Chapter 25

3K 52 3
                                    

Samantha POV

Ang bilis talaga ng panahon pag in love ka. Malapit na ang final exam namin at sobrang busy din kami sa pag gawa ng aming mga final requirement.

Ang totoo niyan hindi kami bati ni payatot ngayon. Porket tapos na namin ang aming mga final requirement eh hindi na siya pumasok.

Kagabi nagpaalam siya sa akin magbabar daw sila nila trish. Pinayagan ko naman siya dahil matagal din silang hindi nagkita ng mga kaibigan niya.

Pinag sabihan ko lang siya na huwag uminom ng sobra at huwag din siyang mag yosi ng sobra. Puro yes lang naman ang sagot niya sa akin.

Tapos kaninang umaga pag gising ko wala akong natanggap na text galing sa kanya tas hindi pa siya pumasok ngayon.

Text ako nang text sa kanya hindi siya nagrereply. Pasado alas onse na wala pa rin siyang reply. Nakakabwiset na. Tinext ko na din si Trish pero isa din yun hindi nagrereply. Nakailang tawag na rin ako pero hindi siya sumasagot.

Jaysel!! Ano ba?!! Nakakainis ka na. Pinag-aalala mo ako!! Sirang sira na araw ko.. Payatot ka! Hindi mo man lang naisip na may nag aalala sayo dito!!

Dinial ko ulit number niya. Hindi nagtagal sinagot na niya ang tawag ko.

Hmmm.. ungol niya halatang kagigising lang niya

Asan ka?!! naiinis na tanong ko sa kanya

Love.. gulat na sabi niya

Love mo mukha mo!! Asan ka?!! naiinis pa rin ako

Nandito sa condo love.. I love you.. malambing na pagkakasabi niya sa akin

Jay.. Bangon na dyan, breakfast na tayo.. narinig kung sabi nung babae sa kanya..

Kung kanina naiinis lang ako. Ngayon punyeta lahat ng taong nakikita at nadadaanan ko. Makakapatay talaga ako ngayon!!!

Pinayagan ko na nga siyang uminom kagabi. Pero mukhang hindi na ulit mauulit dahil sa mga nangyayare ngayon..

Love.. wag kang mag-isip ng kung anu-ano.. Si Trish lang yun.. Huwag kang umalis dyan sa school papunta na ako dyan.. sabi niya

Isa rin si Trish eh, tinext ko siya kanina pero hindi man lang nagreply. Pinatayan ko na siya.. Dahil sobra talaga akong naiinis, nabibwiset talaga ako..

Umupo na lang ako dito sa may damuhan sa silong ng puno. Kailangan kong kumalma.. Hinga ng malalim Sam.. Mamaya ka na magalit pag nandyan na siya..

Hindi nagtagal nakita ko na si Jaysel.. Mukha siyang zombie.. Hindi pa siya naligo. Dahil yung suot niya kahapon ay suot pa rin niya hanggang ngayon.

Love.. Bungad niya sa akin

Tinarayan ko lang siya.. Hindi ko siya pinansin..

Sorry.. sincere na sabi niya

Mag-usap tayo. Cold na sabi ko

Naglakad na kami papunta sa kotse niya. Nauna akong naglakad nakabuntot lang naman siya sa akin.

Nandito kami ngayon sa loob ng kotse niya..

Hindi ako umiimik.. Infairness naman hindi siya mabaho, hindi amoy alak hindi rin amoy yosi..

Love ko.. Sorry.. Hindi ako uminom ng sobra, kung iniisip mo na nalasing ako hindi. Ang totoo niyan hindi pa nga namin naubos yung alak na iniinom namin dahil biglang tumawag mama ni Lex.

Emergency yun love, binaril ang father niya.. At kritikal ngayon sa hospital.. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya Sam. Hinatid namin siya sa probinsya.. Nagbiyahe kami mga 1 am na.. Naaawa ako sa kanya love, iyak siya ng iyak. Paliwanag niya sa akin

Sorry love kung pinag-alala kita. Sorry. Hingi niya ng tawad agad niya akong niyakap saka niya ako hinalikan sa noo.

Bigla namang nawala lahat ng inis at galit ko sa kanya. Ang OA ko pala. Natakot lang naman ako na baka may nangyare nang masama sa kanya.

Dapat kasi love magtext ka naman. Kung ganun na ang nangyayare. Para alam ko, hindi yung para akong tanga na naghihintay sa text mo. Sorry love.. I love you.. Sabi ko saka ko siya niyakap ng mahigpit

Ahh. Jaysel ang baho mo. Biro ko sa kanya

Mabaho ka dyan. Ang bango ko kaya. Amoyin mo pa kili-kili ko. Ohh. Tinaas niya ang kamay niya saka pilit na inilapit sa mukha ko. Mapang-asar talaga tong payatot na to.

Bwiset ka! Sabi ko saka ko pinagpapalo ang braso niya

Aww. Ang sweet naman ng baby ko. I love you too Samantha. saka niya pinangigilang pisilin ang pisngi ko.

Nakasimangot ako dahil sa ginawa niyang yun. Ang sakit kaya..

Maganda ka pa rin kahit nakasimangot ka pero mas maganda ka kapag nakangiti ka. Sabi niya saka ako hinalikan sa tip ng nose ko.

Uwi na tayo. Nagugutom na ako. Sabi niya

Habang nasa biyahe kami. May naamoy akong mabaho..

Jaysel umutot ka ba? Ang baho.. Reklamo ko

Wala naman kasing mabangong utot ehh. Sagot niya sa akin

Ewan ko sayo. Asar na sabi ko

Tumawa lang siya.. Saka binaba yung window ng sasakyan..

Dapat kasi magbigay ka ng warning Jaysel para naman makapaghanda ako. Ang baho eh. Sabi ko

Oo na, next time. Gusto ko lang mabigla ka ngayon. Natatawang sabi niya

Nandito na kami sa condo niya.

Nandito ako sa kwarto niya nakahiga sa kama niya, hinihintay siyang matapos maligo.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Hindi ko kasi ma-take ang bango ng unan niya. Nakakaadik ang amoy niya. Ang sarap amoyin. Paborito ko kaya ang amoy niya. Kaya heto ako ngayon nalulunod na sa kama niya.

Hindi nagtagal lumabas na rin siya sa banyo. Pero nakapikit pa rin ang mga mata ko. Wala gusto ko lang, kunwari nakatulog ako.

Naramdaman ko na lang na papalapit na siya sa akin. At ilang sandali pa naramdaman ko na ang init ng hininga niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang bilis na ng tibok ng puso ko. Sa sobrang pag-iisip.. Hindi ko namalayang dumampi na pala ang malalambot niyang labi sa labi ko.

Agad din siyang lumayo sa akin at saka nagbihis na..

Payatot ka. Nagnanakaw ka ng halik. Sabi ko

Gustong gusto mo naman eh. Sabi niya

Nandito na ako sa school. Hinatid ako ni Jaysel. Ang sabi niya sa akin baka raw hindi niya ako masusundo mamayang uwian dahil magkikita sila ng Mama niya.

------

Hi Readers.

Sorry guys. Ang tagal kong mag-update.
Huwag kayong mag-alala tatapusin ko 'tong story.

Thank you!! *hug*

Sa love ko, Hi baby!

Okay yun lang. Nyehey
Take Care people.
-Aseven

The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon