8

660 22 0
                                    


GOOD BOY GONE BAD

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 8

UNEDITED...

"May idea na ba kayo kung sino 'to?" tanong ni Gab sa kakambal habang nakatingin sa litratong hawak. Ito ang pumatay unang spy ng black dragon gang sa loob ng mental hospital.
"Wala pa," sagot ni Loki Luis na napatingin sa larawang hawak ng kapatid.
"Kahit mata, hindi natin makita dahil may shades. Sombrero niya, napaka-common at maraming ganiyang style. Wala ring nag-match sa lalaking 'to!" pikong sabi ni Gab at pabagsak na inilapag ang litrato sa mesa. "Pota! Sino kaya 'to?"
"Huwag mo nang isipin."
"Pustahan, papasukin nila ang frat kaya mag-ingat ka."
"Nakahanda kami," sagot ni Loki Luis.
"Or baka nakapasok na nga," sabi ni Gabriel Vincent na gusto sanang tulungan ang kakambal kaso may anak pa sila ni Nica.
"Magdo-dobli ingat kami," sabi ni Loki Luis. "Maiba tayo, pumunta ka ba kina Bloom?"
"Nextday na lang."
"Nakikiusap si Bloom na lumabas sila," sabi ni Loki Luis. "Sa tingin mo?"
"Mahirap kapag ma-expose ang mukha nila sa mga tao," sagot ni Gabriel. "Isa pa, sugatan pa ang dalawa."
"Baka nagpatayan na nga," sabi ni Luis na hindi alam ang gagawin para mapagbati sina Bloom at Seven.
"Bakit hindi na lang magkatuluyan ang dalawa?" ani Gab. "Kapagot na pumunta roon. Puro na lang bangayan ang naririnig ko. Kawawa naman ang teammates nila."
"Sinabi mo pa. Hayaan mo, ipa-rape ko si Ate Bloom kay Kuya Seven," pagsang-ayon ni Loki Luis.
"At ikaw naman ang patayin ng dalawa," natatawang sabi ni Gabriel.
"Malaki ang naitutulong nila sa grupo. Alam mong matinik din ang hacker ng gang na iyon," sabi ni Gabriel na hindi puwedeng baliwalain ang pagtatiyaga ng dalawang IT expert sa pangha-hack ng kalaban kaya nga nalalaman nila ang ibang galaw ng mga ito. Kagaya ngayon, may balak na naman silang ipa-kidnap na sorority princess pero nai-rescue nila.
Napatingin siya sa wristwatch. Alas kuwatro 'y media na pala. Uwian na nina Atheina. Two days din silang hindi pa nag-uusap kahit nasa iisang bahay lang sila.
"Bro?" tawag ni Gab.
"Hmm?"
"Alam kong kailangan mo rin ng lovelife pero alam mo naman ang sitwasyon ngayon, 'di ba? Ang nursing student na 'yon, kaya mo ba siyang protektahan?"
Natigilan si Loki Luis sa tanong ng kakambal. May alam na kaya ito?
"Huwag mo nang ipagkaila, nagmahal din ako kaya alam kong espesyal ang estudyanteng iyon. Pero oras na makikita ng kalaban na may pagtingin ka sa kaniya, manganganib ang buhay niya," paalala ni Gabriel. Concern lang naman siya kay Loki Luis.
"Kahit anong mangyari, poprotektahan ko siya!" determinadong wika ni Loki Luis. Napailing ang kakambal. Kumpirmado nito na inlove na nga si Loki Luis.
Tinapik ni Gab sa balikat ang kakambal. "Sana tama lang ang desisyon mo, bro. Puwede namang makapaghintay ang lahat. Kapag matapos mo ang misyon mo, malaya na kayo. Hintayin mo muna siyang maka-graduate bago jowain."
"Umuwi ka na," walang ganang utos ni Loki. Siyempre hindi niya ipapaalam na nasa condo niya si Atheina dahil baka kung may maisip pang gawin ang buong pamilya. Minsan na kasing napanganib ang buhay ng Lola Ann nila noong ang Lolo Dylan pa nila ang fraternity king.
Naglakad palapit sa pintuan si Gab at binuksan ang pinto pero muli niyang nilingon ang kakambal.
"Siya nga pala, Loki, pakiayos naman ng mga ikinikilos mo at pakibalik ng utak mo, napaghalataan ka eh!" paalala niya.
"Pinagsasabi mo diyan?"
"Baby kaya tawag mo kay Daddy."
"Hindi--"
"Di ako bingi. Pagpatuloy mo pa 'yan at isusumbong na talaga kita kay Daddy."
"Hindi ako inlove!" tanggi ni Loki Luis.
"Sabi mo e. Alis na me, bye!"
Nang maisara ni Gab ang pinto, naiinis na naupo si Loki Luis sa sofa.
"Buwesit! Ano ba kasi ang cellphone number ni Atheina?" bulong niya habang nag-iisip. Paano ba niya makuha? Eh, hindi na ito namamansin.
---------------------
Kakapasok lang niya ng condo. Wala pa si Loki Luis. Buti na lang dahil ipinagkatiwala nito sa kaniya ang password.
" hmp? Hindi naman ako magnanakaw noh," bulong niya saka pumasok sa kuwarto at nagbihis. Magluluto siya. Aminado naman siyang nakikitira lang siya at galing pa rin kay Luis ang kinakain niya. Gusto sana niyang mang grocery pero hindi siya payagan ng binata. Isa pa, wala rin siyang panahon.
Napatingin siya sa white cotton shorts na nakahanda na sa kama niya. Ito ang ang paborito niyang isuot dahil comportable siya rito. Isa pa, wala naman siyang kasama sa condo niya.
Nakuha na niya ang mahahalagang bagay sa condo niya kahapon.
White shorts and pink hanging shirt ang suot niya.
Lumabas siya at nakiusyuso sa kusina at naghanap ng maluluto. Alas singko na pero wala pa rin si Loki Luis.
"Saan kaya nagpunta ang mokong?" bulong niya habang naghihiwa ng manok. Magluluto siya ng tinola.
Habang naggigisa ng bawang, nag-iisip siya kung ano ang magandang gawin sa buhay. Sana nga mamamasyal pa sila ni Sharmie pero heto, naka-ban siya.
Luto na ang ulam niya nang dumating si Loki Luis.
"Hi," bati ng binata.
Napasulyap si Atheina sa wristwatch niya.
"Alas sais na ah."
"May pinuntahan lang," pagod na sagot ni Loki Luis dahil dumaan pa siya sa basement ng IT's niya pero nagsisigawan na naman sina Bloom at Seven. Kung hindi pa siya nagpaputok, hindi pa nila napansing nandoon siya. Well, soundproof naman ang basement kaya walang nakakarinig sa kanila.
"Girlfriend mo?"
Natigilan si Loki Luis sa paghubad ng jacket at napatingin kay Atheina na busy sa paghahanda ng mesa.
"Kaibigan lang," pagsisinungaling niya. Alangan namang sabihin niyang kina Bloom siya galing. Hanggat maaari, walang ibang makakaalam ng lugar na iyon at nag-iexist ang mga tauhan nilang nandoon sa basement.
"Sabi mo eh," hindi naniniwalang sabi ni Atheina dahil sa kilos at pananagot nito, halatang may itinatago si Loki Luis sa kaniya. "Sa umpisa, kaibigan lang."
"Nagsasabi ako ng totoo," sabi ni Loki Luis.
"Wala naman akong sinabing nagsisinungaling ka ah!"
"Parang ayaw mo kasing maniwala."
"Maniwala ako o hindi, wala naman akong pakialam dahil buhay mo 'yan, sir!" tumaas na ang boses niya dahil sa inis kay Loki Luis. Simpleng tanong humaba pa.
"B-Ba't ka sumisigaw?" pagpakumbaba ng binata. Ang payat ng babaeng kaharap niya tapos ang boses nito, parang nilalamon siya.
"Hindi ako sumisigaw," medyo kalmado nang sagot ng dalaga.
"Galit ka ba?" malumanay na tanong ng binata.
"Hindi," ani Atheina. "Magbihis ka na nga at kakain na tayo."
Napangiwi si Loki Luis nang makita ang tinolang manok sa mesa. Ito na naman sila.
