina. Alam naman niyang kanina pa siya tinititigan nito pero hinayaan lang niya pero hindi na siya nakatiis kaya nagmulat siya. Pero ngayong nagkasalubong ang mga mata nila, nakaramdam siya ng pagkailang lalo na nang parang slow motion na bumaba ang mukha nito palapit sa kaniya. Nabablangko ang utak niya. Naaamoy na niya ang mabango nitong hininga. Napapikit siya nang palapat na ang mga labi nito sa mga labi niya.
"Iniisip ko kung ano ang magiging buhay natin sa susunod na mga araw."
Napamulat siya at nakitang nagmamaneho na ito kaya napalunok siya ng laway.
"H-Hanggang kailan tayo ganito?" nahihiyang tanong niya at ibinalik ang upuan sa ayos.
"Hanggang sa matapos ang laban."
"Kailan matatapos ang laban?" sobrang hinang tanong niya.
"Hanggang sa fraternity na lang ang matira!" determinadong sagot ng binata kaya nanahimik na lang si Atheina. Iniisip kasi niya kung ano kaya ang iniisip ni Loki Luis nang pumikit siya kanina?
"May bumusina kaya hindi natuloy," nakangiting wika ni Loki Luis habang nagmamaneho at nasa unahan ng kalsada ang mga mata.
"Hindi ko tinatanong!" naiinis na sabi niya pero agad na iniwas niya ang mga mata nang lumingon ang binata sa kaniya.
"Ayaw ko lang na masayang ang buong araw mo sa pag-iisip," ani Loki Luis na mas lalong ngumiti nang irapan siya ni Atheina.





Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon