19

562 23 0
                                    

GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 19

Unedited...

"Bakit mo siya pinatay?" tanong ng taong nagsasalin ng red wine sa wine glass.
"I have reasons," sagot ni Sharon at naupo sa couch saka nag-crossed legs at tiningnan ang kausap na nakatalikod sa kaniya mula ulo hanggang paa.
"Hindi ba madaan sa usapan?" tanong nito.
"Hindi na nga, 'di ba?" sagot ni Sharon na walang pinagsisihan sa ginawa.
"Killer ka talaga."
Malakas na tumawa si Sharon saka humithit ng sigarilyo.
"You know what, sweety? Hindi ako ang pumatay sa kaniya kaya bakit ako ang killer?" she smirked.
"Ikaw ang mastermind."
"Ako? Baka nakalimutan mo ang adhikain ng grupo?" paalala ni Sharon.
Nilapag nito ang wine glass at naupo sa tabi ni Sharon.
"Di ba, bestfriend mo siya?"
"Bestfriend?" tanong ni Sharon saka umismid. "Kailan pa?"
"Tsk! Loka-loka ka talaga! Baka mamaya, may nakakita sa inyo sa bar at mapahamak tayo."
Tumawa na naman si Sharon at niyakap siya. "I miss you," sabi ni Sharon. "Hindi ko nagustuhan ang plano niya kaya pinagahasa ko siya. Isa pa, walang nakakita sa akin, ako lang talaga."
Napabuntonghininga ang kausap ni Sharon at ginulo ang buhok nito.
"Mag-ingat ka, Sha," sabi nito saka tumayo at namulsa. Lumapit siya sa bintana at sumilip sa makapal na kurtina. "Kumikilos na sila at marami nang alam. Ano mang oras, puwede nila tayong salakayin lalo na kapag malaman nila ang tunay nating pagkatao."
Hinila ni Sharon ang ashtray palapit sa kaniya at pinatay roon ang sigarilyo.
"Palagi naman akong nag-iingat. Ikaw ang mag-ingat."
Napatingin siya sa kausap na naghubad ng jacket at ipinatong sa couch.
"Naiinitan ka?" tanong niya.
"Electric fan ang gamit mo, pano ako hindi maiinitan?" sagot nito na kanina pa nangangati ang singgit niya sa sobrang init.
"Mamaya pa ang mag-aayos ng aircon ko e."
May tumawag sa cellphone nito kaya sinagot nito ang tawag. Pinagmasdan ni Sharon ang bisita habang nagsasalita at pinag-aralan ang bawat kilos kung may kakaiba pero wala naman.
"Alis na 'ko," paalam nito at kinuha ang jacket saka muling isinuot.
"Hindi ka ba mag-stay kahit na ilang minuto pa? Miss na kita," paglalambing ni Sharon habang nakatingala sa kausap.
"Busy ako ngayon, nextime na lang."
"Please, bumawi ka."
"I will, sweety," sabi nito.
"Kailan kaya tayo maging malaya? Iyong mamasyal tayo sa park, manood ng sine, gumimik, at mag-world tour?"
"After ng mission na 'to," nakangiting sagot nito.
"Hindi ko alam kung kelan 'to matatapos," malungkot na wika ni Sharon.
"Malapit na."
"How soon?" tanong ni Sharon.
"Very soon. Just stay alive, Sharon," sabi nito saka yumuko at hinalikan siya sa pisngi. "Alis na 'ko, pakabait ka and please, be careful."
"Always..." sabi ni Sharon. "Ikaw rin, nakakahalata na sila. Feeling ko na-hack nila ang site natin."
"Feeling ko nga," pagsang-ayon nito kahit na nanatiling anonymous ang pagkatao nila. Magagaling sila pero sigurado naman silang may hawak na hacker din ang fraternity.
"Then, let's do our last mission," sabi ni Sharon.
"Yun na nga ang mangyayari," pagsang-ayon ng bisita. "Hindi ka ba papasok?"
"Tinatamad ako," pahabol ni Sharon at napatingin sa bisitang papalabas na.
Tumayo siya at malungkot na dumungaw sa bintana saka napatingala sa mga ibong malayang lumilipad. Buti pa ang mga ibon, may kalayaan, pero silang mga tao, wala.

-------------------------------------

Napatingin si Bloom sa lalaking pumasok sa opisina niya pero agad siyang nagpatay-malisya at nagkunwaring nanonood ng movies sa laptop.
"Manonood ka na lang ba maghapon?" tanong ni Seven.
"May kailangan ka?" tanong ng dalaga na mas lalong pinalakasan ang volume para lumayas kaagad si Seven.
Nagulat siya nang biglang ibinagsak ni Seven ang newspaper kaya tumayo ang kasama ni Bloom at pasimpleng lumabas dahil baka magbabarilan na naman ang dalawa at madamay sila.
"Hindi ako nagbabasa ng diyaryo," sabi ni Bloom na sinulyapan lang ang newspaper.
"Alam mong nasa bar lang natin nangyari ang krimen," sabi ni Seven. "At matagal kang nakabalik!"
"So?"
"Basahin mo!"
"May internet ako kaya alam ko na 'yan! Kahapon pa 'yan, ngayon mo lang nabasa?" Sagad na kasi ang volume kaya hindi na niya malakasan pa.
Namatay ang computer niya nang bunutin ni Seven sa saksakan kaya gigil na napatingala siya.
"Punyeta ka! Hindi ka ba marunong rumespeto? May pinapanood ako!"
"Sagutin mo muna ako, nakita mo ang nangyari, right?" Nakipagtitigan siya kay Bloom. Galit siya. Nandoon sila sa area pero wala silang nagawa.
"Yes," walang ganang sagot ng dalaga. "Ngayon, puwede ka nang lumabas!"
"Ganiyan ka ba talaga kamanhid, Bloom?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Kapwa babae, hinayaan mo lang na gahasain nila at patayin? Anong klaseng puso na meron ka?"
"Pusong demonyo!" sagot ni Bloom kaya naikuyom ni Seven ang kamao habang salubong ang kilay.
"May pagkademonyo ka nga!" pagsang-ayon ni Seven.
"Demonyo pero sinasamba mo naman ang katawan ko," sagot ni Bloom at napa-smirk nang makita ang pagkagulat sa mga mata ni Seven. "Have you enjoyed lastnight?"
Napatitig si Seven sa mukha ng dalagang kaharap. Kakasakay lang niya kay Bloom sa kotse nang bigla silang naghalikan. Walang nakakaalam kung sino ang unang nag-initiate basta bigla na lang nangyari ang lahat. Akala nga niya, susugurin siya nito kinaumagahan pero wala.
"Ba't gulat na gulat ka?" nakangising tanong ng dalaga. "Try harder, Pito! Hindi ka kasing galing ng ex ko."
"Kaya pala ang lakas ng ungol mo," kalmadong sagot ng binata. "Hindi naman halatang sabik ka sa sex. Kung sabagay, tigang na tigang ka na nga. Medyo masikip na nga eh."
"Di ko ramdam! Dry lang talaga ako kasi wala kang karisma!" pagtatanggol ng dalaga. Malalaki naman ang sa naging ex niya pero siguro dahil taon na rin kaya medyo sumikip.
"It was wet all night, honey," wika ni Seven na bigla ring sumeryoso. "Oras na malaman kong may kinalaman ka sa nangyari, malalagot ka sa akin!"
"Labas na!" pagtataboy ng dalaga kaya naiinis na lumabas si Seven. Wala pa rin siyang tiwala kay Bloom. Paano kung traidor nga ito?

Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon