Samantha's POV
Nakaligo na ako't lahat lahat pero hindi pa rin pumapasok si Jaysel dito sa kwarto niya. Baka nanunuod siya o kaya naman kumakain. Mas minabuti ko nang tignan siya, paglabas ko wala siya sa sala at kusina. Hmm.. nagpapahangin siguro siya.
Nakita ko siyang nakaupo sa sahig habang nakasuot sa tenga ang earphone niya.
Jaysel.. agaw ko sa antensyon niya
Tumingin lang ito sakin
Hindi ka ba nilalamok dito? Tara na sa loob, tulog na tayo. Yaya ko
Tumayo naman ito agad at naglakad palapit sakin.
Nauna na akong pumasok samantalang nakabuntot lang siya sakin. Naligo muna siya bago nahiga sa tabi ko pero nakatalikod siya sakin.
Hanggang ngayon ang cold pa rin niya.
Hinarap ko siya sakin saka niyakap ng mahigpit.
"Jaysel giniginaw ako yakapin mo din ako." Sabi ko
Napangiti siya sa sinabi ko at agad akong niyakap.
Hehe! Ang ganda ko talaga hindi niya ako matiis.
Nakapikit na ang mga mata niya habang ako nag-eenjoy na pagmasdan ang mukha niya.
"Sam kiss mo nga ako." Out of the blue na sabi niya still her eyes was closed.
Nakanguso na siya natawa na lang ako. And there she open her eyes and watch me laughing.
"Tumigil ka na nga dyan sa pagtawa mo at halikan mo na ako." Ma awtoridad na utos niya.
Napatigil agad ako sa pagtawa at napatingin sa kanya. Nakatingin lang din siya sakin at hinihintay ang susunod kong gagawin.
Kanina ko pa siya gustong halikan pero nahihiya ako. Kaya ang swerte ko dahil ang grasya na ang lumapit sa akin.
Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya, napapikit ako ng maramdaman ko na ang hininga niya. Ang bango, nakakaadik. Dinampi ko agad ang labi ko sa labi niya. Steady lang kami, hindi ako gumalaw ganun din siya.
Dampi lang yun, saglit lang..
Pagmulat ko ng mga mata ko, nakangiti na siya saka niya ako niyakap ng mahigpit. Ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko.
Naka-unan ako sa may dibdib niya, ramdam ko rin ang bilis at ang lakas din ng tibok ng puso niya. Bigla akong napangiti dahil pakiramdam ko parehas kami ng nararamdaman.
Nagmomoment na ako ng magsalita siya..
"Ang cute mo humalik parang bata lang ehh. Dampi lang talaga.."
Sabi niya pagkatapos nun hinalikan niya ako sa may noo.
Ang sweet niya pero mapang-asar nga lang kung minsan.
"Nang-asar ka pa, pasalamat ka nga hinalikan pa kita." Sabi ko
"Hindi ka lang marunong eh, gusto mo turuan kita. " pang aasar niya sakin
Mayabang talaga siya pero mas mayabang ako.
"No need. Good kisser ako noh, baka kasi pag hinalikan na kita, yung totoong halik ahh. Baka maadik ka at hahanap hanapin mo na labi ko."
Sabi ko saka ko siya kinindatan
Pinanggigilan lang niya ang pisngi ko saka bumulong.. "Yabang mo." sabi niya
Iniba ko na ang usapan namin. Tinanong ko siya kung ano ba talagang balak niya at pinag impake niya ako. Gusto lang pala niya akong magstay sa condo niya ng ilang araw dahil ilang araw din daw kaming hindi magkikita dahil nga may outing sila ganun din naman ako.
Si Jaysel talaga hindi na lang niya sinabing gusto niya akong masolo. Hehe ang feeling ko..
Ang dami niyang naikwento about sa mga kalokohan niya at sa mga kaibigan niya. Gusto ko na tuloy silang makilala, parang ang cool kasi nila. Ako naman wala masyadong maikwento dahil laging si Vic lang ang kasama ko at kung minsan si Blake lang. Puro boys lang naman ang napapag-usapan, napapansin namin ni Vic dati.
Kinabukasan
"Sam ihahatid na kita sa school. Hindi ako papasok ngayon may pupuntahan ako."
Sabi ni Jaysel sakin pagkasakay ko sa kotse niya. Amg saya ko pa naman dahil ang akala ko buong araw ko siyang makakasama pero hindi pala.
"Bakit? Saan ka pupunta? Sinong kasama mo?"
Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"Sa bahay ni Ma'am Pau.. may pag-uusapan lang kami." Nakangiting sagot niya
Pag-uusapan? Pwede namang sa school eh. Kailangan talagang umabsent pa silang dalawa, masyado atang importante ang pag-uusapan nila.
"Sige. Sabay tayong maglunch mamaya ah. Hindi naman siguro aabutin ng dalawang oras yang pag-uusapan niyo ni MA'AM. nga pala tayong dalawa lang ang maglulunch Jaysel. Ikaw at ako lang. Nagkakaintindihan ba tayo?" Mataray na pagkakasabi ko
"Yes love. Ikaw at ako lang. Hindi pa tayo pero pinagdadamot mo na ako. Ayiee! Kinikilig ako love." Nakangiting sabi niya
Namula ako sa sinabi niya. Love daw? Shet! Kinilig rin ako dun. Bat kasi hindi pa niya ako ligawan sasagutin ko naman agad siya eh. Ang landi ko.
"Feeling ka. Tara na nga malalate na ako." Sabi ko, dinedma ko kunwari yung sinabi niya
"Ang sweet mo talaga love.' Sabi niya saka niya pinisil ang ilong ko
Hindi naman naging tahimik ang biyahe namin dahil sinasabayan niya ang kanta, umaawit rin siya. Kaya malakas ang loob niyang kumanta dahil maganda ang boses niya. Yun nga lang minsan pasigaw na.
"Hoy! masakit ba yang ngipin mo?"
Natatawang tanong ko sa kanya
Napatigil siya sa pagkanta at kunot noong sumulyap sakin. Nagtatanong ang mukha niya
"Yang pagkanta mo kasi ehh, parang ang sakit ng ngipin mo.. pasigaw na ewan. Hahahaha"
Ginaya lang niya ang pagtawa ko.
Pagkarating namin sa harap ng school bumaba na ako dahil ilang minuto na lang magtitime na. Tatakbo nanaman ako hanggang sa building namin. Nag ba bye na ako sa kanya, ganun din siya sakin.
Agac ko namang kinuha ang phone ko sa bulsa at tinext ko siya.
To: Jaysel
Jaysel lunch later. Wag mong kakalimutan. Take care..
Sent!
Pagdating ko sa room, nagdidiscuss na si Sir Pascual.
---
"How can I move on when I'm still in love with you."[fJ]
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romansa"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.