"Huwag mo akong bigyan ng ganiyang tingin!" naiinis na sabi ni Atheina. "Kung ayaw mong kumain, e di huwag! Alam kong maalat ako magtimpla kaya mag-order ka na lang!"
"Baby hin--"
"Huwag mo akong tawaging baby na matanda ka ha!"
"Hala, wala naman akong sinabing hindi ako kakain. Nagugutom lang talaga ako. Wait lang, magbibihis lang ako. Ang totoo niyan, excited na kaya akong kumain ng luto ng baby ko," labas sa ilong na depensa ni Loki Luis.
"Bihis ka na."
"Wait lang, baby," nakangiting sabi ni Loki Luis at nang tumalikod ay napalis ang ngiti sa mga labi niya. Patay! Torture na naman ang abutin niya nito.
Nagbihis siya at nanghihina ang mga tuhod na naglakad pabalik sa dining room.
"Kung hindi ka kakain--"
"Sinong hindi kakain?" tanong niya. "Nagugutom na nga ako e." Hinila niya ang silya at naupo sa tapat ng dalaga. "Mukhang masarap ang ulam ah."
Kinuha niya ang mangkok at tinikman muna ang lasa.
"Okay lang ba? Ang alam ko, matabang 'yan e. Kaso naalala kong matabang pala ang panlasa mo kaya kaunting asin lang ang inilagay ko," agad na depensa ng dalaga.
"Ah," ani Loki Luis at kumuha ng isang hiwa ng manok saka inilagay sa plato at nilagyan ng kaunting sabaw ang kanin. "Masarap nga e."
"Huwag mo akong bolahin!"
"Oo nga," sabi ni Loki Luis at nagsimula nang kumain.
"Sure ka?" nagdududang tanong ng dalaga.
"Oo naman, ikaw pa," sagot ng binata saka nagsimula nang kumain.
"Gusto mo pa ng sabaw?"
"Ha?"
"Sabaw, gusto mo pa?" ulit ni Atheina.
"Ah, sabaw!" ani Loki Luis at bahagyang tumawa. "S-Sige, sabaw pa, baby, please."
"Mukhang gutom ka ah," sabi ni Atheina at kinuha ang mangkok saka tumayo at tumungo sa kusina.
Natarantang kinuha ni Loki Luis ang maliit na lagayan ng iodized salt sa gitna ng mesa sa tabi ng pepper at toyo saka mabilis na nilagyan ng asin ang kanin at muling ibinalik ang asin.
Paano, parang tubig lang na nilagyan ng manok ang kinakain niya. Ne wala talagang lasa. Buti pa nga kapag tubig at asin lang ang ulam e, may lasa pa.
"Heto na, sir."
"Baby..."
"Huwag mo nga akong tawaging baby!"
Kung may buntot lang siya, baka nabahag na sa boses ni Atheina kapag magalit.
"Huwag ka namang sumigaw, baby," mahinahong sabi niya. Tinitiis na nga lang niya ang tinubigang manok nitong luto e. Tapos sigawan pa siya.
"Huwag mo kasi akong tawaging baby."
"Baby kita."
"Loki naman!"
"Gusto kitang maging girlfriend, Atheina," seryosong sabi niya kaya napatingin ang dalaga sa kaniya.
"Gusto mo lang ako kasi gusto mo akong protektahan."
"Never pa akong nanligaw ng babae, ngayon lang."
"Iyon ba ang rason? Dahil natatapakan ang pride mo?"
"Kung iyon lang ang rason, sana ginahasa na kita!" prangkang sagot ni Loki Luis. "Nandito ka sa pamamahay ko at dalawa lang tayo. Mayaman ako, Atheina. Sa tingin mo, kapag gahasain kita ngayon, may maniniwala sa 'yo gayong may CCTV sa labas at ikaw mismo ang pumasok dito?"
Natahimik ang dalaga.
"See? Pero ayaw ko nang ganoon. Mas gusto kong ilagay natin sa proper way ang lahat."
"Gusto mo ba talaga ako?" panigurado
ng dalaga. Tumango si Loki Luis. "Pero bakit ako? Marami namang babae diyan."
