"So ano naman ang mga na-realized mo?" curious na tanong niya sa akin
Unti-unting bumalik sa aking isipan ang mga nangyari last five years ago. Nagflashback lahat kumbaga.
Nasa Baguio kami noon ni Samantha for a weekend vacation. It went smooth and good, napakasaya namin noon.
Until one day, we decided to tell her parents about our relationship. Hindi nila kami matanggap, sinampal pa si Sam ng nanay niya. Napakasakit na mga salitang binitawan nila sa amin. Hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataon para makapagpaliwanag, pinalayas nila ako sa bahay nila at hiwalay na rin daw kami ni Samantha.
Pinaglayo kaming dalawa, hatid sundo na siya palagi ng daddy niya sa school. Nagpalit na rin siya ng number niya, nakadeactivate din lahat ng accounts niya sa social net.
Wala kaming communication at all. Iniiwasan na niya ako, kahit pa magkaklase kami hindi niya ako pinapansin. Para lang akong isang hangin sa kanya. I don't know what to do anymore. Walang direksyon ang buhay ko that time para akong mababaliw.
Napakasakit sa akin dahil natitiis niya ako't pakiramdam ko sinukuan niya lang ako ng ganun ganun na lang. Tang ina! Walang sukuan pero sumuko siya agad. Ni-hindi pa nga nagsisimula ang laban naming dalawa eh. Bumitaw na siya agad samantalang ako kayang kaya ko siyang ipaglaban at hindi ko siya iiwan ng ganun ganun na lang.
School, condo at bar ang naging routine ko araw araw. Pagkatapos ng klase namin deretso agad ako sa club, sa bar nagpapakalunod sa alak at sigarilyo. Tang ina! Ang sakit. Minsan hindi ko na namamalayang tumutulo na pala ang mga luha ko dahil sa sobrang bigat at sakit na nararamdaman ko.
Kapag nasa klase naman ako, wala akong ganang makinig sa mga Professor ko. Sa kanya lang ako nakafocused, tinititigan ko siya. Maaalala ko nanaman lahat ng masasayang araw na magkasama kami. Tang ina! Namimiss ko na siya, sobra.
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko sa pisngi ko. Napansin ata iyon ng Professor namin.
"Ms. Jaysel are you okay?" concerned na tanong niya sa akin
Tumingin silang lahat sa akin. Nagtama ang mga mata namin ni Samantha, gustong gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kanyang miss na miss ko na siya.
"Jaysel are you okay?" ulit niya
Pinunasan ko ang pisngi ko, nabasa na dahil sa luha ko.
Tumango na lang ako. Wala akong ganang makipag usap.
"Jaysel hiramin mo 'tong phone ko oh. Itext
mo siya." offer ni Victoria sa phone niyaKinuha ko iyon at hindi nagsayang ng pagkakataon. Nagpasalamat ako kay Vic, sa akin na muna daw ang phone niya at magpanggap daw akong ako siya.
Itext ko si Samantha gamit itong phone ni Vic.
"Nandito ako sa school theatre. Wait kita dito" text ko sa kanya
Ilang sandali pa'y nagreply na siya.
"Okay Vic. Papunta na ako dyan." reply niya
Nang makita niya ako, nawala iyong mga ngiti niya. Para siyang nakakita ng multo. Buti pa siya nakakangiti na.
"Samantha.." sambit ko
Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Miss na miss ko siya sobra.
"Ahh Sam." humihikbi na ako
"Namiss kita sobra. Sam mahal na mahal kita. Huwag naman sanang ganito, ang sabi mo sa akin walang susuko. Ang sabi mo sa akin mahal mo ako, iyon na lang ang pinanghahawakan ko ngayon. Bumalik ka na sa akin love. Hindi ko kaya kapag nawala ka ng tuluyan sa akin." humahagolgol na sabi ko
"Amoy alak ka." walang emosyong sabi niya kumawala siya sa pagkakayakap ko sa kanya
"Love mahal na mahal kita." punong puno ng pagmamahal na sabi ko
Hindi na rin ata niya ako natiis at niyakap niya ako ng mahigpit. Naramdaman ko na lang ang malalalim na paghinga niya, umiiyak na siya, humahagolgol na rin.
"Jaysel sorry sa lahat. Sorry kung sobrang nasaktan kita, sorry kung naging duwag ako at binitiwan kita ng ganun ganun na lang. Sorry love.. Sa tuwing nakikita kitang ganyan ka wasted, gustong gusto na kitang lapitan at sabihin sayong sobrang mahal na mahal kita. Na hindi ko kayang nagkakaganyan ka ng dahil sa akin. Love, mahal na mahal kita." sabi niya
Nagkabalikan kami ni Samantha at unti unti na rin kaming natanggap ng parents niya. Dahil wala na talaga silang magawa, nagmamahalan kami ni Samantha at ipinaglaban namin ang pag-iibigan namin.
Naging maayos na ang lahat, masaya na kami ni Samantha. After a year, may napapansin akong pagbabago kay Samantha. Lately, nagiging makakalimutin na siya. May mga bagay na nagbago. Hindi ko ma-explain..
Natatakot ako sa pwedeng mangyari baka sa pagbabagong iyon ni Samantha baka makalimutan na niya ako ng tuluyan. Hindi ko kakayanin. Ngayong maayos na ang lahat saka siya magkakaroon ng sakit. Fuck! Paano na lang ako?
Brain Tumor? God why her?
Love, I just want you to know that I love you so much and thank you for the days and years you have spend your time and efforts for me and all. I enjoy every minute of my life being with you but I guess it's time to say goodbye. I want you to be happy with some else love. Huwag ka na ulit magbibisyo at ubusin ang panahon at oras mo sa mga walang kwentang bagay katulad ng alak at sigarilyo. Alagaan at ingatan mo ang sarili mo ah. Mahal na mahal kita." Malungkot ngunit nakangiting sabi niya
Umiiyak ako. Nagpaalam na siya sa akin.. Hinalikan ko siya ng punong puno ng pagmamahal at pagkasabik. Pakiramdam ko sobra ko siyang namiss.
"Sobrang mahal na mahal kita Samantha love." Sabi ko habang hawak ang kamay niya.
Napaluha siya. Iyon na yung huli naming pag uusap.
Ilang buwan din siyang nakipaglaban sa sakit niya pero hindi rin kinaya ng katawan niya.
Ahh fuck!!! Why? Ang bilis ng mga pangyayari. Wala na siya. Wala na siya sa akin at kailanman hindi na ulit babalik.
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romance"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.