Pasensya na po medyo natagalan ang pag update ko.
Play niyo na rin yung video. Na LSS kasi ako sa kantang yan. Haha Yung lyrics damang dama ko.
Yun lang. K bye! Nagpapansin lang ako. Hahaha
----Samantha's POV
Mabilis lumipas ang mga araw, mas lalo kaming naging close ni Jaysel, mali super close na pala. Mas lalo ring tumitindi 'tong nararamdaman ko sa kanya, sa tanang buhay ko ngayon lang talaga ako na-attract sa babae. Kaya heto ako ngayon, kasapi na sa federasyon ng bahaghari.
Nandito kami ngayon sa canteen ni Jaysel, sinasama niya ako sa outing nila. Hindi naman ako pwede sa araw na yun dahil may outing rin kami nila Ate, kasama ng pamilya ng boyfriend niya. Gusto niya kasing mameet ko bf niya pati na rin ang family ng bf niya.
Jaysel next time na lang. May outing rin kasi akong pupuntahan sa araw na yon kasama ko si Ate tas yung pamilya ng boyfriend niya.
Sabi ko
Tumango lang ito. Bigla niya akong hinila at kinaladlad palabas ng canteen. Bwiset talaga to. Pwede naman niya akong yayain, sasama naman ako sa kanya.
Jaysel pwede mo naman akong yayain diba? Hindi yong kinakaladkad mo nlng ako bigla.
Sabi ko habang hawak pa rin niya ang kamay ko.
Sorry. Uwi tayo ng apartment mo mag-empake ka ng mga damit mo. Sabi niya
Ang random talaga ng babaeng ito. Bossy pa. Tss!
Nagtatakang tumingin ako sa kanya.
Bakit? Saan tayo pupunta? Tanong ko
Pasimpleng umakbay ito sa akin. Saka siya tumingin sa mga mata ko. Shet! Hindi ako makahinga, ang bilis ng tibok ng puso ko.
Itatanan na kita. Halika na, baka nandyan na si Blake agawin ka pa sakin. Sabi niya
Parang nabingi ang dalawang tenga ko sa narinig ko at para akong pipi dahil hindi ko nagawang sumagot sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o talagang seryoso sa sinabi niya.
Para akong isang maliit na bata na nakahawak sa kamay ng nanay niya at sinusundan lang siya kung saan man siya magtungo. Napapangiti ako dahil hindi ko akalaing marunong rin palang bumanat ang isang Jaysel Reyes.
Malapit na kami sa parking lot ng makasalubong namin si Blake. Lalong humigpit ang paghawak ni Jaysel sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya, nginitian lang ako pero nung tumingin siya kay Blake ngumiti lang siya ng pilit.
Hi Jay, Hi Sam! Sam buti nakita kita dumating si Dad galing France. Gusto sana kitang imbitahang magdinner sa bahay mamaya. Hinahanap ka niya matagal na din kasi nung huli kang dumalaw sa bahay. May pasalubong siya sayo. Nakangiting sabi ni Blake.
Kilala na ako ng pamilya ni Blake, kapag umuuwi si Tito lagi siyang may pasalubong sakin. Dati kasi nung bata pa kami ni Blake lagi ako sa bahay nila. Ngayon, bihira na lang akong magpunta doon minsan pa nga hindi na talaga dahil maraming ginagawa at malalaki na kami nakakahiya nang magpunta roon.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, dahil ang sama na ng tingin sakin ni Jaysel. Parang natuyo bigla ang lalamunan ko. Nag-aantay lang naman ng sagot si Blake.
Sige Blake pupunta siya mamaya, ihahatid ko na lang siya mamaya tas susunduin na rin. May pupuntahan kasi kami eh. Importante yun.
Sabi ni Jaysel
Tumingin si Blake sakin na nagtatanong ang mukha niya kung totoo ba yung mga pinagsasabi nitong kasama ko. Kaya tumango-tango nlng ako bilang pagsang ayon sa mga sinabi ni Jaysel.
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romance"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.