Jaysel's POV
Ilang araw na rin ang nakalipas pagkatapos ng outing namin sa Ilocos.
At heto nga nandito nanaman ako sa School para mag-aral at syempre para makita ko ang love ko. Nyehehe.
Balak kong magconfess sa kanya ng nararamdaman ko.
Nakausap ko kasi si Kuya at nasabi ko sa kanyang mahal ko na si Sam at sinabi ko rin na pinaparamdam ko iyon thru actions nga lang. Sabi nga nila, actions speaks louder than words. diba? Sabi naman ni Kuya, hindi daw sapat na iparamdam ko lang kailangan ko din daw sabihin sa kanya.
Alam niyo namang first time ko lang magseryoso sa babae. Wala akong alam sa mga ganitong bagay.
Nasabi ko rin na feeling ko mutual ang feelings namin para sa isa't isa. Sabi nanaman niya wag daw akong mag assume mas maganda na lang na sabihin ko sa kanya at makapag-usap kaming dalawa.
Kaya heto ako ngayon, hinahanap siya sa buong campus para yayaing magdinner later sa condo ko. Wala naman kasing silbi ang phone niya tinext at tinawagan ko na pero wala man lang reply at di man lang niya sagutin ang tawag ko.
Uy Jay! tumingin ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Victoria pala, kasama niya manliligaw niya.
Hi Vic. bati ko sa kanya, nginitian ko lang naman yng kasama niyang lalake.
Nakita mo ba si Samantha? tanong ko sa kanya
Kasama niya si Blake ehh. Hindi ko alam kng saan sila nagpunta. Sabi niya
Ganun ba. sige salamat. sabi ko
Kaya naman pala hindi niya sinasagot at hindi rin siya nagrereply sa mga text at tawag ko dahil kasama niya pala ang pangit na lalaking yun.
Anong gagawin ko? Yayayain ko pa ba siyang magdinner mamaya at umamin na ako sa totoong nararamdaman ko. aish! kaasar kasi yung pangit na lalaking yun. Panira
Laging agaw eksena sa love story namin ni Sam. Papansin.
Habang lumilipad ang isip ko may kumapit sa braso ko si Sam pala. Inis na tumingin ako sa kanya.
Bigla naman niyang inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Sabi ni Vic, hinahanap mo raw ako. Bakit ang sungit mo ngayon ha? nakikiramdam na tanong niya
Tapos na ba kayong magdate ng pangit na Blake na yon? naiinis pa ring tanong ko
Date na? Pinagsasabi mo Jaysel.. Nag-usap lang kaya kami.. sabi niya
Okay. Walang interes na sagot ko saka naglakad na palayo sa kanya
Galit pa rin ako sa kanya.. Magpapalamig lang muna ako ng ulo ko.
Jaysel!! malambing na tawag niya sa sakin
Lilingon na sana ako pero siyempre naisip ko dapat pa hard to get muna ako.
Medyo malayo na ako sa kanya ng bigla niyang sinigaw ang pangalan ko. Napatingin lahat ng estudyante sa kanya, tumigil ako pero hindi ako lumingon sa kinaroroonan niya.
Hoy Jaysel payatot!!! Wag kang aalis dyan sa kinatatayuan mo, mag-usap tayo!! medyo naiinis na sigaw niya.
Napangiti tuloy ako sa ginawa niya. Hindi man lang niya naisip na baka mapahiya siya ang dami na kayang nanunuod sa amin. Pero wait! Ako Payatot? Tss! Ang sexy ko kaya.
Hindi ko na rin tinangkang umalis sa kinatatayuan ko. Baka sumigaw ulit siya tas patawag pa kami sa Office ni mother dear o di kaya sa Guidance. Lagot
Tss. Ang tagal naman ng babaeng yun, lilingon na sana ako ng maramdaman ko ang malambot niyang kamay sa braso ko.
Tumingin ako sa kanya, parang walang nangyare nakangiti na ulit siya sakin. Napahawak na lang ako sa batok ko.
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romantizm"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.