"Ikaw ang gusto ko e. Tapatin mo nga ako, may pag-asa ba ako o wala?" seryosong tanong ni Loki Luis na nakipagtitigan sa dalaga pero sa huli ay ito rin ang unang bumawi.
"H-Hindi ko alam," naguguluhang sagot ni Atheina.
" Magtatanong kung gusto ko ba talaga siya? Sa pagkain pa lang niyang tinitiis ko, magdududa pa siya?" bulong niya. Wala ba itong panlasa? Hindi ba nito alam tumikim kung maalat o matabang ang luto?
"Sa totoo lang," wika ni Atheina kaya napatingin si Loki Luis sa kaniya. "Natatabangan ako sa tinola pero bakit ikaw? Sarap na sarap?"
"Hindi mo ba nilagyan ng asin?" tanong ni Loki Luis. Tingin nito, nasasarapan talaga siyang kumain? Buti na nga lang at nalagyan pa niya ng asin ang kanin niya e.
"Kalahating kutsarita lang. Noong unang luto ko kasi, naaalatan ka," sagot niya. Nainsulto talaga siya nang paratangan siyang nilalason daw niya ito. Eh, ang alam niya, suka at toyo lang naman ang dapat ilagay e.
"Ah, nextime, wag mo na akong intindihin, baby. Magluto ka at timplahin mo na naaayon sa lasa mo," sabi niya. Gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang panlasa nito.
Buti na lang dahil wala nang sinabi pang iba si Atheina kaya tinapos na lang niya ang pagkain.
Siya na ang nagligpit ng pinagkainan at inilagay sa dish washer.
Maaga pa naman kaya tumambay muna siya sa sala. Si Atheina ay pumasok na kuwarto nito.
Malapit na ang initiation kaya kinuha niya ang laptop at isa-isa niyang inalam ang data ng neophytes nilang ilalabas.
Napatingin siya sa larawan ng tatlong magkakaibigan. Ayon sa kanila, ang president na si Jason ang nag-recruit sa kanila.
Kahit sa larawan, nakasombrero pa rin si Justin at halatang may chewing gum si Victor. Si Cesar lang ang matino sa kanilang tatlo.
"Possible kaya?" tanong niya. Ayon sa impormasyong ibinigay, half pinoy ang dalawa maliban kay Cesar kaya may mga hitsura. Pare-parehong mula sa private school ang tatlo. May possibility kayang isa sa kanila ang spy? Or silang tatlo mismo. Kailangan niyang makasiguro.
"Hindi ka pa ba matutulog?" napatingin siya sa dalagang nakatayo sa harapan niya. Alas diyes na pala ng gabi pero 'di niya namalayan ang oras.
"Mauna ka na," sabi niya.
"Magpahinga ka na rin," sabi ng dalaga kaya napatingala si Loki Luis saka tumayo. Ang cute talaga ni Atheina lalo na kapag nasa bahay lang ito, parang napakainosenteng bata na nais nyang protektahan.
"Baby," aniya saka lumapit sa dalaga kaya napaurong si Atheina.
"M-Matutulog na ako," wika niya at tatalikod na sana pero napigilan siya ni Loki Luis sa braso. "M-Matulog ka na rin."
Pinaharap siya ng binata saka hinaplos sa kanang pisngi gamit ang mga palad nito.
"I love you, Atheina," usal ni Loki Luis habang nakatitig sa maamong mukha ng dalaga at bahagyang yumuko saka inilapit ang mukha "Please be mine," dagdag niya.
Napalunok ng laway ang dalaga. Ang init at bango ng hininga nitong dumampi sa pisngi niya.
Mula nang ginaganito siya ni Loki Luis, nagsimula nang gumulo ang utak niya.
Lumayo si Loki Luis at ngumiti. "Matulog ka na, baby," sabi niya kaya tila natauhan si Atheina.
"Goodnight," sabi ng dalaga saka iniwan si Loki Luis.
"Night, I love you, baby ko."
"Shutup!" saway ng dalaga bago isinara ang pinto kaya natawa si Loki Luis. Sa ikinilos ni Atheina kanina, alam niyang makukuha niya ang matamis nitong oo.
"Shit! Ang number ng baby ko!" naiinis na sabi niya nang maalalang kukunin pala niya ang cellphone number nito.



Good Boy Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon