GOOD BOY GONE BAD
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 27
Unedited...
Naunang nagmartsa papasok si Atheina sa mansion habang kasunod si Loki Luis.
"Ano'ng nangyari?" Natatawang tanong ni Gabriel sa nakasimangot na kapatid.
"Ba't nandito ka?" tanong ni Loki Luis na giniginaw na.
"Pauwi na, hinihintay ko lang si Nica," sagot ni Gab na bitbit ang iuwing pagkain. "Nag-body bonding ba kayo sa sasakyan? Saan ang damit mo?"
"Huwag mo nang itanong!" Pikong sagot niya at nilagpasan ang kakambal para sundan si Atheina sa itaas.
Pagpasok niya, naghuhubad si Atheina ng damit kaya naupo siya sa kama at pinagmasdan ang dalaga.
"Sana bago ka nagwala, tumakas ka na lang!" sabi niya.
Hubo't hubad na humarap si Atheina sa kaniya kaya pinagsawa niya ang mga mata sa katawan nito.
"At ano? Saan ako pupunta?"
"Puwede mo namang isalba ang buhay mo."
"Ah, matapos mong lagyan ng tracker ang damit at baril na binigay mo sa akin?" tanong ni Atheina. Lahat ng gamit sa silid ay may tracker pati undies niya.
"Maraming paraan, Atheina. Puwede mong hubarin."
Tinaasan siya ng dalaga ng kilay.
"Matapos ninyo akong taniman ng tracker sa katawan, sasabihin mo 'yan?" Alam niyang may tracker din sa katawan niya noong gabing nawalan siya ng malay. Hindi niya lang alam kung nasaan dahil wala siyang nakikitang may maliit na operasyon o sakit na naramdaman. Kaya kung tatakas man siya, wala pang isang oras ay mahahanap na siya. Isa lang ang sigurado niya, sa bandang likuran o ulo ito nakalagay para hindi niya makita.
"Matalino ka naman pala," sabi ni Loki Luis at ngumisi. Sa batok nila itinanim ang sobrang liit na tracker para hindi mahalata ng dalaga pero sobrang liit lang talaga ng butas na hindi nito mahalata. Injectable iyon at sobrang laking syringe ang ginamit nila.
"Lumabas ka na." Walang ganang utos ng dalaga.
"Matapos mo akong ipahiya kanina?"
"So?"
"Bakit mo iyon ginawa, Atheina?" seryosong tanong ng binata.
Kumuha ng bathrobe ang dalaga at isinuot.
"Trip ko lang."
Napabuntonghininga si Loki Luis, "Nagseselos ka ba?"
"Para ano? Bodyguard mo ako at hindi ko matanggap na nagtatrabaho ako sa cheap na tao."
"Paano ako naging cheap?"
"Pumapatol ka sa babaeng kahit sino ang nakatira!" taas-noong sagot ni Atheina.
"Ah, last bedwarmer ko pala ay virgin pero mamamatay-tao lang," sagot ni Loki Luis.
"Mamamatay-tao nga ako pero ba't mo pinatulan?" Naupo siya s couch paharap sa binata.
"Masama bang patulan kita? Wala ka namang sakit."
"Walang sakit pero hindi ba't para ka na ring nakipagtalik sa anak ni Satan?"
"Stop it, Atheina!" Tumaas ang boses niya saka tumayo.
"Ba't parang galit ka?"
"Matulog ka na, Atheina!" sabi niya saka tinalikuran ang dalaga.
"Oras na patayin ninyo ako, puwede bang humingi ng pabor?" pakiusap ni Atheina kaya tumigil si Loki Luis pero hindi lumingon. "Puwede bang tumupad ka sa pangako mong pakawalan ang mga kasama ko?"
"Gaano ka importante sa iyo ang mga miyembro mo?" seryosong tanong ni Loki Luis.
"Sila na lang ang pamilya ko," mahinang sagot ng dalaga. "Sila ang nandiyan noong nawalan ako ng mga magulang."
Humarap si Loki sa kaniya at nakipagtitigan.
"Kung gusto mong makasama ang pamilya mo, alagaan mo ang sarili mo," makahulugang sagot ni Loki Luis.
"For what? Papatayin mo rin naman ako!" Pagsisinuplada niya kaya tumalikod si Loki Luis at lumabas.
Tumungo si Atheina sa shower room at naghubad para maligo. Habang nasa ilalim ng shower, napaisip siya.
" Anong balak mo, Loki Luis?" bulong niya. Ilang araw na siya rito at dalawang buwan ang taning ni Loki sa buhay niya. Bakit dalawang buwan? Anong naglalaro sa isipan nito?
Tinuyo niya ang basang katawan ng towel at muling sinuot ang roba saka lumabas ng shower room at pinatuyo ang buhok bago matulog.
----------------------
Isang linggo na ang nakalipas magmula nang isinama siya ni Loki Luis sa party.
Babangon sana siya pero inaantok pa siya kaya muli siyang nahiga lalo na't alas sais pa lang ng umaga.
Nang muli siyang magising, agad siyang humilamos at tumungo sa ref para maghanap ng makakain pero wala siyang makita. Ayaw rin niyang kainin ang cheese at tinapay kaya napilitan siyang lumabas.
Napatigil si Ann sa pag-akyat nang makita siya at nakaukit ang takot sa mga mata nito.
"G-Good morning po," magalang na bati niya saka nginitian ang matanda.
"M–Morning," kinakabahang bati rin ni Ann.
"Hindi po kita sasaktan, Lola," sabi ni Atheina na nakaramdam ng pagkailang. Ganito na ba ang tingin ng mga tao sa kaniya.
"P–Pasensiya ka na," paumanhin ni Ann at ipinagpatuloy ang paghakbang paakyat. Sana nag-elevator na lang siya pero exercise rin kasi nila ni Dylan ang paggamit sa hagdan.
"Naunawaan ko po kayo pero isinusumpa kong hindi kita sasaktan," sabi ni Atheina saka nginitian ang matanda.
"Ang ganda mo," puri ni Ann at nginitian ang dalaga.
"Salamat po."
Nilagpasan niya ang matanda at dumiretso sa kusina.
"Hey!" tawag ni Loki Luis. "Buti at bumaba ka."
"Wala na akong pagkain!" pikong sabi niya.
"Tulog ka pa kanina kaya ibinaba ko ang breakfast mo para initin sana," sabi ni Loki Luis at pinagmasdan ang dalaga. "Bahala ka nang maghanap ng makakain diyan."
"Okay." Naghalungkat siya ng makakain pero lumingon siya kay Loki na nakatingin pa rin sa kaniya. "May kailangan ka?"
"Wala," sagot ni Loki at lumabas.
"Sir, may naghahanap sa 'yo," sabi ng katulong.
"Sino?"
"Bloom daw po ang pangalan. Sa labas po siya," sagot nito kaya tumango siya at lumabas.
"Kailangan–fuck!" Hindi na naman siya nakapaghanda nang salubungin siya nito ng suntok.
"Nasa pamamahay kita!" Naiinis na sabi niya at sumenyas sa bantay na huwag lumapit. "Bakit nandito ka? Hinahanap ka ni Seven."
"Gusto kong makita ang kapatid ko!" diretsahang sabi ni Bloom.
"Ikaw? Gusto ka ba niyang makita?" pang-aasar ng binata.
Nilagpasan siya ni Bloom saka dire-diretsong pumasok sa bahay. Sakto namang palabas si Atheina na bitbit ang hot choco at isang pirasong green apple na may suka.
"Sinasaktan ka ba ni Loki?" nag-aalalang tanong niya. "Sobrang payat mo na, Atheina."
"Ginagawa mo rito?" salubong ang kilay na tanong ng dalaga.
"Sabihin mo lang kung gusto mong tumakas, tutulungan kita, Atheina," mahinang sabi niya.
"Huwag na," tanggi ni Atheina. "Gusto ko nang mamatay. Tulungan mo na lang na magbagong buhay ang mga natirang black dragon."
"Aalis ako, pupunta ako sa malayong lugar. Atheina, puwede tayong magbagong buhay roon," pangungumbinse ni Bloom. "Kakausapin ko si Luis."
"Huli na ang lahat, Bloom. Ikaw na lang," sagot niya at napasulyap kay Loki Luis na papasok ng bahay. "Mamatay ako."
"Tingin mo papatayin ka talaga niya?"
"Oo," sagot ni Atheina pero sa kaloob-looban niya, hindi rin siya sigurado. May plano si Luis na hindi niya mabasa.
"Hindi iyon mangyayari," pabulong na sabi ni Bloom.
"Anong–" Atheina.
"Tapos na kayong mag-usap?" tanong ni Loki Luis. "Padating na si Seven."
"Buwesit ka talaga!" gigil na sabi ni Bloom saka hinawakan si Atheina. "If you need my help, sabihin mo lang kay Loki Luis." Agad siyang umalis bago pa maabutan ni Seven.
"Dito ka na sa sala kumain, mag-usap tayo," sabi ni Loki Luis.
"Gusto ko sa kuwarto."
"Mag-usap tayo!" salubong ang kilay na sabi nito kaya napilitan ang dalagang sumama sa sala dahil tinatamad siyang makipagtalo. Isa pa, tamad siyang umakyat sa hagdan.
"Pag-uusapan natin?" usisa niya at kumuha ng isang hiwa ng green apple.
"Ano mo si Cesar?" agarang tanong nito.
"Kaklase," sagot ni Atheina.
"Si Cesar ang nagbigay ng sombrero kay Justin na ginamit mo noong pumunta ka sa mental para patayin si Rose!"
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," tanggi niya.
"Huling tanong, ano mo si Cesar?" galit na tanong ni Loki Luis kaya napatigil si Dylan at Lance Leonard sa paglapit sa kanila.
"Wala ka na roon!"
"Kahit na patayin ko siya?" walang halong birong tanong ng binata kaya napatigil si Atheina sa pagsubo.
"H–Huwag mong idamay si Cesar," mahinang sabi ng dalaga.
"Anong meron sa kaniya? Bakit mo siya pinoprotektahan, Atheina? Huwag mo akong piliting isama siya sa pagpatay sa 'yo!"
"Brod mo na siya at fully pledge asirhonians na siya," paalala ni Atheina.
"Ikaw, si Sharon at Cesar ay sabay kong patayin kapag hindi ka umamin kung ano ang relasyon mo sa kaniya, Atheina! Alam kong magkakilala kayo bago ka pa pumasok sa CTU!" Siguradong sabi ni Loki Luis.
"Alam mo naman pala, bakit hindi ka pa mag-imbestiga?"
"Huwag mong sagarin ang pasensiya ko, Atheina!"
Dumiretso sina Dylan at Lance Leonard sa kusina dahil baka madamay pa sila sa galit ng dalawa.
"Nangako kang hindi mo gagalawin si Sharon."
"Ba't concern ka sa kaniya?"
"Wala ka na roon!" sagot ng dalaga na naikuyom ang kamao. Mahalaga sa kaniya ang dalawa kaya hanggat maaari, ayaw niyang madamay.
"Ginamit mo si Cesar para maibigay kay Justin ang sombrero para malito mo kami at sila ang paghinalaan namin, right?" usisa ni Dylan. Inosente sina Justin at Victor pero si Cesar, halatang may tinatago at nagsisinungaling.
Tahimik si Atheina at napayuko. "Huwag mong galawin si Cesar," mahinang pakiusap niya..
Kinuha ng binata at cellphone at ibinigay kay Atheina.
Nanginginig ang mga kamay na pinanood niya ang pagpahirap ng mga ito kay Cesar.
"Oras na hindi ka aamin, papatayin ko siya, Atheina!" seryosong sabi ni Loki Luis sa nagbabagang mga mata. "Sabihin mo kung may relasyon kayo o papatayin ko siya?"
"P–Pinsan ko siya," mahinang pag-amin ng dalaga kaya natigilan si Loki Luis. "Wala siyang kasalanan at wala siyang alam. Nakiusap akong kahit anong mangyari, huwag niyang ipaalam na magpinsan kami." Second cousin na niya si Cesar at ito ang pinakamalapit sa kaniya. Alam niyang concern palagi si Cesar sa kaniya at gusto nitong maging close sila sa school pero siya ang lumalayo.
"Black dragon ba siya?" mahinang tanong ng binata.
"Wala siyang kinalaman sa akin. Hindi niya alam na isa akong black dragon. Totoo ang pagsali niya sa inyo kaya sana huwag mo siyang idamay," pakiusap niya. "Inosente si Cesar."
"Papaimbestigahan ko kung magpinsan nga kayo," sabi ni Loki na naniniwala naman kay Atheina pero may natira pa ring pagdududa. Siyempre magaling magdrama ang kaharap.
"Wala pang laman ang tiyan mo, 'yan agad ang kinain mo," may pag-alalang sabi ni Loki Luis habang nakatingin sa dalaga.
"Malapit na akong mamatay, kaya kakainin ko ang gusto ko," sagot ni Atheina saka uninom ng hot choco.
Tumayo si Loki Luis. "May gulay akong pinaluto, iinitin ko lang para makahigop ka ng sabaw."
"Ayaw ko ng gulay," sabi ni Loki Luis.
"Kalabasa, malunggay at patola ang pinaluto ko," sabi ng binata. "Dito ka lang."
Tumungo siya sa kusina at nadatnan ang ama at lolo.
"May nilutong kare-kare ang mommy mo, paakinin mo muna si Atheina," sabi ni Loki Luis.
"Sige, initin ko muna," sabi ni Loki Luis at isinalang ang kare-kare matapos isalin sa mangkok.
"Apo? Napag-isipan mo na bang isuko si Atheina sa pulis?" tanong ni Dylan.
"Wala akong balak," seryosong sagot ng binata.
"Pero hindi pumapatay ang fraternity, Loki Luis! Hindi tayo Diyos!" sabat ni Lance Leonard na napipikon sa anak. "Alam kong ginagampanan mo ang tungkulin mo bilang frat king pero kahit gaano pa kasama ang ginawa ng tao, hindi tayo ang huhusga."
"Nagkasala siya kaya dapat lang na managot siya!" seryosong sagot ni Loki Luis.
"Pero hindi mamamatay-tao ang fraternity king!" madiing wika ni Dylan sa apo.
"Huwag kayong mag-alala . . ." kampanteng sabi ng binata. "Pro life ako," dagdag niya.
"Anong binabalak mo, Luis?" tanong ni Dylan.
"A-Anong amoy 'yan?" tanong ng dalaga na kakapasok sa kusina dahil hindi na makakaya ang amoy.
"Kare-kare," sagot ni Lance Leonard at binuksan ang microwave saka ipinatong ang mabangong ulam sa mesa. "Gusto mong–"
Bwaack!
Bago pa man siya makaharap kay Atheina, nagduduwal na ito sa lababo.
"S–Sorry," paumanhin ni Atheina habang hawak ang sikmurang tila babaliktad sa amoy ng kare-kare.
Nanghihinang naupo siya sa silya nang muntik na siyang matumba. "P–Pasensiya na po," paumahin niya na pinipigilang masuka.
"Tatawag ako ng doctor!" wala sa modong sabi ni Dylan.
"Samahan na kita, Dad," sabi ni Lance Leonard na agad tumalima.
"Kainin mo itong sabaw para may lakas ka," sabi ni Loki Luis sabay bigay ng gulay sa dalaga.
"Wala akong gana. Ilayo mo lang ang ulam na 'to, please," pakiusap niya at tinakpan ang ilong kaya kinuha ni Loki Luis ang mangkok at inilabas sa kusina.
"Ito ba ang plano mo?" seryosong tanong ni Dylan na sinalubong siya.
"Hindi ko po alam ang pinagsasabi mo, Lolo," sagot ni binata.
"Ginawa mo lang na kumplikado ang lahat, Loki Luis!" madiing sabi ni Dylan pero hindi na nakinig ang apo at itinapon sa labas ang kare-kare.
BINABASA MO ANG
Good Boy Gone Bad
Mystery / ThrillerGOOD BOY GONE BAD by: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE "Good Boy Gone Bad" Well-trained. Pasikreto siyang tinuturuan para ihanda sa tungkuling habambuhay niyang gagampanan. Tahimik na ang lahat pero biglang niyanig ang mundo ng fraternities and sorori...
